Share

Kabanata - 2

last update publish date: 2026-09-12 15:28:40

Nanginginig ang mga kamay ni Lira sa kaba, ngunit nakikita niya ang matinding determinasyon sa mukha ng kaniyang anak. Si Kingston naman ay nanatiling nakatitig sa anak. Alam niyang kapag nagdesisyon si Knight, walang sinuman ang makakapagpabago ng isip nito—lalo na kung ang layunin ay ang tumulong at maglingkod.

"Sigurado ka ba rito, Knight? Ang bundok na iyon ay walang pagpapala. Isang maling galaw mo lang, maaari kang mamatay."

"Nasa ilalim ako ng pagpapala ng Diyos, Dad. At kung kailangan kong gamitin ang aking mga dating natutunan sa mafia para protektahan ang aking sarili at ang ayuda ng mga katutubo, gagawin ko. I can handle myself. You know what I'm capable of."

Isang malalim na buntong-hininga muli ang pinakawalan ni Kingston bago dahan-dahang tumango. Lumapit siya sa anak at hinawakan ang balikat nito nang mahigpit.

"Mag-ingat ka, Knight. Huwag mong kakalimutan na may naghihintay sa 'yo na umuwi rito."

"Makakaasa ka, Dad."

“Anak naman…” napaiyak na lamang ang ina niya pero wala pa rin itong nagawa kundi ang ipagdasal rin ang kalagayan niya.

KINABUKASAN bago pa man sumikat ang araw, nakahanda na ang mga truck ng ayuda sa bakuran ng munisipyo. Ang mga kahon na naglalaman ng mga bigas, delata, gamot, at mga pangunahing pangangailangan ay maayos na nakaimbak. Ang ilang mga driver at ilang boluntaryong sibilyan ay halatang nanginginig sa kaba, ngunit nang makita nilang bumaba si Knight mula sa sasakyan ay napahinto ang lahat.

Nakatayo si Knight habang suot ang mabuway ngunit marangal na itim na cassock at may kasamang white Roman collar.

"Mag-ingat ka, anak," bulong ni Lira habang niyayakap siya bago siya sumakay sa nangungunang sasakyan.

"Babalik ako kaagad, Mom, dad," sagot ni Knight at niyakap ang mga magulang.

Nagsimula ang biyahe patungo sa paanan ng kabundukan. Habang tumatagal ang paglalakbay, unti-unting nawawala ang sementadong kalsada at napapalitan ng mabatong daan na napapalibutan ng makapal na kagubatan. Ang katahimikan sa paligid ay nakakabingi—isang palatandaan na ang lugar ay kontrolado ng mga armadong grupo.

Pagdating nila sa paanan ng bundok, hindi na nakatawid ang mga sasakyan dahil sa nasirang tulay at sa matarik na daan.

"Father, hanggang dito na lang po ang mga sasakyan," kinakabahang sabi ng isa sa mga driver. "Kailangan na pong lakarin ang patungo sa tuktok kung saan naroon ang nayon ng mga Katutubong Mahinhin."

"Walang problema," kalmadong sagot ni Knight.

"Tulungan ninyo akong buhatin ang mga kahon ng ayuda. Ako ang mangunguna sa paglalakad."

Hindi pa man ganap na nakaka-baba ang makina, mabilis na lumabas mula sa makakapal na halamang-dagat at matataas na talahib ang humigit-kumulang sampung armadong lalaki. Nakatakip ang mga mukha ng mga ito ng mga pulang bandanaat kaagad na itinutok ang kanilang mga matataas na kalibre ng baril sa kabuuan ng truck.

"Bumaba kayong lahat! Baba!" sigaw ng isang lalaking may malalim na boses at may hawak na M16 rifle.

Mabilis na nagtaas ng mga kamay ang dalawang sakristan at ang mga tagabuhat na halos manginig sa takot. Mabilis ding binuksan ni Knight ang p***o ng truck. Kaagad siyang bumaba, habang nakataas ang kaniyang dalawang kamay sa hangin upang ipakita na wala siyang hawak na anumang armas.

"Maging kalmado kayo, mga kapatid. Ako si Father Knight at narito ako bilang kinatawan ng Simbahan. Wala kaming dalang kahit anong armas o kasamang awtoridad."

Pinagmasdan ng pinuno ng mga armado si Knight mula ulo hanggang paa. Ang suot nitong itim na cassock at ang kaniyang Roman collar ay naging dahilan upang bahagyang mag-alinlangan ang mga rebelde sa paglapit.

"Kumpiskahin ang sasakyan! Usisain ninyo ang loob!" utos ng pinuno sa kaniyang tatlong tauhan.

Agad na lumapit ang tatlong rebelde sa likod ng cargo truck. Binuksan nila ang tarapal at hinalughog ang bawat sulok nito. Naglabas sila ng ilang sako upang tiyakin na walang nakatagong mga baril, kagamitang pammilitar, o alinmang tracking devices sa ilalim ng mga karga.

Pagkalipas ng ilang minutong masusing pagpapakapkap at paghahanap, bumaba ang isa sa mga armado at humarap sa kaniyang pinuno. "

“Puro mga sako ng bigas, delata, kahon ng mga gamot, bitamina para sa mga bata, mga kumot, at mga damit pambata at pangmatanda ang laman. Walang kahit anong armas."

Bahagyang ibinaba ng pinuno ang kaniyang baril, ngunit nandoon pa rin ang matalim nitong tingin kay Knight.

"Sige, Father. Dahil mga ayuda lang naman pala ang dala ninyo, hanggang dito na lang kayo. Kami na ang bahalang mag-akyat ng mga tulong na iyan sa nayon ng mga katutubo. Pwede niyo nang italikod ang sasakyan ninyo at umalis."

Umiling si Knight nang may malumanay ngunit matatag na ekspresyon sa mukha.

"Hindi maaari iyon, kapatid. Bilang isang lingkod ng simbahan, hindi lamang pagkain sa tiyan ang sadya ko rito. Nais ko ring makita ang mismong kalagayan ng mga katutubo, mag-alok ng panalangin sa mga maysakit, at tiyakin na ang tulong na ito ay makakarating sa mga dapat makatanggap."

Nagdilim ang mukha ng pinuno.

"Huwag mo kaming subukan, Father! Hindi mo alam ang sinasabi mo. Teritoryo namin ito at hindi kami nagpapapasok ng mga taga-labas!"

Subalit imbes na matakot, pumasok ang pagiging smart at taktikal ni Knight. Alam niyang sa mga ganitong sitwasyon, hindi takot ang dapat ipakita kundi ang pag-unawa sa logic at pangangailangan ng kalaban.

"Magpakatotoo tayo, kapatid," panimula ni Knight habang nakatitig nang diretso sa mata ng pinuno.

"Saan kayo kukuha ng sustento para sa araw-araw ninyong pamumuhay dito sa bundok? Napakahigpit ng gobyerno sa mga pampublikong kalsada at mga daungan. Ang mga daanan ng suplay ay nakaharang. Kung patuloy ninyong haharangan ang simbahan at ang mga humanitarian group na tulad namin, mamatay sa gutom ang mga bata at katutubo sa itaas kasama na rin ang mga pamilya ninyo na maaaring naroroon din."

Natahimik ang ilang mga rebeldeng nakikinig sa paligid.

"Bilang isang pari na may pusong mamon para sa mga mahihirap, hindi ko maatim na makitang nagdurusa ang mga katutubo. Hindi ako inyong kalaban. Wala kaming mga armas. Ni wala kaming dalang selpon. Kung tutulungan ninyo kaming makapasok nang maayos ngayon, masisigurado kong magpapatuloy ang daloy ng ayuda at gamot para sa lugar na ito sa mga susunod na buwan. Ngunit kung itataboy ninyo kami, mawawalan ng pag-asa ang mga tao rito."

Napaisip nang malalim ang pinuno ng mga NPA. Nagkatinginan ang kaniyang mga tauhan at dahan-dahang tumango ang ilan sa kanila. Alam nilang totoo ang sinabi ng pari, ang mahigpit na pagbabantay ng gobyerno ay nagdulot ng matinding krisis sa pagkain maging sa kanilang sariling hanay.

"Sige," sa wakas ay sabi ng pinuno.

"Papasukin ka namin kasama ang mga tulong. Pero ikaw lang at ang dalawang batang iyan." Itinuro nito ang dalawang nakatatakot na sakristan.

Tumingin ang pinuno sa dalawang malalaking lalaking tagabuhat at sa driver ng truck.

"Kayo! Pauwiin niyo ang sasakyan! At ang dalawang higanteng ito, igagapos namin at iiwan dito para masigurong walang gagawing kataksilan!"

Naglabas ng mga lubid ang dalawang armado at pinalibutan ang dalawang tagabuhat na muling namutla sa kaba.

Mabilis na humakbang sa gitna si Knight at itinaas ang kaniyang kamay upang pigilan ang mga rebelde.

"Pakiusap, kapatid," mahinahong apela ni Knight.

"Ang dalawang lalaking ito ay mga simpleng manggagawa lamang sa tulay sa aming bayan. Mga pamilyadong tao sila na napakiusapan ko lamang na tumulong magbuhat ng mga sako ng bigas. Wala silang kinalaman sa militar o sa pamahalaan. Pakiusap, huwag ninyo na silang kantihin o igapos. Hayaan ninyo silang makauwi nang ligtas sa kanilang mga pamilya habang kami ng mga sakristan ang mag-aakyat ng ayuda."

Pinagmasdan ng pinuno ang mukha ni Knight. Nakita nito ang tapat at walang pag-aalinlangang pakiusap ng isang paring handang ipagtanggol ang kaniyang mga kasamahan.

"F-Father..." nanginginig na usal ng isang tagabuhat.

"Huwag kayong mag-alala. Umalis na kayo pabalik sa bayan at wala kayong pagsasabihan,” bulong ni Knight sa kanila. Kalaunan ay pumayag ang pinuno ng NPA.

"Sige! Umalis na kayo bago magbago ang isip ko!"

Nang mabilis na makasakay ang driver at ang dalawang tagabuhat sa truck upang bumalik sa bayan, naiwan si Knight kasama ang dalawang batang sakristan na sina Paulo at Rolando. Pinasan ng dalawang armado ang ilang sako ng ayuda habang si Knight at ang dalawang sakristan naman ay nagbitbit din ng mga lighter na kahon ng gamot at pagkain.

Sa ilalim ng mahigpit na pagbabantay ng tatlong armadong rebelde, pumasok sina Knight sa tagong lungga at lihim na landas patungo sa kabundukan ng Sitio Mahinhin.

Ang paglalakbay patungo sa mismong nayon ng mga katutubo ay isang matinding pagsubok sa katatagan. Ang daanan ay makipot, madulas dahil sa lumot at hamog, at napapalibutan ng matatarik na bangin kung saan ang isang maling hakbang ay maaaring mangahulugan ng kamatayan.

Subalit para kay Knight, ang bawat hakbang ay isang pagkakataon upang maging pamilyar sa heograpiya ng lugar. Habang naglalakad, ang kaniyang matalas na mata ay hindi lamang sa daan nakatitig. Naitala ng kaniyang memorya ang mga tagong yungib sa gilid ng bundok na ginagawang imbakan ng armas ng mga rebelde, ang mga nakatagong outpost sa matataas na puno ng balete, at ang mga likas na batis na pinagkukunan ng tubig-inumin ng mga ito.

Pagkalipas ng halos dalawang oras na pag-akyat sa masukal na gubat, unti-unting bumukas ang kagubatan at isinwalat ang nayon ng mga Katutubong Mahinhin.

Napatigil si Knight sa kaniyang paglalakad. Ang tanawin ay kapwa nakakadurog ng puso at nakakapagpayanig sa kaniyang damdamin.

Ang nayon ay binubuo ng mga tagpi-tagpi at maliliit na bahay-kubo na gawa lamang sa pinagtutugmang kawayan, tuyong dahon ng nipa, at mga lumang plastik na tarapal upang panangga sa ulan. Ang lupain ay tuyo at mabatoto, at kapansin-pansin ang kawalan ng malulusog na pananim dahil sa kawalan ng tamang kagamitan sa pagsasaka.

Ang mga katutubong may kayumangging balat, kulot na buhok, at payat na pangangatawan—ay nakatingin sa kanila mula sa pintuan ng kanilang mga kubo. Bakas sa kanilang mga mukha ang labis na pagod, gutom, at kawalan ng pag-asa. Ang mga matatanda ay nakaupo sa mga batong nakapaligid sa gitna ng nayon, habang ang mga bata naman ay walang suot na sapin sa paa at may mga kupas na damit.

Subalit nang makita ng mga bata ang mga kahon at sakong bitbit nina Knight, biglang nagbago ang kapaligiran.

"Tulong! May tulong na dumating!" sigaw ng isang batang katutubo sa kanilang sariling wika.

Mula sa iba't ibang sulok ng mga kubo ay nagsipaglabasan ang mga tao. Lumapit ang kapitan o punong-tribo ng mga katutubo, isang matandang lalaking may mga tattoo sa kaniyang braso at may suot na simpleng bahag at lumang kamiseta.

Kaagad na nag-usap-usap ang mga rebelde na tila nagpapaliwanag sila sa mga katutubong kasamahan hanggang sa sumilay ang mga ngiti at nagliwanag ang kanilang mga mukha.

"Maraming salamat sa Simbahan! Maraming salamat, Father!" sabi ng punong-tribo habang nakahawak ang dalawang kamay sa kamay ni Knight.

"Magandang araw sa inyong lahat," nakangiting bati ni Knight. Nagulat pa siya ng suotan siya ng garlan na gawa sa mga pangil ng hayop pero ngumiti lang siya at buong pusong tinanggap ‘yon.

"Hinatid lang namin ang mga tulong na ito mula sa aming parokya at nais rin namin na magbigay ng salita ng diyos. Bukod sa mga ayuda ay mayroon rin kaming mga bibliya na mabasa-basa ng mga bata pati kayong mga matatanda.”

Mabilis na inilatag nina Paulo at Mateo ang mga kahon sa gitna ng nayon. Nang buksan ni Knight ang isa sa malalaking kahon, lumantad ang libo-libong makukulay na kendi, tsokolate, at iba't ibang uri ng mga laruan, mga kotseng plastik, boneka, at mga pangkulay na libro.

Ang mga mata ng mga bata na kanina lamang ay puno ng lungkot ay biglang nagniningning sa labis na kagalakan.

“Subalit Father, kami ay hindi marunong magsulat at magbasa kaya wala pa rin silbi ang inyong bibliya.”

Natigil si Knight sa sinabi ng isang ginang at mas lalo siyang naawa hindi para sa mga matatanda kundi sa mga batang bagong sibol na magiging katulad rin ng mga magulang nila.

"Mga laruan!" sigaw ng mga bata habang nag-uunahan sa paglapit.

Ipinamahagi ni Knight ang mga kendi at laruan sa bawat bata. Ang tawanan at saya ng mga musmos habang hawak ang kani-kanilang mga simpleng laruan at kumakain ng kendi ay nagdala ng isang mainit at kakaibang pakiramdam sa dibdib ni Knight. Sa kabila ng kahirapan at panganib sa paligid, ang simpleng kagalakang iyon ay tila nagpabago sa kapaligiran ng buong bundok.

Habang abala ang mga sakristan sa pagbibigay ng mga sako ng bigas, delata, at mga damit sa mga nakatatanda, si Knight naman ay naglakad-lakad sa paligid ng nayon upang suriin ang kalagayan ng pamayanan at ipagpatuloy ang kaniyang pakikipag-usap sa mga katutubo.

Habang naglilibot ang kaniyang tingin sa mga tagpi-tagpi at maalikabok na kubo, ay biglang napahinto ang kaniyang mga paa nang may umagaw sa atensyon niya. Sa ilalim ng lilim ng isang lumang haligi sa dulo ng nayon, may isang pigura na agad sumakop sa kaniya. Naglakad siya palapit at doon niya tuluyang nasilayan ang isang dalaga.

Para kay Knight, sa sandaling magtagpo ang kaniyang tingin sa dalaga, tila tumigil ang pagtakbo ng oras ni ang hangin ay hindi niya maramdaman at wala siyang ibang naririnig kundi ang mabilis na pagkabog ng kaniyang puso na tila ba mga kabayong nag-uunahan sa pagtakbo.

Ang dalaga ay may kulay-morenang balat na tila hinulma ng araw at lupa, ngunit ang kaniyang mukha ay may taglay na napakabihira at napakagandang hubog. Ang kaniyang mga labi ay natural na pinkish, at ang kaniyang buhok ay maitim at kulot lang ang dulo hindi katulad sa ibang katutubo na sobrang kulot mula sa tuktok. Pero ang dalagitang ito ay kakaiba sa lahat. Ngunit ang pinakanakakamangha sa kaniya ay ang kaniyang mga mata.

Sa kabila ng kaniyang pagiging katutubo at morena, ang kaniyang mga mata ay may kulay na napakalalim at napakalinaw na bughaw—isang kulay-bughaw na tila karagatan.

“H–Hello…” bigla siyang nautal na hindi niya mawari.

Pero ang dalaga ay sumiksik nang husto sa may gilid ng haligi. Ang kaniyang dalawang maliit na kamay ay mahigpit na nakayakap sa isang lumang kumot at lumang damit na tila ginagawa niyang sanggalang. Nanginginig ang kaniyang buong katawan habang nakatitig kay Knight tila takot na takot ito sa kaniya o sa kahit sinong taga-labas na pumapasok sa kanilang nayon.

"Huwag kang matakot," banayad at napakalambing na boses ni Knight.

"Hindi ako narito upang saktan ka."

Mas lalong humigpit ang yakap ng dalagita sa kaniyang hawak na damit, at ang kaniyang mga kulay-bughaw na mata ay mas lalong nanlaki sa kaba, habang nakatitig sa lalaking nakasoot ng pang-pari na may taglay na kakaibang karisma at kapayapaan sa mukha.

“A–Ako si Fathe… ako si Knight ikaw, anong pangalan mo?” malambing niyang boses.

“D–Danah…” tugon ng dalaga at napangiti si Knight. Hindi niya alam kung ano itong nangyayari sa kaniya at bigla siyang napasaya sa mahinang tinig pa lang ng dalaga ay tila mga anghel na kinakantahan siya sa himpapawid.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Desiring The Priest (SSPG)   Kabanata - 2

    Nanginginig ang mga kamay ni Lira sa kaba, ngunit nakikita niya ang matinding determinasyon sa mukha ng kaniyang anak. Si Kingston naman ay nanatiling nakatitig sa anak. Alam niyang kapag nagdesisyon si Knight, walang sinuman ang makakapagpabago ng isip nito—lalo na kung ang layunin ay ang tumulong at maglingkod."Sigurado ka ba rito, Knight? Ang bundok na iyon ay walang pagpapala. Isang maling galaw mo lang, maaari kang mamatay.""Nasa ilalim ako ng pagpapala ng Diyos, Dad. At kung kailangan kong gamitin ang aking mga dating natutunan sa mafia para protektahan ang aking sarili at ang ayuda ng mga katutubo, gagawin ko. I can handle myself. You know what I'm capable of."Isang malalim na buntong-hininga muli ang pinakawalan ni Kingston bago dahan-dahang tumango. Lumapit siya sa anak at hinawakan ang balikat nito nang mahigpit. "Mag-ingat ka, Knight. Huwag mong kakalimutan na may naghihintay sa 'yo na umuwi rito.""Makakaasa ka, Dad."“Anak naman…” napaiyak na lamang ang ina niya pero

  • Desiring The Priest (SSPG)   Kabanata - 1

    “Have you taken your vow yet, Father?" Isang malanding tinig na pumutol sa pagmuni-muni ni Knight. Puno ng makapal na kolorete ang mukha at halatang kinapos sa tela ang suot na dalawang metrong piraso ng damit. Humahalimuyak ang matapang nitong pabango habang bahagyang dumidikit ang katawan nito sa kaniyang braso at ngumunguya pa ng bubblegum. Napabuntong hininga nang malalim ang binata. Dalawang buwan na lamang at oordinahan na siya upang maging ganap na pari. Bago ang kaniyang huling hakbang sa bokasyon, binigyan siya ng pamunuan ng seminaryo ng tinatawag na period of discernment, isang maikling panahon upang makapag-isip sa labas ng kumbento at mapatunayan sa kaniyang sarili na karapat-dapat siyang maging tagapaglingkod. Nasa gitna sila ng tinatawag nilang Paradise Island. Isang pribadong isla sa gitna ng karagatan na binili ng angkan ng mga Montenegro ilang dekada na ang nakalilipas. Mula sa kinatatayuan ni Knight, kitang-kita ang ganda ng paligid, ang kulay turkesang tubig-d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status