Share

16 - The talk part 2

Kumunot ang noo ko bago sinalubong ang mata niya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo."

Rule number one, huwag aaminin. Magmamaang maangan na lang muna ako baka makalusot. Ganoon ang laging ginagawa ko kapag may kasalanan ako at nahuhuli ni mama, sana nga lang effective sa kaniya.

Gumalaw ang gilid ng labi nito. Kulang na lang maduling ako dahil sa sobrang lapit niya. Malapit na ngang magtama ang mga ilong namin. Naamoy ko na rin ang hininga niya, in fairness ang bango, amoy mint ito. Hindi ba uso sa kanya ang salitang space? Bakit kailangan pa niyang lumapit sa akin ng husto?

Hindi naman ako bingi maririnig ko naman ang sasabihin niya kahit hindi siya dumikit sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mailang dahil kulang na lang ay magkapalit kami ng mukha.

Humugot ako ng malalim na hininga bago siya itinulak palayo sa akin pero hindi man lang ito natinag bagkos hinawakan pa niya ang kamay ko na nakatuon sa dibd*b niya upang bigyang espasyo ang pagitan naming dalawa.

Pinigilan kung hindi mahigit
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Che Palmes Cordero
Hahahaha next chapter plssssss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status