Share

Capitulo 2

 

 

"NASAAN na si Alessandra?" bungad ni Doña Claudia sa kuwarto ni Alexa. The woman in her fifties looked glamorous in an emerald long, green dress. The fine raffles around her turtle neck was complimented by a set of gold medallion necklace. Pinangko ng ginang ang maypagka-brown nitong buhok. Even the sublte makeup appeared perfectly on her delicate looking skin.

"Buenas dias, Doña Claudia," bati ni Sofia kasabay ang isang yuko. "Nasa baño na po si Señorita."

"Con rapidez! Alam mo namang mabagal gumayak ang babaeng iyan. Magtatanghali na pero hindi pa niya nasisimulan ang kanyang araw. Marami pa siyang kailangang gawing paghahanda para sa magiging kasiyahan. Iang oras na lang ay magsisidatingan na ang mga bisita. Siguraduhin mong handa na si Alessandra pagsapit ng alas onse, Sofia. Ayaw kong mapahiya sa mga bisita!" Laging mataas ang boses nito lalo na kapag nang-uutos.

"Si, Doña Claudia." Iyon lang at tumalikod na ang ginang.

Pagkabalik ni Alexa ay nagmamadaling tinulungan ni Sofia ang babae sa pagbibihis.

"Ano 'to, corset? Ayoko n'yan, nahihirapan akong huminga!" Ngunit sinimulan nang ipulupot iyon ni Sofia sa katawan niya.

"Kailangan ninyo ito, Señorita. Ihinto na ninyo ang pagrereklamo."

"'Wag mong masyadong higpitan, kapag kakain ako mamaya baka mahimatay na 'ko sa higpit. Saan na ang dress ko?"

"Nasa tokador, aayusin muna natin ang buhok ninyo at maglalagay tayo ng kaunting pampakulay sa inyong labi."

"You mean, lipstick?" Hindi na ito sumagot, sa halip ay pinaupo siya sa harap ng bilog na vanity mirror. Binuksan ang drawer at naglabas ng gamit.

Nang matapos ang ginawang pag-aayos ay nasiyahan naman si Alexa sa nakikita sa repleksyon. Kahit siya ay hindi makapaniwala na ang sarili ang kaharap sa salamin. Pinangko nito ang buhok niya na pinaumbok sa itaas ng ulo. Medyo loose ang pagkaka-ayos niyon kaya naaayon sa may kaliitan niyang mukha. May pinatong itong gintong panyeta sa kanyang buhok. Flowers ang design at may pearls na nakadikit. Pinatungan lang ng pulbo ang makinis naman na niyang mukha at nagbahid ng parang lipgloss na pink sa labi. Presto, tapos na sila. She can't help but feel satisfied. Nagtataka siya kung bakit maganda na ang resulta kahit pulbo at lipstick lang ang nilagay sa mukha niya.

"Teka." Naghila si Alexa ng ilang hibla ng buhok niya sa magkabilang gilid ng pisngi at pinaikot iyon sa daliri, hinayaang malaglag lang. "Perfect."

"Natutunan ba ninyo iyan sa Amerika, Señorita?"

"Ah–parang ganoon na nga," aniyang napangiti.

Sabay na napalingon ang dalawa nang marinig ang mahinang katok sa pintuan. "Señorita Alessandra, pinapatawag na po kayo ng Don at Doña sa ibaba. Narito na po ang mga bisita," rinig nilang sabi ng boses ng isang dalagita.

"Matatapos na kami. Sabihin mong pababa na 'ko," saad ni Alexa na bahagyang nilakasan ang boses.

"Masusunod po." Kasunod niyon ay narinig na nila ang mga yabag nito palayo ng kuwarto.

"Handa ka na ba?" nakangiting tanong ni Sofia.

"Hmm, handa na. Salamat, Sofia."

"De nada, Señorita, napakaganda ninyo."

"Salamat."

"Mauuna na ako, sumunod na rin kayo," saad nito at lumabas ng kuwarto.

 

***

 

Alexa gently filled her chest with air as she scanned the crowd below her. Nakagayak ang lahat sa kani-kanilang magagandang damit. Everyone looked gorgeous and elegant kahit ang mga lalaki ay naka-amerikana lahat. Wide smiles broke their lips as she took a slow paced walk down the spiral stairways.

Itong-ito ang pinangarap niya noong kabataan. Kahapon lang, noong nakita niya ang malaking hagdan na iyon ay naisip niya kung ano ang pakiramdam ng maglakad doon suot ang pinakamagandang damit at matitingkad na alahas.

Sofia let her wear a set of diamond jewelries. Sa leeg ay nakakasilaw sa gandang diamond necklace. May malaking cut sa gitna niyon at ang chain ay tinadtad ng maliliit na piraso. Ganoon din ang hitsura ng stud earrings at singsing niya, mukhang genuine ang mga iyon base sa kinang na binibigay nito. Ang damit niya isang magandang ball gown na kulay white and purple.

Ilang hakbang mula sa ibaba ay sumalubong ang balingkinitan na babaeng nakasuot ng green na long dress. Sa hinuha niya ay nasa late forties na ito pero hindi pa rin maitatanggi ang ganda. A classic one, but there's something in her eyes na hindi siya komportable.

"Smile, Alessandra," she whispered, flashing a sweet smile to the crowd.

Nabaling ang tingin ni Alexa sa matandang lalaki na kasunod. The warmth in his gaze as he extended his wrinkly hand to her told her that he is Don Pablo Monserrat, Alessandra's father. She could sense the stiffness in his demeanor kaya na-assume niya na strikto itong tao. Matikas din ang tindig nito sa gray na amerikana. Agaw pansin ang streaks of gray hair sa magkabilang gilid ng ulo nito sa itaas ng tainga. Hindi kakitaan ng kahit isang balbas sa pisngi.

"Eres muy precioso, hija," he said as he assisted her to the last steps.

Napangiti na lamang siya dahil hindi niya naintidihan ang sinabi nito. Malapad din ang ngiti ng may kaputiang lalaki na katabi nito na kasing tangkad lang ng matanda ngunit mas bata. Sa tantiya niya ay nasa mid-twenties lamang ang edad nito. He was well dressed in a black suit na binagayan ng puting inner shirt at itim din na kurbata. Katamtaman lamang ang pangangatawan base sa bakat ng hubog nito sa suot na damit. Hindi kayang guluhin ng buga ng hangin ang buhok nitong mukhang pinaliguan ng hair gel; however, she couldn't help herself but exchange a sweet smile with him dahil nakakahawa ang magandang bukas ng mukha nito. Actually, he's a good looking lad, kahawig ng babaeng sumalubong sa kanya kaya naisip niyang si Joselito sigurado ang kaharap niya.

"Bienvenido, Alessandra!"

"Hi, Alessandra!"

"We're so glad you're back!"

Iyon ang mga natatanggap niyang pagbati mula sa iba't ibang mukha na sumalubong sa kanya. Minsan, buong pamilya pa ang lumalapit para kumustahin siya. It was exhausting, lalo at nangangapa siya kung ano ang dapat itugon. She didn't know any of them. The thought of her living in America for years at kababalik lang ay malaking tulong para tabunan ang cluelessness niya sa mga identity nito.

'Saan na ba si Sofia?'

"How's my lovely younger sister? Mukhang hindi mo naibigan ang inihanda namin para sa iyo."

Napalingon si Alexa sa lalaking nakangiti sa likuran. It's the gentlemen in black suit, Joselito Bueno. May bitbit itong goblet na may lamang yellowish na maiinom sa kanang kamay. Mukhang nakapag-aral sa higher education ang step-brother niya dahil sa maayos nitong kilos at pananamit. Maging ang pananalita nito ay desente at pormal, actually hindi nababagay sa bukid.

"Joselito... hindi naman. Medyo nanibago lang ako, ang dami kasing tao."

"Oh, yes. Of course. Hindi natin patatagalin ang kasiyahang ito. Kakausapin ko ang mga magulang natin para sa bagay na iyan. Sa ngayon, maaari kang magkubli muna. Malayo sa mga nakakarinding panauhin. Ako na ang bahala sa kanila," ngisi nito na medyo hininaan ang boses.

"Talaga? Okay lang?"

"Si, Señorita."

"Salamat, Joselito!" May kagalakan niyang iniwan ang tabi ng lalaki at ipinagpatuloy ang paghahanap kay Sofia. Eksakto namang may dumaan na hula niya ay kasambahay dahil ang damit na suot nito ay kapares ng sa nakikita niyang uniform ng mga maids. May puting apron din na may raffles ang gilid na suot ito.

"E-excuse me." Agad na lumingon ang tinawag.

"Señorita, may kailangan po kayo?"

"Si Sofia, nasaan?"

"Nasa kusina po," sagot nito na may bahagyang ngiti sa mga labi.

"Saan ang kusina?"

Napakunot man ang noo ay magalang pa rin itong sumagot. "Baybayin po ninyo ang daan na iyan pagkatapos ay lumiko kayo sa kanan."

"Sige, sige, salamat."

"Tutuloy na po ako," saad nito na tumalikod na.

Kagaya ng binigay na direksiyon, pinuntahan niya ang kusina.

"Sofia," bungad niya nang makita ang hinahanap. Napalingon ang apat na babaeng abala sa mga gawain sa kusina.

"Señorita, ano ang ginagawa ninyo dito? May kailangan kayo?" tanong ni Sofia at lumapit sa kanya.

"Halika muna."

Naghubad ng apron ang babae at sumunod sa kanya sa isang sulok.

"'Wag mo akong iwanan, wala akong kakilala kahit isa doon!" nanggigigil niyang bulong.

Napabuga ng hangin si Sofia. "Sige, tatapusin lang namin itong hinahanda ni Manang Carmen. Naawa ako sa matanda kaya tinulungan ko."

"Sige, sige," tango ni Alexa. "Hihintayin kita, puntahan mo ako doon sa sala."

"Si, Señorita." Tumalikod na ulit ang babae at pumasok ng kusina.

 

***

"Bakit hindi ko nakikita si Alessandra sa salon? Hanapin ninyo siya at dalhin ninyo pabalik sa kasiyahan!" rinig ni Alexa, base sa nanggigigil na tono ng salita ng Doña ay mukhang kanina pa ito naghahanap sa kanya.

May something talaga sa ugali ng babaeng iyon. Mas lalong ayaw niyang magpakita at bumalik sa boring na party.

Angat ang mahabang palda, nagmartsa siya paalis ng bahay mula sa nakitang pintuan malapit sa kusina. Kung hindi siya nagkakamali ay likod-bahay na ang gawi na iyon.

Hindi maiwasan ni Alexa ang mapapikit at punuin ng malinis na hangin ang baga nang makalabas sa mansyon. Mas pipiliin niyang harapin ang mga damo at puno kaysa makiharap sa mga taong ngayon lang niya nakilala.

Sa pagdilat ng kanyang mga mata ay nahuli ng paningin niya ang puting paruparo na dumaan sa kanyang harapan. Tila masaya itong bumabati sa kanya sa pamamagitan ng paglipad sa itaas ng kanyang ulo.

"Magandang hapon naman sa 'yo."

Sinundan niya ng tingin nang lumayo ang kaakit-akit na nilalang patungo sa mababang pader, ilang metros mula sa kanyang kinatatayuan. Napukaw ang curiosity ng babae nang mapansin na may espasyo na nakatago sa likod niyon. Pagkatapos magpalinga-linga at masigurong walang ibang taong nakakakita ay tinungo niya ang bagong natuklasan.

"Garden?"

Roses with different colors were scattered on the ground, kaso halos kinain na ang buong lugar ng mga damong ligaw. Mukhang tuluyan nang pinabayaan ang garden na iyon dahil wala siyang nakikitang bakas ng tao. Pinagala ni Alexa ang paningin at excited na nilapitan ang kahoy na gate. May malaking kadenang tadtad sa kalawang ang basta nalang inikot. Dahil wala namang padlock, walang kahirap-hirap na kinalas niya iyon at pinabayaan lang sa lupa. Nahagip ng paningin ni Alexa ang lumang rake na nakatayo sa gilid ng gate kaya ginamit niya iyon para panghawi ng damo.

Tantiya niya ay nasa kulang-kulang fifty square meters ang laki niyon, masyado nang luma at nagkasira-sira, tinakpan na nga lang ng lumang drum ang butas ng likurang bahagi ng garden.

'Sayang naman kung mamamatay lang ang lahat ng bulaklak dito. Kaya na namin ni Sofia 'to.'

Nagtagpo ang mga kilay ni Alexa nang may maulinigang animo ay lagaslas ng tubig. A faint sound na kung hindi pagtutuunan ng atensiyon ay halos hindi na mapapansin.

Napalingon siya sa gubat na nasa kabilang bahagi ng pader.

"May sapa?"

A stubborn grin stretched her lips, nakakatuwa talaga ang bukid. "Pero pupunta ako sa sapa nang ganito ang hitsura?" tanong niya sa sarili habang niyuko ang suot na damit, but then shoved away the thought. "Sisilipin ko lang naman."

Dahil sa sirang pader ay hindi nahirapan si Alexa na tawirin ang kabila niyon, tinumba niya lang ang lumang drum.

It took her eternity para bagtasin ang kakahuyan. Mabuti na lang at hindi gaanong mahaba ang mga damo sa parteng iyon. Siguro dahil dikit-dikit ang naglalakihang punong-kahoy kaya hirap makapasok ang sikat ng araw. Hindi gaanong nakakatanggap ng sustansiya ang mga halaman. Akala talaga niya ay malapit lang ang narinig na sapa, gusto na niyang sisihin ang sarili kung bakit pa sumuong sa lugar na iyon. Idagdag pa na mas lalo siyang pinagpawisan sa klase ng damit na suot niya.

Pagkatapos ng ilan pang minutong lakaran, a few more meters and she could guess the water is next to her. Kaya kahit hinihingal at pagod na ang mga paa–huwag nang banggitin pa na lumulubog na ang araw–she indulged herself and carry on with her adventure.

Napangiwi si Alexa dahil habang lumalapit siya sa sapa ay nagiging malambot at madulas na ang lupa. Delikado ang paa niya sa two inches heels na suot na sapatos.

She carefully took her steps, grabbed some twigs to support herself when a sound of water splashes made her jolt and stop.

'May tao!'

She could feel her eyes popped out as she hastily gasped some air. Frozen as a figure suddenly emerged from the waters–it was a man covered on little to no clothing as droplets of water fell down from his glistening bronzed skin; tracing it. His broad back was facing towards her direction, allowing her to see such form of masculinity down to his bottom. Tanging binti lang nito ang naiwang nakalubog sa tubig.

Aside from his godly plumped buttocks and shapely yet mascular waist, umagaw sa atensyon niya ang napakaitim at lampas balikat nitong buhok. Nag-aagaw man ang liwanag sa kadiliman pero malinaw pa rin sa paningin ni Alexa ang paggalawan ng mapipintog nitong muscles dahil sa dilaw na ilaw na nanggaling sa batuhan malapit nito. Literal na napaawang ang bibig ni Alexa nang hawiin nito ang buhok patalikod.

"Wow..."

The man was breathtakingly beautiful. Perpekto ang hubog ng katawan at tangkad nito. Wari ay nakatitig siya sa live portrait ng isang greek god.

Alexa's knees went weak by the scandalous sight, kaya napahawak siya sa baging na nakalambitin sa punong-kahoy. Ngunit bago pa niya maisipan na malaking kamalian iyon ay nawalan siya ng balanse at dumausdos sa lupa. Sumabit pa ang laylayan ng damit niya sa nakausling ugat at napunit. She could just squeak in terror.

"Sino iyan?" sigaw ng lalaki. Kahit ang boses nito ay lalaking-lalaki, puno ng awtoridad. Narinig niyang umalis ito sa tubig kaya natakpan niya ang kanyang bibig ng kamay.

"Lumabas kang pangahas ka! Walang kuwenta ang iyong pagtatago dahil nasa teritoryo kita." Saglit itong tumahimik pero nariringgan ni Alexa ang mga kaluskos. "Kung hindi ka susuko ngayon ay sisiguraduhin kong papatawan ka ng matinding parusa!" banta nito na epektibo sa kanya dahil ano lang naman ang lakas niya kumpara sa isang malaking lalaki. Baka katayin siya nito na parang baboy damo, walang makakaalam.

Takot man ay dahan-dahan siyang tumayo nang nakapikit, habang pilit kinakapa ang puno na nasa tabi para huwag uling mabuwal.

"S-sorry, Mister. Hindi ko naman alam na may naliligo pala dito at... hubo't hubad."

Alexa could hear her heart pounding inside her throat. Nagsimula nang uminit ang kanyang katawan sa hindi siguradong rason. Kung dahil ba sa nasaksihan o dahil sa pagkakadulas. She slowly opened her one eye nang walang tugon na narinig mula dito. Nabawasan ang pagkaasiwa niya dahil nagawa na pala nitong magsuot ng pantalon pero napaatras siya nang makita ang hawak nitong itak.

"T-teka..."

Sa liwanag na nanggaling sa ilaw na gamit nito ay nakita ni Alexa ang pagtaas ng labi ng lalaki sa isang nakakabighaning ngiti. Wari ay nagwawala na naman ang puso niyang ngayon lang nakatagpo ng nilalang na ubod ng ganda.

"Hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon tayo unang magtatagpo, Binibing Alessandra."

Kilala siya ng lalaki? Sino pala ito? Kamag-anak niya? Empleyado? Kumalma ang kalamnan ni Alexa nang makitang ibinalik nito ang itak sa lalagyan at ibinaba sa bato.

"S-sino ka?" Hindi pa rin siya makagalaw sa kinatatayuan, hinahanda ang sarili sa pagtakbo.

"Paumanhin kung hindi ko kaagad naipakilala ang aking sarili. Ako si Juan Diego Velez," anitong nilagay ang kamay sa dibdib at bahagyang yumuko.

"K-kilala mo 'ko?"

From sexy to charming, how dumbfounding he can be as he looked coy when he tilted his head and posed an amused smile.

"Sino ba ang hindi nakakakilala sa ganyan kagandang binibini? Ikaw ang prinsesa ng familia Monserrat... Maaari ko bang malaman kung bakit ka narito?" Humakbang ito palapit sa kanya kaya napaatras siya. "Natatakot ka ba?"

Hindi siya sumagot pero nanatiling nakatitig lang dito. Kahit ang boses nito ay kaysarap sa pandinig. Baritono pero swabe, at ang pananalita nito ay diretso ngunit magalang.

"Wala akong gagawin na labag sa iyong kagustuhan, Binibining Alessandra. Ngunit mukhang nasaktan ka kanina," anitong sinulyapan ang palda niyang napunit na pala at hantad ang kalahati ng hita niya. Agad niyang iyong tinakpan. "Kung mamarapatin mo ay nais kitang tulungang linisin ang iyong sugat nang sa ganoon ay hindi na lumubha."

Pagkatapos ng ilang sandaling pag-iisip ay inabot ni Alexa ang nakalahad na kamay ng lalaki. Masakit pa rin ang balakang niya. Bakit ba lagi na lang siyang naaaksidente sa panaginip na iyon?

Maingat siya nitong inalalayan sa isang malaking bato at pinaupo katabi ang isang malaking gasera. Doon pala nanggaling ang liwanag na kanina pa niya nakikita

"Gaya ng itinanong ko, bakit ka naririto?"

"N-narinig ko kasi ang tubig kaya pinuntahan ko."

"Ganoon ba?... Nasugatan ka." Nakatingin si Diego sa kamay niyang dumudugo. Gasgas lamang iyon pero mukhang napalalim nang kaunti. "Halika, linisin natin."

Tila may kuryenteng naglakbay sa braso niya nang hawakan siya ng binata kaya nahila niya pabalik ang kamay.

"Paumanhin. Hugasan mo ang iyong sugat sa batis at siguraduhin mong malagyan kaagad ng gamot iyan pagdating mo sa inyong bahay."

She can't take her eyes off of him. Mas lalo niyang nakumbinsi ang sarili na panaginip lang ang lahat dahil sa hindi kapani-paniwalang anyo ng kaharap. The man was quite huge and very toned, wala pa rin itong damit pang-itaas kaya kaharap niya ang malapad nitong dibdib. Mula sa dibdib ay dumaloy ang titig ni Alexa sa impis na tiyan. Dahil naka-squat ang lalaki sa harap niya ay nasisilip ng babae ang umbok ng abs niyo. Masyadong malinaw at totoo ang features na nakikita niya para sa isang panaginip lang. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung ano ang pakiramdam niyon sa balat niya. Masarap kaya itong yumakap? Uminit ang pakiramdam ni Alexa sa pilyong naisip.

Pilit niyang hininto ang harap-harapang pagpapantasya bago pa mahalata iyon ng lalaki at nilingon ang daan na pinanggalingan.

"A-ako na'ng bahala, gusto ko nang umuwi. Wala bang short cut mula dito pauwi sa mansyon?"

"Sa pagkakaalam ko ay wala."

Bumahid ang pag-aalala sa mukha ni Alexa. "Ibig sabihin maglalakad uli ako nang ganoon kalayo?"

"Matatandaan mo pa ba ang iyong daan?" Mahinang umiling ang dalaga.

Tumangu-tango itong tila nag-isip. "Walang problema, ihahatid kita."

"Talaga? Salamat... Juan Diego."

"Diego," nakangiti nitong sabi.

"Diego..."

"Sa isang kondisyon." Napakunot ang noo niya sa huli nitong sinabi. "Magpunta ka muli dito bukas ng hapon, alas kuwatro."

"Bakit?"

"Siyempre, dahil gusto kitang makita." Nasorpresa si Alexa sa kaprangkahan ng kaharap. Mukhang babaero pala.

"S-sige." She can't help it, napakalakas ng atraksiyon niya sa lalaki at ayaw din niyang tapusin lang nang ganoon ang pagtatagpo nila. Napangiti ito sa sagot niya kaya lumitaw ang isang biloy sa gilid ng kaliwang labi.

"Kung gayon ay umalis na tayo," pagkuwa'y saad nito na tumayo at inilahad ang kamay sa kanyang harap.

Binagtas nila ang daan pabalik sa hardin sakay ang isang kabayo. Nakatagilid siyang naka-upo sa harap nito kaya langhap niya ang natural na amoy ng lalaki sa suot nitong cotton shirt.

"Matatandaan mo na ba ang daan na ito patungo sa batis bukas? Kung hindi ay maaari kitang sunduin sa mas malapit."

"Mukhang matatandaan ko na. Hindi naman pala ganoon kalayo, sa una lang."

Ilang hakbang mula sa hardin ay huminto sila at ibinaba siya nito.

"Mag-iingat ka, Señorita."

"Salamat ulit sa paghatid, Diego."

"Bukas, maghihintay ako sa iyo," saad nito bago tumalikod at pinatakbo ang kabayo.

"Alessandra, saan ka nagtungo? Hinanap ka ng mga bisita kanina at... bakit ganyan ang anyo mo?" puno ng pagtataka ang mukha ni Claudia nang makita ang palda niyang punit.

"Naglakad-lakad lang po ako sandali diyan sa labas, tapos sumabit po sa sanga ng kahoy ang palda ko. Wala po ito."

"Ilang beses kang pinaaalahanan na huwag basta-bastang magliwaliw kahit saan at ilang beses ka ring sumusuway. Ganyan ba talaga ang kinalakhan ng mga tao sa Amerika?" Napabuga ito ng hangin. "Sofia, tulungan mo ang iyong Señorita sa pag-aayos."

"Masusunod po, Doña Claudia."

Nagpatiuna si Sofia na umakyat sa kuwarto niya at sumenyas sa kanyang sumunod dito.

"Saan mo nakuha ang mga duming ito, Señorita? At nasugatan ka pa," pagkuway tanong sa kanya nang sila na lamang dalawa.

"Habang hinihintay kitang matapos, nagpunta ako diyan sa likod at may nakita akong garden. Teka, bakit ganyan lagi ang Doña? Parang laging galit sa akin."

"Huwag mo nang alalahanin iyan, masasanay ka rin."

"Iyong garden nga pala, sayang naman kung pabayaan na lang iyon, ayusin natin."

"Ang garden na iyon... ay pagmamay-ari ng yumaong Doña Felistine at simula nang nawala siya ay hindi naasikaso ng mga tao. Pinasara na rin mismo ng Don ang lugar na iyon."

"Bakit naman?"

"Hindi ko alam, Señorita."

"Mukha ngang wala nang napupunta doon, may butas na nga ang pader sa kalumaan. Siya nga pala, Sofia"–Alexa leaned towards the woman and lowered her voice–"nagpunta ako doon sa likod ng garden, may batis pala doon?"

"B-batis?"

"At, at alam mo ba, may nakilala akong pogi–no–gwapo!" namimilog ang mga matang hinarap niya ang babae. "Siya na siguro ang pinakagwapong lalaki na nakilala ko sa tanang buhay ko."

"A-ano ang... pangalan niya, Señorita?"

"Diego. Juan Diego Velez, iyon ang pagpapakilala niya. Kilala mo ba siya?"

Napaangat ng tingin si Alexa nang maramdamang natigilan ang kasama. Hilakbot ang nakikita niya sa maamo nitong mukha, parang nakarinig ng nakakatakot na balita.

"S-Sofia, bakit?"

"Nagkita kayo ni D-Diego, Señorita?"

"Oo... bakit? Ano'ng problema? Bakit parang takot na takot ka?"

"Ano'ng ginawa niya sa inyo?" Nabigla si Alexa nang hawakan siya ng babae sa magkabilang balikat. "Sinaktan niya ba kayo? Binantaan? Sabihin ninyo sa akin ang lahat at sisiguraduhin kong mananagot ang lalaking iyon! Kapag nalaman ito ng Don at Señor Jose ay hinding-hindi nila palalampasin ang pamilyang iyon!" Mababanaag ang matinding pagkabahala sa anyo ng dalaga. Hinagip nito ang braso niyang may sugat, "Siya ba? Siya ba ang may gawa nito?"

"Teka lang, relax! Okay lang ako. Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?"

"Señorita, binantaan ka ba niya para hindi ka magsumbong? Ano ang ginawa niya sa inyo?"

"Wala kaya huminahon ka. Actually, meron. Tinulungan niya ako kasi nadulas ako at hinatid niya ako dito pauwi. Iyon lang naman ang ginawa niya, bakit parang takot na takot ka d'yan?"

"Sigurado kang hindi ka niya sinaktan?"

"Yes. Ang bait nga niya, e," saad niyang may ngiti sa labi. "Teka, bakit ganyan ka maka-react? Kilala mo ba siya? Umupo ka nga muna." Hinila niya ang babae sa tabi niya.

"Sino ba ang hindi nakakakilala kay Diego, Señorita? Siya ang panganay na anak ng mag-asawang Socorro at Ricardo Velez. Ang pamilyang mortal na kaaway ng pamilya ninyo."

"Mortal na kaaway? Bakit mortal, ano'ng nangyari?"

"Hindi ko din alam ang buong detalye. Ang narinig ko lang ay agawan sa lupa ang simula."

"Gaano kalala?"

"Noong isang beses na nagharap ang ama mo at si Diego, nagbitiw ito ng banta na kung sino man ang yayapak sa lupain ng mga Velez ay hindi nila hahayaang makalabas nang ligtas. Kaya labis ang pag-aalala ko sa inyo, Señorita." Ramdam ni Alessandra ang takot nito para sa kapakanan niya.

"Pero totoong wala siyang ginawang masama sa akin, Sofia. Napakabait niya at magalang." Hindi na niya binanggit sa kausap na may plano silang magkita ulit kinabukasan ng lalaki.

"Siguradong magagalit ang lahat lalo na ang Don kapag nalaman nila ang nangyari sa iyo."

"Shhh! Siyempre hindi mo sasabihin kahit kanino 'yon. Dahil wala din namang masamang nangyari. Lihim nating dalawa ito, okay?"

"P-pero, Señori–"

"Sofia, trust me."

"Hindi mo kilala ang mga Velez."

"Basta, 'wag mong sabihin, kahit na kanino ang tungkol dito."

Walang sagot na natanggap si Alexa mula sa babae. Naiintindihan niya ang takot na nararamdaman nito pero nahihinuha din niya na hindi ito basta-basta magsasalita sa kung sino. She could sense her loyalty to her, instict perhaps.

Gaano ka-totoo ang kuwento ni Sofia sa kanya? Base sa salaysay at reaksiyon nito ay tila matindi ang hidwaan ng dalawang pamilya, para umabot sa punto na magbantaan. Dapat ba niyang katakutan si Diego? Kung ganoon ang pagkakakilala ng lahat dito, kataka-takang maganda ang pakitungo nito sa kanya. Nararamdaman niya sa mga banayad na hawak ng lalaki ang isang mabuting kalooban. Magiging ligtas pa ba sa kanya ang pagkikita nilang muli ng binata?

 

***

 

Kinabukasan, mag-aalas kuwatro na ng hapon ngunit hindi parin nakakahanap ng tiyempo si Alexa para pumuslit ng bahay. Hindi niya inakala na magiging abala pala ang karaniwang araw ni Alessandra. Kailangan pa siyang gisingin ni Sofia nang maagang-maaga para simulan na ang mahabang araw.

Sa umaga ay nagpunta sa masyon nila ang maestro ng piano. Namangha siya sapagkat nang makaharap niya ang malaking piano ay kusa na lamang gumalaw ang kanyang mga daliri para tumugtog ng musika. Para bang kabisadung-kabisado kung saan ang wastong notang tipain. Ang tanging piano na nahawakan niya ay ang laruan niya noong gradeschool kaya imposibleng makatugtog siya ng buong kanta. Pagkatapos ba ng panaginip na ito, maaalala pa niya ang tumugtog ng piano?

Nang matapos ang tatlong oras na piano lesson ay nananghalian siya kasama ang Doña. Ang Don at si Joselito ay maagang umalis ng bahay para asikasuhin ang ilang parte ng hacienda at hapon na ang balik. Iyon ang nalaman niya kay Sofia.

Pagkahapon naman ay bumisita ang isang mananahi ng damit para sukatan silang magpamilya. Dahil kukuhanan daw sila ng family photo.

Pagkatapos na pagkatapos ng picture taking ay kaagad na tinalunton ni Alexa ang pasilyo ng bahay papunta sa likod. Dumaan na ang sampung minuto matapos ang alas kuwatro kaya kailangan niyang magmadali dahil baka hindi na niya maaabutan si Diego sa tagpuan. Kapag nagkataon, baka iyon na ang una at huli nilang pagkikita. Iyon ang hindi niya gugustuhin. He's just too delightful in the eyes for a one time encounter.

"Alessandra." Literal siyang napatalon sa gulat nang marinig ang sambit ni Joselito. "Lalabas ka ng bahay?" Nakangiti man pero bakas sa mga mata nitong sumusuri sa kanyang suot na bestida ang pagtataka. Sa palagay naman niya ay hindi masama ang relasyon ng dalawa dahil sa paraan ng pagtrato ng lalaki sa kanya sa dalawang beses na pagkikita. Wala siyang nahihimigang pagkukunwari. Warm and genuine din ang mga ngiting binabato nito, hindi kagaya ng sa ina nito.

"S-sa labas lang. Maglalakad-lakad, gusto kong makasagap naman ng preskong hangin at"–inilabas niya ang papel mula sa dalang handbag–"umandar ang gana kong gumuhit." Iyon ang naisipan niyang props in case mahuli nga siya.

"Pagguhit? Natutunan mo ba iyan sa Amerika?"

"Kamakailan lang, Joselito. A month before I returned  from the States, nag-enrol ako ng short course class for drawings."

"That's quite a hobby. Lalo ngayong nandito ka na sa probinsiya, maraming magagandang tanawin sa paligid. I can't wait to take a glimpse at your masterpiece, Alessandra."

"Hmm, iyon din ang naisip ko."

"Siya, sana ay mahanap mo ang iyong inspirasyon dito sa hacienda. Sana ako ang unang makasilip sa iyong mga obra."

"Siyempre naman. Sige, aalis na ako," aniyang tumalikod agad para makaalis na sa harap nito.

"Alessandra..." Napigil ni Alexa ang hininga bago nilingon ulit ang lalaki.

"Wild beasts are everywhere, take care." Isang tango lang ang sinagot niya bago muling tumalikod at lumabas ng bahay.

Bago pumasok sa lumang garden ay pinagala muna ni Alexa sa paligid ang tingin para siguraduhin na hindi siya nasundan ni Joselito o walang nakakita sa kanya.

'Malapit ang Señor Joselito sa iyong ama, Señorita, dahil maliban sa ito ang katulong nito sa pagpapatakbo ng hacienda ay parang anak na rin kung ituring siya ng Don. Lalo na noong nasa Amerika ka pa. Kaya kung ano man ang bagay na umabot sa pandinig ni Señor ay siguradong hindi makakaligtas sa kaalaman ng Don,' naalala niyang sabi ni Sofia.

Mula sa hardin ay tinahak ulit ni Alessandra ang daan patungo sa batis. Makalipas ang kulang-kulang kinse minutos ay narating niya ang sadya. Agad niyang natanaw si Diego na tahimik na nakaupo sa malaking ugat ng puno katabi ang kabayo nito. Nang marinig nito ang kalukos ng mga halaman ay napatayo itong tumanaw sa gawi niya.

"Buenas tardes, Señorita," nakangiting bati ng lalaki, mukhang masaya sa muli nilang pagkikita.

"Magandang hapon."

Lumapit ito at inalalayan siya palapit sa gilid ng batis. "Ang buong akala ko ay hindi kana makakarating."

Pinaupo siya ni Diego sa ugat ng punong-kahoy na inukopa nito kanina at kumuha ng malaking bato para doon lumipat.

"Bakit mo naman nasabi 'yan?"

Nagkibit-balikat ang binata. "Wala ka bang naririnig tungkol sa akin?"

Napatungo si Alexa. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito. Hindi ba masyadong sentitive ang bagay na iyon? Baka kung saan pa hahantong ang topic nila. Pero mukhang seryoso itong naghihintay ng kasagutan niya kaya wala siyang choice kundi tanggapin ang usapan.

"Diego, t-totoo ba ang pinaratang nila sa iyo?"

"Depende kung ano ang mga narinig mo."

Pumitas si Alexa ng dahon sa halamang nasa paanan niya at nilaru-laro iyon sa kamay. She has to somehow divert the tension rumbling inside her chest.

"Pinag... bantaan mo raw ang pamilya namin..." She intentionally stared at his deep seated eyes para basahin kung ano ang magiging reaksiyon nito. Tuloy natuklasan niya na mahahaba ang makurba nitong pilik-mata.

Ilang segundong katahimikan ang dumaan bago nagsalita ang lalaki. Hindi puna ni Alexa na pigil niya ang kanyang hininga habang hinihintay ang sagot nito.

"Totoo iyon."

Parang binagsakan ng malaking tipak ng bato ang dibdib ng dalaga sa narinig. She can't stop her heart from thumping. Pero kung totoong masama ang layunin ng taong ito sa kanya ay dapat hindi na siya pinalaya pa noong una palang nilang pagkikita.

"Kung gayon... dapat ba akong matakot sa 'yo? Sasaktan mo ba ako?" Napahigpit ang paghawak niya sa dahon kaya napunit iyon.

"Nunca, Alessandra," mabilis nitong iling na parang alam na nito noon pa kung ano ang isasagot. Aaminin ni Alexa sa sasarili na gumaan ang kaninang naninikip niyang loob sa deklarasyon nito. "Hinding-hindi ko magagawa sa iyo iyon." Malamlam ang mga tingin na ipinukol nito sa kanya kaya napangiti siya sa kaginhawaan. "Malalim ang hindi pagkakaunawaan ng ating pamilya. Maging ako ay hindi maipapangakong hindi gagawa ng hindi maganda sa oras na mayurakan ang aming dangal. Pero hindi iyon sapat na rason para idamay ang isang walang kamuwang-muwang na kagaya mo, para lang mapanindigan ang karangalan... Natatakot ka ba sa akin?"

Umiling siya.

"Sa totoo niyan, nagpapasalamat ako dahil kahit pumasok ako sa lupain ninyo nang walang pahintulot, hindi mo ako sinaktan at tinulungan mo pa akong makauwi. Actually, hindi ko alam na hindi na pala ito parte ng hacienda Monserrat. Basta ko lang sinundan ang tunog ng batis."

Tumango lamang ito. "Huwag mo nang alalahanin iyon, simula ngayon ay malaya ka nang magtungo sa kahit saang parte ng lupaing ito. A, may dala akong kaunting pagkain," anitong tumayo at pinuntahan ang nakataling kabayo. May kinalikot sa sako ng harina na nakatali sa gilid niyon at pagkabalik ay may bitbit nang supot. "Nagluto ang ina ng suman. Kumakain ka ba ng ganito?"

"Siyempre naman! Paborito ko iyan lalo na 'pag may mainit na tsokolate.

"Sa kasamaang palad ay tubig lang ang dala ko ngayon," ngisi nito. Inilatag ang supot at plastik na botelya sa bato at kumuha ng isa, binalatan at inabot sa kanya.

"Salamat. Okay lang naman kahit walang tsokolate, masarap pa rin ito."

"Kumusta na ang iyong sugat?"

"A, nagamot na, may kaunting kirot pero medyo okay na."

"Alessandra, sa susunod, mag-iingat ka sa paglalakad-lakad mo. Iwasan mo ang sumuong sa masukal na kagubatan lalo kapag nag-iisa. Mabuti at ako ang nadatnan mo rito dahil kung nagkataon na ibang tauhan namin iyon ay hindi ko masisiguro ang iyong kaligtasan. Malaki ang hidwaan ng mga Monserrat at Velez, kaya pati mga tauhan ng dalawang lupain ay hindi rin maayos ang pakikitungo sa isa't-isa."

"Okay... tatandaan ko."

Napag-alaman ni Alexa na bente sais na ang edad ni Diego. Nagtapos ng business course sa Maynila at ito ang kasalukuyang namamahala sa lupain ng pamilya dahil hindi na kaya ng ama nito. Ang isa sa magandang balitang nakalap niya sa mahigit isang oras nilang pagsasama ay wala pa itong asawa o nobya.

Unlike the first encounter, mas natutukan ni Alexa nang maigi ang hitsura ni Diego sa ilalim ng panghapong sinag ng araw.

Parang mas naging darker ang moreno na nitong kutis dahil sa pagkakabilad sa init ng araw. Hindi malayong mangyari iyon sa nature ng trabaho nito. Ang buhok nitong mas maitim pa sa gabi ay tila kay sarap haplusin at laru-laruin sa gitna ng mga daliri. Kung kahapon ay malaya iyong nakalugay, ngayon ay maayos na nakatali sa likod ng ulo ng binata. Matangos ang ilong at prominente ang mga labi, mukhang may lahing foreigner. Ang tanging kapintasan na nakita niya dito ay ang maliit na peklat sa kaliwang kilay na kung tutuusin ay nakadagdag ng appeal sa hitsura ng lalaki.

"May problem ba sa anyo ko, Alessandra?" Nahuli pala ang pasimple niyang pag-assess sa hitsura nito kaya agad siyang napayuko at hinarap ang suman para itago ang pagkapahiya niya.

"A-ah, w-wala. Wala naman."

Yumugyog ang mga balikat ng kaharap sa pigil na tawa. Gusto na ni Alexa na maglaho nalang bigla sa harap nito na parang bula kaya tumayo siya para sa pag-alis.

"S-sandali..." ang init ng mga palad nito na ngayon ay nakahawak sa kamay niya ay gustong magpatunaw sa kanyang puso. Kailanman ay hindi niya nabibigyan ng pansin ang temperature ng kamay ng mga kakilala niya noon. "Nagbibiro lamang ako, huwag kang umalis. Hindi mo pa natatapos ang iyong suman, ubusin mo muna iyan at ihahatid kita pauwi sa mansyon."

Nasundan pa ng ilang beses ang lihim na pagtatagpo ng dalawa. Masaya si Alexa sa tuwing magkikita sila ni Diego. Ang kabaitan, ang pagiging natural na gentleman, ang mga banat nitong biro paminsan-minsan, hinahangad niya iyon araw-araw. Kung magtuluy-tuloy ang ganoong pagsasama nila ng lalaki ay sigurado siya na mahuhulog ang kanyang puso dito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status