Share

EPILOGO

 

Larawan ng purong kaligayahan ang paligid. Ang tila puno ng mahikang pagkalat ng sikat ng araw ay nagbibigay buhay sa sinuman madampian nito. Ang mga punong kahoy na umiindayog sa saliw ng malamig na hangin ay tila mga mananayaw na masayang pinagdiriwang ang ganda ng buong tanawin. Ang sabay na pag-awit ng mga ibon at kulisap na nakakalat sa kakahuyan ay nagdulot ng ligaya sa dalawang pusong naroroon. Pati ang galaw ng tubig sa tuwing humahalik at yumayakap sa mga bato ay nang-iimbita para tikman ang lamig na hatid niyon sa katawan. Lahat ng iyon ay isang kayamanang hindi matatawaran ng kahit anong salapi o ginto.

“Masaya ka ba?” tanong ni Alvaro na hinagod ang pisngi ni Alexa gamit ang likod ng palad. Ang lamlam sa mga mata niya ay nagpapahiwatig ng pagmamahal na mas makapangyarihan sa anumang bagay.

Ngumiti ang babae.

“Masayang-masaya. Ang ganda naman dito. Paano mo nahanap ang lugar na ito, e, masyadong tago.” Muli binusog ni Alexa ang paningin sa kaakit-akit na paligid.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status