Share

Capitulo 10

 

 

PAGBUKA ng mga mata Alvaro ay nabungaran niya ang mukha ng ina na nakatungo sa nakalagmak niyang katawan.

“Alvaro, anong nagyari sa iyo?” puno ng pangamba nitong tanong. Ang gitla sa noo nito ay mas lumalim.

Dagli niyang kinapa ang leeg habang malakas na napaubo. Ramdam pa niya ang pagtakas ng galitrong dugo mula sa lalamunan. Pati ang nakakakilabot na alaala ng pagdaan ng matalas na metal sa kanyang balat.

“Ma’am, ano po’ng nangyari?” tanong ng kasambahay na nagmamadaling pumasok sa kuwarto. “Hala, Sir, na pa’no ka?”

Hindi alintana ng lalaki ang kaguluhan sa silid pati na ang pisngi niyang babad na sa luha. Itinukod niya ang kamay at siko sa sahig at dahan-dahang bumangon. Habol pa rin ang hiningang nagsalita.

“Alessandra...”

He felt his entire body chilled in horror and realization. Ang dibdib niya ay wari pinuno ng bomba at handa nang sumabog.

Tuluyan na siyang tumayo at pasuray-suray na lumabas ng kuwarto. Hindi na pinansin ang ilang beses na pagtawag sa kany
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status