Desliz Del Tiempo

Desliz Del Tiempo

By:  Ukiyoto Publishing  Completed
Language: English
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
13Chapters
1.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App
Desliz Del Tiempo Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Comments
No Comments
13 Chapters
Prologo
  "THANK you for coming, Miss Monserrat, we'll give you a call for the result," saad ng sekretarya kay Alexa. Ganoon na ganoon ang linya ng mga transaksiyong malabo ang nagiging resulta or worst, negative."Sige po, ma'am. Salamat din po." Laglag ang balikat niya na lumabas ng gusali. Mukhang bigo na naman ang araw niya. Mababawasan na naman ang listahan niya ng job hirings nang walang napala.Limang buwan na siyang naghahanap ng malilipatang trabaho at sa limang buwan na iyon ay puro paasang linya lang ang kanyang natatanggap. Halos dumugo na ang tainga niya sa paulit-ulit na dialogue ng mga ito. Hindi ba naiisip ng mga taong iyon na masyado nang gasgas ang salitang iyon? Hindi man lang sila nag-isip ng ibang masasabi.Naisipan niyang mag-iba ng career dahil nagsawa na siya sa kakakayod sa kompanyang pinagtatrabahuhan. Five years, pero isang beses lang nadagdagan ang kakarampot niyang sahod."Boarding house, load, pangkain... padala kay nanay. Kulang pa, wala na ngan
Read more
Capitulo 1
  "...SANDRA."Naririnig ni Alexa ang malabong tinig ng isang babae, may tinatawag ito."...sandra." Unti-unting lumakas ang pagsambit nito at mas malinaw sa kanyang pandinig."Alessandra!"Nagmulat si Alexa ng mga mata sa pagyugyog sa braso niya."Dios Mio, Señorita! Salamat sa Panginoon at nagising ka." Namamasa ang mga mata nitong puno ng pagkabahala.Napahawak siya sa noo niyang biglang kumirot. "Aaww...""Ano ang nangyari?" Mabilis ang mga hakbang na lumapit ang isang matandang lalaki sa kinaroroonan nila. Napasinghap ito nang makita siyang nakahandusay sa lupa. "Señorita Alessandra! Mahabaging Diyos, ano ang nangyari sa iyo?"Dahan-dahang bumangon si Alexa sa tulong ng dalawang kaharap. Nabugbog yata ang kalamnan niya sa pagguho ng gusali."Ano ang nangyari dito, Sofia?" anang lalaki."Ilang beses ko na po siyang pinagsabihan na huwag magtungo sa lumang kuwadra na iyan ngunit sa ikalawang pagkakataon ay nagpumilit siya." Mahihimigan ni Alexa ang inis sa li
Read more
Capitulo 2
  "NASAAN na si Alessandra?" bungad ni Doña Claudia sa kuwarto ni Alexa. The woman in her fifties looked glamorous in an emerald long, green dress. The fine raffles around her turtle neck was complimented by a set of gold medallion necklace. Pinangko ng ginang ang maypagka-brown nitong buhok. Even the sublte makeup appeared perfectly on her delicate looking skin."Buenas dias, Doña Claudia," bati ni Sofia kasabay ang isang yuko. "Nasa baño na po si Señorita.""Con rapidez! Alam mo namang mabagal gumayak ang babaeng iyan. Magtatanghali na pero hindi pa niya nasisimulan ang kanyang araw. Marami pa siyang kailangang gawing paghahanda para sa magiging kasiyahan. Iang oras na lang ay magsisidatingan na ang mga bisita. Siguraduhin mong handa na si Alessandra pagsapit ng alas onse, Sofia. Ayaw kong mapahiya sa mga bisita!" Laging mataas ang boses nito lalo na kapag nang-uutos."Si, Doña Claudia." Iyon lang at tumalikod na ang ginang.Pagkabalik ni Alexa ay nagmamadaling tinu
Read more
Capitulo 3
  "SOFIA, lilinisin natin ang garden ngayon." Inabot ni Alexa ang gulok na hiniram sa matandang kasambahay na si Carmen."Masyado yata kayong na-engganyo sa hardin na iyon, Señorita.""S-siyempre, sa mama ko iyon. Gusto kong buhayin ang mga halaman na nandoon, gusto kong buhayin ang alaala ni Doña Felistine," saad niya na binuksan ang pintuan ng kuwarto at lumabas."Señorita, noong isang araw ay hinanap ko kayo sa buong mansion pero hindi kita matagpuan, maging sa hardin ay wala ka, may pinagkakaabalahan ba kayo na hindi ko nalalaman? Maaari mong sabihin sa akin nang makatulong ako.""Actually Sofia..." pabulong na mas inilapit ni Alexa ang sarili dito. "Nagkikita kami ni Diego."Marahas ang paghugot ng hangin ni Sofia sa narinig at inaasahan na niya iyon. "Señorita, ano ang inyong iniisip?! Bakit ninyo nagawa ang bagay na iyan? Sa pagkakaalala ko ay pinagsabihan na kita na delikado ang makipag-usap sa mga Velez!""Shhh...huwag kang maingay! Napakabait niya sa akin,
Read more
Capitulo 4
  LABING limang minuto mula sa silangang bahagi ng masyon ay matatagpuan ang isang batis kung saan madalas na nagtatagpo si Alessandra at Juan Diego. Ang susunod nilang pagkikita ay sa Huwebes ng hapon.Iyon ang nabasa ni Joselito sa papel na inabot sa kanya ng taong nagmamasid sa kilos ng dalawa. Mukhang totoong mas madalas pa sa inaakala ng lahat ang pagtatagpo ng mag-irog, dalawang araw pa lang ang nakalipas simula noong unang niyang natuklasan ang lihim na relasyon at magkikita na naman ang dalawa.Tiningnan niya ang kalendaryong nakapatong sa lamesa. "Dalawang araw simula ngayon."Nilamukos ng lalaki ang hawak na liham saka initsa sa basurahan na nasa tabi ng paa. "Oras na para sa isang palabas na hindi malilimutan ng Isla Alabat."Walang pag-aaksaya ng panahon niyang sinadya ang amain sa paboritong nitong silid at siniwalat ang lahat."Ama, tungkol sa sinasabi ko sainyo–""Hindi ka ba hihinto sa paratang na binabato mo kay Alessandra, Joselito? Malayong mangya
Read more
Capitulo 5
  "Are those dark circles supposed to be permanent?" tanong ng lalaking kaharap na naka white laboratory coat, si Vaughn, one of his best buds cum company physician ng Martins' Corporation, ang kompanyang pinagmamay-ari ng pamilya ni Alvaro."Huh?" baling niya dito mula sa pagkakatungo sa nilalarong chestpiece ng stethoscope sa ibabaw ng mesa."Hindi ka na naman ba nakatulog nang maayos?""Oh, these? Well...kinda," he shrugged lightly."Ang panaginip na iyon pa rin ba? Why don't you visit Hakim?""I don't need a psychiatrist, Vaughn, especially if crazier than me. Normal naman ako.""Hindi ka ba nababahala sa recurrent nightmares mo? A guy slit on the throat?" napapangiwing sabi nito na para bang nakakita ng actual na biktima. "Are you sure wala kang trauma noong bata ka pa?""The struggle of having a physician buddies..." Alvaro rolled his eyes while shifting his position to a more slouchy one."Seriously, Alvaro.""No, not that I can remember."Hindi pa rin ba
Read more
Capitulo 6
  NAKATUON ang seryosong mga mata ni Alvaro sa hawak na papel. Iyon ang results na binigay ng kinuha niyang private investigator para mag-usisa sa katauhan ni Alexa Monserrat.Nakasaad doon na walang ibang kuwestiyonableng pag-aari ang babae. Nakatira ito sa isang maliit na boarding house kasama ang isang roommate na babae. Ang ina at nakababatang nitong kapatid na babae ay nakatira sa isang lumang bungalow na bahay sa Tarlac. Naging breadwinner ng pamilya simula noong mamatay ang ama apat na taon na ang nakalilipas. Marami pang ibang nakasulat sa makapal na kumpol ng papel kasali na ang basic profile information at araw-araw nitong routine sa loob ng isang buwang pagmamanman.Wala na bang napiga ang private investigator? He made sure to get the service from a large company para maiwasan ang pagpalya. Kung totoo na walang relasyon ang daddy niya at ang babae, ano iyong nadatnan niya sa opisina? Kataka-taka ang hitsura ng silid pagkapasok niya, with all the scattered pap
Read more
Capitulo 7
  “I feel wonderful, because I see the love light in your eyes!” bungad ni Alvaro sa pintuan ng malawak na kuwarto. Nilapitan niya sa babaeng nakaupo sa kama na may malumanay na ngiti at inabot dito ang isang tangkay ng long stemmed rose. Puno ng pagmamahal niyang hinagkan ang noo nito bago nagtanong, “How are you, Mom?”“I’m good, Alvaro. Mambobola ka talaga. Saan mo ba namana iyan? Hindi naman sweet talker ang daddy mo.”“There’s a realm called internet, nowadays, Mom,” saad niyang nakangiti at tumabi sa ina.“Nanghihina ka pa rin ba?”“Hindi naman. Pagkatapos lang ng dialysis session, pero normal reaction daw ‘yon sabi ng doctor. Bakit ka nga pala bumisita ngayon?”Alvaro raised his brows, acted hurt by the woman’s question. “Pinagbabawalan mo ba akong bisitahin ang pinaka-importanteng babae buhay ko?”Napatawa naman ang ginang. “Nagtatanong lang naman. Para lang may mapag-usapan.”“Hmn, I just want to tell you how I missed you.”“Mabuti ako, Alvaro, kaya huwag
Read more
Capitulo 8
 "GOOD afternoon, Ma'am, Mister President. I am Alexa Monserrat and today I will be tackling–""Wait, stop there." Nabigla si Alexa sa biglang pagsalita ni Alvaro. "Is this the best way to start a presentation?"Kahit ang mga kasama niya at si Marinell ay natigilan din. Nagkatinginan ang mga ito."Good afternoon, I'm this and that. Today, I'll be talking about this. Absolutely not!" sabi nito na ikinampay-kampay ang kamay na nakapatong sa lamesa. Bahagyang nakatagilid ang katawan nito sa pagkakaupo. "Don't you think it's too cliched? You are answering a wrong question with that introduction. You are answering the 'what' question. I am not after for the 'what' but for the 'why'. Why were you given the chance to stand there and take our precious time? Dapat sa umpisa pa lang ay malinaw na ang purpose kung bakit mo ginagawa ang presentation na iyan. Why is it important? Why do you deserve to be heard? Do you get my point... Miss Monserrat?"Naninigas ang mga panga ni Alexa at p
Read more
Capitulo 9
  KINABUKASAN, humingi ng permiso si Alexa mula kay Hope para sumaglit sa company’s infirmary.“Sige, Alexa. Huwag ka lang masyadong magtatagal at baka ma-warning tayo.”“Thank you.”Inakyat niya ang tanggapan ng company’s doctor para magpakonsulta. Pagdating niya doon ay nadatnan niya ang sekretarya ng doktor.“Hi! Good afternoon. Available po ba si doctor Estrera?”“Maupo ka muna, Miss. May naghihintay pang isang pasyente,” turo nito sa lalaking nakaupo sa isang couch. “Paki-fill-upon na lang muna itong form.”Mabagal ang pag-fill-up niya sa form dahil medyo magaan pa ang ulo ni Alexa sanhi ng kulang sa tulog. Hinahabol na naman siya ng masamang panaginip na iyon at ang paulit-ulit na lumalabas ay ang huling eksena sa batis. Ang huling pagkakataon na nasilayan niya ang pinakamamahal na lalaki. Kahit ngayon, sa tuwing naaalala niya ang bangungot ay pinipiga ng libu-libong palad ang kanyang puso. She needs help, she doesn’t want to forget Diego but she needs help to
Read more
DMCA.com Protection Status