Share

Capitulo 9

 

 

KINABUKASAN, humingi ng permiso si Alexa mula kay Hope para sumaglit sa company’s infirmary.

“Sige, Alexa. Huwag ka lang masyadong magtatagal at baka ma-warning tayo.”

“Thank you.”

Inakyat niya ang tanggapan ng company’s doctor para magpakonsulta. Pagdating niya doon ay nadatnan niya ang sekretarya ng doktor.

“Hi! Good afternoon. Available po ba si doctor Estrera?”

“Maupo ka muna, Miss. May naghihintay pang isang pasyente,” turo nito sa lalaking nakaupo sa isang couch. “Paki-fill-upon na lang muna itong form.”

Mabagal ang pag-fill-up niya sa form dahil medyo magaan pa ang ulo ni Alexa sanhi ng kulang sa tulog. Hinahabol na naman siya ng masamang panaginip na iyon at ang paulit-ulit na lumalabas ay ang huling eksena sa batis. Ang huling pagkakataon na nasilayan niya ang pinakamamahal na lalaki. Kahit ngayon, sa tuwing naaalala niya ang bangungot ay pinipiga ng libu-libong palad ang kanyang puso. She needs help, she doesn’t want to forget Diego but she needs help to
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status