Share

Chapter 47

Nayien

PAGKATAPOS NG PAG-UUSAP namin ay natahimik kami. Pareho kaming nagpapakiramdaman sa isa't isa. Kahit ang paghinga namin ay hindi maririnig. Nakatungo lang ako habang magkadikit ang mga palad ko sa may hita. Hindi ko alam kong paano ba babasagin ang katahimikan na bumabalot sa amin. Ang katahimikan na bumabalot sa amin ay nakakabingi at nakakasakit ng tenga.

Nang hindi ko na kinaya ang katahimikan ay ginawa ko ang lahat para lang mabasag ang katahimikan.

Tumikhim muna ako para mawala ang bara sa lalamunan ko. "K-kumain ka na..." Sabi ko at tumayo. Humakbang ako papunta swivel chair ko at umupo. Binuksan ko ang computer at nagkunwaring may tinitingnan kahit wala naman talaga. Mga pictures lang naman ni Inah ang tinitingnan ko na naka save sa computer  ko. Sumulyap ako sa kanya at nakatitig lang siya sa mga pagkain na dala niya na para bang mag-iiba iyon kapag tinitigan niya ang mga iyon

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status