Share

Chapter 62

Nayien

DINALA KO na si Inah sa taas at inasikaso ito. Hindi pa nga kami nakarating sa kwarto ay tulog na ito. Pinalitan ko siya ng damit at tinanggalan ng sandals tapos kinumutan ko na ito. Mahimbing na itong natutulog at mahinang naghihilik. 

Pagkatapos ay lumabas na ako sa kwarto ko para balikan ang sapatos ko na naiwan sa ibaba ng hagdan. Iniwan ko kanina kasi baka matapilok ako eh buhat ko pa naman si Inah. Nagpalit narin ako ng damit at nagtanggal na rin ng make-up at nakalugay narin ang buhok ko. Naghikab ako habang pababa ako ng hagdan. Pagkababa ko ay hinanap ko agad ang sapatos ko na nawala na kanina sa pinaglagyan ko. Nasaan na iyon? 

Teka? May pumasok ba pagkatapos namin? 

Lumabas ako at hinanap si Harry pero hindi ko nakita kaya bumalik ako sa loob at nagpunta sa maid's quarter baka nakita nila ang sapatos ko. 

"Ma'am Nayien, bakit po?" Tanong ng kasambahay ng makita ko siya na may dalang basket. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status