Share

Chapter Fourteen

“Be ready, we're leaving in an hour.” Sabi ni Steve bago ito umakyat sa kan'yang kwarto.

'Yon lamang ang sinabi nito pagkapasok at hindi manlang ako tinignan. Hindi ko alam kung bakit at kung para saan. Pero, may hint na ako na tungkol ito sa family gathering kaya naghanda na ako.

Nag bodycon dress ako na dark blue at stilettos na black, pinatungan ko lamang ito ng black coat. Itinaas ko ang aking buhok na naka pony. Pagkatapos ay lumabas na ako dala ang aking sling bag.

Paglabas ko ay saktong labas lang din ni Steve. Saglit lamang itong napatingin sa'kin bago ako nilampasan at naunang bumaba ng hagdan. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod na lamang sa kan'ya.

Nag dire-diretso ito sa kaniyang sasakyan kaya sumunod ulit ako at naupo sa passenger seat. Pagkasakay ko ay agad niya itong pinaandar kahit hindi ko pa nakakabit ang aking seatbelt.

“Saan tayo pupunta?” Tanong ko rito.

“My mom's birthday.” Maikling sagot nito.

Tss. Hindi manlang sinabi bago kami umalis, pupunta kami ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status