“Girl!!! True ba ang tsismis mo?” bungad agad ni Amirah pagkarating n'ya sa Casa de Cafe kung saan kanina pa ako naghihintay.
“Tss. Ang tagal mo! Kanina pa ko rito!” naiiritang sabi ko naman sa kaibigan.“Ito naman! End of the world na ba dahil naghintay ka nang matagal? Ilang taon ka bang naghintay?”“Ewan ko sa iyo!”“So, ano nga? True ba? Magpapakasal kayo ng crush mo?” ngiting-ngiting tanong nito, parang may kislap pa sa mga mata niya.“Oo,” walang gana kong sagot bago bumuntonghininga.“Oh my gosh! Malandi ka! Usapan, gagahasain mo lang, girl! Grabe ka! Nagahasa mo na, pakakasalan mo pa?! Prayer reveal naman diyan!” Sobrang saya ng mukha n'ya. Siguro, kung tulad lamang noon. Baka kinikilig na rin ako, kaya lang, may buhay na nasira. Buhay naming pareho, at relasyon nila ng dyowa niya.Unti-unting nabura ang masayang awra ng kaibigan ko nang mapansin niyang problemado ako.“B, may problema ba?”Ikinuwento ko ang buong pangyayari, pati na rin ang galit sa akin nina Mommy at Daddy. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.“I'm sorry… Sana pala hinintay na lamang kita,” malungkot nitong saad sabay hawak sa kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.“A, hindi mo kasalanan, wala kang kasalanan… Pagkakamali ko 'yon, choice ko 'yon kaya 'wag kang mag-sorry.”“Sabi mo, may girlfriend si Steve, 'di ba?” Tumango naman ako. “Paano na? Paano sila?”“Iyon na nga, nakakahiya sa dyowa ni Steve. Siguradong iisipin noon na pinikot ko ang boyfriend n'ya para pakasalan ako.”“Girl, may problema rin kay Steve. Hello?! S'ya ang lalaki, dapat s'ya ang nagkontrol! Pero dahil nga lasing kayo pareho, wala na… Naghubaran kahit hindi nagkakakitaan. Iba rin si Architect Steve ha! Magilas!”“Hayyss... Ewan. Hindi rin naman puwedeng suwayin si Daddy. Siguradong idedemenda noon si Steve. Lalong malaking problema,” saad ko at napasandal na lamang sa sandalan ng inuupuan ko.“You know what, girl, don't stress yourself too much. Wala pa naman, at hindi pa naman siguro sigurado kaya kalma ka muna.”“How can I calm down, A? I'm totally mess! Nagtapos ako bilang Architect para sa company namin. Tapos ano? Magiging asawa lang ng lalaki na hindi naman ako mahal?”“Hey... Alam mo, iyong issue noong magdyowa, magagawan naman siguro nila ng paraan. About naman sa inyo ng future husband mo, malay mo naman, kapag tumagal kayong kasal ay matutuhan ka niyang mahalin? Hindi naman malabong mangyari 'yon, B,” mahabang litanya nito.Matutuhang mahalin? Ako? Parang malabo pa sa mata ni Daddy na mangyari 'yon, ah! Mukhang mahal na mahal noon ang girlfriend niya, e. Tss.“Hindi ko na alam ang gagawin! Hindi ko rin naman mapipigilan si Daddy.”Hindi ko na talaga alam ang dapat gawin o kung may dapat pa ba akong gawin. Ayokong makasira ng relasyon, pero nangyari na. Nang araw na magdesisyon si Daddy na ipakasal kaming dalawa, nakasira na ako ng relasyon. Nakasira pa ako ng tiwala ng magulang ko. Isang gabing pagkakamali, napakaraming kapalit.Matapos naming mag-usap ni Amirah ay nagkaniya-kaniya na rin kami nang uwi.Habang nagmamaneho ako pauwi ng subdivisiom namin, napansin ko ang dalawang tao na naglalakad habang tumatawa. Kitang-kita ang saya sa kanilang mga mukha habang magkahawak ang kamay na naglalakad.Lalo lamang ako nakaramdam ng guilt, dahil siguradong wala pang alam ang babae. Sa ganda ng ngiti nito, sino’ng maglalakas-loob na sabihing ikakasal ang boyfriend niya sa iba?Babae rin ako, kaya alam ko kung ano ang mararamdaman niya kung sakali. Bilang babae, ayokong maranasan ang gano'n. Pero magagawa ko nang hindi sinasadya sa ibang tao ng dahil sa isang gabing pagkakamali.I'm sorry…Bigla na lamang tumulo ang luha ko habang tinatanaw sila papalayo sa gawi ko. Doon ko lang napansin na napatigil pala ako sa tabi.Sumubsob ako sa manibela at doon umiyak nang tahimik.“I'm sorry… Sorry kung masisira ang masaya n'yong relasyon. Sorry kung mapapalitan ng sakit ang mga mata n'yong puno ng pagmamahal sa isa't isa. I'm really sorry… Sorry...”Humagulhol ako nang iyak sa loob ng aking sasakyan. Makakasakit ako ng iba, habang nasasaktan din.Why? Why do we have to suffer just because of one wrong night? Kung maibabalik ko lamang ang gabing 'yon…Ikinalma ko ang sarili matapos ko ilabas ang bigat sa dibdib ko. Kahit papaano ay nakagagaan ng pakiramdam ang pag-iyak. Umuwi ako matapos kong kalmahin ang sarili. Hindi ko naabuta ang magulang, as usual ay puro katulong lamang.Lumaki akong laging mga katulong ang kasama sa bahay.Nagkulong lamang ako sa kwarto ko, at nilunod ang sarili sa pag-iisip. Parang akong walang buhay na nakahiga sa kama, at nakatingin lamang sa kisame. Agad pumasok sa isip ko na mag-stalk sa account ni Steve, para mas makilala pa ito at kung gaano na sila katagal ng girlfriend n'ya.Kinuha ko agad ang laptop ko bago bumalik sa kama at sumandal sa headboard. Agad akong nag punta sa profile ni Steve sa I*.Sa pag-i-stalk ko, lalo akong nanlambot. Lalo akong na-guilty, at nakaramdam ng panghihinayang para sa dalawa. Lalo akong naawa sa babae, lalo akong naguluhan kung itutuloy pa ba na maikasal kay Steve.Ang post noong September 2, kung kailan ang gabing nangyari ang hindi dapat nangyari. Ang araw kung kailan ang pangarap ng mga kababaihan. Ang pinakamasayang araw para sa kanilang dalawa bago pumunta sa birthday ni Rose si Steve.@steve_a She finally said YES! Happy 5th anniversary, Baby!❤Posted September 2, 2021Ang araw kung kailan sila na-engage; ang araw ng anniversary nila, ay ang gabi naman ng pagkakasala sa kaniya ni Steve. Isang gabi ng pagkakamali ang sisira sa limang taon, at sa relasyong nakatakdang maging isa.Ang bigat-bigat sa dibdib.Ang hirap. Ang sakit. Paano ko maaatim maikasal sa lalaking pinapangarap ko kung sa kabilang banda ay may magdurusa? Paano ko matatanggap na maikasal sa taong nangako ng kasal sa iba? Ang masakit, sa taong totoo niyang mahal.I ruined everything, I ruined their happily ever after.Tatlong katok ang nagpabalik sa wisyo ko. Agad ko namang isinara ang aking laptop at pinunasan ang aking mukha na basa na ng luha.“Ma'am Czes, dinner na raw po…” tawag ng katulong mula sa labas ng pinto matapos nitong kumatok.“Susunod na po, Manang!” malakas kong sagot pabalik.Nagpunta ako sa banyo at naghilamos para hindi mahalata ang kanina ko pang pag-iyak. Pero hindi rin nito naalis ang pamumugto ng aking mga mata. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.“I'm really tired, but I need to pretend again to face my Dad.”Matapos kong ayusin ang sarili ay lumabas na ako ng kwarto pababa sa dining.Nakaramdam na naman ako ng kaba, ng bigat sa dibdib. Magulang ko ang haharapin ko, pero may takot sa loob ko. Takot na baka hindi nila magustuhan ang Brianna na kaharap nila. Na baka kulang na naman… Maingat akong naupo sa pwesto ko, pagkaupo ko ay saka pa lamang sila nagsimulang kumain.Tahimik lamang ang buong dinner naming tatlo. Hindi pa rin nila ako pinapansin o tinitingnan. Pakiramdam ko ay ibang tao ang kasama ko. Pakiramdam ko, kailangan kong makisama sa bagong kakilala. Masakit lang na naging ganito na kami sa isa't isa.“Prepare yourself tomorrow,” maawtoridad na sabi sa akin ni Daddy pagkatapos kumain. Nakaupo pa rin kami sa dining area.“P-para po saan?” kinakabahan kong tanong.“I invited your fiancé and his family for lunch tomorrow. We will talk about the wedding, the date and all.”“D-dad…”“What? You're thinking about his girlfriend?” Bigla itong umismid, “I don't care about their relationships. Just marry him. You don't have to worry about someone's problem. Is that clear?”“But, Dad... They're—”“Stop, Czes. I don't want to talk about them. Just do what I said.”What now, Brianna? How can you stop this wedding?Bumalik ako sa kwarto ko na lutang, wala sa sarili. Binuksan ko muli ang huling post ni Steve. Ito na siguro ang pinakamasayang araw nila sa limang taon nila. Tapos masisira lamang ng isang tulad ko na matagal nang may gusto sa kaniya.Kung wala lang sigurong masasaktan na girlfriend, okay lang maikasal sa kaniya dahil matagal ko na s'yang gusto. Pero kung ganito naman, siguradong isusumpa nila ako pareho.Ngayon pa lang, nai-imagine ko na ang sakit na maidudulot ng kasal namin ni Steve para sa babae. Na ang lalaking nangako sa kaniya ng kasal, ay iba ang ihaharap sa altar.▪Steve Pov▪Ilang taon na ang lumipas pero hindi na namin siya muling nakita. Ilang taon na mula noong huli ko siyang nakita. Pero, walang nagbago. Araw-araw naiisip ko siya, araw-araw hinahanap ko siya. Binago ko lahat sa'kin, inayos ko ang sarili ko. Kinalimutan ko ang bisyo ko, kinalimutan ko ang masasamang gawain ko. Lahat 'yon ay ginawa ko para kung sakaling bumalik siya. Alam kong walang kasiguraduhan na mabawi siya, lalo pa ngayong nalaman ko na mahal din siya ng kapatid ko.Siya ang babaeng matagal nang gusto ng kapatid ko. Ang nagpapasaya sa kapatid ko noon kahit sa tingin lamang.Naisip ko, siguradong wala akong laban kung siya ang kasabayan ko. Napakabait nito, Doctor, at walang masamang bisyo. Naging malapit din sila noon sa isa't-isa, kaya hindi malabo na siya ang piliin nito.Pero hindi ako basta susuko, hindi ko siya basta isusuko.Four years still her... And unexpected happened. Sila pala ng kaibigan niya ang may ari ng AB Constraction Company kung saan kami makikipag
Natigil lamang sa bangayan ang dalawa nang makarating kami sa simbahan. Nasa gitna ako ng magkapatid habang nasa tabi ni Ash si A. At nang nasa part na ng hallelujah ay bigla na lamang hinawakan ng magkapatid ang aking kamay, na pwede namang hindi na. Tss.“Para-paraan. Pwede namang hindi nakahawak oy!” bulong ni A sa mga ito.“Wala lang may gustong humawak sa kamay mo,” agad na bawi ni Asher.Pasimpleng sinipa ni A ang sapatos ni Ash dahil doon. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa dalawang ito. Na kahit sa gitna ng misa ay nag-aaway pa rin.Matapos ng misa ay nagyaya naman kumain ang magkapatid. Hindi ko alam kung sinasadya ba nila, pero doon nila kami dinala sa resto kung saan may masakit na alaala sa'min ni Steve. Ang resto kung saan tinapos ni Nicole ang relasyon nila.Napatingin ako kay Steve pagkababa namin ng sasakyan. Pero ngumiti lamang ito at nagyaya na papasok sa loob kaya sumunod naman kami. Umorder sila ng pagkain habang ako ay nakatingin kung saan ko naaalala
Noon, hinihiling ko na sana tanggapin ako ng mga tao sa paligid ko. Na sana, makita naman nila ang worth ko. At ngayon na tanggap na nila ako, na ramdam ko na ang pagmamahal nila, nagulo naman ang isip ko. Si Asher, naging mabuting tao simula pa noon sa'kin. Pero may dahilan pala ang lahat ng 'yon, dahil gusto na niya ako noon pa habang gusto ko ang kapatid niya. Pero never niyang sinabi dahil ayaw niyang maging dahilan o sagabal sa mga pangarap ko.Si Steve, simula pa lang sinasaktan na ako. Never niyang pinaramdaman ang respeto na kailangan ko. Pero may dahilan din, dahil naman sa sobra siyang nasaktan. Ang mali naman niya, naging selfish siya sa part na, akala niya siya lang ang biktima.Buong buhay ko, palagi ko na lamang inuuna ang nararamdaman ng ibang tao. Palagi kong iniisip ang sasabihin nila sa magiging desisyon ko. Dahil gano'n ako pinalaki ni Daddy, which is mali. Nang dahil doon, naging selfless ako, na kahit na nasasaktan na ako, okay lang sa'kin 'wag lang ang ibang tao
Simula noong araw na 'yon ay nagpaalam ako kay A na lilipat na muli sa puder ni Daddy para may kasama ito. Sinabi ko rin na hindi muna ako mag full time sa office. Pumayag naman ito at sinabing siya na muna ang bahala, bibisitahin na lamang daw niya kami ni Daddy.Three days na ako rito kay Daddy, three days na rin ako hindi pumapasok sa office pero nagtatrabaho pa rin sa bahay. May katulong naman sa bahay, pero gusto ko pa rin na nababantayan si Daddy. Madalas ito sa garden ni Mommy tumambay.“Anak, ilang araw ka na rito at hindi napasok sa company niyo. Hindi mo naman ako kailangan bantayan.” Sabi ni Daddy habang nagkakape kami sa garden.“Dad... Nagta-trabaho pa rin naman po ako kahit nandito ako sa bahay, tsaka gusto ko po na nandito ako. Ayaw niyo po ba akong nandito?” “What? No! Of course not. Syempre gusto ko na nandito ka. Kaya lang... Baka kasi nakakaabala na ako sa'yo anak.”Huminga ako nang malalim bago ngumiti kay Daddy.“Dad, 'wag n'yo nga po isipin 'yan. Hindi kayo nagi
Ginimbal ako nang araw na 'yon. Araw-araw ko silang nakikita sa company namin kahit wala namang meeting. Akala ko si Asher lamang ang may pasabog. Pero kinabukasan din no'n ay kinausap muli ako ni Steve ng isa pang rebelasyon na nagpagulo rin sa utak ko. “Brianna, I'm sorry to those painful days of your life with me. Lahat 'yon pinagsisisihan ko, handa kong pagbayaran lahat ng 'yon araw-araw,” wika nito habang magkaharap kami sa isa't-isa sa loob ng office ko.“T-Teka nga... Anong nangyayari sa inyong magkapatid? Pinagtitripan n'yo ba ako?”“What? No! I'm serious Brianna...”“Ikaw, anong dahilan mo para gawin 'to?” dahil si Ash ang dahilan niya ay mahal ako, ano naman dahilan ng isang 'to? Last time I checked, kinamumuhian niya ako.“Alam kong mahihirapan kang paniwalaan ako matapos ang mga nangyari sa'tin noon. But, the truth is... I already loved you that day I signed the divorce paper.”Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, para ko na namang nakain ang dila ko sa narinig.“An
Biglang may kumatok kaya agad kong nai-tulak si Steve at lumayo nang bahagya. Nagtataka naman ako nitong tinignan. Tumikhim ako at tumingin sa pinto nang magbukas ito."Architect Dela Cruz, your—Steve?" natigilan si Ash at nagtatakang nakatingin kay Steve. May dala itong..."Coffee?" tanong ko habang nakatingin sa hawak nito. Napatingin din ako sa kape na nasa table ko."Ah yeah... Here," ibinaba nito ang kape sa table at natigilan dahil sa isa pang kape na nasa table ko. Tumingin ito kay Steve na nagtatagis na ang panga. Seryosong nakatingin ang mga ito sa isa't-isa na ipinagtaka ko. Biglang nagbukas ang pinto at pumasok si Amirah. Natigilan naman ito sa tagpo na kaniyang naabutan. "What's going on here? Harrison brothers?" nagtataka nitong tanong at naglakad palapit sa'kin. Nag-iwasan nang tingin ang dalawang lalaki. Samantalang natigilan naman si A sa dalawang kape na nakita."B, baka kabagan ka na d'yan at mag palpitate, dalawa agad ang kape mo.""Tss. Ewan ko sa'yo A. Ikaw in