Share

Chapter Two

last update Last Updated: 2022-05-20 12:38:18

Paglabas ko ng banyo ay wala na si Steve. Hirap pa akong maglakad dahil medyo masakit pa ang maselang bahagi ko. Tapos tumakbo pa ako kanina papunta sa banyo, kaya para akong napunit!

“Excited naman s'ya masyadong makipag-usap sa parents ko. Iniwan ba naman ako rito! Ang hirap kayang maglakad. Bwisit!” reklamo ko habang maingat na naglalakad palabas ng kwarto. Panay ang ngiwi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Kahit pagbaba ng hagdan ay nahihirapan ako. Bakit ganito?! 

Kangkang na ako, p*****a!

Naabutan ko ang parents ko sa sala nina Rose, at seryoso ang mga mukha. Nandoon na rin si Steve na nakaupo sa tapat nina Daddy habang hinihilot ang kaniyang sintido. 

Hang-over siguro.

Pinilit kong umayos nang lakad nang tumingin na sa gawi ko sina Daddy.

Umupo ako malapit kina Daddy at Mommy. Narito rin si Rose. Nasa trabaho siguro ang parents n'ya kaya wala rito. Mabuti naman kung ganoon dahil mas nakakahiya.

“Are you my daughter's boyfriend?” my Dad asked Steve. 

Walang emosyon namang tumingin si Steve sa amin. “No,” malamig nitong sagot na nagpakunot sa kilay ni Daddy. 

Tiningnan ako nito nang nagtataka. “He's not your boyfriend?” Naniningkit na ang mga mata ni Daddy na ibig sabihin ay nagsisimula nang magalit.

“N-no, Dad,” kinakabahan kong sagot sabay yuko sa mga kamay ko na nasa kandungan.

Napahilot ito sa kaniyang batok, inalis ang kaniyang salamin at napahawak sa kaniyang ilong. Ang mga ganitong galawan ni Daddy ay nagpapahayag ng pagkairita. Bumuntonghininga pa ito.

“Well, even if you're not her boyfriend, you need to marry her.”

Agad akong napatingin kay Daddy matapos n'ya itong sabihin.

“What?” Magkasalubong na ang kilay ni Steve. “Why would I?”

“Anong klaseng tanong 'yan, hijo? Kinama mo ang anak ko na hindi mo naman pala girlfriend in the first place. And now, you’re asking me why? Seriously?”

“That was just a one-night stand, Sir. It's normal—”

“For you, but not for us. As her parents, I want you to marry her because of that one-night stand,” maawtoridad na utos ni Daddy sa kanya.

Tiningnan ako nang masama ni Steve. Mga tingin na naninisi na naman.

“Dad, we can talk about this without me marrying him.”

“Are you insane? Do we have to wait until you confirmed that you're pregnant?”

“But, Dad, I'm not pregnant—”

“Hindi pa, Czes... Hihintayin pa ba natin na magbuntis ka muna bago nito panagutan ang ginawa n'ya?”

“But I have a girlfriend. I can't marry your daughter…” Steve said.

“Marry her o idedemanda kita sa ginawa mo sa anak ko?”

“Dad…”

“What? Why? Ginusto n'ya rin ang nangyari, Sir. Bakit may demandahan?”

“She's drunk,” sagot ni Daddy.

“I'm drunk, too…”

“And I don't care! Just marry her or see you in the court, boy. End of discussion.”

Tumayo na si Daddy kaya tumayo na rin si Mommy.

“Mommy…” tawag ko kay Mommy na nakikiusap.

“You know your Daddy's word, Czes. You made a mistake, and face the consequences.”

“Let's go, Czes.” 

Nauna na silang lumabas ng bahay nina Rose na nananahimik lamang.

“I won't marry you!” matigas na sabi ni Steve sa akin bago ako nilampasan palabas.

“I'm sorry, B, hindi ko alam na—”

“It's okay, Rose.” Ngumiti lamang ako rito bago s'ya tinalikuran. Nagpasalamat muna ako rito bago tuluyang sumunod kina Mommy.

Sobrang tahimik ang naging biyahe namin pauwi sa bahay. Pero sa loob-loob ko ay sobra na akong kinakabahan. Alam kong may kasunod pa na sermon pagdating sa bahay. 

Kaya naman nang makarating kami ay isang napakalalim na buntonghininga ang aking ginawa bago lumabas ng sasakyan.

“Let's talk,” seryosong sabi ni Daddy habang napasok kami sa aming bahay, kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila ni Mommy.

Pumasok ito sa kaniyang office rito sa bahay at naupo sa kaniyang swivel chair. Kami ni Mommy ay naupo sa dalawang upuan na nasa harap ng kaniyang table. Hindi ako tinitingnan ni Mommy sa mata mula nang dumating kami. Alam ko naman na masama ang loob nila dahil sa nangyari.

“What now, Czes?” umpisang tanong ni Daddy. Nakatingin lamang ako sa aking mga kamay. “Kaka-graduate mo lang ng college, 'di ba? Tapos, ano? Imbes na nagtatrabaho ka sa company natin, heto at kailangan mong magpakasal.”

“Dad, puwede naman po na huwag nang magpakasal—”

“Nag-iisip ka ba?!” galit na tanong ni Daddy na ikinatahimik ko. “Kabobohan na nga ang ginawa mong 'yon kagabi sa hindi mo naman pala boyfriend, tapos gusto mo hayaan na lamang namin na takbuhan ng loko na 'yon ang responsibilidad n'ya?!” Galit na galit si Daddy, samantalang hindi naman nagsasalita si Mommy.

“Pero, Dad, wala naman s'yang responsibilidad sa akin. Pareho po naming hindi sinasadya 'yon.”

“Naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi ka ba talaga nag-iisip? Nasaan na ba ang utak mo, ha, Czes?!”

 Sa tuwing may nagagawa akong hindi gusto ni Daddy, lagi akong nakaririnig ng masasakit na salita mula sa kaniya. Gusto n'ya laging tama, gusto niya perfect. Dahil nag-iisa akong anak, pasan ko lahat ng pressure mula sa mga magulang ko.

“I'm sorry…” mahinang tugon ko.

“Kung bigla kang mabuntis, akala mo ba makakatulong ka pa sa company natin? At kung mabuntis ka at hinayaan natin na iwan ka ng lalaki na 'yon, isang malaking kahihiyan ang ginawa mo! Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao? Ha?!”

Narinig ko na naman ang mga salitang 'yon,  kung ano ang masasabi ng ibang tao. 

Palagi na lang nilang iniisip ang masasabi ng iba, pero hindi nila naisip tanungin kung okay ba sa akin. Minsan, hinihiling ko na sana, nagkaroon ako ng kapatid.

“Pero, may girlfriend po s'ya. Ayoko pong makasira ng relasyon—”

“Sana naisip mo 'yan bago ka nakipag-sex sa hindi mo kilala! Matagal mo na bang ginagawa 'yan, ha, Czes? Ang makipag-sex sa hindi mo kilala?!”

“No, Dad, hindi po...” mabilis kong sagot.

“Siguraduhin mo lang, Czes, dahil nakakahiyang magkaroon ng anak na p****k”

“Calvin....” saway ni Mommy kay Daddy.

Parang sinaksak ako nang paulit-ulit dahil sa narinig. Dahil sa isang pagkakamali, lalong bumaba ang tingin sa akin ni Daddy. Hindi na nga s'ya proud sa akin. Nagkaroon pa s'ya lalo ng dahilan para ikahiya ako.

Palagi kong pinipilit ang sarili ko na makibagay sa mundo na gusto ni Daddy. 

Mahirap—napakahirap…

I need to pretend to be perfect just to flatter him. I need to be someone for me to meet his expectations. But, deep down in me, I'm really tired—emotionally and mentally.

“Sa ayaw at sa gusto mo, pakakasalan mo ang lalaking 'yon. Wala akong pakialam kung may girlfriend s'ya. Huwag n'yong idahilan sa akin na aksidente lang 'yon. Parehas n'yo iyong ginusto! Gasgas na ang dahilan na aksidente lang. Kung okay sa inyong mga kabataan ang one-night stand; kung normal lang 'yon sa inyo; iba sa mga magulang mo! Hindi magandang tingnan na maraming lalaki ang nagpapakasasa sa katawan mo! Dahil nakakarumi iyon ng pagkatao! Hindi 'yon dapat ipinagmamalaki!”

Natigilan naman ako sa narinig. 

Alam ko naman ang ipinupunta ni Daddy. 

Pero bakit hindi s'ya naniniwala na first ko si Steve? Bakit parang ang rumi-rumi na ng tingin nila sa akin? 

Tumingin ako kay Mommy. Nakita ko itong nakatitig nang malungkot sa akin. Bigla na lamang nanubig ang aking mga mata dahil sa tingin n'ya.

“I'm sorry, Mom… I'm sorry…” sabi ko at nag-unahan na sa pagbagsak ang aking mga luha.

Umiling-iling si Mommy. “You disappointed us. Why, Czes? Why? Nagkulang ba ako bilang ina?” 

Nanlaki ang aking mga mata sa tanong ni Mommy, lalo na nang makita ko ang luhaan nitong mga mata.

“No, Mommy… No...” Mabilis akong lumapit kay mommy at lumuhod. S'ya lang ang kakampi ko noon pa man. Ang makita s'yang ganito ka-disapointed ng dahil sa akin ay sobrang sakit. Ang makitang umiyak ang iyong ina ay sobrang sakit!

“Then, why? This is not my dream for you. You promised me, you'll reach that dream for us.”

“I'm sorry, Mommy... I'm really sorry… Please don't cry, Mom...” umiiyak kong sabi habang nakatingala kay Mommy. Nakaluhod pa rin ako sa paanan niya habang nakaupo pa rin si Mommy.

“Ikaw na lang ang mayroon kami, ikaw na lang ang pag-asa namin. Pero heto ka ngayon, kailangan magpakasal nang maaga.”

“Mom, puwede naman po na hindi magpakasal. Puwede pa naman pong ituloy ang pangarap natin. Mommy, please…”

“At gusto mong maging disgrasyada? No! ginusto mo 'to, kaya panindigan mo.” 

After that, they left me.

I cried out loud. This is painful.

Seeing your mom like this is really painful. Because of my wrong actions, they are treating me like a stranger.

 I deserve their cold treatment towards me. 

But, my mom doesn't deserve to have a daughter like me. Hindi n'ya deserve ang magkaroon ng anak na kagaya ko. She's been always there everytime na pinipilit kong maging ibang tao para kay Daddy. Nand'yan s'ya para pagaanin ang loob ko. Pero sama ng loob ang isinukli ko.

“I'm sorry... I'm really sorry, Mom... I'm sorry.... Sorry....” bulong ko habang umiiyak habang nakaupo sa malamig na sahig at mag-isa.

Alam kong wala nang magagawa ang mga iyak ko, ang mga paghingi ko ng tawad. Pero gusto ko pa ring malaman nila na pinagsisisihan ko ang nangyari. Dahil naging dahilan ito para lumayo ang loob sa akin ni Mommy. Naging dahilan ng mas lalong pagkawala ng amor sa akin ni Daddy.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Despised Relationships [Book 1]   Epilogue

    ▪Steve Pov▪Ilang taon na ang lumipas pero hindi na namin siya muling nakita. Ilang taon na mula noong huli ko siyang nakita. Pero, walang nagbago. Araw-araw naiisip ko siya, araw-araw hinahanap ko siya. Binago ko lahat sa'kin, inayos ko ang sarili ko. Kinalimutan ko ang bisyo ko, kinalimutan ko ang masasamang gawain ko. Lahat 'yon ay ginawa ko para kung sakaling bumalik siya. Alam kong walang kasiguraduhan na mabawi siya, lalo pa ngayong nalaman ko na mahal din siya ng kapatid ko.Siya ang babaeng matagal nang gusto ng kapatid ko. Ang nagpapasaya sa kapatid ko noon kahit sa tingin lamang.Naisip ko, siguradong wala akong laban kung siya ang kasabayan ko. Napakabait nito, Doctor, at walang masamang bisyo. Naging malapit din sila noon sa isa't-isa, kaya hindi malabo na siya ang piliin nito.Pero hindi ako basta susuko, hindi ko siya basta isusuko.Four years still her... And unexpected happened. Sila pala ng kaibigan niya ang may ari ng AB Constraction Company kung saan kami makikipag

  • Despised Relationships [Book 1]   Chapter Forty

    Natigil lamang sa bangayan ang dalawa nang makarating kami sa simbahan. Nasa gitna ako ng magkapatid habang nasa tabi ni Ash si A. At nang nasa part na ng hallelujah ay bigla na lamang hinawakan ng magkapatid ang aking kamay, na pwede namang hindi na. Tss.“Para-paraan. Pwede namang hindi nakahawak oy!” bulong ni A sa mga ito.“Wala lang may gustong humawak sa kamay mo,” agad na bawi ni Asher.Pasimpleng sinipa ni A ang sapatos ni Ash dahil doon. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa dalawang ito. Na kahit sa gitna ng misa ay nag-aaway pa rin.Matapos ng misa ay nagyaya naman kumain ang magkapatid. Hindi ko alam kung sinasadya ba nila, pero doon nila kami dinala sa resto kung saan may masakit na alaala sa'min ni Steve. Ang resto kung saan tinapos ni Nicole ang relasyon nila.Napatingin ako kay Steve pagkababa namin ng sasakyan. Pero ngumiti lamang ito at nagyaya na papasok sa loob kaya sumunod naman kami. Umorder sila ng pagkain habang ako ay nakatingin kung saan ko naaalala

  • Despised Relationships [Book 1]   Chapter Thirty Nine

    Noon, hinihiling ko na sana tanggapin ako ng mga tao sa paligid ko. Na sana, makita naman nila ang worth ko. At ngayon na tanggap na nila ako, na ramdam ko na ang pagmamahal nila, nagulo naman ang isip ko. Si Asher, naging mabuting tao simula pa noon sa'kin. Pero may dahilan pala ang lahat ng 'yon, dahil gusto na niya ako noon pa habang gusto ko ang kapatid niya. Pero never niyang sinabi dahil ayaw niyang maging dahilan o sagabal sa mga pangarap ko.Si Steve, simula pa lang sinasaktan na ako. Never niyang pinaramdaman ang respeto na kailangan ko. Pero may dahilan din, dahil naman sa sobra siyang nasaktan. Ang mali naman niya, naging selfish siya sa part na, akala niya siya lang ang biktima.Buong buhay ko, palagi ko na lamang inuuna ang nararamdaman ng ibang tao. Palagi kong iniisip ang sasabihin nila sa magiging desisyon ko. Dahil gano'n ako pinalaki ni Daddy, which is mali. Nang dahil doon, naging selfless ako, na kahit na nasasaktan na ako, okay lang sa'kin 'wag lang ang ibang tao

  • Despised Relationships [Book 1]   Chapter Thirty Eight

    Simula noong araw na 'yon ay nagpaalam ako kay A na lilipat na muli sa puder ni Daddy para may kasama ito. Sinabi ko rin na hindi muna ako mag full time sa office. Pumayag naman ito at sinabing siya na muna ang bahala, bibisitahin na lamang daw niya kami ni Daddy.Three days na ako rito kay Daddy, three days na rin ako hindi pumapasok sa office pero nagtatrabaho pa rin sa bahay. May katulong naman sa bahay, pero gusto ko pa rin na nababantayan si Daddy. Madalas ito sa garden ni Mommy tumambay.“Anak, ilang araw ka na rito at hindi napasok sa company niyo. Hindi mo naman ako kailangan bantayan.” Sabi ni Daddy habang nagkakape kami sa garden.“Dad... Nagta-trabaho pa rin naman po ako kahit nandito ako sa bahay, tsaka gusto ko po na nandito ako. Ayaw niyo po ba akong nandito?” “What? No! Of course not. Syempre gusto ko na nandito ka. Kaya lang... Baka kasi nakakaabala na ako sa'yo anak.”Huminga ako nang malalim bago ngumiti kay Daddy.“Dad, 'wag n'yo nga po isipin 'yan. Hindi kayo nagi

  • Despised Relationships [Book 1]   Chapter Thirty Seven

    Ginimbal ako nang araw na 'yon. Araw-araw ko silang nakikita sa company namin kahit wala namang meeting. Akala ko si Asher lamang ang may pasabog. Pero kinabukasan din no'n ay kinausap muli ako ni Steve ng isa pang rebelasyon na nagpagulo rin sa utak ko. “Brianna, I'm sorry to those painful days of your life with me. Lahat 'yon pinagsisisihan ko, handa kong pagbayaran lahat ng 'yon araw-araw,” wika nito habang magkaharap kami sa isa't-isa sa loob ng office ko.“T-Teka nga... Anong nangyayari sa inyong magkapatid? Pinagtitripan n'yo ba ako?”“What? No! I'm serious Brianna...”“Ikaw, anong dahilan mo para gawin 'to?” dahil si Ash ang dahilan niya ay mahal ako, ano naman dahilan ng isang 'to? Last time I checked, kinamumuhian niya ako.“Alam kong mahihirapan kang paniwalaan ako matapos ang mga nangyari sa'tin noon. But, the truth is... I already loved you that day I signed the divorce paper.”Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, para ko na namang nakain ang dila ko sa narinig.“An

  • Despised Relationships [Book 1]   Chapter Thirty Six

    Biglang may kumatok kaya agad kong nai-tulak si Steve at lumayo nang bahagya. Nagtataka naman ako nitong tinignan. Tumikhim ako at tumingin sa pinto nang magbukas ito."Architect Dela Cruz, your—Steve?" natigilan si Ash at nagtatakang nakatingin kay Steve. May dala itong..."Coffee?" tanong ko habang nakatingin sa hawak nito. Napatingin din ako sa kape na nasa table ko."Ah yeah... Here," ibinaba nito ang kape sa table at natigilan dahil sa isa pang kape na nasa table ko. Tumingin ito kay Steve na nagtatagis na ang panga. Seryosong nakatingin ang mga ito sa isa't-isa na ipinagtaka ko. Biglang nagbukas ang pinto at pumasok si Amirah. Natigilan naman ito sa tagpo na kaniyang naabutan. "What's going on here? Harrison brothers?" nagtataka nitong tanong at naglakad palapit sa'kin. Nag-iwasan nang tingin ang dalawang lalaki. Samantalang natigilan naman si A sa dalawang kape na nakita."B, baka kabagan ka na d'yan at mag palpitate, dalawa agad ang kape mo.""Tss. Ewan ko sa'yo A. Ikaw in

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status