Share

CHAPTER 3

-Dianne's-

Hindi ako nakasama kay Maxine noon sa Maynila kasi mas priority ko muna na alagaan si Mama. Nagkasakit siya at kulang nalang ay hindi na siya makalalad at makatayo. Inatake siya ng mild stroke dulot nang sobrang pagod at puyat lagi sa pag titinda ng isda.

Halos mag iisang taon na rin simula nung na stroke si Mama. Kaya halos hindi na siya makilala ng mga kakilala niya sa palengke. Wala siyang gana lagi kumain at palaging mainit ang ulo, siguro dahil medyo hirap siyang magsalita.

Kailangan kong alagaan si Mama. At wala akong choice kundi ang mag hanap ng trabaho kung saan-saan. Highschool graduate lang ako kaya medyo hirap ako sa mga pinag aaplyan kong trabaho.

Kaya ang bagsak ko ay kahit anong raket nalang pinapatos basta may pera akong kinikita araw-araw para may maibili ako ng gamot.

Hindi alam ng kaibigan kong si Maxine kung ano ang kinakaharap kong problema ngayon. Kaya sa tuwing kinakamusta niya ako ay tanging okay lang lagi ang sagot ko sa kanya.

Kakalabas ko lang galing sa pinapasukan kong restaurant at dumiretso agad ako sa botika para bumili ng gamot para sa highblood. Ngunit pag dating ko sa bahay ay gulat akong napatingin sa kwarto ni mama na tila may mga nahulog na unan galing sa kama niya.

"M-ma! M-maaaa!" Sigaw sabay takbo ko sa kwarto niya at bigla nalang ako nanlumo at parang nangatal sa nakita ko.

At doon nalang ako humagulhol ng pag iyak. Wala na! Wala na ang mama ko! Anong gagawin ko! Mag isa nalang talaga ako.

*End of Flash back*

Nakahiga pa ako ngayon kung kaya't bigla kong naalala ang mga nangyari sa aking buhay noon. Araw ng sabado ngayon kung kaya't pahinga ko sa trabaho sa isang mall dito sa Maynila na pag mamay-ari nina Maxine. Isa akong Sales Lady doon na kahit ang gusto ni Maxine na maging Manager ako ay hindi ko pinatos sa kadahilanan na baka sabihin ng iba na porke't kaibigan ko ay may special treatment na nangyayari.

Ayaw ko ng ganun! Feeling ko ang ispesyal ko naman yata. Manager agad! Eh ni isang experience nga ay wala akong alam.

Oo nakipagsapalaran ako dito sa Maynila dalawang taon na ang nakalipas simula nung nag hiwalay kami ni Ian. Ang wasak kong puso ay lalong nawasak noong araw na nawala si Mama sa mundong ibabaw.

Kailangan kong lumayo para makapag isip-isip sa buhay at makapagsimula ulit. Wala akong ibang aasahan kundi ang aking sarili lamang. Kaya todo kayod ako para makapag ipon nang sa ganun ay matustosan ko ang aking sarili at mabili ang mga gusto ko tulad nalang ng sariling lupa at bahay. At gusto ko pa pumasok ng kolehiyo, syempre may pangarap din naman ako sa buhay yun ay maging isang Archetic.

"Dianne! Dianne!sabay katok sa pinto." Boses ni Maxine yun kaya't pumunta agad ako sa pintuan para pagbuksan siya.

"Grabe ka naman kong makasigaw anteeh! Bakit ba? Ang aga aga nambubulahaw ka ng tulog." Kunot ang noo na pagkakasabi ko sa kanya sabay sarado ng pintuan.

"Eh kasi naman hindi mo sinasagot tawag ko

kagabi, may gusto pa naman makarinig ng boses mo..."

Ano daw? At sino naman kaya yun? Kaya tanging huh? nalang ang nasagot ko. Ang weird din minsan ng babaeng 'to. Minsan magugulat nalang ako na pinipicturan na pala ako ng patago, kung hindi ko pa mahuhuli na bigla nalang umiilaw ang flash ng camera niya ay hindi ko pa malalaman. Basta! Inip na yata 'to sa pagiging only child kaya ako ang napapag-tripan.

"Nung isang buwan pa kita pinapaalis dito para doon kana lumipat sa condo unit ko. Kaso parang nakakalimutan mo na yata." Sabay nguso nito na parang bata na nagtatampo.

"Hindi ko nakakalimutan yun anteeh kaya kalma kalang. Lilipat na ako dun bukas agad-agad nanginginig pa." Natatawa kong sabi sa kanya na siya namang ikinalapad ng ngiti nito sabay yakap sa akin.

Hindi ko alam kung paano kami natapos agad nang pag iimpake ni Max. Siguro dahil sa kaunti lang talaga ang gamit ko o basta nalang siguro pinaglalalagay ng babaeng 'to ang mga gamit ko sa maleta. Atat lang eh! Kala mo naman jowa ko kung makaasta. Bulong ko sa sarili ko.

Nag mi-meryenda kami ngayon sa isang mall dito sa makati. On the go ako lagi pag si Maxine na ang nag aaya sakin, as If naman na makakatanggi pa ako sa kanya eh simula nung sumama ako dito sa kanya ay siya na yung tumatayong nanay ko. Nakakatawang isipin na may isa akong kaibigan na kapatid na ang turing saakin.

Nag paalam ako kay max para mag cr at diretso lang ako ng paglalakad. Pero parang feeling ko may mata lagi na nakatingin sa akin. Kaya lumingon-lingon ako kung meron nga pero wala naman. Ang weird lang, kasi simula nung tumapak ako dito sa maynila ay ramdam ko lagi na may umaaligid sa akin lalo na pag kasama ko si Max. Pero hindi ko sinasabi yun sa kanya at baka mag aalala lang yun. Ewan! Baka guni-guni ko lang yun. '

Kakabalik ko lang galing cr at hindi pa ako nakaka-upo ay biglang imik ni Maxine.

"D, be ready for tomorrow kasi bibisita daw yung Branch Manager at CEO ng JMI Mall. Kailangan maaga tayo dun. Baka ma todas ako ng lalaking yun pag na late tayo. Susunduin kita bukas ng umaga sa unit mo."

Financial Manager ang posisyon ni Maxine sa Mall nila. Yan ang pinili niyang posisyon kasi mas related sa course niya ang posisyon na yun. Hindi alam ng ibang staff ng Mall na anak si Maxine ng may-ari na si

Sir Kristof Ibarra.

At mas gugustohin ni Maxine na hindi ipaalam at magiging low-key nalang ito kung ano siya at sino siya. Ayaw niya na baka mailang sa kanya ang mga empleyado nila. Kaya magiliw itong nakikipag bardagulan lagi lalo sa mga security at ibang empleyado nila.

"Okay! Pero teka lang. Sinong lalaki ba yung tinutukoy mo? At uunahan na kita, hindi ako interesado ha! Curious lang ako." Pang pipilosopo ko sa kanya.

"Ah! Wala yun! Supladong nilalang lang yun na kailangan disiplinahin ng matinong babae tulad mo san—"

"Ay nako, Maxine Claire Ibarra! Tigilan mo ako at wala akong panahon sa mga kalokohan mo sa buhay.!" Putol ko sa sasabihin niya." Kala mo naman kahapon lang ako pinanganak para hindi ma gets yang sinasabi mo." Kunot ang noo kong tiningnan siya.

Shemss! Kailangan prisentable kami bukas para naman walang masabi yung Manager namin. Never ko pa nakita yung sinasabi ni max na CEO. Kakauwi lang daw nito galing england at ito na daw ang mag ma-manage ng kompanya nila. Madaming haka-haka na napaka arogante at suplado na lalaki daw ito pero bumawi naman sa pagiging matipuno at kung sa looks daw ang pag-uusapan ay parang nanalo ka sa lotto pag nakita mo ito. Malala koreano daw ang istura nito.

Nako! Kung arogante at suplado lang din naman ay kahit hindi na kami mag kita nun! At wala parin tatalo sa mga pinag-papantasyahan kong mga

K-pop. Sila lang sapat na.

Dalawang taon na rin pala ang nakalipas noong nag break kami ng ex ko.

Ang unang ex ko na akala ko ay trip lang lahat ng yun pero habang tumatagal ang relasyon namin ay mas lalo na pala akong napapamahal sa kanya.

Mabait na tao si Ian at kahit mayaman sila ay hindi niya pinamukha sa akin ang pagiging marangya niya sa buhay. Halos isang taon din ang itinagal ng relasyon namin.

Yun nga lang napaka-selosong tao. At hindi ko lang lubos maisip ay yung ginawa niyang pag tataksil sa akin na nakabuntis siya ng ibang babae. Hindi ko alam kung bakit nagawa nya yun.

Dahil ba hindi namin nagagawa ang ganong bagay? 'O baka hindi pa talaga ako handa sa ganon kaya sa iba niya hinanap. Hindi niya ako masisisi kong hindi ko naibigay ang panga-ngailangan niya.

Pinaninindigan ko lang naman ang panata ko sa aking sarili na doon ko lang i-aalay sa taong mahal ko at mahal ako at tanggap kung sino ako, doon sa taong pakakasalan ako at ituturing na prinsesa niya.

Aba may pangarap din naman ako sa buhay kahit mahirap lang ako no! Mag aasawa na nga lang din ako syempre doon na sa taong true love ko. Kaya kung nasaan ka man ngayon ay baka naman mag paramdam kana,tumatanda na rin ako at malapit na akong mawala sa kalendaryo.

Napahaba yata ang pag-iisip ko kung kaya't bigla nalang ako nagulat nung hinila nalang bigla ni Maxine ang dulo ng buhok ko.

"Arayyyy! Mapanakit talaga 'to."

Sabi ko sabay nguso.

" Kasi tulala kana naman d'yan! Tumayo ka na at may pupuntahan tayo. Sumama ka muna sa akin sa bahay, tumawag si Daddy may kailangan daw siyang i-discuss sa akin for tomorrow. Doon kana mag dinner para hindi kana mag luto pag uwi mo sa condo. Magpapaluto ako kay manang ng paborito mong adobong sitaw."

"Heto na nga oh tatayo na. Staka ang tagal ko na rin hindi nakakapunta sa mansion nyo, namimiss ko nang mag basa dun sa library niyo at syempre miss ko nang makipag kwentohan kay manang Flor." Sabay tayo at hila ko sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status