Share

CHAPTER 4

-Jaxxon Kade's-

" Jaxx kailan mo balak bumalik sa England? Kailangan ka ng kompanya doon. You need to go there ASAP"

Pag si Dad na ang nag sabi ay wala na akong magagawa kundi ang sundin nalang ito. Kailangan ko gampanan ang pagiging CEO doon sa kompanya namin sa England. Dahil ako ang panganay niya at hindi naman ako papayag na si Maxine ang ipadala niya dun. Fucking No way! Hindi ako papayag dahil paano nalang ang mga pinapagawa ko sa kanya?

"Tomorrow Dad. May mga tatapusin lang ako dito sa Cebu. Sambit ko habang nakaupo ako dito sa balkonahe ng aking kwarto.

"Alright then. Make sure na this time ay bou na ang desisyon mo anak. Bye!"

Hindi ko pa naiibaba ang phone ko ay nakita ko ang txt message ni Maxine.

"Kuya papunta na ako sa boarding house ni D."

Fuck! That Bastard! May kalalagyan ka saakin Ian! Makikita mo! Sinaktan mo ang mahal ko! Napamura ako sabay tawag sa kapatid ko.

"Hey! Malapit ka na ba? Ano? Kamusta siya? 'Shit! Dapat talaga nilapitan ko nalang siya kanina. Bilisan mo naman Max! Baka kung napaano na yun doon!" Yamot kong sabi kay Max na nag aalala na din sa kaibigan niya.

‘This time D, you'll be mine.’ Pilyong sabi ko sa aking sarili sabay inom ng alak.'

"Call you later Kuya andito na ako sa labas ng boarding house ni Dianne. Naririndi na ako sa mga mura mo! Praning kana talaga!"

"Balitaan mo ako agad. You need to do something Max para makalimutan agad ni D yung gagong Ian na yun.! Flight ko na bukas papuntang England at hindi ko alam kung kelan ako makakabalik at ikaw na muna ang bahala sa kanya." Hindi na siya sumagot at basta nalang pinatay ang phone niya. 'Damn! 'That brat!'

Sino ang hindi mapa-praning eh halos boung buhay ko siya lang ang laman ng isip at puso ko.Shit talaga! 'Fucking Seventeen Years, Jaxx!’ Seventeen years na akong baliw na baliw sa Dianne ko.

*End of Flashback*

Matagal ko nang gusto si Dianne. Palihim ko siyang minamahal noon pa man. First Year High School siya noon. Unang kita ko palang sa kanya ay na Love at First Sight na ako. Corny ko diba? But swear tinamaan talaga ako sa angkin niyang ganda. Napaka Low-key ng kagandahan niya. At sa tuwing dinadala siya ni max sa bahay namin sa Cebu ay doon ako palihim na tumitingin sa kanya at bou na ang araw ko noon. Hindi niya alam na may kuya si maxine dahil hindi naman talaga ako lumaki sa Cebu. At hindi rin naman na o-open yun sa kanya ni Max. Sa England na ako nag stay simula nung nag High School ako at College. Mas pinili ni dad na doon ako mag aral para masanay ako sa mga bagay-bagay doon para kung sakali na ready na ako mag handle ng kompanya ay madali nalang ito. Umuuwi lang ako sa amin sa Maynila at Cebu tuwing sem-break namin. Pero minsan pag kailangan ako JMI Mall ay malaya akong pabalik pabalik ng byahe at mag ii-stay lang sa Mansion ng isa o dalawang araw bago bumalik ulit sa England. At kung nasa Mansion man ako sa Maynila ay hindi rin ako lumalabas ng kwarto ko, ginugugol ko ang oras ko sa pag pipinta ng kung ano-ano at isa na dun ang magandang mukha ng aking mahal. Palihim ko siyang pina-pakuhanan ng litrato kay Max. Tuwing nasa England ako ay hindi ko pinapahintulutan ang kahit na sino na pumasok sa aking kwarto. Ayaw kong makita ng iba ang mga gawa kong paintings ng Hidden Love ko. Tanging si Maxine at Manang Flor lang ang nakaka-alam ng mga kalokohan ko sa buhay.

Naalala ko noon minsan akong umuwi sa Manila dahil nag ka emergency sa kompanya. Abala ako sa pag pi-paint dito sa kwarto ko nang may narinig akong may nag tatawanan sa kabilang kwarto at silid yun ni Max. Bigla naman akong natuwa dahil rinig ko ang napaka-gandang boses ni Dianne. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng aking kwarto at walang ingay na tinungo at dahan-dahang sumilip sa naka-awang na pinto ng kwarto ni Maxine. 'Damn.! Nakita ko rin ulit ang Babe ko, 'Oh God! kunin nyo na po ako. Pero wag po muna pala.' Biglang napatingin si D sa pintuan kung saan nakasilip ako, kaya mabilis pa sa hangin na tinungo ko ang aking silid para makapasok agad.'Shit! Muntik kana boy!'

“Kaninong kwarto 'to Max?' Diba wala ka naman kapatid? Bakit parang lalaki ang nag mamay-ari ng silid na 'to.” 'Get Lost! Don't you Dare to Enter' Rinig kong sabi ni Dianne. Yan kasi ang nakalagay na sulat na nakalagay sa pinto ng kwarto ko. Naka-print yun at black and white ang kulay. Kampanti akong nakikinig sa loob dahil kung tatangka siyang papasok ay naka-lock naman itong door knob ko.

"Ahh! Wala yan! May natutulog jan minsan. May supladong nilalang jan na naninirahan. Kaya wag kang mag tangka na buksan at pumasok dahil baka bigla ka nalang nyan ikulong jan at magiging kanya kana forever."

Pananakot ni Maxine sa kanya na para bang isang akong multo 'o alien kaya! 'Humanda ka talaga saakin mamaya bugnutin ka.!' Tinatakot mo ang Babe ko...

Hidden Love ko si Dianne at Stalker naman niya ako at the same time Secret Admirer na rin. Oo! Sabihin nang Gago ako pero totoo yun. Gagong gago ako pagdating kay Dianne. Hindi ko matanggap noon na sinagot niya si Ian. Si Ian na mortal kong kaaway. Hindi ko alam kung trip niya lang na ligawan si Dianne para ipa-mukha saakin na naunahan niya ako. Shit! Talaga! At nung nag break sila ay doon na ako nag lakas loob na gumawa ng hakbang. Palihim ko siyang sinusundan at tinitingnan sa malayuan. At kung wala naman ako ay yung mga tao ko ang lihim na umaaligid sa kanya, bawat oras at minuto kailangan nire-report nila saakin kung ano ginagawa at kung nasaan si Dianne. Tanging si Max ang gumagawa ng paraan para maging magaan at hindi mahirapan si Dianne sa mga pinag-dadaanan nito noong nabubuhay pa ang mama ang niya.

*-------------------*

Nung nalaman kong sumama na si Dianne kay Max sa Maynila ay ako mismo ang nag offer na ipagamit niya ang lumang condo ko, pero minsan ay doon nagpapalipas ng gabi si Max tuwing late na lalabas galing sa opisina. Mas maigi na yun kesa sa mag board siya kung saan. Ayaw ko nang may ibang lalaki na malayang pinag-papanstayahan ang mahal ko. 'Damn it!' Ako lang dapat! Ako lang! At ako din ang nag utos na ipasok siya sa JMI Mall at gawing Manager, ngunit hindi tinanggap ni Dianne ang offer na yun dahil sa personal na reason. At isa yan sa mga nagustuhan ko sa kanya. Ayaw niya na ilalamang siya ibang tao.

I'm on my way to my unit in Makati. Kakababa ko lang ng eroplano galing England at nag pasundo ako sa taohan ko. Hindi ko alam pero parang Gagong ulol na ako dito sa kotse ko, kinakabahan ako na parang maiihe. ‘Fuck! I want to hug you right now Babe Malaya na kitang makikita sa malapitan dahil magkatabi lang ang unit natin. Yes! Patay na patay talaga ako sayo Babe! 'Shit ka talaga Jaxxon' This time you'll be mine D. At papakasalan na kita at gusto ko nang lumagay sa tahimik, trenta anyos na rin ako at gusto ko nang magsimulang mag parami ng anak kay Dianne. Siguro mga lima. 'Oo lima, mas marami masasaya.'

''See you tomorrow Babe" Pilyo kong sabi sa isang Frame niya na naka-display dito sa room ko.''

"We're so close, yet so far Babe kasi di mo pa talaga ako kilala." At ngayong padir nalang ang pagitan natin ay wala ka nang kawala sa akin. 'Fuck! I missed you so much!'

Maaga akong nagising para bumili ng rosas at isiningit ko agad ito sa ilalim ng kanyang pinto. 'Good Morning Babe.' Para akong loko na nakangiti sabay pasok sa aking unit para maghanda papunta sa JMI Mall. Nakita kong may message galing kay Max kaya binasa ko ito.

Maxine:

Hey you! Jerk! Agang-aga ini-stress mo na si D. Tinapon niya yung pa-flower mo.

Nagsalubong ang mga kilay ko sabay hinga ng malalim. 'Shit!' Hindi ko na sinagot ang message niya. ‘Kabahan kana Babe! Dahil magsisimula na akong bwesitan ka hanggang sa mahalin mo ako.’ Bulong ko sa sarili ko.

Kaka-park ko lang ng kotse ko dito sa parking lot at dumiretso na agad ako sa private elevator para tumungo sa office ko.

Good Morning Sir Jaxx. Bati ng mga empleyado at secretary ko. Tango lang ang naging sagot ko sa kanila.

Hindi pa ako nakaka-upo pero may timpla nang kape na nasa table ko. Alam na alam na ni Crissa ang gagawin niya sa tuwing bumibisita ako dito, She's my Secretary. My very loyal secretary.

"Dumating na ba si Max?" Tanong ko sa secretary ko bago humigop ng kape.

"Yes Sir! Kanina pa po sila nakarating ni Miss Dianne."

'Shit!' Biglang natuwa ang aking tenga nung narinig yung pangalan ng mahal ko.' Loko kana talaga Jaxxon Kade!.

Tumayo na ako at pupunta muna sa opisina ni Max. Mang-aasar muna ako dun.Nami-miss kong asarin yung bugnutin na yun. Ngunit pag bukas ko ng pinto nakita ko doon si Dianne na tila gulat na gulat na napatingin sa akin at ganun din si Max.

‘Damn it Baby! Gusto kitang yakapin!’

Shit!

"Heyyy! K-kuya!"

Galit na sabi ni Max ngunit sa pabulong na paraan. At kita kong nanlaki bigla ang mga mata ng mahal ko sabay tingin kay max at napatingin din sa akin.Tinaasan ko siya ng isa kong kilay na parang nag susuplado sa kanya. Nag baba siya tingin na parang napa-hiya ngunit kita kong biglang namula ang kanyang mag kabilang pinsge. ‘Fuck! Ang ganda mo Babe!’ Napatingin din ako sa rosas na nakapatong sa kandungan ni Dianne.

Napayuko ako sabay hawak sa magkabila kong kilay para hindi niya makita na napapatawa ako. 'O kinikilig? Shit!! ‘Unang araw bistado kana agad Jaxxon Kade Ibarra.’ Sabi ko sa isip ko.

"You! Don't you know how to knock before entering my office?" Iritadong sabi ni Maxine. Hindi ko pa inaasar yun pero nabubugnot na.

“Liar!” Sambit ko at tinapunan ko lang ito ng pilyong ngisi sabay upo sa sofa dito sa office niya. ‘Dito nalang kaya ako, ang ganda ng view!’ Nababaliw kana talaga Jaxxon!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status