Share

CHAPTER 5

-Dianne's-

Binuksan ko na ang pinto para lumabas pero nagulat ako na may isang Red Rose na na nasa sahig. Dinampot ko sabay tingin sa hallway at baka nahulog lang ng kung sino. Pero hindi eh! Hindi mapapag-kamalang nahulog lang dahil mukhang sinadyang isingit ang tangkay nito sa naka-awang na amba ng pintuan. Wala akong ideya kung kanino galing. Kaya hawak-hawak ko ito patungo sa kotse ni Maxine.

Nang makarating ay kita ko kung paano napangiti si Maxine habang nakatingin sa rosas. Siya ba ang may pakana nito? kako sa aking isip. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto ng kanyang kotse. " Good morning Max." bati ko sa kanya sabay upo ko sa front seat.

"Good morning, D." Sabay paandar ng kotse. "San galing yan?" nguso nito sa rosas na hawak ko.

" Nakita ko 'to sa labas ng pinto. Hindi ko alam kung kanino galing kaya kinuha ko nalang sayang naman at mukhang fresh pa." sambit ko bago inamoy-amoy ang rosas.

Kumunot ang noo ni Max habang nag titipa sa kanyang cellphone na parang may tini-txt ito.

"Gosh! Dumada-moves na nga ang mokong." Naiiling na bulong nito na ikina-baling ko naman sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay na ikina-tawa naman nito. Agang aga at nagsisimula na naman ang pag-giging weirdo nito. 'Here we go again' sabi ko sa isip sabay kabit ng seatbelt.

Kararating lang namin at dito ako dumiretso sa opisina ni Max dahil may idi-discuss siya para sa presentation mamaya para sa board meeting. Medyo kabado ako kaya pinapaikot-ikot ko itong rosas na nasa kamay ko na para bang doon ako kumukuha ng lakas. Habang nagsasalita si Max ay ipinatong ko nalang muna ito sa kandungan ko para makinig ng ayos sa mga sinasabi niya. 'Kailangan matandaan ko lahat ng yan, baka mamaya mapahiya ako dun at pagtawanan.Hayys! Nakakahiya kung sakali, andun pa naman mamaya ang sinasabi nilang CEO na Arogante at suplado.' Kastigo ko sa aking sarili.

Bumalik ang diwa ko nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Maxine at iniluwa doon ang isang napaka-poging nilalang. Matangkad ito at katamtaman ang puti matangos ang ilong at singkit ang mga mata. Siya na yata itong sinasabi nilang CEO. Bigla naman akong nagulat dahil sa narinig kong sambit ni Maxine. Kuya daw? Titig na titig sa akin ang lalaki habang sinasara ang pintuan. Hindi ko naman mapigilan na mapalunok dahil sa mga tingin niya sa akin.

"Liar!"

Biglang bumalik ang ulirat ko nang marinig ang baritonong boses nito. Napatingin ako bigla kay Maxine na iritadong nakatingin doon sa lalaki na kasalukuyang nakaupo sa sofa at sa harap ko pa mismo. At nung tiningnan ko ulit ang lalaki ay parang may kahawig ito ngunit hindi ko maisip kung sino.

"I have to go Max. Baka hinahanap na ako dun sa department ko.Magkita nalang tayo mamaya" Tatayo na sana ako kaso bigla naman nag salita itong supladong lalaki na presintabling nakaupo sa sofa at titig na titig saakin.Kabado akong umupo ulit at basta nalang itinungo ang aking ulo na tila bata akong pina-galitan. 'Bakit ba sobra kung makatingin ang lalaking  'to. Napaka-intimidating.' lihim kong sabi sa aking isipan.

"Won't you even introduce me to her?" Sabi nito kay Maxine na kasalukuyang naka-kunot ang noo na nakikipag titigan din sa lalaki.

"Okay Fine! Total andito na rin naman si Dianne kaya ipapakilala na kita Sirr! Iritadong sambit ni Maxine ngunit may diin na sambit nito sa aking pangalan.

" By the way D. He is Jaxxon Kade the New CEO of JMI Mall, 30 years old and Single." 'Happy?' Sambit ni Max sa lalaki sabay taas ng kanyang isang kilay na parang iritang-irita ito. At talagang pati edad? Gulat akong napatingin agad kay Maxine na ngayon ay naka-upo na sa kanyang swivel chair.

Kabado akong napatayo.

"Good Morning Sir. I'm D-Dianne Ace Reyes, Sales Associate in the Jewelry Department. Nice to meet you. "

Sabay lahad ng aking kamay para makipag shake hands. Ngunit nilalahad ko pa lamang nang bigla niya itong hinigit kaya walang preno akong napa-dikit sa malapad na dib-dib nito. Shet! Ang bango! Mura ko sa aking isipan. Kita ko ang pilyong ngiti nito at lumabas doon ang malalalim na dimple niya. Naka-awang ang aking bibig habang napatingin ako sa mga mapupulang labi nito! Oh My! Biglang tumikhim si Max kaya bumalik agad ang ulirat ko. Kabado akong kumalas agad sa pagkaka-dikit ko sa kanya. 'Goshhh! This man!! Ano bang klaseng lalaki 'to!

Kabado kong dinampot ang aking bag pati na yung rosas na hawak ko kanina. Kailangan ko nang makaalis dito. Baka mahimatay pa ako dito ng wala sa oras. Grabe! Ang lakas ng loob na manghila!

"A-alis na ako M-max”

Napapangiti itong tumango sa akin.

" N-nice to meet you S-sir.." Nauutal na pagkaka-sabi ko sa kanya. At nung mapatingin ulit ako sa kanya ay pilyo itong nakangisi saakin na parang nang tritrip. Pero sheytt! Dun malayang dumapo ang aking mga mata sa dimple nito at singkit na mga mata. Ahhhhhh! Kainis! Agang aga!

Dire-diretso akong lumabas ng opisina ni Maxine at agad na tinungo ang Cr. Kailangan kong mag hilamos para mahismasan. Wala akong ideya kong bakit ginawa ng Jaxxon na yun. Unang pagkikita palang namin pero parang bali-wala lang sa kanya yung ginawa niyang paghila sa akin. Nakakapag-isip ang araw na ito. Hayyys!

Hindi natuloy ang sinasabi ni Max na presentation kaya't ligtas ako sa kahihiyahan kung sakali nagka-mali ako. Siguradong magkaka-mali talaga ako lalo na't andun yung aroganteng si Jaxxon. Papunta na ako sa parking lot dahil kanina pa nag hihintay saakin dun si Max. Sinabi ko na sa kanya na hindi ako makaka-sabay ngayon dahil dadaan pa ako ng supermarket para mang-grocery. Pero hindi siya pumayag kaya heto malalaking hakbang ang ginawa ko para mapabilis ang lakad.

"Dianne!" Napatigil ako at lumingon sa lalaking tumatawag sa aking likuran dahil pamilyar sa akin ang boses na yun. Nagulat ako at napatakip ko ang aking mga kamay sa aking bibig. Grabe ang laki ng pinag-bago ng pangangatawan niya at lalo naging pogi ito. Madaming babae ang mapapaiyak nito, 'o baka meron nang napapaiyak. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba nasa Cebu ito.

"Kale James!" Tumakbo ako at sabay yumakap sa kanya dahil na miss ko ito ng sobra, 2 years din kaming hindi nag kita.

“Anong ginagawa mo dito? Sino kasama mo? Akala ko ba wala kang balak mag maynila?”

Luminga-linga pa ako para siguraduhin kung may kasama pa itong iba.

"Andaming tanong!" Sabay ginulo nito ang aking buhok.

"Dito na ako sa Makati nakatira, isang taon na ako dito D at sa kompanya ako ngayon ni Papa nag tatrabaho."

Bigla naman napa-tigil ang pag-uusap namin ng pinsan kong si Kale dahil sa lalaking tumikhim sa likudan ng pinsan ko kung kaya't nakikita ko kung paano nag salubong ang kanyang mga kilay at nanliliit ang kanyang mga mata na nakatingin sa amin ni Kale. Mabilis akong kumalas sa pagkaka-yakap kay Kale at tumikhim din para maalis sana yung nakabara sa lalamunan ko kahit wala naman. Ba't parang nagagalit ito? Anong problema naman kaya ng lalaking 'to!

"Fuck!" Rinig na rinig ko ang pagmura niya kahit pabuling lang ito.

"You two! Don't hug each other here. Find a private place where there are no people. You're bothering passers-by!" Iritadong pagkaka-sabi nito.

"S-sorry S-sir." mautal-utal kong sabi sa kanya. Ngunit hindi man lang ako tinapunan ng tingin at dire-diretso itong nag lakad papunta sa parking area.

"D! Who is he?" Gulat akong napatingin sa aking likuran dahil nakatayo na pala dito si Maxine.

"Ah. Max, si Kale James, pinsan ko nga pala." Pakilala ko kay Kale.

"Oh! I see.. By the way! Im Maxine Claire, Max for short. Dianne's Friend." Sabay shake hands kay Kale. Pero bakit parang kinikilig ang babaeng 'to.

"Nice to meet you Max. I'm sorry but I have to go. I'll see you some other time D, baka hinihintay na ako ng mga kaibigan ko dun sa loob. Nakita lang talaga kita kanina kaya sinundan kita dito. Na miss kita D." At niyakap ulit ako at tuluyan nang bumalik sa entrance door ng mall. Hayys! Ang sweet talaga ng pinsan kong yun!

"Let's Go?" Sabi ko kay Max sabay hila ng kanyang palapulsuhan.Tulala itong sinusundan ng tingin si Kale.

"Grabe ha! Ba't ang gaganda ng mga lahi nyo anteh! Single pa ba yun?" Agad naman akong napalingon sa kanya. Interisado ang babae. Ang alam ko ay matagal na silang hiwalay ng boyfriend nito.

"Type mo? Pogi ba?" Ngiting ngiti kong pagkaka-sabi sa kanya at kilig na kilig naman ang isang ito.

“ He's something familiar.” sambit nito sabay taas ng kanyang dalawang balikat.

Tapos na kaming mang grocery ni Max at hinatid niya ako dito sa aking unit. Abala ako ng paglalagay ng mga frozen foods sa reef nang may biglang nag door bell. Baka si Max ito kaya madali akong tumungo sa pintuan para pag buksan. Ngunit napatda ako sa aking kinatatayuan dahil may rosas na naman sa sahig at this time may notes nang kasama. Kaya dinampot ko ito at napatingin na naman ako sa hallway pero wala naman tao. Nag kibit balikat nalang ako at sinara na ulit ang pinto,nilagay ko sa lamesa ang rosas at binuksan ko ang papel at binasa ang nakasulat  'Don't make me jealous Babe'  with sad face pa ito. Dumagundong nalang bigla ang dib-dib ko dahil sa nabasa ko. 'Babe...' Pero teka lang wala naman akong Babe! At walan din akong boyfriend para tawagin ako sa ganong endearment. Wala akong ka ide-ideya kung sino ang may pakana nito. Ang strage naman nang araw ko ngayon.

'But why half of my body is shaking with joy?' Weird feeling!

Ilang oras din bago ako nakatapos ng pag papatas sa pantry ng mga pinamili ko kanina. Nakahiga na ako ngayon at naghihintay nalang na dalawin ako ng antok. Nakatingin ako sa kisame ng biglang lumitaw yung imahe ni Jaxxon kaya pumikit pikit ako. Napaupo tuloy ako habang nakasandal ang ulo ko sa headboard ng kama. Umilaw at nag vibrate bigla ang phone ko kaya kinuha ko ito. Naka silent mode pala kaya hindi tumunog. May nag txt kaso Unkown Number kaya hindi ako nag abalang basahin, ibaba ko na sana kaso nag vibrate na naman at tandang may txt.Binuksan ko ang message para basahin kung sino ang nag txt.

Unknown Number:

Babe....

Goodnight Babe. Dream of me.

Dumagundong nalang bigla ang aking dib-dib. Parang aalpas ito sa kinatataguan niya. Kanina sa sulat, ngayon txt message naman! May stalker ba ako? Suno naman? Usisa ko sa aking sarili. 'Babe....'  ulit ng aking isipan at aminin ko man 'o hindi ay kinikilig ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status