Share

Chapter 4

Author: Eli
last update Last Updated: 2022-09-07 04:37:55

Nagkunwari akong tulog kahit na ang totoo ay hindi talaga ako makatulog. Nararamdaman ko na hindi rin makatulog si Esther sa sahig na hinihigaan niya dahil naririnig ko ang malalakas niyang buntung-hininga.

Iniisip ko kung paano ko sisimulan ang mamuhay na mag-isa. Kaya ko ba? Tawagan ko na lang siguro si Lola Aurora para humingi ng tulong. Kailangan kong maipaayos ang kotse ko na regalo pa naman sa akin ni papa noong birthday ko. Wala pang dalawang buwan nasira ko na.

"Uuwi na lang siguro ako sa bahay ni Lola. Pwede naman sana akong dumeretso doon pero bakit dito ko pa naisip pumunta," sabi ng right side ng utak ko.

"Kasi si Esther lang ang nasa isip mo," sabi naman ng left side ng utak ko.

Nababaliw na ako. Hindi ko namamalayang napapangiti na ako sa mga iniisip ko.

"Alam kong gising ka pa. Pwede ba tayong mag-usap?" tanong sa akin ni Esther na ikinagulat ko.

Hindi ako agad nakapagsalita.

Bumangon siya at umupo sa dulo ng kama na hinihigaan ko kaya agad din akong bumangon at tumabi sa kanya. Ngunit nagsisi ako sa pagtabi sa kanya dahil paghawak ko sa kama ay kamay niya ang nahawakan ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at para akong napaso sa pagdampi ng kamay naming dalawa. Agad kong itinaas ang kamay ko at nagkunwaring kinamot ang batok ko kahit hindi naman ito makati.

"Pwede mo bang ikuwento sa akin ang lahat para maintindihan ko?" sabi niya habang nakatingin sa akin.

Tumango lang ako at hindi makatingin sa kanya ng diretso.

Noong gabing nasa bar ako, iyon ang gabing nahuli ko ang girlfriend ko na nakikipaghalikan sa best friend ko kaya nabugbog ko ang bestfriend ko at nagpakalasing ako sa bar hanggang sa wala na akong maalala sa ginawa ko. Pag-uwi ko sa bahay binatukan ako at sinampal ni papa dahil sa pangbubugbog ko sa bestfriend ko at kung hindi ako nakatakbo baka hindi lang iyon ang inabot ko sa kamay ni papa. Kilala ko si papa. Hangga't hindi kami nagsisisi at mangangakong hindi na kami uulit sa kasalanang nagawa namin hindi siya titigil sa pananakit. Kaya tinakbuhan ko na lang siya at tinakasan dahil mayroon pa akong isang kasalanan sa kanya na hindi pa niya alam," kuwento ko kay Esther habang nakatingin ako sa bintana na para bang naroon ang kausap ko.

"Bakit ano pa ba ang isang kasalanan mo bukod sa pananakit sa bestfriend mo?" tanong niya sa akin na nakapangalumbaba na pala at nakaharap na sa akin. Nagkatinginan kami ngunit agad din akong yumuko para iwasan ang nangungusap niyang mga mata.

"Nabasag ang dalawang side mirror ng kotse ko at butas din ang apat na gulong. Alam kong isisisi niya ulit ito sa akin kahit na hindi ko naman sinadya iyon," sagot ko habang nanatili akong nakayuko.

Nagulat ako ng bigla niyang ipatong sa kamay ko ang dalawa niyang kamay kaya lumipat dito ang aking paningin. Napalunok ako at biglang nanlamig ang mga kamay ko ngunit pinagpapawisan naman ako.

Nagsasabi ka ba ng totoo? Bukod kasi sa hindi ka makatingin sa akin ng diretso, parang natataranta ka pa. Ok ka lang ba?"

kunot-noong tanong niya.

Tumango ako sa kanya at pilit na ngumiti. Tumingin ako sa kanya at tinanggal ko muna ang bara sa aking lalamunan bago nagsalita.

"Hindi ako nagsisinungaling, kung ayaw mong maniwala sa akin di kita pipilitin," seryosong sabi ko na ipinagpasalamat ko dahil hindi ako nautal sa pagsasalita.

Hinila ko ang kamay kong hawak niya at tumayo ako para kumuha ng tubig sa kusina dahil pakiramdam ko ay natutuyuan na ako ng laway dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Nakakadalawang hakbang palang ako nang magsalita siya.

"Napakaduwag mo pala."

"What?" I asked and turn to her.

Narinig mo ako di'ba? Kailangan ko pa bang ulitin? seryosong tanong niya.

"I'm not. I mean hindi ako duwag."

"Really? So anong tawag mo sa pagtakbo mo?" seryosong tanong niya.

Hindi ako nakasagot dahil narealized kong tama nga siya.Tumalikod ako sa kanya at dumeretso sa kusina at nagsalin ng tubig sa baso. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay naupo muna ako sa mono block na nasa tabi ng lutuan niya dahil gusto kong pakalmahin muna ang puso ko. Kinuha ko ang cell phone ko sa bulsa upang tingnan kung anong oras na. Alas-tres na pala ng madaling araw ngunit wala pa rin akong tulog. Ibabalik ko na sana sa bulsa ang cell phone ko nang bigla itong magring. Tiningnan ko ang caller at nakita kong si kuya Daniel ang tumatawag. Sinagot ko agad ang tawag niya dahil ayaw ko din naman na mag-alala sila sa akin.

"Where are you?" bungad niya sa akin.

"Nandito ako sa bahay ng kaibigan ko kuya," sagot ko sa malumanay na boses.

"Umuwi ka na dito sa bahay. We need to talk," ma-authoridad niyang sabi.

"Ayaw ko," sagot ko.

"Umuwi ka dito or else ipapahuli kita sa mga pulis at ipapakulong," galit niyang sabi.

"Magagawa mo talaga akong ipakulong kuya nang walang kasalanan?" di makapaniwalang tanong ko.

"Wala ka ba talagang kasalanan?Huwag mo akong subukan Paul dahil kayang-kaya kitang ipakulong kahit na kapatid pa kita," galit na sagot niya.

Huminga muna ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata bago sumagot sa kabilang linya.

"Ok, uuwi na ako," sagot ko at pinatay na agad ang tawag niya.

Sumandal muna ako sa upuan at pumikit habang nag-iisip bago pumasok sa kuwarto ni Esther.

Nadatnan ko si Esther na nakahiga na at mahimbing nang natutulog.

Bumalik na rin ako sa kama at nahiga. Pinilit kong matulog ngunit hindi talaga ako dalawin ng antok hanggang sa naalala ko ang sinabi sa akin ni Kuya Daniel kanina. May kasalanan ba akong hindi ko alam? Ang alam ko lang naman ay ang pagkasira ng kotse ko pero pwede ba akong makulong dahil dun? Kinuha ko agad ang cell phone ko at nagtipa ng mensahe para kay Kuya Daniel.

To kuya Daniel:

Kuya, anong kasalanan ko bakit parang galit ka sa akin?

Pagkatapos ko nagtipa ng message ko para kay kuya ay sinend ko na ito. Bigla akong kinabahan nang tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext sa akin. Agad ko itong binuksan nang makitang si kuya ang nagreply.

From kuya Daniel:

"Basta umuwi ka na dito. Hindi mo malalaman kapag di ka umuwi."

Kumunot ang noo ko dahil sa reply ni kuya. Rereplayan ko sana siya ngunit may dumating ulit na mensahe galing sa kanya.

"Pwede rin naman na dumeretso ka nalang sa presinto at sumuko baka sakaling gumaan ang sintensya sa'yo," kinakabahan ako kaya muli aking nagreply.

To Kuya Daniel:

"Seriously kuya? Wala akong pinatay o ginahasa o ano pa man para sintesyahan."

Naghintay ako ng reply ni kuya ngunit hindi na siya nagreply. Hindi ako mapakali dahil alam kong hindi mapagbiro si kuya Daniel. Siya yung tipo ng lalake na seryoso sa buhay at lahat ng lumalabas sa bunganga niya ay pawang katotohanan lamang.

Ngunit wala akong maalala na ginawa kong masama bukod sa pangbubugbog ko kay Mark. Impossibleng ang mga magulang niya ang may pakana nito dahil hindi naman napuruhan si Mark para humantong sa pagpapakulong sa akin.

Napagdesisyonan kong umuwi na lang sa bahay kesa maghintay pa ng reply ni Kuya na malabo naman ng mangyari. Bumangon ako sa kama at kinuha ang maleta ko sa ilalim nito.

Tumayo na ako at dahan-dahang naglakad ngunit tumigil ako sa kinahihigaan ni Esther. Huminga muna ako ng malalim bago umupo sa tabi niya at tumingin sa inosente niyang mukha. Hinawi ko ang mga buhok na tumatabing sa maganda niyang mukha. Napangiti pa ako nang maalala ko ang itsura niya noong una kaming nagkita na kung saan ang uling na nasa mukha niya ang una kong napansin sa kanya na pinagtawanan ko pa. Pero ngayong wala ng uling sa kanyang mukha, hindi na ako napapatawa kundi napapangiti naman ako.

"I hate this feeling. You know that?" bulong ko habang nakatitig sa maamong mukha ni Esther.

Hindi na ito basta-basta. Kapag ipinagpatuloy ko ito, masasaktan na naman akong muli.

"Gustung-gusto kitang maging kaibigan ngunit natatakot ako. Natatakot ako na baka mahulog ang loob ko sa'yo tapos masasaktan na naman ako. Ayaw ko nang masaktan muli kaya habang maaga pa ay layuan na lang kita. Ayaw kong madamay ka sa kamalasan ko. Salamat sa pagtulong mo sa akin. Kung sakaling pagtagpuin pa tayo ng tadhana, sana hindi sa pagkakataong nasa gitna ako ng problema para hindi mo iisiping naduduwag ako. Pero salamat at ipinamukha mo ito sa akin. Kaya ngayon, magpapakatapang na ako. Salamat sa lahat," sabi ko na para bang kausap ko si Esther habang gising.

Hinaplos ko ang kanyang mukha hanggang sa napadpad ang aking hinlalaki sa kanyang mapulang labi na para bang tinutukso akong halikan ito. Unti-unti kong inilalapit ang aking mukha sa kanya ngunit gumalaw siya kaya napatayo ako agad at bumalik sa kama at isiniksik muli sa ilalim ng kama ang aking maleta. Nahiga akong muli at nagkunwaring tulog. Pinakiramdaman ko kung magigising siya ngunit hindi naman siya tuluyang nagising kaya bumangon akong muli at dahan-dahang lumabas sa kuwarto ni Esther dala ang mga gamit ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Destined to be Hurt   Chapter 30

    Tiningnan ko ang barkada. Tahimik pa rin sila. Pero hindi na galit. Hindi na nagtatanong. Yung tipo ng katahimikan na may kasamang pagdamay.Walang anu-ano’y nagvibrate ang ang phone ko. Nag-reply si Andrea.“Ibig ba sabihin ng pagpapaalam mo, may pakiaalam kana sa akin?”Ang dami kong inasahan na maaaring isagot niya. Galit. Hinaing. Panunumbat. Pero hindi iyon. Hindi ito ang klase ng tanong na kayang sagutin ng logic. Dahil ito, damdamin na ang usapan.Tinitigan ko ang message ni Andrea.“Ibig ba sabihin ng pagpapaalam mo, may pakiaalam kana sa akin?”Nag-type ako. Tapos binura. Type ulit. Burado na naman. Ang dami kong gustong sabihin pero wala akong alam kung paano uumpisahan. Wala ring tamang salita. Kasi sa ganitong usapan, walang nananalo. Hanggang sa pinikit ko na lang ang mga mata ko. Hinayaan ko ang mga daliri kong idikta ang totoo. Kung saan man ako dalhin ng katotohanan, doon na lang.Paul:“Andrea, gusto kong maging totoo sa’yo. Hindi dahil gusto kita o mahal kita kundi i

  • Destined to be Hurt   Chapter 29

    PAUL POVHindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinabi sa sarili ko na ayoko na. Noong iniwan ko ang third year college sa Aurora Academy, akala ko tapos na ang lahat. Hindi lang dahil sa sakit. Hindi lang dahil sa gulo. Kundi dahil wala na akong natirang lakas para ipagpatuloy pa.Pero heto ako ngayon—nakatayo sa pila sa registrar ng CEU Makati, may hawak na brown envelope na parang bumigat sa bawat hakbang ko. Nandoon lahat ng requirements ko—birth certificate, ID photos, recommendation letter, at ‘yung papel na pinakaayaw kong tingnan: ang transcript na nagpapaalala kung saan ako natigil.Third year, first sem. Doon ako huminto. Parang sasakyang naubusan ng gasolina sa gitna ng daan. At ngayon, ilang buwan matapos ang katahimikan, sugat, at pag-aalinlangan, heto ako. Gusto ko ulit bumiyahe. Hindi para sa iba. Hindi para patunayan ang kahit ano. Kundi para sa sarili kong unti-unting natututong maniwala muli.Pagharap ko sa counter, pinilit kong panatilihin ang boses ko na kalmad

  • Destined to be Hurt   Chapter 28

    Kinabukasan, tahimik lang ang paligid ng bahay ni Lola Aurora. Maaga akong nagising, pero hindi dahil sa ingay ng alarm. Para bang kusa na lang bumangon ang katawan ko. Magaan ang pakiramdam—hindi pa buo, pero mas magaan. Parang tinanggalan ng gapos.Paglabas ko ng kwarto, nagtungo ako sa kusina. Naabutan ko si Papa, nagkakape na. Akala ko kagabi lang siya magpapalipas ng oras dito kay Lola. Pero heto pa rin siya—tahimik, pero halatang may gustong sabihin.“Pa, di po ba dapat nasa bahay ka na?” tanong ko habang inaabot ang tasa.“Bumalik muna ako saglit. Gusto sana kitang yayain... umuwi,” diretsong sabi niya.Napatingin ako sa kanya. Hindi dahil sa gulat, kundi dahil sa bigat ng salitang uwi. Matagal na rin akong hindi tumira sa bahay namin.“Miss ka na ni Sarah,” dagdag niya. “Lagi kang tinatanong. Si Daniel din. Hindi siya palasalita, pero noong nalaman niyang nagkita tayo, nagtanong agad kung uuwi ka na raw.”Tahimik lang ako habang nagtitimpla ng kape. Miss ko na rin sila, lalo na

  • Destined to be Hurt   Chapter 27

    PAUL POVPagkaalis ng dalawang babae sa buhay ko—este, dalawang nagpapagulo sa isip ko—hindi muna ako agad umalis sa lugar na ‘yon. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala rin naman akong ibang lakad. Wala ring maisip na gawin. Kaya naglakad-lakad lang ako saglit, hanggang sa mapadpad ako pabalik sa kotse.Nasa driver's seat ako ngayon, nakasandal at nakapikit. Hindi para matulog, kundi para makalubog sa katahimikan. Sa sarili kong ingay.Ramdam ko pa rin ang bigat ng mga sinabi ni Andrea. Hindi niya ako sinigawan, hindi siya nagdrama, pero may puwersa ang boses niya. May tapang sa likod ng sakit. At mas masakit ‘yon kaysa kung sumigaw siya. Kasi alam kong sinubukan niyang maging matatag, kahit masakit na ang kanyang loob.“Sana maging totoo tayo kahit minsan,” narinig kong sabi niya kanina, bago siya umalis.Walang sagot ang mga tanong niya. Ako man, hindi ko rin alam ang totoo. Saan ba ako sa buhay niya? Kaibigan? Panakip-butas? Tagapagligtas? Boyfriend? O isang alaa

  • Destined to be Hurt   Chapter 26

    PAUL POV11:30 AM. Nakapark na ako sa labas ng Ayala Mall, ang lugar kung saan nagpapart time job si Esther. Tahimik lang ako na nakasandal sa manibela, hinihintay ang message ni Esther. May background music mula sa radyo, pero halos hindi ko na naririnig. 12:00 PM ang usapan namin ngunit nandito na ako at hinihintay siya. ganun ako kasabik na makita siya.Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Lunch lang naman ‘to at magkaibigan kami. Madalas naman kaming kumain sa labas dati. Pero ngayon, iba ang pakiramdam na ito. Siguro kasi ngayon, alam ko na sa sarili ko na may nararamdaman ako sa kanya.Nag-vibrate ang phone ko. Dali-dali ko itong tiningnan at tama ang kutob kong si Esther nga ang nagpadala ng message.ESTHER: “Off ko na. Nasa entrance na ako, sa may fountain. Magmessage ka lang kapag malapit ka na.”Agad akong bumaba ng kotse at naglakad papasok sa Ayala Mall. Nakasanayan ko na ang lugar—malamig ang paligid, matao pero organisado, tahimik ang ingay ng sibilisadong city life.

  • Destined to be Hurt   Chapter 25

    PAUL POVPagkatapos ng isang buwang bakasyon sa malamig at luntiang Cagayan Valley, bumalik ako sa Makati kasama ang pinakamamahal kong Lola Aurora. Tahimik lang ako habang binabaybay namin ang daan palabas ng airport, sakay ng itim na SUV na sinundo sa amin ni Mang Berto, ang long-time family driver ni Lola.“Kamusta ang biyahe, Ma’am?” bati ni Mang Edgar habang hawak ang manibela ng sasakyan at nakatingin sa aming dinadaan.“Maayos naman, Edgar. Pero nakakapagod din talaga ang byahe. Buti na lang nandiyan ka,” sagot ni Lola, habang ako naman ay panay ang tanaw sa labas ng bintana. Iniimagine ko pa rin ang katahimikan ng Cagayan—yung simoy ng hangin, ang tanawin ng bundok at palayan, at ang simpleng buhay na panandalian naming tinikman.Habang bumabaybay kami ng EDSA, ramdam ko agad ang pagbabago ng hangin—mula sa sariwang simoy ng probinsya patungo sa mausok at abalang paligid ng lungsod. Napalitan ang mga bundok ng mga billboard, ang katahimikan ng mga busina, at ang simpleng pamum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status