Share

Chapter 3

Author: Eli
last update Last Updated: 2022-08-04 15:27:54

Nakaparada sa tabi ng Strumm's bar & club ang kotse ko ngunit flat na ang mga gulong at basag na rin ang dalawang side mirror. Napakamot ako sa aking batok at napamura dahil sa malaking pinsala ng kotse ko.

"S**t. Ano ba ang nangyari kagabi bakit nagkaganito ang kotse ko? Bakit wala man lang akong naaalala?" tanong ko sa sarili ko.

Ayaw ko muna sanang umuwi sa bahay ngunit kailangan ko ang tulong ng aking ama para mapaayos ang kotse ko. Binuksan ko ang aking kotse at hinanap ang cell phone ko. Nakita ko ito sa loob ng compartment at pag-open ko ay nakita ko ang 50 miscalls ni papa at 20 naman galing kay kuya Daniel, ang panganay sa aming magkakapatid. May mga messages din ngunit pag-open ko ay biglang na-empty na ang cp ko.

Wala akong ibang choice kundi magtaxi na lang pauwi sa bahay. Ayaw ko man ipakita ang itsura ko sa pamilya ko dahil tiyak na pagagalitan ako ni papa ngunit wala akong ibang malapitan kundi sila lang. Wala pa kasi si Lola dito para sa kanya na lang ako hihingi ng tulong. Bahala na si Batman.

Pagpasok ko palang sa gate ay sumalubong na sa akin si papa na nakakunot ang noo. Abutin ko sana ang kamay niya para magmano ako ngunit biglang umangat ang palad niya at binatukan ako.

"Anong ginawa mo kay Mark at sumugod ang mga magulang niya dito para magreklamo?" galit na tanong sa akin ni papa.

"Binugbog ko siya dahil inagaw niya ang girlfriend ko," seryosong tugon ko.

"Dahil lang sa babae nanakit ka na? Hindi ganyan ang papagpapalaki namin sa inyo," sigaw niya at sinampal ako.

Parang namanhid ang pisngi ko sa lakas ng pagsampal sa akin ni papa. Sasampalin pa sana niya ang kabilang pisngi ko ngunit tinakbuhan ko na siya. Agad akong pumasok sa bahay at umakyat sa kuwarto ko. Kahit papano, takot parin ako kay papa.

Nilock ko ang aking kuwarto at kahit na kumakatok siya at tinatawag ako ay hindi ko siya pinagbuksan hanggang sa napagod siya at tumahimik din. Humiga ako sa aking kama at lihim na umiiyak. Nakatingin ako sa kisame habang nagsasalita.

"Ako na nga ang niloko, ako pa ang ginawang mali. Ano bang buhay ang meron ako at nararanasan ko ang ganito? Bakit kailangan kong masaktan ng sobra? Bakit kailangan kong magdusa? Nagmahal ako ng tapat, nagsisilbi ako sa Diyos ng buong puso ngunit bakit hinayaan niyang nasasaktan ako ng ganito. May Diyos ba talaga?" sabi ko habang nakatitig pa rin sa kisame na para bang isa akong baliw na kinakausap ang isang bagay na walang buhay.

Pakiramdam ko ay walang concern sa akin si papa. Ang concern niya lang ay ang image niya bilang Pastor sa simbahan. Imbes na mag-aalala siya sa mga pasang natamo ko, at benda ng kamay ko ay mas lalo pa niya akong sinaktan. Pinatunayan niya lang na hindi niya ako mahal. Wala nang dahilan para manatili pa ako dito. Kaya kong mamuhay mag-isa.

Buong araw akong hindi lumabas sa aking kuwarto. Buong araw lang ako nagmukmok.

Nag-impake ako ng mga gamit ko at naglayas ako sa bahay pagsapit ng alas dose ng gabi. Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto ko at bumaba sa hagdan dala ang isang maleta at bag pack ko.

Nang makarating na ako sa may gate ay sakto namang may taxi na paparating. Pinara ko ito at laking pasasalamat ko nang tumigil ito sa tapat ko. Sumakay ako sa taxi na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nang tanungin ng taxi driver kung saan ako pupunta ay hindi ako agad nakasagot ngunit nang maalala ko si Esther ay sumilay ang ngiti sa aking labi.

"Lakandula Street Brgy. South Cembo Makati City," sagot ko sa driver.

Tumango lang naman ito. After 30 minutes ay papasok na kami sa street na kinaroroonan ng bahay ni Esther. Itinuro ko kung saan ipapark ng driver ang taxi. Nagbayad na ako at tsaka bumaba sa mismong harap ng bahay na pinagtulugan ko din kagabi.

Naglabas muna ako ng buntung-hininga bago ako kumatok sa pintuan niya na yari sa yero. Nakasampung katok muna ako bago umilaw ang kuwarto ni Esther. Sumilip muna siya sa bintana at nagulat siya nang makita niya ako. Dali-dali siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.

"Anong nangyari sa'yo? Naglayas ka ba? Kagabi lasing na lasing ka tapos ngayon naman parang pasan mo na ang mundo. Tapos sa akin mo pa talaga naisip pumun___,"

"Ayaw mo ba akong patuluyin?" putol ko sa sasabihin niya.

Akmang tatalikod na ako nang pigilan niya ako sa braso.

"Sorry, nagtatanong lang naman ako. Pasok ka," mahinahon niyang sabi.

Pumasok ako sa bahay niya at kahit may kaliitan ito ay maayos at malinis pa rin tingnan dahil wala kang makikita o mahahawakan na kahit konting alikabok man lang kahit pa sabihin nating uling lang ang kanyang pinaglulutuan. Pinaupo niya ako sa silya sa tabi ng mesa at siya naman ay umupo sa gilid ng kama.

"Ibig bang sabihin nito friend na tayo?" tanong niya na nakahalukipkip pa.

Naalala ko ang sinabi ko sa kanya kaninang umaga na magiging friend lang kami kung magkikita kami ulit kaya tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Hindi lang friend kundi best friend," sagot ko na nakangiti na rin.

"Kung best friend ang turing mo sa akin dapat ikuwento mo sa akin lahat ng pinagdadaanan mo para sa ganun maging komportable naman ako at kung may pwede akong itulong sa'yo ay tutulong ako," walang pag-aalinlangang sinabi niya.

Saglit akong natigilan dahil sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit sa kanya pa ako lumapit. Hindi ko alam kung bakit biglang ang gaan ng loob ko sa kanya at nasabi ko pang best friend na kami. Pero kailangan kong panindigan ang sinabi kong iyon kaya tumango na lang ako.

"Pwede ba akong makikain? Wala pa kasi akong kinain bukod dun sa soup na niluto mo kaninang umaga."

Kinapalan ko na ang mukha ko nang sabihin ko iyon.

"Nagpapakamatay ka ba? Sa oras na ito hindi ka pa talaga kumakain?" sigaw niya.

"Kakapalan ko pa ba ang mukha kong ito sa paghingi ng makakain kung magpapakamatay ako?" inis na tanong ko.

Inismiran lang ako ni Esther bago tumalikod at pumunta sa kusina. Pagbalik ay may dala na siyang isang plato ng kanin at isang delata.

"Wala na akong tirang ulam kaya ito na lang ang kainin mo kesa namang sumakit ang tiyan mo dahil sa gutom," aniya na nakasimangot.

Tinitigan ko ang dala niyang delata. May tatak itong Wow Ulam tapos sa bandang ibaba ay nakasulat ang Mechado. First time kong makakain ng ganitong uri ng delata na hindi na kailangan pang lutuin. Binuksan niya ito at inilagay sa plato. Mukhang masarap pero nag-alangan pa akong kumain.

"Kakain ka ba o ililigpit ko na lang ito. Mukhang choosy ka pa eh. Kung gutom ka kainin mo kung ano ang meron," nakabusangot na sabi ni Esther.

"Galit ka ba? Bakit ba ang sungit mo? Kanina ka pa ah. Sabihin mo lang kung napipilitan ka lang sa pagtanggap sa akin dito para makaalis na ako," sagot ko ngunit hindi ko inaasahang mailakas ang boses ko.

"Ikaw pa talaga ang may ganang magalit? Ikaw na nga itong nang-istorbo sa dis-oras ng gabi tapos may gana ka pa talagang pagtaasan ako ng boses?" kunot-noong tanong niya.

"I'm sorry. Pati ikaw nadadamay sa katarantaduhan ko," mahinahong sabi ko habang nakayuko.

Kinuha ko na ang isang plato ng kanin at nagsimula na akong kumain. Tahimik lang akong pinagmasdan ni Esther habang kumakain ako. Hindi na siya nagsalita pa ngunit halatang pinapakiramdaman niya lang ako. Tumayo siya at naglabas ng malalim na hininga.

Pumunta siya sa kusina at pagbalik niya ay may dala na siyang isang baso ng tubig. Inilapag niya ito sa mesa at pagkatapos ay bumalik na sa kinauupuan niyang kama.

Pagkatapos kong kumain ay uminom na ako ng tubig at inayos ang pinagkainan ko. Halatang nagutom ako dahil naubos ko lahat pati ang isang basong tubig na kinuha ni Esther. Dadalhin ko na sana ito sa sink ngunit pinigilan ako ni Esther. Kinuha niya sa akin ang plato at basong hawak ko at siya na ang nagdala sa kusina. Sinundan ko siya sa kusina at nagulat pa siya nang bigla akong nagsalita mula sa likuran niya.

"Galit ka ba sa akin?" direktang tanong ko sa kanya.

"Oo. Galit ako sa mga taong mahina tulad mo," seryosong tugon niya.

"Hindi ako mahina," pagtatanggol ko sa aking sarili.

"Kung hindi ka mahina, bakit ka nagpapakalasing sa oras ng problema? Bakit hindi ka makakain at bakit ka maglalayas? Para ba takasan ang problema mo?" galit na tanong niya.

Hindi ako nakaimik dahil sa mga sinabi niya. Wala akong maisip na pwedeng sabihin sa kanya dahil mukhang tama naman siya. Yumuko ako dahil pakiramdam ko ay napahiya ako at nang akmang magsasalita na sana ako ay wala na pala si Esther sa harapan ko. Mahina nga talaga ako dahil natatameme ako sa harapan ng isang babae.

Napakamot ako sa batok kahit hindi naman makati. Pumasok ako sa kuwarto ni Esther at nadatnan ko siyang naglalatag ng banig sa sahig at pinatungan niya ng makapal na comforter. Pinagmamasdan ko siya habang inaayos niya ang hihigaan ko. Hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan ako sa hindi niya pagpansin sa akin. Nakakaramdam ako ng lungkot sa pananahimik niya. Gusto ko siyang kausapin ngunit parang umuurong ang dila ko sa pagsasalita.

"Sa kama ka na lang matulog. Ako na lang dito sa sahig," walang kaemo-emosyon sabi niya na hindi pa rin tumitingin sa akin.

"Ako na lang dito sa sahig, ikaw na lang sa kama," sagot ko naman sa kanya.

"Nakikitulog ka lang dito kaya sumunod ka na lang sa akin," mala-autoridad niyang sabi.

Para akong basang sisiw na sumunod agad sa kanya nang walang pag-aalinlangan. Sumampa ako sa kama niya at nahiga na ako agad. Lihim akong napamura sa pinaggagawa ko. Bakit parang kaya akong patiklupin ng babaeng ito? Bakit ako sunud-sunuran sa kanya? Pwede ko naman siyang suwayin pero nagugulat na lang ako na nawawalan na ako ng sasabihin. Iba na naman ito. Kailangan kong pigilan itong nararamdaman ko. Kailangan ko siyang layuan habang hindi pa ito lumalala.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Destined to be Hurt   Chapter 30

    Tiningnan ko ang barkada. Tahimik pa rin sila. Pero hindi na galit. Hindi na nagtatanong. Yung tipo ng katahimikan na may kasamang pagdamay.Walang anu-ano’y nagvibrate ang ang phone ko. Nag-reply si Andrea.“Ibig ba sabihin ng pagpapaalam mo, may pakiaalam kana sa akin?”Ang dami kong inasahan na maaaring isagot niya. Galit. Hinaing. Panunumbat. Pero hindi iyon. Hindi ito ang klase ng tanong na kayang sagutin ng logic. Dahil ito, damdamin na ang usapan.Tinitigan ko ang message ni Andrea.“Ibig ba sabihin ng pagpapaalam mo, may pakiaalam kana sa akin?”Nag-type ako. Tapos binura. Type ulit. Burado na naman. Ang dami kong gustong sabihin pero wala akong alam kung paano uumpisahan. Wala ring tamang salita. Kasi sa ganitong usapan, walang nananalo. Hanggang sa pinikit ko na lang ang mga mata ko. Hinayaan ko ang mga daliri kong idikta ang totoo. Kung saan man ako dalhin ng katotohanan, doon na lang.Paul:“Andrea, gusto kong maging totoo sa’yo. Hindi dahil gusto kita o mahal kita kundi i

  • Destined to be Hurt   Chapter 29

    PAUL POVHindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinabi sa sarili ko na ayoko na. Noong iniwan ko ang third year college sa Aurora Academy, akala ko tapos na ang lahat. Hindi lang dahil sa sakit. Hindi lang dahil sa gulo. Kundi dahil wala na akong natirang lakas para ipagpatuloy pa.Pero heto ako ngayon—nakatayo sa pila sa registrar ng CEU Makati, may hawak na brown envelope na parang bumigat sa bawat hakbang ko. Nandoon lahat ng requirements ko—birth certificate, ID photos, recommendation letter, at ‘yung papel na pinakaayaw kong tingnan: ang transcript na nagpapaalala kung saan ako natigil.Third year, first sem. Doon ako huminto. Parang sasakyang naubusan ng gasolina sa gitna ng daan. At ngayon, ilang buwan matapos ang katahimikan, sugat, at pag-aalinlangan, heto ako. Gusto ko ulit bumiyahe. Hindi para sa iba. Hindi para patunayan ang kahit ano. Kundi para sa sarili kong unti-unting natututong maniwala muli.Pagharap ko sa counter, pinilit kong panatilihin ang boses ko na kalmad

  • Destined to be Hurt   Chapter 28

    Kinabukasan, tahimik lang ang paligid ng bahay ni Lola Aurora. Maaga akong nagising, pero hindi dahil sa ingay ng alarm. Para bang kusa na lang bumangon ang katawan ko. Magaan ang pakiramdam—hindi pa buo, pero mas magaan. Parang tinanggalan ng gapos.Paglabas ko ng kwarto, nagtungo ako sa kusina. Naabutan ko si Papa, nagkakape na. Akala ko kagabi lang siya magpapalipas ng oras dito kay Lola. Pero heto pa rin siya—tahimik, pero halatang may gustong sabihin.“Pa, di po ba dapat nasa bahay ka na?” tanong ko habang inaabot ang tasa.“Bumalik muna ako saglit. Gusto sana kitang yayain... umuwi,” diretsong sabi niya.Napatingin ako sa kanya. Hindi dahil sa gulat, kundi dahil sa bigat ng salitang uwi. Matagal na rin akong hindi tumira sa bahay namin.“Miss ka na ni Sarah,” dagdag niya. “Lagi kang tinatanong. Si Daniel din. Hindi siya palasalita, pero noong nalaman niyang nagkita tayo, nagtanong agad kung uuwi ka na raw.”Tahimik lang ako habang nagtitimpla ng kape. Miss ko na rin sila, lalo na

  • Destined to be Hurt   Chapter 27

    PAUL POVPagkaalis ng dalawang babae sa buhay ko—este, dalawang nagpapagulo sa isip ko—hindi muna ako agad umalis sa lugar na ‘yon. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala rin naman akong ibang lakad. Wala ring maisip na gawin. Kaya naglakad-lakad lang ako saglit, hanggang sa mapadpad ako pabalik sa kotse.Nasa driver's seat ako ngayon, nakasandal at nakapikit. Hindi para matulog, kundi para makalubog sa katahimikan. Sa sarili kong ingay.Ramdam ko pa rin ang bigat ng mga sinabi ni Andrea. Hindi niya ako sinigawan, hindi siya nagdrama, pero may puwersa ang boses niya. May tapang sa likod ng sakit. At mas masakit ‘yon kaysa kung sumigaw siya. Kasi alam kong sinubukan niyang maging matatag, kahit masakit na ang kanyang loob.“Sana maging totoo tayo kahit minsan,” narinig kong sabi niya kanina, bago siya umalis.Walang sagot ang mga tanong niya. Ako man, hindi ko rin alam ang totoo. Saan ba ako sa buhay niya? Kaibigan? Panakip-butas? Tagapagligtas? Boyfriend? O isang alaa

  • Destined to be Hurt   Chapter 26

    PAUL POV11:30 AM. Nakapark na ako sa labas ng Ayala Mall, ang lugar kung saan nagpapart time job si Esther. Tahimik lang ako na nakasandal sa manibela, hinihintay ang message ni Esther. May background music mula sa radyo, pero halos hindi ko na naririnig. 12:00 PM ang usapan namin ngunit nandito na ako at hinihintay siya. ganun ako kasabik na makita siya.Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Lunch lang naman ‘to at magkaibigan kami. Madalas naman kaming kumain sa labas dati. Pero ngayon, iba ang pakiramdam na ito. Siguro kasi ngayon, alam ko na sa sarili ko na may nararamdaman ako sa kanya.Nag-vibrate ang phone ko. Dali-dali ko itong tiningnan at tama ang kutob kong si Esther nga ang nagpadala ng message.ESTHER: “Off ko na. Nasa entrance na ako, sa may fountain. Magmessage ka lang kapag malapit ka na.”Agad akong bumaba ng kotse at naglakad papasok sa Ayala Mall. Nakasanayan ko na ang lugar—malamig ang paligid, matao pero organisado, tahimik ang ingay ng sibilisadong city life.

  • Destined to be Hurt   Chapter 25

    PAUL POVPagkatapos ng isang buwang bakasyon sa malamig at luntiang Cagayan Valley, bumalik ako sa Makati kasama ang pinakamamahal kong Lola Aurora. Tahimik lang ako habang binabaybay namin ang daan palabas ng airport, sakay ng itim na SUV na sinundo sa amin ni Mang Berto, ang long-time family driver ni Lola.“Kamusta ang biyahe, Ma’am?” bati ni Mang Edgar habang hawak ang manibela ng sasakyan at nakatingin sa aming dinadaan.“Maayos naman, Edgar. Pero nakakapagod din talaga ang byahe. Buti na lang nandiyan ka,” sagot ni Lola, habang ako naman ay panay ang tanaw sa labas ng bintana. Iniimagine ko pa rin ang katahimikan ng Cagayan—yung simoy ng hangin, ang tanawin ng bundok at palayan, at ang simpleng buhay na panandalian naming tinikman.Habang bumabaybay kami ng EDSA, ramdam ko agad ang pagbabago ng hangin—mula sa sariwang simoy ng probinsya patungo sa mausok at abalang paligid ng lungsod. Napalitan ang mga bundok ng mga billboard, ang katahimikan ng mga busina, at ang simpleng pamum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status