Madilim pa nang dumating ako sa bahay. Dahan-dahan kong binuksan ang gate namin maging ang pintuan ng aming bahay na halatang inaasahan ang aking pag-uwi dahil hindi ito naka-lock.
Pagpasok ko sa sala ay bumungad sa akin ang nakadekwatrong si kuya Daniel. Agad na dumako ang tingin niya sa akin na para bang isa akong kaaway na biglang pumasok sa bahay niya.
"Mabuti naman at sumunod ka sa utos ko. Anong nangyayari sa'yo Paul? Pinapahiya mo ako sa pinaggagawa mo," tiim-bagang sabi ni Kuya Daniel.
"Ano po ba ang ginawa ko na ikinakagalit mo kuya?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi mo alam? O nagkukunwari kang inosente sa mga katarantaduhan mo," sigaw niya.
"Bukod sa pambubugbog ko kay Mark wala na akong alam na ginawa kong katarantaduhan," nakasimangot kong sabi.
"Panoorin mo ito," saad niya sabay abot sa akin ng cellphone niya.
Kinuha ko naman ito agad at pinanood ang video na naroon.
Laking gulat ko nang makita ko ang aking sarili na pinagbabasag ang mga bote ng alak sa aking harapan. May isang lalaking mula sa kabilang mesa na umawat sa akin ngunit bigla ko itong tinamaan ng suntok sa mukha dahilan upang pagtinginan ako ng mga tao sa bar. Akmang tatamaan ko ulit ng suntok ang lalaki ngunit naunahan ako ng kanyang kasama. Napasubsob ako sa sahig at dahil sa aking kalasingan ay hindi ko na nagawa pang bumangon.
Nilapitan ako ng apat lalaki na tantiya ko ay mga kasama ng lalaking sinuntok ko. Binigyan nila ako ng tig-iisang suntok sa mukha at tig-iisang tadyak sa katawan. Namilipit ako sa sakit ng natamo kong suntok at tadyak lalo na nang apakan ng lalaking sinuntok ko ang aking kamay sa mismong kinaroroonan ng mga bubog. Ngunit may limang lalaki din na lumapit sa amin at ipinagtanggol ako dahilan upang nagkaroon ng suntukan sa loob ng bar.
Pinilit kong makatayo upang makapaghiganti ngunit hindi ko pa rin kaya. May isang lalaki ang lumapit sa akin at tinulungan akong makatayo. Kitang-kita ko ang pag-agos ng dugo sa kamay ko dahil sa mga bubog. Inalalayan ako ng lalaki palabas ng bar habang ang limang lalaking nagtanggol sa akin at nakikipag palitan pa rin ng suntok sa anim na lalaking nanakit sa akin.
Paglabas namin ng lalaki sa bar ay hindi ko na alam kung anong nangyari sa akin. Tanging ang dalawang grupo ng lalaki ng lang ang nakikita ko sa video.
Napansin kong parang umaatras na ang grupo ng lalaki na tumulong sa akin hanggang sa unti-unti na silang nakakarating sa may pintuin ng bar at tuluyan nang nawala at natapos na ang video.
Natahimik ako dahil sa napanood ko. Dahan-dahan kong iniabot kay Kuya Daniel ang cellphone niya nang hindi tumitingin sa kanya dahil sa hiya. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko iyon.“Now I know. Kaya pala sobrang sakit ng katawan ko pagkagising ko kahapon at may benda na rin ang kamay ko ay dahil ganun pala ang nangyari,” sabi ko sa isip ko.
“Hindi diyan nagtatapos ang istorya Paul,” saad ni kuya Daniel habang nakatingin sa cellphone niya na para bang may hinahanap.
“A-anong i-ibig mong sa-sabihin kuya?” nauutal kong sabi.
Iniabot niyang muli ang kanyang cellphone sa akin at agad ko naman itong kinuha.
Sa isang video ay kita kung paano ako inilabas ng lalaki sa bar at magka-akbay kaming pumunta sa garahe. Pinaupo niya muna ako sa gilid at tinalian ng panyo ang dumudugong kamay ko. Pagkatapos ay tumingin ang lalaki sa kanyang relo na para bang may hinihintay. Akmang aalalayan na niya akong tumayo ngunit sinenyasan ko siyang huwag na at kusa na akong tumayo.
Nagtungo ako sa kotse ko at sumusunod naman sa likuran ko ang lalaking umalalay sa akin na para bang binabantayan ako. Humarap ako sa kanya ngunit naagaw ng atensyon ko ang papalabas na grupo ng lalaki at patakbong pumunta sa kinaroroonan namin ng lalaking kasama kong lumabas sa bar.
Sinenyasan ko silang sumakay na sa kotse ko ngunit nang sasakay na sana kami ay nakita kong nakasunod na ang mga nakalaban namin at may hawak ng baril ang isa sa kanila. Nakatutok ito sa akin at nang malapit na sila sa kinaroroonan namin ay agad akong dumapa at pinasadahan ng sipa ang paa ng lalaking may hawak ng baril dahilan upang mawalan ito ng balanse at ang tama ng baril niya ay nailagay sa side mirror ng kotse ko kaya ito nabasag. Nagpaputok ulit ito ngunit nakapagtago na kami sa likod ng kotse kaya ang mga gulong ng kotse ko ang natamaan.
Akmang tatayo na sana ang may hawak ng baril ngunit agad akong tumakbo papunta sa kanya at sinipang muli na naging dahilan ng muli niyang pagkabagsak. Kumuha ako ng pagkakataon na agawin ang baril sa kanya at nagtagumpay naman ako.
Pinaputukan ko ito at natamaan ang kanyang balikat. Dahil sa pagkagulat ko sa ginawa kong pagbaril sa lalaki ay naitapon ko ang baril at akmang tatakbo na sana ako para takasan sila ngunit sumalubong sa akin ang isang flying kick mula sa isa pa naming kalaban.
Kita ko ang pagkahagis ng katawan ko na parang sako at naitama sa kotse ko. Nilapitan pa ako ng lalaki at doon ako binanatan ng suntok hanggang sa mawalan na ako ng malay saka niya ako iniwan.Nakita ko sa video na may isang babae ang humila sa lupaypay kong katawan at ipinasok ako sa isang black na kotse.
Umalis ang kotse dala ang katawan ko hanggang sa hindi na ito makita sa video. Ang tanging nakikita ko na lang sa video ay ang anim na lalaki na tumulong sa akin habang nakikipaglaban pa rin sa mga grupo na nakalaban ko ngunit ng marinig nila ang sirena ng pulis ay agad silang nagtakbuhan palayo sa lugar na iyon at nawala sa sila sa video.
Ibinalik ko ang cellphone ni kuya at tiim ang bagang tumingin siya sa akin.
“Ngayong alam mo na kung ano ang ginawa mo, mag-isip ka kung paano mo yan sosolusyonan,” galit niyang sabi.
“Saan po dinala ang binaril ko?” mahinang saad ko.
“Natural sa ospital. At alam mo ba na kapatid ng kasamahan kong pulis ang dinale mo? Kung hindi niya lang alam na kapatid kita, baka pinaghahanap ka na ngayon. Or baka nakakakulong ka na sa mga oras na ito,” sermon niya sa akin.
Saang ospital kuya? Pupuntahan ko siya. Kung gusto nila akong ipakulong, tatanggapin ko kahit na wala ako sa sarili sa gabing iyon. Handa akong pagdusahan ang mga ginawa ko,” malungkot na sabi ko.
Hindi na sumagot si kuya Daniel bagkus ay tinitigan niya lang ako ng matalim at tiyaka siya huminga ng malalim bago ako iniwan sa sala na hindi man lang sinasagot ang tanong ko.
Nagtungo ako sa kuwarto ko at dali-daling naligo.Pagkatapos kong naligo ay nagpalit ako ng simpleng maong na pantalon at v-neck shirt na kulay gray.
Pumunta ako sa pinakamalapit na ospital sa bar kung saan kami nagrambulan at hinanap ang lalaking nabaril ko sa balikat na isinugod noong isang gabi. Nagtanong ako sa nars station ng surgery ward at itinuro naman sa akin ang room nito.
Bago ako kumatok sa kuwarto ay naglabas muna ako ng buntong hininga. Tatlong beses ko lang kinatok ang pinto at agad naman itong binuksan.
Bumungad sa akin ang isang unipormadong pulis na kunot-noong nakatingin sa akin.
“Magandang umaga po,” magalang kong pagbati.
“What are doing here?” galit niyang sagot sa pagbati ko.“Nandito po ako para humingi ng paumanhin sa nagawa ko. Hindi ko po iyon sinasadya. Kung gusto niyo po akong ipakulong, bukal po ang aking loob na sumuko sa inyo,” nakayuko kong sabi.
“Pumasok ka para sa kanya ka humingi ng paumanhin, huwag sa akin,” malumanay niyang sabi.
Nagtaka ako sa pagbabago ng boses niya kaya tumingin ako sa kanya at nakita ko ang ngiti sa kanyang labi.
“Kilala kita Paul dahil naikukuwento ka lagi ng kuya mo sa akin. Alam kong may kasalanan din ang kapatid ko dahil siya ang naglabas ng baril kaya hindi ka namin ipapakulong. Magkaibigan kami ng kuya mo kaya dapat na magkaayos kayo ng kapatid ko. Ayaw namin ni Daniel na nagkakaraoon ng gap ang pagitan ng pamilya namin kaya pumasok ka para magkausap kayo,” malumanay niyang sabi sabay luwag sa pagkakabukas ng pintuan.
Pumasok naman ako agad ngunit nagulat ako dahil nasa loob pala ang lahat ng nakalaban ko at matalim ang mga tingin ang ipinukol nila sa akin. Puno ng pasa ang mukha ng bawat isa at mayroon pang nakabenda ang kamay.
“Boys huwag niyong takutin si Paul. Siya ang pangalawang kapatid ni Daniel na sinasabi ko sa inyo,” nakangiting pagpapakilala ng kaibigan ni kuya sa akin.
Pagkarinig sa pangalan ni Kuya Daniel ay agad nagbago ang tingin nila sa akin. Ang matalim nilang tingin kanina ay napalitan ng ngiti at isa-isa silang nagpakilala sa akin na para bang walang nangyaring rambulan sa pagitan namin.
“Hi! I’m Bryan Ledesma and they are my friends Julius Santos, Kier Perez, Kyle Cruz, and Frederick Tan,” nakangiting sabi ng taong nakaupo sa kama na si Bryan Ledesma.
Siya ang taong nabaril ko sa balikat na kapatid ng kaibigan ni Kuya Daniel. Isa-isa niyang itinuro ang mga kaibigan niya mula sa kanan na tinawag niyang Julius Santos hanggang sa huli.
Nakipagshake-hand sila sa akin sabay sabi sa pangalan nila pati na rin ang kaibigan ni Kuya Daniel na si Brando Ledesma at agad ko naman natandaan ang mga pangalan nila. Nagpakilala din ako sa kanila saka humingi ng pasensya sa kanilang lahat. Pinatawad din nila ako at humingi din sila ng pasensya sa akin.
“Simula ngayon kasali ka na sa grupo namin,” nakangiting sabi ni Bryan.
“Oo ba! Salamat sa pagtanggap sa akin sa grupo ninyo,” natutuwa kong sabi.
Nagkwentuhan muna kami saglit hanggang sa nagpaalam na si kuya Brando na papasok na daw sa trabaho. Nagpa-alam siya sa amin at saka binilinan na huwag na naman kaming gumawa ng eksena. Nagtawanan lang kami na para bang matagal na kaming magkakakilala.
Paglabas ni kuya Brando ay namayani ang katahimikan na ikinailang ko. Lalo na nang nasa akin lahat ang tingin nila na para bang gusto nila akong lapain.
“Nandito ka ba para tiktikan kami?” seryosong tanong ni Bryan.“Ipinadala ka ba ng grupo mo dito para magkunwaring kakampi namin? Huwag mo ng subukang pumasok sa grupo namin para maging spy dahil hindi ka magtatagumpay. Magiging malamig ka na munang bangkay bago mo magawa iyon,” tiim-bagang saad ni Frederick Tan.
Napalunok ako ng dalawang beses dahil sa kaba. Akala ko ok na kami ngunit sa harap lang pala ni Kuya Brando. Parang gusto ko na lamang lamunin ng lupa dahil sa mapanghusgang titig nila sa akin.
Tiningnan ko ang barkada. Tahimik pa rin sila. Pero hindi na galit. Hindi na nagtatanong. Yung tipo ng katahimikan na may kasamang pagdamay.Walang anu-ano’y nagvibrate ang ang phone ko. Nag-reply si Andrea.“Ibig ba sabihin ng pagpapaalam mo, may pakiaalam kana sa akin?”Ang dami kong inasahan na maaaring isagot niya. Galit. Hinaing. Panunumbat. Pero hindi iyon. Hindi ito ang klase ng tanong na kayang sagutin ng logic. Dahil ito, damdamin na ang usapan.Tinitigan ko ang message ni Andrea.“Ibig ba sabihin ng pagpapaalam mo, may pakiaalam kana sa akin?”Nag-type ako. Tapos binura. Type ulit. Burado na naman. Ang dami kong gustong sabihin pero wala akong alam kung paano uumpisahan. Wala ring tamang salita. Kasi sa ganitong usapan, walang nananalo. Hanggang sa pinikit ko na lang ang mga mata ko. Hinayaan ko ang mga daliri kong idikta ang totoo. Kung saan man ako dalhin ng katotohanan, doon na lang.Paul:“Andrea, gusto kong maging totoo sa’yo. Hindi dahil gusto kita o mahal kita kundi i
PAUL POVHindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinabi sa sarili ko na ayoko na. Noong iniwan ko ang third year college sa Aurora Academy, akala ko tapos na ang lahat. Hindi lang dahil sa sakit. Hindi lang dahil sa gulo. Kundi dahil wala na akong natirang lakas para ipagpatuloy pa.Pero heto ako ngayon—nakatayo sa pila sa registrar ng CEU Makati, may hawak na brown envelope na parang bumigat sa bawat hakbang ko. Nandoon lahat ng requirements ko—birth certificate, ID photos, recommendation letter, at ‘yung papel na pinakaayaw kong tingnan: ang transcript na nagpapaalala kung saan ako natigil.Third year, first sem. Doon ako huminto. Parang sasakyang naubusan ng gasolina sa gitna ng daan. At ngayon, ilang buwan matapos ang katahimikan, sugat, at pag-aalinlangan, heto ako. Gusto ko ulit bumiyahe. Hindi para sa iba. Hindi para patunayan ang kahit ano. Kundi para sa sarili kong unti-unting natututong maniwala muli.Pagharap ko sa counter, pinilit kong panatilihin ang boses ko na kalmad
Kinabukasan, tahimik lang ang paligid ng bahay ni Lola Aurora. Maaga akong nagising, pero hindi dahil sa ingay ng alarm. Para bang kusa na lang bumangon ang katawan ko. Magaan ang pakiramdam—hindi pa buo, pero mas magaan. Parang tinanggalan ng gapos.Paglabas ko ng kwarto, nagtungo ako sa kusina. Naabutan ko si Papa, nagkakape na. Akala ko kagabi lang siya magpapalipas ng oras dito kay Lola. Pero heto pa rin siya—tahimik, pero halatang may gustong sabihin.“Pa, di po ba dapat nasa bahay ka na?” tanong ko habang inaabot ang tasa.“Bumalik muna ako saglit. Gusto sana kitang yayain... umuwi,” diretsong sabi niya.Napatingin ako sa kanya. Hindi dahil sa gulat, kundi dahil sa bigat ng salitang uwi. Matagal na rin akong hindi tumira sa bahay namin.“Miss ka na ni Sarah,” dagdag niya. “Lagi kang tinatanong. Si Daniel din. Hindi siya palasalita, pero noong nalaman niyang nagkita tayo, nagtanong agad kung uuwi ka na raw.”Tahimik lang ako habang nagtitimpla ng kape. Miss ko na rin sila, lalo na
PAUL POVPagkaalis ng dalawang babae sa buhay ko—este, dalawang nagpapagulo sa isip ko—hindi muna ako agad umalis sa lugar na ‘yon. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala rin naman akong ibang lakad. Wala ring maisip na gawin. Kaya naglakad-lakad lang ako saglit, hanggang sa mapadpad ako pabalik sa kotse.Nasa driver's seat ako ngayon, nakasandal at nakapikit. Hindi para matulog, kundi para makalubog sa katahimikan. Sa sarili kong ingay.Ramdam ko pa rin ang bigat ng mga sinabi ni Andrea. Hindi niya ako sinigawan, hindi siya nagdrama, pero may puwersa ang boses niya. May tapang sa likod ng sakit. At mas masakit ‘yon kaysa kung sumigaw siya. Kasi alam kong sinubukan niyang maging matatag, kahit masakit na ang kanyang loob.“Sana maging totoo tayo kahit minsan,” narinig kong sabi niya kanina, bago siya umalis.Walang sagot ang mga tanong niya. Ako man, hindi ko rin alam ang totoo. Saan ba ako sa buhay niya? Kaibigan? Panakip-butas? Tagapagligtas? Boyfriend? O isang alaa
PAUL POV11:30 AM. Nakapark na ako sa labas ng Ayala Mall, ang lugar kung saan nagpapart time job si Esther. Tahimik lang ako na nakasandal sa manibela, hinihintay ang message ni Esther. May background music mula sa radyo, pero halos hindi ko na naririnig. 12:00 PM ang usapan namin ngunit nandito na ako at hinihintay siya. ganun ako kasabik na makita siya.Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Lunch lang naman ‘to at magkaibigan kami. Madalas naman kaming kumain sa labas dati. Pero ngayon, iba ang pakiramdam na ito. Siguro kasi ngayon, alam ko na sa sarili ko na may nararamdaman ako sa kanya.Nag-vibrate ang phone ko. Dali-dali ko itong tiningnan at tama ang kutob kong si Esther nga ang nagpadala ng message.ESTHER: “Off ko na. Nasa entrance na ako, sa may fountain. Magmessage ka lang kapag malapit ka na.”Agad akong bumaba ng kotse at naglakad papasok sa Ayala Mall. Nakasanayan ko na ang lugar—malamig ang paligid, matao pero organisado, tahimik ang ingay ng sibilisadong city life.
PAUL POVPagkatapos ng isang buwang bakasyon sa malamig at luntiang Cagayan Valley, bumalik ako sa Makati kasama ang pinakamamahal kong Lola Aurora. Tahimik lang ako habang binabaybay namin ang daan palabas ng airport, sakay ng itim na SUV na sinundo sa amin ni Mang Berto, ang long-time family driver ni Lola.“Kamusta ang biyahe, Ma’am?” bati ni Mang Edgar habang hawak ang manibela ng sasakyan at nakatingin sa aming dinadaan.“Maayos naman, Edgar. Pero nakakapagod din talaga ang byahe. Buti na lang nandiyan ka,” sagot ni Lola, habang ako naman ay panay ang tanaw sa labas ng bintana. Iniimagine ko pa rin ang katahimikan ng Cagayan—yung simoy ng hangin, ang tanawin ng bundok at palayan, at ang simpleng buhay na panandalian naming tinikman.Habang bumabaybay kami ng EDSA, ramdam ko agad ang pagbabago ng hangin—mula sa sariwang simoy ng probinsya patungo sa mausok at abalang paligid ng lungsod. Napalitan ang mga bundok ng mga billboard, ang katahimikan ng mga busina, at ang simpleng pamum