PAUL POV11:30 AM. Nakapark na ako sa labas ng Ayala Mall, ang lugar kung saan nagpapart time job si Esther. Tahimik lang ako na nakasandal sa manibela, hinihintay ang message ni Esther. May background music mula sa radyo, pero halos hindi ko na naririnig. 12:00 PM ang usapan namin ngunit nandito na ako at hinihintay siya. ganun ako kasabik na makita siya.Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Lunch lang naman ‘to at magkaibigan kami. Madalas naman kaming kumain sa labas dati. Pero ngayon, iba ang pakiramdam na ito. Siguro kasi ngayon, alam ko na sa sarili ko na may nararamdaman ako sa kanya.Nag-vibrate ang phone ko. Dali-dali ko itong tiningnan at tama ang kutob kong si Esther nga ang nagpadala ng message.ESTHER: “Off ko na. Nasa entrance na ako, sa may fountain. Magmessage ka lang kapag malapit ka na.”Agad akong bumaba ng kotse at naglakad papasok sa Ayala Mall. Nakasanayan ko na ang lugar—malamig ang paligid, matao pero organisado, tahimik ang ingay ng sibilisadong city life
PAUL POVPagkatapos ng isang buwang bakasyon sa malamig at luntiang Cagayan Valley, bumalik ako sa Makati kasama ang pinakamamahal kong Lola Aurora. Tahimik lang ako habang binabaybay namin ang daan palabas ng airport, sakay ng itim na SUV na sinundo sa amin ni Mang Berto, ang long-time family driver ni Lola.“Kamusta ang biyahe, Ma’am?” bati ni Mang Edgar habang hawak ang manibela ng sasakyan at nakatingin sa aming dinadaan.“Maayos naman, Edgar. Pero nakakapagod din talaga ang byahe. Buti na lang nandiyan ka,” sagot ni Lola, habang ako naman ay panay ang tanaw sa labas ng bintana. Iniimagine ko pa rin ang katahimikan ng Cagayan—yung simoy ng hangin, ang tanawin ng bundok at palayan, at ang simpleng buhay na panandalian naming tinikman.Habang bumabaybay kami ng EDSA, ramdam ko agad ang pagbabago ng hangin—mula sa sariwang simoy ng probinsya patungo sa mausok at abalang paligid ng lungsod. Napalitan ang mga bundok ng mga billboard, ang katahimikan ng mga busina, at ang simpleng pamum
3rd Person POVDumating ang huling araw ng paglilitis. Tahimik ang korte, para bang lahat ay humihinga nang sabay-sabay, naghihintay ng isang katotohanan na kaytagal ipinagkait. Ilang buwan na ring hinimay-himay ng magkabilang panig ang mga ebidensya: ito ang bawat video, bawat mensahe, bawat litrato. Pero ngayon, ang sandaling magtatakda ng lahat ay dumating na.Maingat at metikuloso ang naging presentasyon ng depensa. Ipinakita nila ang mga surveillance footage mula sa convenience store, ang metadata ng mga file na pinaniniwalaang inedit, at ang mga technical report ng isang independent forensic specialist na pinatunayan sa korte. Isa-isa nilang inisa-isa ang mga inconsistencies; mga oras na hindi tugma, mga larawan na lumalabas na ginamitan ng AI filter, at mga screenshot na pinagsama-sama mula sa iba’t ibang chat. Lahat ng ito, binuo sa isang timeline na malinaw na nagpapakita ng sabotahe.Tahimik ang buong courtroom. Tila bawat segundo ay bumibigat. Sa bawat eksenang pinapakita sa
Pagbalik namin sa loob ng bahay ay nadatnan namin sina Lola at Andria na naghahanda na ng almusal. Mukhang nakuha na rin ni Andria ang loob ni Lola. Hindi na ako magtataka dahil tulad nga ng sinabi ni Julius kanina na hindi naman daw siya mahirap mahalin. Kaya ko kayang turuan ang aking puso na mahalin siya? Oo, maganda siya, matangkad at balangkinitan ang katawan. Nasa kanya na ang gustung-gusto ng lalaki sa babae. Pero isa lang ang nasisiguro ko. Kaya kong diktahan ang aking puso. Magmamahal ako pagkatapos sasaktan lang din niya ako tulad ng ginawa ni Angelica. Hindi na iyon mauulit pa."Hindi na ako magpapaloko sa kahit na kaninong babae. Kahit na Diyosa man siya ng kabaitan o ng kagandahan, hinding-hindi na ako mabibighani. Hindi na ako magmamahal ng seryosohan kaya sorry na lang Andria," sabi ko sa isip ko habang pinagmamasdan si Andria sa paghahanda ng pagkain sa lamesa."Bro, matunaw siya," saad ni Bryan sabay tapik sa akin na ikinalingon ko sa kanya.Tumawa lang ako at dumere
PAUL POVNapakabigat ng aking pakiramdam. Nahihirapan akong huminga dahil sa bigat ng nakadagan sa akin na sinabayan pa ng pagpisil-pisil niya sa ilong ko dahilan upang hindi ako masyadong nakakakuha ng oxygen. Pagmulat ko ay nakita ko ang napakagandang mukha ni Esther na nakangiti habang pinipisil-pisil ang ilong ko. Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan. Ngumiti siya sa akin at akmang tatayo na sana siya nang pigilan ko siya. Nagtitigan kami na para bang nagtatanong ang kanyang nangungusap na mata hanggang sa dumako ang mga ito sa labi ko na para bang nasasabik na halikan ito.Unti-unti niyang inilapit ang labi niya sa labi ko ngunit mabilis ko siyang hinila at binigyan ng marubrob na halik. Nagparaya siya dahilan upang malaya ang aking dila sa pagpasok sa bunganga niya na waring naghahanap. Pagkatapos ay unti-unti nang bumababa ang aking halik hanggang sa mapunta na sa kanyang leeg.Pinagpalit ko ang position namin kaya ako na ngayon ang nakadagan sa kanya. Nakapikit na siya habang
ESTHER POVHindi nagpabayad si Eric sa pagtulong niya sa amin ni Paul. May usapan daw sila ni Leah na patatawarin daw siya sa kasalanan niya kung tutulungan niya ako. Mas importante daw ang pagpapatawad ni Lea sa kanya kaysa sa perang matatanggap niya sa amin.11 o'clock na rin naman kaya niyaya na lamang namin siyang maglunch sa malapit na restaurant. Nagpaunlak naman ito at habang kumakain kami ay panay ang kwentuhan namin at tawanan. Masaya siyang kausap lalo na kung ang pinag-uusapan namin ay tungkol kay Leah. Ngunit, habang nagkukwentuhan kami ni Eric ay hindi naman mapakali si Paul sa kinauupuan na para bang may mabigat siyang problema na hindi niya masabi-sabi sa amin."Ok ka lang?" kunot-noong tanong ko."Ah-eh ahmm... kasi..ano. Ano kasi.." di matuluy-tuloy niyang salita."Sabihin mo na kasi," inis na saad ko."Ano kasi, nakalimutan ko ang wallet ko," naiiling na sabi ni Paul sabay kamot sa kanyang batok kahit hindi naman ata makati. "Simple lang naman yun bestfriend, maiwan