Share

Chapter 9- part 2

"Kanina pa ako tawag ng tawag hindi ka man lang sumagot agad. Saan ka? Kasama mo ba si Lola? Kaninong mga patak ng dugo ang nandito sa kwarto ko?" Bungad ko sa katulong namin pagkasagot niya sa tawag ko.

"Se-señorito si Do-donya A-aurora po," nauutal niyang sabi.

"Anong nangyari kay Lola?" saad ko.

"Nandito po kami sa Makati Medical Center. Pumunta na po kayo dito. Malolow batt na po ang toot…toot…toot ….toot..toot.." naputol na linya.

"Shit! Naputol pa talaga ang linya," sambit ko na lang.

Nagmadali akong pumunta sa Makati Medical Center dahil sa sinabi ng katulong. Dahil sa kagustuhan kong makarating agad sa ospital ay muntik pa akong madisgrasya. Inaamin kong lasing ako kanina pero noong marinig kong nasa hospital sina lola ay nawala ang kalasingan ko.

Pagdating ko sa parking lot ng hospital ay hindi ko na naipark ng mabuti ang kotse kong ibinigay sa akin Lola three months ago.

Dumeretso ako sa nars station at tinanong kung saan ang kwarto ni Lola Aurora. Sinabi naman agad ng Nars
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status