Itinakwil ako ni papa dahil lang sa hindi niya nagustuhan ang pagbabago ko. Labis ang hinanakit ko sa kanya dahil sa pagpapalayas niya sa akin na wala man lang binigay na kahit ano. Maging ang cellphone ko, wallet o mga personal kong gamit ay wala.Para lang akong basang sisiw na nawawala sa gitna ng ulan na walang masilungan at walang malapitan.Ang aking mga luha ay sumasabay na sa pag-agos ng tubig-ulan habang nanginginig na ako sa lamig at nanghihina dahil sa sakit na aking nararamdaman physical at emotional.Parang gusto ko ng sumuko. Napakalaki ba ng kasalanan ko para magdusa ng ganito? Napaka unfair talaga ng buhay. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ako pa. Bakit ako pa ang nasasaktan ng paulit-ulit, hindi lamang sa babaeng minamahal ko kundi maging sa pamilya at kaibigan ko.Hindi ko na kaya, nanghihina na ako. Hindi ko na kayang maglakad pa ng malayo para hanapin ang kapalaran ko. Sobrang sakit na ng ulo at katawan ko. Nagdidilim na ang aking paningin. Gusto ng bumigay ng
"Kanina pa ako tawag ng tawag hindi ka man lang sumagot agad. Saan ka? Kasama mo ba si Lola? Kaninong mga patak ng dugo ang nandito sa kwarto ko?" Bungad ko sa katulong namin pagkasagot niya sa tawag ko."Se-señorito si Do-donya A-aurora po," nauutal niyang sabi."Anong nangyari kay Lola?" saad ko."Nandito po kami sa Makati Medical Center. Pumunta na po kayo dito. Malolow batt na po ang toot…toot…toot ….toot..toot.." naputol na linya."Shit! Naputol pa talaga ang linya," sambit ko na lang.Nagmadali akong pumunta sa Makati Medical Center dahil sa sinabi ng katulong. Dahil sa kagustuhan kong makarating agad sa ospital ay muntik pa akong madisgrasya. Inaamin kong lasing ako kanina pero noong marinig kong nasa hospital sina lola ay nawala ang kalasingan ko.Pagdating ko sa parking lot ng hospital ay hindi ko na naipark ng mabuti ang kotse kong ibinigay sa akin Lola three months ago.Dumeretso ako sa nars station at tinanong kung saan ang kwarto ni Lola Aurora. Sinabi naman agad ng Nars
"Napatawag ka bro? May problema ba?" nagtatakang tanong ni Frederick. "Bro, tama nga kayo. Nagsisimula na sila. Pwede ba kayong pumunta rito? Hindi kasi ako pinayagan ni lola na lumabas dahil sa nangyari kanina," sabi ko sa kabilang linya."What do you mean? Anong nangyari?" tanong ni Frederick na may halong pag-aalala."Ikuwento ko na lang sa inyo dito. I need you now, ASAP. May importante akong sasabihin,"seryosong sabi ko."Ok Bro. Pupunta kami diyan. Tawagan ko lang saglit si Bryan dahil wala pa rin siya hanggang ngayon," sagot ni Frederick sa kabilang linya."Sige bro. Diretso na lang kayo dito sa kwarto ko mamaya. Ingat kayo," sabi ko at pinatay ko na ang tawag ko. Pagkababa ko ng cellphone ko ay nahiga muna ako sa aking kama. Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Attorney kanina."Kailangan mong idemanda ang taong nagbabanta sa buhay mo. Ipaalam mo sa mga pulis na may gustong pumatay sa'yo baka sakaling magawan nila ng paraan para iligtas ka," seryosong sabi ni Attorney. "Ay
Nagising ako sa aking pakakatulog dahil sa patak ng luha na naramdaman ko sa aking kamay. Pagkamulat ko ay nakita ko si Esther na nakayuko habang hawak ang kanang kamay ko at humihikbi.Why are you crying?I asked. Nagulat siya sa pagsasalita ko kaya agad niyang tinanggal ang pagkakasalikop ng aming kamay at tumalikod siya sa akin sabay pahid sa pisngi at mata niya.Unti-unti akong bumangon sa pagkakahiga ko kahit na nahihirapan pa akong igalaw ang katawan ko para lang daluhan siya. I don't know why but it hurts for me to see her, crying."Hi-hindi a-ako umiiyak. Napuwing lang ako," pangangatwiran niya."Pumapatak ba ang luha sa mata kapag napuwing lang?" nakangiti kong sabi para sana pangitiin din siya ngunit humarap siya sa akin at tiningnan niya ako ng masama. Kitang-kita sa kanyang mga mata na kagagaling lang niya sa pag-iyak."Eh ano naman sa'yo kung umiyak ako? Ikakagalit mo ba?" sagot niya habang seryosong nakatingin sa akin. Hinila ko siya dahilan upang masubsob siya sa akin
Anong ginagawa niyo dito? Kunot-noong tanong ni Esther."Namiss lang kita, masama ba?" Nakangiti kong sagot."Himala! Ngayon mo lang ako namiss kahit na nagkita lang tayo kahapon? Samantalang noong ilang buwan tayong hindi nagkita ay hindi ka man lang dumalaw dito kahit minsan.""Naging busy lang ako noon. Nagtatampo ka ba?""As if naman may trabaho ka para maging busy. Ang sabihin mo, may kailangan ka kaya ka lumalapit sa akin ngayon. Tama ba?" Nakapameywang niyang sabi.Hindi ko na lang siya sinagot bagkus ay dumeretso na lang kaming pumasok sa bahay niya kahit wala pa siyang pahintulot. Ngunit muli akong humarap sa kanya at kitang-kita ko ang pagbukas ng mapupula niyang labi habang salubong ang mga kilay na dahil di makapaniwalang pumasok kami kahit di pa niya sinasabi.Agad kong hinila ang braso niya palabas ng bahay na ipinagtaka niya dahil naiwan sa loob ng bahay niya ang mga barkada ko."Saan mo ako dadalhin ha?" Tanong niya habang pilit na tinatanggal ang kamay niya na hawak-h
Nagulat ako sa ingay ng tunog ng cellphone ko kaya nagpaalam muna ako kay kuya Daniel para sagutin ito."Ano na namang gulo ang kinasangkutan mo?" Bungad sa akin ng nasa kabilang linya."Esther?" Paniniguro ko sa tumawag."Yes, ako nga. Hanggang kailan ka makikisangkot sa gulo Paul? Hindi ka na ba magbabago?" "Tawagan na lang kita mamaya. May aayusin lang ako."Hindi ko na siya hinintay na sumagot at pinatay ko na ang tawag. Hahaba lang ang panenermon niya kung di ko pa puputulin. Ipapaliwanag ko na lang ang lahat pagbalik ko sa bahay niya.Bumalik ako kay kuya Daniel para itanong kung ok na ang lahat. Mabuti na lang at dumating sila agad sa restaurant na iyon dahil kung hindi baka patay na ako ngayon.Sino pa ba ang mabubuhay kung pumutok ang baril na nakatutok sa ulo ko kanina nung nasa restaurant pa kami? Dahil lang sa ipilit kong ipakain sa nagpanggap na waiter ang pagkaing inihain niya sa akin ay tinutukan na ako ng baril. Mabuti na lang agad na dumating si Kuya Daniel kasama a
"You! you are the killer! Bakit mo pinatay ang anak ko?" umiiyak na sigaw sa akin ng tatay ng babaeng namatay habang dinuduro ako."Hindi siya ang pumatay sa anaķ ninyo dahil sabay-sabay lamang kaming dumating dito," saad ni kuya Daniel habang buhat pa rin ang kamamatay na babae."Hindi? Pinagtatakpan mo lang siya pero may pruweba kami. Hawak ko ang ebidensya na nagpapatunay na siya ang mamamatay tao. Siya ang nasa video na sumaksak sa anak ko," sabat naman ng ina ng namatay."Hayop ka! Dapat ikaw ang namatay," sigaw niya ay akmang susugurin ako ngunit pinigilan siya ng mga kasama naming pulis. Dahil sa video na ipinakita ng pamilya ng babaeng namatay ay pansamantala akong nakakulong ngayon dito sa Makati Police Station. Nakiusap ako sa mga barkada ko at kay kuya Daniel na huwag munang ipapaalam kay lola ang nangyari sa akin dahil ayaw kong mag-aalala na naman siya. "Paano mo ngayon sosolusyonan ang gulong kinasangkutan mo?" Galit na tanong ni kuya Daniel."Alam mong hindi ko iyon
Pansamantala akong nakalaya dahil sa pakiusap sa ni lola sa mga at pagbabayayad ng piyansa ko na mahigit 500 thousand pesos. Nakahiga lang ako ngayon dito sa kwarto at nag-iisip kung paano ko masosolusyunan ang problema ko ng umalingawngaw ang ringing tone ng cellphone ko na ang ibig sabihin ay may tumatawag sa akin. Agad ko itong kinuha sa ibabaw ng mesa at sinagot ang new number na tumatawag."Sino to?" Kunot-noong tanong ko."Ako lang naman ang taong nakakaalam ng buong pangyayari tungkol sa pagkamatay ng babaeng waiter na sinasabing pinatay mo," sagot ng baritonong boses sa kabilang linya."What? You mean alam mong hindi ako ang pumatay sa kanya?""Yes. Dahil ako ang totoong pumatay sa kanya," sagot ng nasa kabilang linya at sinundan pa ng malakas na halakhak."Hayop ka! Ikaw ang dahilan ng aking pagkakakulong. Magkita tayo! Anong kailangan mo at tumawag ka? Hindi pa ba sapat ang ibinayad sa'yo para ako ang idiniing mamatay tao?"Tumawa muna ito ng malutong bago sumagot."10 milli