“Ganda naman. Mukhang magkakajowa ka na, ah!” Sabay hampas sa braso ko. “Haba ng hair. Sana all!” Kunwaring hinagod-hagod niya ang buhok ko pagkatapos ay hinila.
“Tumigil ka nga, Ginger. Hindi naman nanliligaw ‘yung tao,” pagtataray ko. Umamin lang naman si Alvin na gusto niya ako, but it doesn’t mean na nanliligaw siya to be my boyfriend.
“Doon din naman papunta ‘yon! Pakipot ka pa, girl? Ganda ka?”
“Alam mo ewan ko sa ‘yo. Inggit ka lang, e. Palibhasa walang keep up sa inyo ni Wade,” pang-aasar ko. Buti si Alvin nagawang umamin. E, si Wade kaya?
“Wala na kailangan i-keep up sa amin, girl. Diba ginawa mo nga kaming magjowa sa magulang ko?” Sabay flip ng hair. Saka
“I am Atty. Leonel Watson. I’m here to discuss your case,” pormal niyang pagpapakilala. Dumating nga ang attorney ko gaya ng sinabi ni Ginger. Nang dahil dito nagkaroon ako ng hope na mabigyan ako ng hustisya.“Nice to meet you po, Atty.” I bowed lightly and we sat on the chair for discussion. Medyo hindi ako makatingin nang maayos kay Atty. dahil ang gwapo niya. Parang 4 years older lang ata siya sa ‘kin or ka-age nina Alvin at Wade. He looks so professional and handsome with his matte black polo and specs. Matangos ang ilong at medyo brown ang mata. Ang tangkad pa niya at kitang kita sa polo niya na malaki ang katawan niya dahit fit ito sa kanya. His veins are revealed too because he folded his sleeves up to his elbows. I also smell his strong perfume na nakakahilo. Mabango naman ang pabango niya. Ang tapang lang talaga.
Balisa ako ngayon at panay ang kutkot sa kuko dahil sa takot at kaba. Narito ang ilang pulis na may alam sa medisina para i-check si Nanay Fely. Hindi raw kasi siya pwedeng ilabas nang basta-basta ayon sa protocol ng mga pulis. Halos nagalit na nga ako at sigawan sila kasi emergency na nga tapos kailangan pa nila ‘yang protocol na ‘yan.“Nag-iinarte lang ‘yan! Gusto lang ata makatakas dito sa kulungan.” Agad akong napalingon sa sinabi ni Helen. Talaga bang walang konsensya ang babaeng ito?“Pwede bang tumahimik ka na! Hindi ka ba nakokonsensya?! Nang dahil sa ‘yo may taong nahihirapan ngayon sa sakit!” I yelled. Hindi na talaga ako makapagtimpi sa kanya. Punong-puno na ako.“Tumigil kayong dalawa. Magtatanong pa kami sa inyo ano ang nangyari,” one of
Naiwan akong tulala habang papalabas ang officer sa selda namin. Kritikal. Pwede pa naman maka-survive ang gano’n diba? Kayang labanan ‘yon ni Nanay Fely. Hindi siya pwedeng sumuko. Makakalaya pa kami rito at ituturing ko siyang parang tunay na ina. “Oras na ata ni tanda,” rinig kong singhal ni Helen. Nag-init ang ulo ko ro’n kaya agad akong tumayo at mabilis na lumapit sa kanya at sinampal ang pisngi niya. “Ang tigas ng mukha mo. Kapag namatay si Nanay Fely, ikaw ang dahilan! Ikaw ang pumatay!” I shouted with mixed emotions. I can feel my rising madness and sorrow at the same time. Inangat din niya ang palad niya na gustong sumapo sa aking mukha pero agad kong sinangga ‘yon at marahas na hinawakan ang pulsuhan niya. “Sinabi kong hindi ka na makakaulit hindi ba? Hindi na ako tulad ng dati, Helen. Isang maling pagkakamali na idinamay mo pa ang mahal ko sa buhay.” Binitawan ko siya nang marahas at muling nagsalita, “Ibabalik ko sa ‘yo ang karma.” Iniwan ko siyang tulala at bumalik
I stared at the wall. I can’t process what he just said. Suddenly, all the memories I had with Nanay Fely flashbacks in my head. I cried once again while staying here. But this time, not because I have been humiliated, but because I lost a family and friend.My tears can’t stop falling on my cheeks, and I savor the salty taste of them. I hear the interrogator calling me, but I am not in the state of mind to speak. I sob so hard that I feel my sore throat and heartache. My heart is breaking in awe, and I feel that something is lost in me.Alam niyo iyong feeling na hindi ka kumpleto. Parang may bagay na nawala sa ‘yo na hindi kayang punan ng ibang tao. That’s how I feel right now.“Chief, patulong naman dito. Hindi na makausap ‘to. Panay ang iyak at wala na sa sar
Tinakpan ko ang aking mukha dahil sa hiya. Malakas na tumili si Ginger at saka pinaghahampas-hampas si Wade sa sobrang kilig. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon at itsura ni Alvin dahil hindi ko magawang tumingin sa kanya ngayon.“A-anong sabi mo?” hindi mapakaniwalang tanong niya. Ako rin naman ay hindi makapaniwala sa mga nasabi ko. I didn’t plan to make a confession right now. Saka ang gusto ko lang naman kasing i-imply sa sinabi ko is hindi ko gusto si Leonel kaya wala naman silang dapat na ipag-alala. Pero naging double meaning pala ang nasabi ko kaya napaamin ng di oras.“Hoy, ulitin mo raw! Hindi ata clear kay Alvin ang sinabi mo,” sigaw ni Ginger na hanggang ngayon ay kinikilig pa rin sa tuwa. Pero hindi ko talaga kayang harapin si Alvin ngayon. Sobrang nakakahiya. “Ay nahihiya na ‘yan, Alvin. Basta dalawa nama
Pinalabas ako ng selda at dinala na naman sa interrogation. Kinakabahan tuloy ako kung ano na naman ang pag-uusapan at bakit narito na naman ako. Para akong na-guidance office sa lagay ko.Pinaupo ako sa dati kong inupuan nang in-interrogate ako at umupo sa harap ko ang isang pulis na kasama kanina ng tumawag sa ‘kin. May dala-dala siyang folder na may lamang papel at binuksan ito.“Autumn Bender, 22 years old, committed murder on 25th of May, 2019 at Sampaguita Street, Guillermo’s Building, Manila City. The victim, Dina Wei, was found dead with deep cuts and bruises around the body and a lacerated neck. The suspect was arrested during the crime scene with an unconscious mind and brought to Police Station 5 at 1 A.M.” Binasa ng police ang papel na nasa folder at saka tumingin sa akin.“
This is my last session with Leonel. Tomorrow is my most awaiting day since I got here. Court hearing ko na bukas at pagkatapos ng ilang araw o linggo ay court trial na. I am starting to pray harder to God that the judge will do the right thing. Dahil kung iko-convict nila akong guilty, malaki ang fine na babayaran ko at lifetime sentence pa. Wala akong malaking pera at higit sa lahat, ayokong mamuhay rito at maparusahan sa kasalanang hindi naman ako ang may gawa. “Be prepared for tomorrow, Autumn. In the following days, we will get busier about your case. I hope for your cooperation. I will do my best, and do your part,” Leonel said to me with a serious look. In the past few days, sobrang seryoso na niyang makipag-usap sa ‘kin at nagiging strikto na rin. I’m not complaining about that, I’m grateful, to be honest, that he’s passionate about his work and willing to help his clients.
“Welcome home, Autumn!” Nagulat ako sa biglaang pagputok ng confetti nang pumasok ako sa bahay namin. May pa-welcome party na nalalaman si Ginger kaya ayan, puno ng mga balloons ang entrance door, may banner ng welcome home, at confetti.I gave her a genuine smile with teary eyes out of happiness. I still couldn’t believe that I am free now. For how many weeks and months being inside the jail, I missed the feeling of home again. Kahit dalawa lang kami nakatira dito ay hindi ko feel na mag-isa. Ginger and I were best friends since we were kids kaya we have each other’s back whenever we have problems.Hindi ako nakapagsalita at natulala muna rito sa pintuan habang pinagmamasdan ang buong bahay. Alam kong wala masyadong nagbago sa ayos ng bahay, pero pakiramdam ko malaki ang pinagkaiba nito. O siguro, ako ang nagbago.