Share

Chapter 37: Unexpected Suspect

Tinawag agad namin ang mga officer na i-check ang labas ng kwartong ‘to, pero agad kaming napahinto nang may officer na tumatakbo muli papunta sa’min.

“Inspector, Detectives, may dalawang bala po ng baril ang natagpuan sa tapat nitong kwarto sa labas.”

Sabay-sabay kaming nanlaki ang mata sa police officer na bakas sa mukha ang pagiging seryoso at strikto. Mabilis naman kaming lumabas ng bahay at pinuntahan ang garahe na tapat nga lang ng kwarto ni Elle.

Open space dito sa labas at walang ilaw kaya siguradong napakadilim sa parteng ‘to tuwing gabi. Pagkalapit namin sa mismong tapat ng kwarto ni Elle dito sa labas, totoo ngang may dalawang bala rito at hindi rin nagkakalayo ang pwesto nila. Medyo malayo nga lang ang distansya ng bala mula sa kwarto.

Ngayon, sigurado na kami na hindi nga ito suicide. Mas magiging sigurado ‘to kapag lumabas na ang autopsy result.

“Inspector, this is a murder case. The worst is, this maybe one of the serial murder kaya kailangan pa natin mag-imbestiga,”
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status