Share

Chapter 2 - Mistaken

BLOOD. KNIFE. DEAD BODY.

I almost drop my phone out of fear. My knees are trembling and my hands are shaking. I don’t know what to do now. Naitutok ko ang flashlight sa katawan ng taong nasa harap ko na duguan. Hanggang sa tumapat ito sa mukha n'ya at doon na ako napaupo at nawalan nang lakas.

It's Dina Wei! My friend and former classmate that been missing for three days. Nabitawan ko ang phone ko at napatakip ng bibig sa takot. She was murdered, and I am here in front of her. Hindi ko kayang magsalita at tumayo. I want to run pero ni pagtayo ay di ko kaya.

I stayed here in front of her dead body and silently crying. My body is shaking at parang nawawala na ang senses ko! I can't take to see a dead body in front of me at duguan pa. The killer lunged her throat kaya maraming dugo ang nawala sa kanya. Her eyes are still open in shock at puro pasa ang mga braso n'ya.

I blankly stare at her body for how many hours. I lost my mind, my senses, and myself for seeing this. Hanggang sa nakarinig ako ng alarm sound.

'The police'

I stayed here. I just lost my mind at naramdaman ko na lang ang isang malamig na bakal sa pareho kong kamay. They tried to lift me, but my legs are too weak kaya napilitan sila buhatin ako. My eyes are still looking blankly at the dead body of Dina. Hindi ko na alam kung ano ang ginawa ng mga pulis at kung ano ang mga sinasabi nila. Mabilis nila akong pinasakay sa kotse at doon ko lang na-realize na umiiyak na pala ako. Why are they arresting me?

'I'm not the killer!'

Gusto kong isigaw 'yan sa pulis na katabi ko pero ni pagbuka ng bibig ay di ko magawa. Emotions filled me up to the highest peak. No, they can't do this to me. I didn't kill Dina! Saan nila ako idadala? Ikukulong ba nila ako? Pero hindi ako ang pumatay!

Dinala ako ng mga pulis sa parang headquarters nila. I don't know where exactly I am right now. Basta puro pulis ang nasa harap ko at kanina pa nila ako kinakausap. Hindi ko sila maintindihan sa mga sinasabi nila. All I want to do now is to go home.

"Miss kanina ka pa namin kinakausap. Sumagot ka naman." Yeah, kanina pa pala nila ako tinatanong kung anong pangalan ko pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang magsalita.

"Paano n'yo ba 'to nahuli?" tanong ng isang pulis na kanina pa nakatingin sa 'kin na parang naghihintay na bumuka ang bibig ko.

"Siya ang nandoon mismo sa harap ng patay. May dugo yung sapatos n'ya tapos nakaupo lang siya ro'n noong naabutan namin siya," sagot ng pulis na kanina pa paulit-ulit nagtatanong sa 'kin.

Tinitigan naman ako ng mga pulis. Hindi nila ako pwede ikulong, hindi ako ang pumatay kay Dina.

"Sige na ipasok n'yo na 'yan. Mukhang walang balak magsalita 'yan, tinawagan ko na 'yong pamilya n'ya. Parating na 'yon dito." What? Pamilya ko? Nasa Japan sina mom at dad kaya sinong pamilya ang pupunta sa 'kin?

"Miss tara na. Dadalawin ka na lang ng pinsan mo ata 'yon." Pinsan? It means si Ginger. Pupuntahan ako ni Ginger. Sa kanya ko pwede sabihin ang lahat. Kailangan ko lakasan ang loob ko.

Nagpahatak ako sa pulis at dinala ako sa isang kulungan. Napakaliit nito at marami ang nasa loob. Masama ang tingin ng iba sa 'kin, ang iba naman ay nakangiti.

Hindi ako pwede rito. Hindi ako kriminal.

Binuksan ng isang pulis ang kulungan at tinanggal naman ng pulis na may hawak sa 'kin ang posas na nakakabit sa 'kin at saka ako pinasok sa kulungan. Everyone look at me as if assessing what type of person I am. Hindi ko na lang sila pinansin at nanatili akong nakatayo sa harap ng kulungan para abangan si Ginger. Ginger can help me.

Maya-maya lang ay may maingay na babae ang sumisigaw.

"Where is my cousin!!!! Where the hell is she!" isang matinis na boses ang umalingangaw sa buong headquarters.  I know that voice. One of my family is here. Someone can now help me.

"Calm down ma'am. Sino po ba ang hinahanap n'yo?" Boses yun kanina ng pulis na nagdala sa 'kin.

"My cousin! Autumn Bender! For goodness sake hindi n'yo kilala kung sino hinuhuli n'yo?!" naiirita niyang sigaw.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil narito siya o matatawa dahil sa ugali n'ya. Mukhang bumalik na ang senses ko. Isang sampal lang ni Ginger 'to malamang magigising ako pero di ko na hihintayin 'yon dahil hard core manampal ang isang 'yon.

Hinatid dito ng pulis si Ginger at akala ko sisigawan n'ya ako or sasampalin pero heto siya umiiyak sa harap ko. Pinatahan ko naman agad siya kasi naiiyak na rin ako, e nakakapagod umiyak tapos kanina pa ako umiiyak.

"Autumn huhuhu." There she goes again. Bakit parang mas malala pa siya umiyak kaysa akin? Hindi ko na alam paano ko patatahanin 'tong babaeng 'to.

"Ginger stop crying. Nakulong lang ako hindi namatay," I said while calming her. Finally, nakapagsalita na rin ako. Kaso hinampas hampas n'ya ako na akala mo naasar.

Bipolar din pala 'tong babaeng 'to eh! Kanina kung makaiyak akala mo namatayan tapos ngayon manghahampas!

"Ano ba? Baliw ka ba?" iritang tanong ko sa kanya habang hinahampas pa rin ako.

"Anong kalokohan ang ginawa mo?! Bakit hindi ka na lang umuwi ha," patuloy pa rin na hampas nya sa akin.

I smiled a bit. Ginger really cares for me. She is my one and only family I can rely on. Pero minsan maiirita ka talaga sa kanya kasi paiba-iba sya ng mood lagi, gaya na lang ngayon. Kanina umiiyak tapos biglang nagalit na may kasamang hampas tapos ngayon tinatarayan na ako. Ilang persona ba meron 'tong babaeng 'to.

So ayon kwinento ko sa kanya lahat nang nangyari mula pag-uwi ko galing sa office hanggang sa napunta ako sa bahay na 'yon na nadatnan kong patay si Dina.

"You mean hindi talaga ikaw may gawa no'n?" gulat at pasigaw niyang tanong sa 'kin.

"Of course not! So talagang akala mo ako gumawa non ha?!"

"Syempre hindi. Gusto ko lang marinig nila na hindi ikaw ang may gawa. Di mo kasi alam kung gaano ko kagusto gulpihin yung mga humuli sa 'yo! Mga mukhang pugo, ang papangit!" sigaw pa n'ya na siguradong narinig ng lahat.

Napa-face palm na lang ako sa sinabe n'ya. Really sis? May mga pulis na bantay rito malapit sa 'tin tapos ang lakas nang pagkakasabi ng mukhang pugo.

Well no wonder, Ginger is really pissed. Sigurado akong sinupladahan niya 'yong mga pulis na tumawag sa kanya. But what I really admire about her is she's not judgmental. She will hear your side first before she judges.

Hindi rin siya nagtagal na kausapin ako dahil maghahanap daw siya ng abogado para mailabas ako rito. Kaya heto ako ngayon, nakatulala na sa loob ng kulungan.

Natatakot nga ako kasi 'yong mga tao rito parang may balak na masama sa 'kin dahil sa mga tingin nila. Parang kanina pa sila naghihintay sa 'kin. Pero hindi ko na lang sila pinansin. Mas mabuti na 'yong hindi ako ma-involve sa kahit sino rito because in the first place, I am not criminal like them. NAPAGBINTANGAN lang naman ako.

Maya-maya lang ay tumayo ang isang babae na medyo chubby, medyo maputi rin tapos mga nasa mid 40's siguro, at papalapit sya sa 'kin. May mga alipores siya sa likod na nakangiti nang nakakaloko sa 'kin na para bang anytime ay kakainin nila ako ng buhay. And then namalayan ko na lang na marami sila rito ang nakangiti nang makahulugan sa 'kin.

Nagsisimula na akong kabahan sa mga tingin nila. Iniisip ko pa lang na may gagawin sila sa 'kin na masama ay hindi ko na kakayanin 'yon. Hindi naman kasi ako palaban. Si Ginger lagi ang lumalaban para sa 'kin.

I just stared at them while their 'leader' approaching me. "Mukhang mayaman ka ah? Magkano ang gluta, tinalo mo pa ata kaputian ko," she looks at me from head to toe while both hands are on her waist.

Oh gosh! These people are into something. Natatakot na ako! Pagod na pagod na ako sa mga nangyayare sa 'kin ngayon kaya wag naman sana sumabay ang mga taong 'to.

I remain silent and just stared at her. "Ano naman kaya ang naging kasalanan mo? Sa itsura mong 'yan hindi ka naman siguro magnanakaw," she's really intimidating! I can't look straightly to her eyes lalo na't mas matanda sya sa akin. Ano ba gusto nila?

"Hindi ka rin naman siguro drug user?" pamewang nya na tanong sa akin. "Eh, Ano ginagawa mo rito? O baka naging kabit ka tapos pinakulong ka nung asawa kaya ka nandito. Ano ba 'yan ang landi mo naman. Hoy! Di ka maganda maputi ka lang," she pushed my forehead and they laughed all together.

What's with them? And what? Ako kabet? Ni wala nga akong boyfriend o kilalang lalaki na pwede landiin eh! Mga insecure sa beauty ko. Kung nandito lang si Ginger ay malamang kanina pa nasampal 'to kahit mas matanda sa 'min 'to. Kaso wala si Ginger sa tabi ko, wala akong kakampi rito. Nakakainis naman.

"Hoy magsalita ka! Ano pipe ka ba? O guilty ka kasi totoong malandi ka?!"

Malandi? Masyado naman ata siya kung magsalita. "HINDI AKO MALANDI, HINDI AKO KABIT! HINDI AKO KRIMINAL GAYA N'YO!" I burst out.

Hindi maganda sa pandinig at sa katauhan ko na sabihan akong malandi! Pero mukhang wrong move ata ako.

"Aba sinisigawan mo ako? Ang tibay mo rin pala ano? Kabago-bago mo rito pero ang tapang mo sagutin ako ha?" sigaw nya sa 'kin habang nakapamewang at nanlalaking mga mata. Her face is turning red. She's mad. Ano ba kasing gusto nila sa akin. Kabago-bago ko lang naman dito kaya bakit pinag-iinitan nila ako? Saka sabi n'ya naman sumagot ako ah?!

"Bebang!" tawag nya sa alipores nya.

"Ano yun madam," sagot naman nito na ikinagulat ko. Madam tawag n'ya rito kay ateng chubby?

"Dalhin n'yo 'to sa C.R! Ingudngod n'yo sa sahig at paglinisin n'yo! Tamang-tama 'to kasi mapanghi na C.R natin dito," sabay talikod n'ya sa akin. But what the f*ck! Paglinisin n'yo na ako ng C.R pero wag n'yo ako ingungudngod doon!

They handed me like how the police bring me earlier. And as usual, wala na naman ako nagawa. Why am I so weak? I can't fight for myself. It's always Ginger who fights for me in any situation.

I hope this day will end because I can't be here for more days. Teka… Paano na pala trabaho ko?! Argh! Nakakaasar na.

Dinala nila ako sa C.R nila na ang baho nga at parang hindi babae ang mga gumagamit dito. Napakapanghi at sobrang dumi ng sahig. Matatanda na sila pero di marunong maglinis?

"Hindi ka palaban ano? Kawawa ka rito," a woman in her late '50s said. She's not Bebang, but I notice her voluntary help to Bebang for bringing me here.

Maamo naman ang mukha n'ya at hindi ko alam bakit n'ya ako kinakausap, e samantalang 'tong Bebang na 'to ay kanina pa ako iniirapan at napakahigpit ng hawak sa akin. Pero hindi ko na siya sinagot kahit pa na medyo maganda naman ang approach n'ya sa ’kin.

"Hayaan mo na 'yang babaeng 'yan! Iparanas natin ang hirap sa kanya. Mukhang mayaman oh. Walang alam sa buhay," bitaw sa ’kin ni Bebang sabay tulak sa loob. "Ayan maglinis ka dyan! Pasalamat ka di kita nginudngod hahaha sayang 'yang mukha mo"

Wala akong nagawa kundi linisin ang napakabango at napakalinis na C.R nila. Pero si manang na kaninang kinausap ako ay hindi pa rin umaalis dito.

Binabantayan ba n'ya ako? Di naman ako tatakas dito kasi wala rin naman akong takas at isa pa, marunong ako maglinis ng banyo 'no.

Kaya naman hinarap ko na siya. "May kailangan po ba kayo sa 'kin?" tanong ko habang hawak ang tabo. Tumawa naman siya nang mahina sa tanong ko. May saltik siguro ng slight 'to si manang.

"Nasa kulungan ka iha at wala sa bahay. Matuto kang tumayo para sa sarili mo," sambit n'ya sa 'kin at saka umalis. Samantala ako ay natulala lang. Alam ko naman ang punto n'ya pero bakit n'ya 'to sinabi sa akin?

Napayakap ako sa sarili ko matapos ko linisin ang C.R. I reminisce about what happened to me today. I'm so tired. I hope this day will end, and in the following day, my life will go back to its normal cycle again. I don't want to go back to my old self where I get bullied, then letting myself down. Hindi ako marunong gumanti at hindi ako marunong lumaban. Hinahayaan ko lang lagi 'yong mga taong nang-aapi sa 'kin. At 'yon ang ayaw ko na mangyari muli dahil siguradong ako na naman ang kawawa at ako na naman ang laging aapihin dahil hindi naman ako lalaban sa kanila.

Gusto ko nang umuwi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status