Share

Chapter 3: Savior

Matapos kong magmukmok sa sulok ay inutusan ako muli ni ateng chubby na imasahe ang paa n'ya. At syempre wala na naman akong magawa. Siguro kung 'yong utak ko lang ang bibig ko, malamang kaya ko ipaglaban ang sarili ko kaso hindi eh, lagi ako inuunahan ng takot.

Minasahe ko siya sa paa kahit di ako marunong. Panay lang ang himas ko sa paa n'ya at hindi ko alam kung masahe ba ang tawag do'n.

"Ayusin mo naman! Tanga ka ba? Pagmasahe lang di alam!" sigaw nya sa ’kin. E kung bibig n'ya imasahe ko nang matigil siya?

Nahihirapan na ako rito. Feeling ko bumalik ako sa high school na lagi akong binu-bully at hindi man lang lumalaban. Kaso ang pinagkaiba nga lang, mas matindi rito kasi may pisikal. Sa inis kasi ni ateng chubby e napapadyak siya at tumama sa mukha ko ang paa n'ya. Sobrang sakit pa no'n dahil ang bigat ng paa n'ya. Feeling ko magkakaroon 'to ng pasa.

"Walang kwenta! Lumayas ka nga sa harap ko!" sigaw pa uli nya sa ’kin. Kaya naman lumayo na ako sa kanya at naupo sa isang sulok.

Magdamag akong naupo sa sulok hanggang sa lumipas ang gabi. Sa kalagitnaan ng pagdadrama ko, lahat ng narito sa loob ay biglang nagsitayuan para lumabas. Binuksan ng mga bantay ang mga kulungan at hindi ko alam kung saan ba sila pupunta.

"Hoy miss! Wala ka bang balak kumain?" sigaw sa 'kin ng bantay. Ako na lang pala ang natitira dito sa loob. Pero teka lang, ano sabi n'ya? Walang balak kumain? Ibig sabihin dinner time na pala kaya pinapalabas kami.

"Ay bahala ka nga magutom dyan," inis niyang sabi sabay hugot sa bakal para saraduhan na ako. Pero tumayo rin agad ako at sinabing kakain ako. Nakakagutom kaya! Simula kagabi pa ako walang kain! Si Ginger di naman ako dinalhan ng pagkain at damit dito.

So pagdating ko sa kainan ng mga preso, napansin kong maging ang mga kalalakihan ay nandito. Ang dami pa lang nakakulong sa lungsod namin. Crowded na at di ko alam kung saan ako kukuha ng pagkain ni pumwesto para kumain.

Pero dahil gutom na talaga ako, nakipagsiksikan na ako sa kanila at pumila para kumuha ng pagkain. Tapos naghanap na lang ako ng pwede upuan kung saan walang tao masyado.

Pagkarating ko sa pwesto ko ay nilatak ko agad ang pagkain na hinanda nila para ngayon. Ayos naman ang lasa ng isda kaso mukhang kulang pa sa 'kin 'tong kanin. Limitado kasi ang pagbigay nila ng pagkain.

Tahimik akong kumakain nang may naaninag akong anino ng babae na papalapit sa 'kin. Nag-angat ako ng tingin para makita kung sino ito at walang iba kundi si madam sa kulungan namin.

Wag niyang sabihin na hanggang dito pagtitripan n'ya ako?

Tuluyan siyang nakalapit sa 'kin na nakataas ang kaliwang kilay at mataray ang tingin sa 'kin. Samantala ako rito, nalilito kung saan titingin. Sa kanya ba o sa kinakain ko.

 "Oh may pa kutsara at tinidor ka pa? Nako naman, matuto kang magkamay! Wag kang maarte!" sabay tabig nya sa kutsara't tinidor ko na nakapag-agaw pansin sa mga tao. Lahat sila ay nasa amin ang atensyon. Akala mo may teleserye na inaabangan. Tipong magsasabunutan na naman sina Georgia at Emma.

Seriously, hindi ko alam ano ba problema sa 'kin nito. Hangga't maaari ayokong ma-involve sa kahit ano o sino rito, pero mukhang target talaga ako nitong pugita na 'to.

Now, I blankly stare at her. I'm still deciding where will I put my attention. Pero nawala ang pagdedesisyon ko nang may sumingit.

"Anong kaguluhan na naman 'to Helen?" sigaw ng isang lalaki na mukhang kaedaran ko lang o di kaya ay mas matanda lang sa 'kin ng kaunti. Pero ang nakakagulat dito ay habang palapit siya sa amin ni Helen, binibigyan siya ng daan ng mga tao at maging si Helen ay parang takot sa kanya.

Halata pa sa mukha ni Helen ang kaba at gulat nang makalapit ang lalaki rito. Yung kaninang nakataas niyang kilay, ngayon pantay na. Yung mataray niyang mukha kanina, ngayon takot na.

Hanggang sa tuluyang nakalapit sa amin ang lalaki habang nakapamulsa ang parehong kamay n'ya. Napakakalmado ng itsura niya pero ang lakas ng aura niya rito.

"Mukhang bago lang ang binibining ito, kaya bago rin ang mabu-bully mo," sambit ng lalaki sa harap ko na mukhang sinusuri ako. Na-conscious tuloy ako sa itsura ko.

"Hindi naman sa gano'n Alvin, tinuturuan ko lang ang babaeng 'to," sabay harap sa akin ni ateng chubby na may plastik na ngiti. Pero hindi ko siya pinansin dahil nakatuon ang pansin ko rito sa lalaking 'to. He has clean-cut hair, dark brown eyes, thick eyebrows, long nose, tight jaws, thick lips, and wow! He's 5'11 ft. tall. Edi siya na ang pinagpala sa katangkaran.

"Hayaan mo na ako ang magturo sa kanya. Wag mo siyang gagalawin kundi ikaw ang mananagot sa akin. NAIINTINDIHAN MO BA?" sagot n'ya na hindi man lang nagbago ang facial expression. Ang chill at napakaamo.

Pero teka nga, anong nangyayari? Bakit parang may authority ata 'tong lalaking 'to rito? Napatango na lang si madam a.k.a Helen sa kanya at saka umalis. Napansin ko pa ngang nagpanic si Helen. Ni hindi na ako natingnan.

Naramdaman ko namang bumalik na sa kanya-kanyang pagkain ang mga nandito matapos ang eksena na 'yon. Parang automatic na bumalik ang lahat sa pagkain nila. Tipong naawat na ni Rome sina Emma at Georgia kaya tapos na ang warla.

Kaso ang tanong, sino kaya ang lalaking 'to?

"Tapos ka na bang titigan ako?" Napataas naman ang kilay ko sa tanong niya.  Ako pa ha? Di ko naman sya tinititigan ah! Assuming din pala 'to.

"Natakot ka ba kay Helen? Wag mo na isipin 'yon, ako ang bahala sa 'yo," paliwanag n'ya sa ‘kin sabay ngiti. He's handsome when he smiles. Mas lalong nakakakalma yung ngiti n'ya.

Pero bakit naman n'ya gagawin 'yon? Siguro para siya ang mantrip sa 'kin? Ang duwag naman, makaalis na nga rito.

Tumayo ako at dinampot ang kutsara't tinidor. Alam kong gutom na gutom ako pero parang busog na ata ako. Di ko kayang kumain sa ganitong lugar na binu-bully ako.

Papalabas na sana ako ng dining area nang sumigaw ang lalaki. Napahinto tuloy ako at nilingon siya na nakataas ang kilay. Naghihintay sa sasabihin n'ya.

"My name is Alvin. Ang pangalan ko ay Alvin," he smiles widely like he's the most charming person here in this place. But wow, kailangan english and tagalog kapag nagpakilala? Actually, he looks nice and manly naman but of course, nandito siya sa kulungan then that means may ginawang krimen din 'to.

But wait? Hindi naman ako gumawa ng krimen kung bakit ako nandito eh! So baka possible din na may napagbintangan lang dito. If meron, I need to be friends with them.

Si Alvin, mukhang matinong tao naman kaya susubukan ko.

Hinarap ko sya na may kasamang ngiti. I should be nice to him because there's something with him here.

"I am Autumn. Ako si Autumn," I introduced, wearing my angelic smile, then we shake our hands. I heard him chuckle. Ginaya ko lang naman kasi siya.

"You are too beautiful to be here. I wonder what brought you here in this hell. Or else we have the same fate." Wait lang ah? Nagpakilala lang ako sa 'yo kuya para di naman nakakabastos, feeling close agad? Sabagay para malaman ko kung kriminal ba siya o napagbinta--- oh wait.

"What do you mean with same fate?" tanong ko bigla. Lumapit pa ako ng kaunti sa kanya para naman kami lang nakakarinig ng pinaguusapan namin.

"If you are innocent then we're the same. I'm not criminal as what you think," sagot naman n'ya. So napagbintangan lang din siya?

"Yeah, I was accused," dugtong pa n'ya. Oh my god! Is he reading my mind? Natulala ako at napanganga sa sinabi n'ya.

"A-are you a m-mind reader?" I ask. Natawa naman siya sa tanong ko.

"You are easy to read. And besides, I know how to assess a person if he did a crime or not," he answered confidently. Ano siya detective?

But our conversation suddenly got interrupted because of the loud bell. Ano yun? May earthquake drill ba? Bakit nagsisitayuan na lahat ng tao? Itong kaharap ko naman nakatingin lang sa ’kin. May dumi kaya sa mukha ko?

"May problema ba sa mukha ko? Tsaka anong nangyayari bakit nag-bell?" tanong ko. At imbis na sumagot siya ay napamura siya. Ang tino pala nito kausap.

"Marunong ka naman pala magtagalog pinahirapan mo pa ako mag-english! Akala ko kaya di mo 'ko sinasagot kanina kasi di mo ako maintindihan tapos all this time nagtatagalog ka pala. Anak ng teteng naman," reklamo nya na animo’y naging gloc9 sa bilis sabay kamot pa sa ulo.

Pero wow ha?! Bakit parang kasalanan ko? Hay ewan, naligtas nga sa bully, sa may sayad naman napunta. Wala rin.

Tinalikuran ko na lang uli siya tapos sumunod na ako sa mga taong lumalabas na. Bahala na saan ako mapadpad, kulungan pa rin naman dulo nito eh so di naman ako magiging sikat for MISSING siguro.

"Wait lang! Mga lalaki dyan, dito ang babae!" sigaw na naman ni Alvin. Pinagsasabi nito? May gender preference ba ang pinto rito?

Patuloy akong naglakad until someone approaches me. "Miss bago ka ata ah?" Kalabit ng isang lalaki sa 'kin.

"Bakit ka nandito? Sabihin mo lang sa amin kung may gusto ka sa amin, willing kami magpabigay sa 'yo." Isang lalaki pa ang tumabi sa ’kin.

"Ang ganda mo naman miss." Another guy approached me.

Sandali bakit iba pakiramdam ko rito? Tsaka puro lalaki nga ang nandito. Ano ba kase meron!

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" I shout to my frustration. Nanginig na ang mga kamay ko at gusto ko na naman maluha. But I am now in shock because all the guys who dirty talk to me fell on the ground. And then I felt someone grabbed me to stay away from there.

"LAHAT NG GUMALAW KAY AUTUMN, MANANAGOT SA 'KIN! NAIINTINDIHAN N'YO? WARNING ONE TO SA INYO CARLOS," nakakuyom pa ang palad n'ya at nakasalubong ang kilay. Nawala na ang kalmadong mukha niya.

Alvin saved me again. Ang dami ko na atang utang sa kanya? And again, those people were afraid of him. Then suddenly, someone kneels down in front of us and saying sorry for what he did.

Hindi iyon pinansin ni Alvin. Hinawakan n'ya ang braso ko at inilayo roon.

"Ihahatid na kita sa selda n'yo. Kilala naman ako ng mga bantay rito. Sa susunod wag kang aalis sa tabi ko dahil wala tayo sa syudad, nasa kulungan tayo na napapaligiran ng mga kriminal, naiintindihan mo?"

Yeah naiintindihan ko naman pero 'yong wag aalis sa tabi mo ay hindi. Ano ka tatay ko? E kahit nga si daddy di ko sinusunod eh, ikaw pa kaya?

"Kaya ko mag-isa, thanks for your concern. I'm surely fine," ........ hoping, that I'm fine.

Napabuntong-hininga nalang siya sa sinabi ko. "Bumalik ka na sa selda n'yo, bukas hihintayin kita rito para sa breakfast. Baka mapaano ka pa," and he pats my head.

Nagtaka naman ako sa kinilos n'ya. Why he cares for me? Kakakilala lang naman namin.

Hayaan ko na nga, babalik na ako sa kulungan namin at sana naman may effect yung pagligtas sa 'kin ni Alvin kay Helen.

I admit it, I think I really need Alvin while I'm staying here. Kung may authority man nga siya rito then iga-grab ko na 'yon para makaligtas ako sa bullies dito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status