Saka ako nakahinga nang maluwag pagkatapos ng eksena namin ni Sir Rogue. Muntik pa akong matumba dahil sa takot. Talagang nanginig ang tuhod ko sa confrontation namin at nakakapigil hininga.
Mabuti na lang at nakakapit ako sa edge ng table ko kaya na-balance ko ang sarili ko na hindi bumagsak.
Ang mga kasama ko naman ay sabay-sabay na tumingin sa ‘kin at lumapit dahil sa sagutang nangyari sa amin ni Sir. Super nakakatakot kasi si Sir kanina at hindi ‘yon ang usual na aura niya kapag nagagalit man siya sa amin.
His aura or presence earlier was different. Para bang ibang tao ang kaharap ko. Parang alter ni Sir Rogue ang nakita namin kanina sa sobrang lamig ng boses at sa intense ng mata niya.
“Ano ba nangyayari kasi sa ‘yo? Kanina ka pa sa off
May mga dumating na bumbero at ambulansya paglabas namin ng mall. Agad na dinala kaming dalawa ni Ginger nina Alvin at Wade sa ambulance para makahingi ng oxygen. Marami na rin kasi kaming usok na nalanghap lalo na’t nandoon kami mismo sa pinangyarihan ng sunog.“Babalikan namin kayo rito. Huwag na kayong sumunod, okay?”Akmang poprotesta na naman sana ako sa sinabi ni Alvin pero mabilis akong pinigilan ni Ginger sa pagsasalita at pagtayo.“I know you want to help. But this is not your field. Let them do the work, okay? Trust them.” Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon para pakalmahin ako.Wala rin naman akong magagawa dahil naisip kong baka maging pabigat pa ako sa kanila. Tama nga naman dahil hindi ko alam ang papasukin ko at
“LSU Graduate din siya,” mariing sabi ni Alvin na ikinalaki ng mata ko.May namumuong conclusion ngayon sa utak ko pero hindi pa rin ako sure. Ito siguro ‘yung bagay na hindi ko matukoy kung ano.This man probably knew who the serial killer was, and he knew that he’s the next victim.Kung tama nga ako, ang magiging tanong is paano niya nalaman kung sino ang killer? And it’s still questionable na hindi siya lumapit sa mga pulis to tell that.He could have saved many lives right now, even himself. But he refused to do so.Anong rason naman kaya bakit gano’n?
Maaga akong nagising dahil sa malakas na katok ni Ginger sa kwarto. Antok at tamad na tamad pa tuloy akong bumangon para pagbuksan siya at mabilis naman siyang pumasok sa loob.“Bumangon ka na dyan. Sabayan mo akong mag-almusal.”Parang nagmamakaawa pa siya sa’kin sa boses niyang ‘yan. Ako naman ay kumunot ang noo dahil ayon lang pala ang dahilan ng pagkatok niya.“Jusko ayan lang dahilan? Kulang pa ako sa tulog! Edi sana ginising mo na lang si Wad–”Napatigil ako dahil saka ko lang na-realize. Napairap tuloy siya sa’kin at bigla akong hinila patayo sa kama para samahan siya.“Leche naman. Kayo magkaaway tapos dinadamay mo ako,” iritable kong sabi habang napipilitang magpahila sa kanya.Pagdating namin sa kusina, nandoon na rin pala si Wade at Alvin na sabay pang lumingon sa amin. Ang awkward tuloy dahil sa nangyari kagabi.Pero ang magaling kong pinsan na mataas ang pride ay
“Cheers!”Sabay-sabay nilang sigaw at nilagok ang Whiskey Sour. Pero heto ako, binaba lang ang baso ko dahil ayaw kong uminom masyado.“So, how are you? Buti pala si Sir Rogue pa rin ang boss mo.”Nagsimulang makipag-usap sa’kin si Leonel at nagsarili naman ang kaibigan niya at si Ginger. Hindi tuloy ako makapag-focus dahil panay ang tingin ko kay Ginger. Wala kasi akong tiwala sa itsura ng Drake na ‘to.“Hey, hindi naman na bata ‘yang pinsan mo. And Drake will take care of him, don’t worry,” he commented.“Ah, sorry. May problema kasi ‘yan kaya baka maglasing nang todo kaya binabantayan ko,” nahihiya kong sagot.He chuckled. “You look like a mother to her. Come on, enjoy!”Nagsalin siya ng alak sa baso niya at inaya akong uminom. Nakakahiya naman kung tatanggi ako kaya ininom ko na rin ang alak kanina sa baso ko.“So… kumusta
Isinakay nila kaming dalawa sa kotse paglabas ng bar. Nagulat pa nga ako kung paano nagkakotse si Alvin kaso hindi ko na magawang magtanong dahil ang talim ng tingin niya ngayon at parang anytime ay kakainin ako nang buhay.Ako ang nasa passenger seat habang nasa likod naman sina Ginger at Wade. Tahimik lang din si Ginger ngayon dahil ramdam niyang galit talaga ang dalawang kasama namin.Tahimik na nagmaneho si Alvin at ni isa sa aming apat ay walang nagsasalita. Dead air kung dead air talaga.Nag-isip naman ako ng pwedeng pampagaan ng atmosphere dahil parang nakaka-suffocate ang ganito.“May kotse ka na pala?” basag ko sa katahimikan, habang nakatingin kay Alvin na deretso ang tingin sa daan.
“Sige, sine na lang. Pero please huwag horror.” Nandito kaming apat sa mall para manood and of course, to relax. Nagtatalo kasi silang tatlo kung anong unang gagawin namin ngayon, e hindi pa kami gutom so manunuod na lang muna kami ng sine. Pero sabi ko huwag horror.“Oh ayaw ni Autumn ng horror! Tara sa horror tayo,” excited na sigaw ni Wade. “Sabing huwag nga, e!” Sabay batok sa kanya.“Aray ko!” Hawak niya sa ulo. “O sige botohan na lang. Sino gusto ng horror, taas kamay.” Sabay-sabay silang tatlo nagtaas ng kamay. Sinamaan ko naman ng tingin si Alvin pero tumingin lang sa ibang direksyon ang loko.“Taas paa naman ang ayaw sa horror?” pang-aasar pa ni Wade. “Oh talo ka, Autumn. Kung tinaas mo lang sana paa mo edi nagbago sana isip namin.” Sabay tawa nila.Napairap na lang ako dahil wala na akong magagawa. “Kapag tinaas ko ‘tong paa ko, la-landing talaga ‘to sa mukha mo at baka gawin kong pang-horror ‘yan.”Tinawanan lang nila ako at naglakad papuntang ticket booth. Inakbayan nam
Alvin’s POVMasaya akong bumangon at nag-asikaso para pumasok. Paulit-ulit kong tinatanong si Autumn kung totoo ba ang sinabi niya kahapon dahil hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang mga pangyayari. Grabe, hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyari kahapon. Nangangalay na nga ang pisngi ko kasi magdamag na lang ako nakangiti sa sobrang saya. Mula pag-uwi namin kahapon, sa pagtulog, kanina paggising ko, at kahit pag-alis ko ng bahay ay nakangiti ako.“Tumigil ka na nga, Vin. Ang creepy na ng ngiti mo,” nawi-weirduhan na sabi ni Wade.Kakababa lang namin ng motor ni Wade dahil sabay kaming papasok ngayon sa headquarters. Hindi na kasi nagpahatid si Autumn kaya nagsabay na kami ngayon.Pagpasok namin ng headquarters ay masaya kaming bumati ni Wade sa kanila, “Good morning!”Gulat silang napalingon sa’min sa lakas ng bati namin. “Good mood na good mood ata kayong dalawa? Laki ng mga ngiti niyo, ah,” natatawang sabi ni Inspector Lee.Talaga namang masayang masaya kami ni Wade n
Tinawag agad namin ang mga officer na i-check ang labas ng kwartong ‘to, pero agad kaming napahinto nang may officer na tumatakbo muli papunta sa’min.“Inspector, Detectives, may dalawang bala po ng baril ang natagpuan sa tapat nitong kwarto sa labas.”Sabay-sabay kaming nanlaki ang mata sa police officer na bakas sa mukha ang pagiging seryoso at strikto. Mabilis naman kaming lumabas ng bahay at pinuntahan ang garahe na tapat nga lang ng kwarto ni Elle. Open space dito sa labas at walang ilaw kaya siguradong napakadilim sa parteng ‘to tuwing gabi. Pagkalapit namin sa mismong tapat ng kwarto ni Elle dito sa labas, totoo ngang may dalawang bala rito at hindi rin nagkakalayo ang pwesto nila. Medyo malayo nga lang ang distansya ng bala mula sa kwarto.Ngayon, sigurado na kami na hindi nga ito suicide. Mas magiging sigurado ‘to kapag lumabas na ang autopsy result. “Inspector, this is a murder case. The worst is, this maybe one of the serial murder kaya kailangan pa natin mag-imbestiga,”