Share

Chapter 7: Help me

"May namatay na naman kaninang umaga. Ganon pa rin, gabi raw pinatay dahil matigas na ang bangkay nang nadatnan nila."

Muling dumalaw si Ginger para sabihin sa 'kin ang masamang balita. Halatang malungkot siya sa rito. Kahit naman ako ay malungkot at the same time ay natatakot.

"Ginger, please lagi ka muna sa tabi ni Wade. Hindi natin alam kung sino ang gustong patayin ng killer. Nag-aalala lang ako sa 'yo." Totoong nag-aalala ako para sa kanya. Paano kung siya ang next victim? E, wala pang nahahanap na information ang mga pulis kung ano ang pagkakatulad ng mga biktima. Mas mabuti nang maging handa.

"Oo sinabi na rin sa 'kin 'yan ni Wade. Kahit ayaw ko, pumayag naman ako. Kahit mainit ang ulo ko ro'n, alam ko naman na mapagkakatiwalaan ang impaktong 'yon." Natawa naman ako bahagya sa description niya kay Wade. Impakto pala ha? E, impakta rin siya so bagay nga sila magsama.

"Saka nga pala, hindi pa namin maasikaso masyado 'yong kaso mo kasi maraming kailangang ihanda si Wade sa paglabas ni Alvin. Sa paglabas na lang daw ni Alvin ipagpapatuloy 'yung kaso mo. Mas mapapadali na raw iyon dahil kasama na niya si Alvin. Kahit 'di nga raw ako tumulong ayos lang, e. Sarap talagang pulbusin no'n."

I laughed at her retorts. She's cute whenever she's pissed to Wade. Happy pill ko ata 'tong pinsan ko, e. Then I realize... I am so blessed to have her as my family.

"Ginger, thank you talaga. Sorry kung naging pabigat pa ako." Medyo na-guilty lang ako kasi naging problema pa niya ako.

"Anong drama 'yan? Pinsan kita 'no! Sino pa ba malalapitan mo e ako lang naman." At binatukan pa nga niya ako.

"Kaya nga e. Thank you talaga."

"Wala 'yun saka may isa pa kasing problema kaya rin ako dumalaw." Aba lapitin nga ata kami ng problema! Magpinsan nga talaga kami.

Parang kinabahan naman ako sa word na problema. Everytime na lang na gano'n ang sasabihin niya, kinakabahan agad ako. Sobrang bilis agad ng tibok ng puso ko. May trauma na ata ako sa bad news.

"Sina mama at papa na sa apartment. Hinahanap ka kasi diba alam nilang magkasama tayo." Biglang lumaki ang mga mata ko sa gulat.

Lagot! Hindi nila pwedeng malaman na nakulong ako. 

"Anong sabi mo?" nagpapanic kong tanong. 

"Sabi ko nagbakasyon ka. Hindi ko alam kailan ang balik mo." Gandang reason, ah. Nagbakasyon... Nagbakasyon sa kulungan.

Sana naman hindi magtagal sila tita sa apartment. Ayokong maging dagdag sa problema nila. At kung sakali na malaman nila, baka tawagan pa nila sila mommy at daddy. Patay ako no'n.

"Anong ginagawa nila ro'n? Magtatagal daw ba sila?"

"Ayon na nga ang problema. Balak nila ako palipatin sa condo unit nila dahil sa serial murder na nangyayari. At balak nilang doon na ako mag-stay at sa 'yo na lang daw yung apartment natin."

"Patay!" Napasapo ako sa noo.

"Patay talaga. Mamaya uuwi sila, may pinuntahan lang. Hindi ko alam ano gagawin. E, ang layo pa naman ng unit nila mama rito."

Paano kaya 'to? Well, for safetiness na rin naman ni Ginger 'yon pero kasi ang layo masyado ng unit nila dito sa kulungan. Paano kami makakakilos no'n.

Wait, I have an idea. "What if sabihin mo na boyfriend mo si Wade? Diba sabi nila tita gusto ka na raw nila magka-boyfriend. Edi kunwari boyfriend mo si Wade tapos magkasama kayo sa apartment." Sinabunutan niya ako pagkatapos ko sabihin 'yon. Ang sakit ha.

"Siraulo ka talaga. Ayun pa talaga naisip mo. Alam mong ayaw ko ro'n sa Wade na 'yon"

"Pero 'yun na lang kasi naisip ko, e. Bakit may naisip ka pa bang iba?"

Natahimik naman siya at nag-isip. No, mali! Kunwari nag-iisip.

"Hay nakakabaliw. Ayoko maging boyfriend ang impaktong 'yun!" Pagmamaktol niya.

"Kunwari lang naman! Papayag naman siguro 'yun. Mabait naman si Wade tsaka matutuwa pa sila tita kase detective si Wade diba? edi mas makakasigurado silang ligtas ka nga kase detective ang boyfriend mo."

Napapadyak naman siya sa idea ko. "Sige na nga! Mukhang mali pa ata na ikaw pinagtanungan ko ng solusyon." Tapos tinarayan ako.

Maling mali talaga na ako pinagtanungan niya. Sa dami ko ba naman iniisip, hindi na matino utak ko. Mababaliw talaga ako.

"Ayos lang 'yan. Congrats! May instant boyfriend ka na." Pang-aasar ko pa.

"Oo na! umayos lang talaga ang lalaking 'yun! Kundi kakalbuhin ko siya."

Buti naman kahit papaano ay naging light ang mood namin pareho. Nagkwento pa siya about sa pagdating nila tita. Kinabahan daw siya kasi akala niya baka 'yung killer na. Nag-prepare pa raw siya ng kutsilyo tapos sila tita at tito lang pala. 

Tinanong siya ni tita bakit hawak nya ang kutsilyo. Sabi naman nya, "ah wala ma, naghihiwa kasi ako." Kaso ang engot ng sagot niya kasi wala namang kahit anong ingredients ang na sa kusina. Tinanong tuloy siya ni tita nasaan ang hinihiwa niya. At ang sagot nya, "nag-iimagine lang, boring eh hehe." Natuktukan tuloy siya ng mama nya at pinagkamalang baliw.

After ng pag-uusap namin, umuwi na rin siya agad at bumalik naman ako sa selda. Napaisip tuloy ako bigla. Posible kayang kaedad lang din namin ang pumapatay? Kase parang mga nasa 20's lang ang target niya. Walang bata at matanda o may asawa.

At isa pa, noong na sa crime scene ako ni Dina parang may nag-oobserba sa 'kin noong oras na 'yon. Hindi ko alam kung nasaan siya pero malakas ang kutob ko na siya ang dahilan bakit ako natatakot noong oras na 'yun kasi nararamdaman kong may nakatingin sa akin. Kaya nga akala ko multo since abandoned house 'yon.

Maaari kaya na 'yung killer ang tumitingin sa akin no'n? Saka wala pang umaga nang dumating ang mga pulis kaya wala pang tao ang tatawag sa pulis na may patay doon sa bahay. Unless, naroon nga ang killer at siya pa ang tumawag sa mga pulis. Pero kung naroon na ako sa scene at nakita ang biktima niya, bakit hindi niya rin ako pinatay? may pinipili ba talaga siyang tao na papatayin?

Ah, ang kumplikado naman! 

Pagbalik ko sa selda ay tulog ang karamihan. Ang peaceful nila tingnan. Sana lagi na lang silang tulog, lalo na si Helen. Ang bait niya tingnan kapag tulog, eh.

Inayos ko na lang muna ang mga nakakalat na gamit ng iba rito. Naglinis na rin ako ng C.R dahil umaalingasaw na 'yung amoy. Hindi ko kasi talaga alam ano meron sa mga kasama ko rito at napakababoy! May tubig naman pero di magawang magbuhos. Tapos ang malala, mga matatanda na sila pero 'di mga malilinis. Sa amoy pa lang ng C.R dito sumasakit na ulo ko, e. Dagdag pa sila na ang panghi rin ng mga pag-uugali.

Good luck talaga sa 'kin. 

So ayun, mahimbing at masarap ang tulog ng mga senyorita. Umidlip muna ako saglit pero nagising kaming lahat sa isang tunog na umaalingawngaw. Napatingin ang lahat sa labas ng selda dahil lahat ng lalaki ay na sa labas at nakapila. Hindi ko tuloy naiwasan magtanong kay Nanay Fely kung ano ang nangyayari.

Ngumiti lamang sa akin si Nanay Fely. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang buhok ko.

"Huwag kang matakot. Meron lang siguro gawain ang mga lalaki ngayon. Madalas kasi bigyan ng mga mabibigat na gawain ang mga lalaki." Kaya pala. Edi ibig sabihin pati si Alvin ay nasa gawain. Mukhang wala na naman ako makakausap nito.

At dahil sa lakas ng tunog kanina, bumangon na ang lahat at nagligpit ng mga higaan. Nagsimula na rin ako magligpit ng gamit ko para hindi na magbunganga pa si Helen. Pero kabaligtaran ang nangyari. Habang nagliligpit ako ng gamit ay bigla na lang ako nasubsob sa sahig. Paglingon ko, si Helen ang may gawa.

Talaga naman 'tong butanding na 'to ano ba problem niya sa 'kin. Sana hindi na lang nag-bell kanina para tulog pa rin siya hanggang ngayon! Okay na e, ang peaceful na sana, e! 

"Wala ang prince charming mo ngayon. Humanda ka sa 'kin." Hinila niya ang buhok ko paangat at tinayo ako. "Tingnan natin kung makakapalag ka ngayon." Kinaladkad niya ako papuntang C.R at nilublob sa drum.

"Helen, tama na 'yan! Ano bang ginawa sa 'yo ni Autumn?" Pumasok si Nanay Fely para awatin si Helen pero hindi siya pinakinggan nito. Basang-basa na ako dahil sa pagkalublob sa drum. Ang sakit pa sa ilong dahil biglaan. 

Nilublob pa ako nang paulit-ulit ni Helen hanggang sa magsawa siya. Namula na ang mata ko sa ginawa niya at halos mawalan ako ng hininga dahil sunod-sunod na lublob ang ginawa niya.

Nagmukha akong basang sisiw ngayon. Gusto kong maiyak. Hindi ko talaga maintindihan bakit niya ako pinag-iinitan.

Lamig na lamig tuloy ako ngayon. Kinuhanan ako ni Nanay Fely ng tuwalya at ibinalot sa katawan ko. Inupo niya ako sa may sulok para punasan habang nakayakap ako sa sarili ko.

Nakakaawa ako tingnan, ni hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko.  

"Iha sabi ko naman sa 'yo matuto kang lumaban," sambit ni Nanay Fely habang pinupunasan ako. Sa totoo lang gusto ko naman lumaban kaso natatakot ako na baka lalo lang nila ako pag-initan. Marami sila, iisa lang ako. Sa bilang pa lang nila talo na ako. At isa pa, hindi naman ako sanay makipag-away.

"Pasensya na po. Hayaan na lang natin sila, mapapagod din mga 'yan." Napabuntong hininga na lang si Nanay Fely. Nagpalit na ako ng damit dahil basang-basa talaga at nilalamig na rin ako. Sinamahan na lang ako ni Nanay Fely sa C.R dahil baka pag-trip-an na naman ako ni Helen habang nagbibihis. 

Pagsapit ng hapon, hindi pa rin tumigil si Helen. This time sinubsob niya naman ako sa sahig sabay hila sa buhok ko. Para kong nilampaso ang sahig dahil sa paghila niya sa 'kin

"Helen ano ba nasasaktan na ako!" Sigaw ko dahil ang higpit ng hawak niya sa buhok ko.  Pero parang wala siyang narinig dahil mas lalo niyang hinila ang buhok ko. Kaya naman nalampaso ko talaga ang sahig. 

"Dapat 'yan sa 'yo!" Sigaw niya sa 'kin pagkatapos ay padabog niyang binitawan ang buhok ko. Sobrang sakit ng anit ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko na alam ano ang itsura ko ngayon. Hindi ko na napigilang umiyak dahil sa inis at sakit. Pinagtawanan lang nila ako rito habang si Nanay Fely ay nilapitan ako at tinayo.

Ayoko na talaga rito. Hindi ko na alam anong gagawin ko. Ni hindi ko sila maintindihan bakit ba nila ginagawa to sa 'kin. Wala naman akong ginawang masama sa kanila ah? Ano ba ikinakagalit nila sa 'kin. 

Patuloy ang pag-agos ng luha ko. Ang sakit na hindi ko magawang humagulgol o sumigaw man lang. Takip-bibig akong umiiyak sa sulok dahil ayoko nang mapansin nila ako. si Nanay Fely na lang ang kakampi ko rito pero ayoko naman siya madamay sa 'kin. Sa totoo lang, ayoko na ipagtanggol pa niya ako dahil baka pati siya ay madamay at pag-initan nina Helen. 

Ito ang kinakatakot ko, e. Sa oras na makalaya na si Alvin paano na kaya ako? Ngayon pa lang nga na nawala lang siya saglit, ganito na tinamo ko. Paano pa kapag nakalaya na siya at tuluyang wala na rito sa kulungan? 

Kailangan ko na ba talagang lumaban? Kaso paano? Hindi ko na alam.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status