Share

Chapter 8: Her Agony

TW: Physical Abuse

"May dumi pa rito! Dalian mo naman!" sigaw ni Helen.

Kasalukuyan akong naglalampaso ng sahig dahil sa utos ni Helen. Tinutulungan na rin ako ni Nanay Fely sa paglilinis para mabilis ako matapos. Pero paano ko matatapos 'to kung panay kalat siya? Kada punas ko, magkakalat siya. Kada linis ko, magdudumi siya. Halatang sinasadya niya mga ginagawa niya at hindi na ako natutuwa.

I want a peaceful life, an ordinary life, but why this happened to me? I want to fight back, but all the courage I have disappeared. I want to pull her hair, want to soak her in the drum, to mop her on the floor, just like what she did. But I know it's wrong. I know there's something wrong with me if I would do that.

I'm mopping the floor endlessly. Panay ang kalat niya sa tuwing mapupunusan ko ang sahig. Para akong tanga rito na naglilinis sa wala. Hinihintay ko na lang na magsawa siya sa ginagawa niya para makapagpahinga na ako. But the question is, makakapagpahinga ba talaga ako?

"Sige tama na 'yan! Kawawa ka naman, e. Lumapit ka rito." Pinunasan ko agad ang huli niyang kalat at saka lumapit nang nakayuko sa kanya. Really? I look like a slave in this state.

Naglakad ako palapit sa kanya. And as I reach her place, she immediately cups my cheeks tightly, making my face crumpled. She glares at me like she's ready to kill me at any moment. You can see in her eyes that she hates me so much.

Sinigawan lang naman niya ako ng kung anu-anong masasakit na salita. Hindi pa siya nakuntento dahil sinampal pa niya ako nang kalakas-lakas. Damang-dama ko yung mabigat at magaspang niyang kamay. Parang naimprinta na sa mukha ko ang palad niya. Natumba pa ako sa sobrang lakas kaya agad-agad akong nilapitan at sinalo ni Nanay Fely. She hugged me and caressed my back.

Now, I feel my tears are ready to fall at any moment because of pain.

"Helen tumigil ka na. Hindi na tama itong ginagawa mo!" sigaw ni Nanay Fely.

"Alam mong ikaw matanda ka, wag kang mangialam! Baka gusto mong idamay kita?!" Sagot naman nito. Wala talaga siyang respeto ano? Pati matanda papatulan.

Inawat ko na lang si Nanay Fely at sinabing 'wag nang patulan pa. Sigurado akong idadamay siya ni Helen. Ayoko mangyari 'yun.

But my goodness! Sobrang sakit ng sampal niya. Damang-dama ko 'yung bigat ng kamay niya at hapdi na dinulot nito sa pisngi ko. Gusto kong umiyak pero nagtatalo ang puso at isipan ko dahil kapag umiyak ako, mas lalo akong magmumukhang kawawa. Pero gusto kong ilabas ang sakit na nararamdaman ko sa pag-iyak.

Ang sakit kasi sa puso na wala akong magawa. Na hindi ko maipagtanggol ang sarili ko.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hah! talagang iyak na lang magagawa ko? What a weak woman! Walang kwenta! Mahina! Kawawa! Ano pang salita ang nababagay sa 'kin?! Sige lahat na! I'm such a shame!

"Damn you Autumn," bulong ko habang pinipigilang humikbi. Pero narinig ni Nanay Fely 'yon.

"Iha, magpakatatag ka. Pakiusap, lumaban ka." Hinawakan niya ako sa balikat sabay punas sa basang-basa kong mukha.

I suddenly remember something. How funny that my dad was once a black belter, and my mom is a strong independent woman, but their daughter is such a weakling and pathetic.

"I can't," tanging nasagot ko sa kanya.

The guard delivered our food for dinner. I don't have any idea kung tapos na ba sina Alvin sa task nila. Kumain na kaya siya? Kamusta kaya siya? Hindi ko alam kung ano ang pinapagawa sa kanila.

Dinistribute sa amin ng tumanggap ng pagkain ang hapunan namin pero nagtaka ako bakit walang pagkain ang naibigay sa akin. Lahat sila ay may hawak-hawak na pagkain pero walang kahit anong pagkain ang umabot sa 'kin.

"Ah, meron pa po ba? Hindi pa po ako nabibigyan," sambit ko sa kasamahan namin na tumanggap ng pagkain namin.

"Wala! Gutom kami kaya paghahatian namin ang para sa 'yo," sagot nya at saka sila sabay-sabay na tumawa.

Masaya silang kumain habang ako ay walang nagawa kundi umupo sa gilid. Maya-maya ay lumapit sa 'kin si Nanay Fely dala ang pagkain niya.

"Pasensya ka na iha, gutom din ako. Pero heto, maghati na lang tayo." Nakakahiya kay Nanay Fely dahil mas kailangan niya ang pagkain para lumakas. Lalo na sa edad niya.

"I'm fine Nanay. Sige po sa inyo na po 'yan," sambit kong nakangiti sa kanya.

Pero nagpumilit si nanay na pakainin ako kaya pagbibigyan ko na lang siya. Akma akong kukuha ng pagkain nang magsalita si Helen.

"Hindi ka kakain!" sigaw niya. Tumayo siya at lumapit sa pwesto namin. "Gusto mo bang pahirapan ko rin 'tong nanay nanayan mo?" Yumuko siya para pantayan ako.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin lang sa kanya. Binaba ko ang kamay ko na kukuha sana ng pagkain. Tiningnan ako ni Nanay na para bang nagtatanong kung anong ginagawa ko. In-offer niya uli ang pagkain niya pero tinanggihan ko.

"Nakaka-touch naman. Anghel anghelan ka, ah?" Sabay tayo niya. "Ayaw madamay ang nanay niya kuno hahahahaha!" Sinaluhan siya ng iba pa naming kasama sa pagtawa niya habang pabalik sa kanilang pwesto.

Bumalik sila sa kanilang pagkain na masaya at nagtatawanan. Nginitian ko naman si nanay at sinabing ayos lang ako. Isang gabi lang naman 'to na hindi ako kakain. Hindi ko 'yon ikamamatay.

Hanggang ngayon ay wala pa rin si Alvin. He's still doing their task which I don't know. Ginger can't come today so she called me earlier instead. Wade is not here also to visit Alvin.

My morning seems good so far. Hindi ako pinapansin ng mga kasamahan ko rito lalo na si Helen. Wala pa silang topak sa oras na 'to. But I'm quite bothered by their actions. Very unusual kasi sa kanila ang tahimik at parang sa tingin sila naguusap-usap.

Binalewala ko na lang 'yon at tinuon ang atensyon sa paglilinis. Nakakabigla talaga ang katahimikan nila. Naghihintay ako ng magsusubsob sa 'kin, sisigaw, manghihila or what habang naglilinis pero nakakagulat na hinahayaan lang nila ako kumilos habang pinapanuod ako.

Pagkatapos ko maglinis ay umupo ako sa pwesto ko. Napaka-boring dito sa kulungan. Yung parusa para sa mga kriminal may halong mental abuse. Hindi ka makakapag-isip ng tama rito. Sobrang nakakaapekto sa mental health. 

Mga ilang minuto ang lumipas, isang demonyita na nga ang lumapit sa 'kin. 

"Hoy, may sasabihin ako," medyo siga niyang sambit. Ako naman ang nagulat kasi nag-e-expect ako na sasaktan niya ako. But wow! Walang pananakit ngayon. 

As always, I remain silent.

"May kundisyon ako para sa 'yo." She's wearing her evil smile now. Tingin ko may pinaplano talaga 'to kaya kanina pa sila tahimik. "Hindi kita o namin sasaktan basta," she paused. Alam ko na saan to patungo. "Susundin mo lahat ng gusto ko at ipag-uutos ko" 

Sabi ko na nga ba. May pa-kundisyon pang nalalaman e paniguradong pahihirapan din naman nila ako sa mga utos at gusto niya. 

Hindi ako sumagot dahil wala naman akong choice. Pero akala ko tapos na siya sa sasabihin niya nang may ihabol pa siya.

"Pero kapag nagkamali ka at hindi mo nagawa ang gusto ko, makakatikim ka uli sa 'kin" 

Ang galing. Pinag-isipan pa nila 'yan? It's clear na pahihirapan pa rin nila ako! I thought they are planning something good. I mean, an extraordinary. Pero wow! nagplano pa sila para lang pahirapan ako? e, yun naman na ginagawa nila araw-araw.

Nagsimula na ang 'kundisyon" kuno nila. Hinihingi niya ang sabon at shampoo ko na natitira. Kasama 'yun sa dinala ni Ginger para sa 'kin. Mga personal hygiene ko. Nagtaka pa ako noong una bakit niya gusto kunin ang shampoo at sabon ko. Now I know where this hate comes from. 

INSECURITY. ENVY

Bukal sa loob ko naman binigay sa kanya ang shampoo at sabon ko. May kaunting panghihinayang lang dahil ang mamahal no'n. Oribe shampoo 'yon saka Hermes soap! That's expensive. Pero di bale, nasulit ko naman 'yon ng ilang buwan. 

Oo, ilang buwan! Mahal 'yon 'no! Kailangan tipirin. Kailangan pa uli mag-ipon para makabili ng bago kapag naubos.

Di pa siya nakuntento dahil napansin din pala niya ang pabango ko. My goodness! That's Chanel. I don't know if they are aware na mahal ang mga gamit na pinagkukuha nila sa 'kin. Para silang magnanakaw pero nagpaalam.

So, they almost took all my personal hygiene products. Akala ko balak din nilang kunin toothbrush ko, eh. 

After sa gamit ko, pinaglaba naman nila ako ng mga labahan nila. Including undergarments. Yung ibang undies, yellowish na. Yung iba punit na. Yung iba natagusan pa. It took me 4 hours for washing their clothes. Kakalaba ko lang naman ng akin kaya di ko na kailangan isabay pa.

Napagod ako ro'n sobra. I'm used to washing clothes using a washing machine. Dito kasi ay mano-mano. Pakiramdam ko magsusugat pa 'tong kamay ko. 

Pagkatapos kong maglaba ay saktong dumating ang pagkain namin. At salamat naman dahil binigyan na nila ako ng pagkain ngayon. Sabagay, kailangan ko ng energy para sa mga ipag-uutos pa nila kaya kailangan talaga nila ako bigyan ng pagkain. 

"Dalian mo riyan imasahe mo ako,"  utos ni Helen. Binilisan ko ang pagkain ko gaya ng sabi niya. Mahirap na at baka mapisikal na naman ako.

Pinamasahe nya sa 'kin ang kamay niya. Hindi ko alam anong rason bakit niya pinapa-massage sa akin to e, wala naman siyang ginagawa rito sa kulungan. Ano naman ikasasakit ng kamay niya. 

Dahan-dahan kong hinihimas ang palad niya. Pakiramdam ko kasi na kapag diniinan ko 'to e, masasaktan siya. 

Kaso nang dahil pa sa pag dahan-dahan ko, nasigawan pa ako. 

"Punyeta! Ayusin mo nga! Sabi ko masahe hindi himas!" bulyaw niya sa akin. Kaya naman sinubukan ko nang diinan at lagyan ng pressure ang ginagawa ko. Hindi ko naman kasi talaga alam paano magmasahe. No one massaging me. I don't massage myself either. 

Ramdam kong umiinit na ang ulo niya sa akin dahil pwersahan niyang kinuha ang kamay niya mula sa akin. Inilatag naman niya ang binti niya, senyas na 'yon naman ang hilutin ko.

I didn't know that I should have learned how to do massage. Ni wala nga atang pwersa ang paghilot ko sa kanya. Para sa akin, full force ko na 'yon or massage na 'yon. Pero para sa kanya himas himas pa lang pala 'yon. 

Katulad ng ginawa ko sa kamay niya ang ginawa ko rin sa binti niya. At bigla na lang ako nagulat nang tumama ang binti niya sa mukha ko. Napahiga ako sa nangyari. 

"Boba! Nakapag-aral ka ba? Simpleng masahe hindi mo alam?!" 

"Helen, hindi mo kailangan sipain si Autumn!" sigaw ni Nanay Fely at lumapit sa akin.

"Aba sasali ka pa talagang matanda ka?" Kinakabahan na ako. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari. 

"Bebang! Cita!"

"Madam..." sabay nilang sagot.

"Kunin niyo 'yang matanda na 'yan at 'wag niyong palapitin sa punyetang babae na 'to" 

Hinayaan kong kunin nila si Nanay dahil mas mabuti na iyon para hindi siya madamay sa 'kin. Good thing na hindi naman nila ito sinaktan. Hindi ko na kasi alam ano magagawa ko kapag pati si Nanay ay sinaktan nila. 

Now, it's only me and Helen. Everyone is looking at us like a T.V show. She's now wearing her evil smile. Her presence is intimidating, especially when I look into her eyes. And she stares at me like a monster ready to kill his prey. 

"Ang sabi ko malilintikan ka kapag 'di mo nagawa nang maayos ang gusto ko diba?" Unti-unti akong umaatras habang siya naman ay palapit nang palapit sa 'kin. 

"Wag kang lumayo. Lumapit ka rito!" 

Wala na akong maatrasan kaya agad niyang hinablot ang buhok ko at pwersahang hinarap ang mukha ko sa kanya. 

"Gigil na gigil na ako sa 'yong babae ka!"

Isang malakas na sampal ang tinamo ko. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa lakas ng sampal niya. Hindi ako natumba dahil hawak hawak niya ako gamit ang buhok ko. Sobrang higpit ng hawak niya sa buhok ko. Halos mapunit na ang anit ko sa sobrang higpit. 

Pagkatapos no'n ay binitawan niya ako. Akala ko tapos na siya dahil binitawan niya ako pero mas malala pala ang gagawin niya. Pinahawakan niya ako sa dalawang babae na kasamahan namin dito at doon niya ako sinampal pa uli ng kaliwa't kanan. 

I am crying now. I even heard Nanay Fely's cries. Tinakpan nila ang bibig nito para di makasigaw o makapagsalita. After slapping me, Helen hits my stomach that made me lose my strength.

"Ano masarap ba?" tanong niya at gigil na hinawakan ang pisngi ko. 

"T-tama na, please." Pagmamakaawa ko pero tinawanan lang nila ako.

Tuloy-tuloy na ang pagbagsak ng mga luha ko at medyo nanlalabo na rin ang paningin ko. That punch is hard. Kakakain lang namin kani-kanina lang. Feeling ko masusuka na ako anytime. Wala ba nakaririnig sa amin dito? Wala man lang ba magsusumbong? Sobrang sakit na. 

"Oh nagmamakaawa! Sige pagbibigyan kita." Tumingala ako sa kanya habang lupaypay ang katawan ko. "Kung didilaan mo ang sahig na 'to at magpapalublob ka sa inidoro. Deal?" 

Natulala ako. Hindi ko kayang gawin 'yon. Wala ako naging sagot. Iyak na lang ako nang iyak ngayon.

Kung gusto nila akong patayin sige patayin na lang nila ako ngayon! Ayoko na magdusa kaya mabuti na lang na mawala na ako. 

What's the purpose of living if I will suffer for the rest of my life? If I couldn't see the world that I dream of? May rason pa ba para mabuhay ako kung ganito lang din ang mangyayari sa 'kin sa buong buhay ko? 

My mom taught me to be kind at all times.

But why?! Why is it always the kind-hearted people that always get abused?! I always thought that people would show kindness if you were kind to them—But I was wrong. As I grew older, more and more people abused my compassion and kindness.

And look at me now am being abused again. 

Isang suntok pa uli sa tyan ang nakuha ko mula kay Helen at doon na ako napaluhod. Hindi ko na kinaya ang suntok na 'yon kaya naman naisuka ko lahat ng pagkain na kinain namin kanina. Sobrang sakit sa lalamunan, sa tyan, sa sikmura. Nakakapanghina.

Pero imbis na maawa at tumigil siya ay mas lalo lang siya nagalit. "P*tang ina! Nagkalat ka pa talaga!" 

Kinuha niya ako uli habang ang katawan ko naman ay hinang hina na. Tinulak niya ako nang malakas sa pader at sinakal. Hindi ko na maintindihan mga pinagsasabi niya dahil nahihilo na ako. Sobrang lakas ng impact ng pagtulak niya. Naumpog ang ulo ko tapos hinang hina pa rin ako dahil sa pagsuntok niya sa tyan ko. 

Naramdaman ko na lang na ibinato niya ako sa sahig at sinipa. Sinipa sa tyan, sinipa sa dibdib, at sinipa sa mukha. Nanlalabo at umiikot na paningin ko. Sobrang namimilipit ako sa sakit. Nakita ko sa di kalayuan si Nanay Fely na umiiyak habang pinipigilan siya ng mga kasamahan namin. 

Samantala ako, hindi ko na alam anong nararamdaman ko. Nanatili akong nakahiga sa sahig dahil sa sobrang sakit. Hindi ko na sila maaninag. Hindi ko na sila marinig. Hindi ko alam ano ang uunahin kong hawakan. Tyan ko, ulo ko, dibdib ko, pisngi ko, o ano ba. Lahat masakit

Ramdam na ramdam ko ang sobrang panghihina. Nahihirapan na rin akong huminga dahil sinipa niya ako sa dibdib kanina. 

Hindi pa ba sapat na naparusahan ako sa kasalanang 'di ako ang may gawa? Ano bang pagkakamali ko at bakit pinarurusahan ako ng ganito? 

Patayin nyo na lang ako. Please ayoko nang magdusa. Tapusin nyo na 'to. Hinang hina na rin ako. 

Sinubukan kong tumayo pero bumagsak lang din ako at namilipit uli sa sakit. 

Hindi ko na marinig ang paligid ko. Unti-unti nang nagdidilim ang paningin ko. 

Gumapang ako papunta kay Nanay Fely pero sinipa ako ni Helen pabalik. 

Nauubusan na ako ng hangin. Sinubukan kong gumapang uli pero hindi ko na maigalaw ang binti ko. Nagsisimula na akong mag-panic.

"T-tulong. T-tulu..ngan n-niyo ak.. a-ako." I beg.

I try to reach them and louder my voice but no one's responding. 

I try to stand and crawl again but I keep falling. Until I can't breathe properly and I can't totally hear them anymore. I am weakening. One more try. I beg for help again. 

But everything went black.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status