Share

Chapter 6: Serial Murder

Two weeks had passed, but I'm still here and still no progress to my case. Madalang ko na lang din nakikita si Alvin dahil marami raw pinapagawa sa kanila. Si Ginger naman hindi na ako nadalaw matapos ako hatiran ng mga gamit. Busy raw siya sa pag-asikaso ng case ko kasama si Wade.

Natawa nga ako noong sinabi niya 'yon, e. Hindi ko ma-imagine na magkasama silang dalawa. Napapaisip tuloy ako kung paano kaya naha-handle ni Wade ang babaeng 'yon.

Another thought, nami-miss ko na ang outside world. Ano na kaya ganap sa trabaho ko after ko mawala. Hindi man lang ako dinalaw ng magaling kong boss. Sa totoo lang, kung hindi niya ako binigyan ng maraming gawain hindi sana ako nakauwi ng gabi. Tapos parang wala pa siyang pakielam sa 'kin ngayon.

Pero in fairness nakakamiss din pala ang mga paperworks ko. Mas gugustuhin ko pang matambakan ng gawain kaysa nandito, e.

"Iha"

"Ay anak ka ng nanay mo!"

"Anak talaga ako ng nanay ko iha. Ayos ka lang ba? Kanina pa kita tinatawag, nakatulala ka lang dyan"

Nagulat naman ako rito kay nanay. Masyado na ba akong nag-space out? Paano ba naman kasi di ko na alam ano mangyayari sa akin. Feeling ko mababaliw ako.

"Ayos lang po ako. Pasensya na marami lang po iniisip" 

"Naku, huwag ka panghinaan ng loob. Alam kong gusto mo makalaya rito. Alam ko naman na mabuti kang bata kaya dapat lang na mabigyan ka ng hustisya"

Ang makata naman magsalita ni nanay. Pero napaisip ako do'n. Kung makalaya ako rito gusto ko kasama ko siya. 

But I laugh at my thoughts. I am not even sure if there's a chance that I can prove my innocence. I don't know how to get out of here, and I don't know If I can still see the outside world. This place is hell for me. I don't belong here.

I suddenly stopped thinking about how my life would be here when the guard opens the gate.

"Autumn Bender may dalaw ka," tawag sa 'kin ng bantay.

Agad akong tumayo at lumabas ng selda. Siguradong si Ginger na 'to. I hope may progress or good news sa case ko.

Naabutan ko si Ginger na balisa dahil panay ang kutkot nito sa daliri niya. Kapag ginagawa niya kase 'yon ay kadalasan kinakabahan siya or may malalim na iniisip.

I walked towards her and seated myself beside her, but she didn't notice me. Sobrang lalim naman ata ng iniisip ng babaeng 'to. So I tap her hand, and finally, she looks at me.

"Hey, what bothers you? May bad news ba?" tanong ko na medyo kinakabahan. Para kasing lagi na lang bad news ang natatanggap ko simula nang napunta ako rito sa kulungan. Hindi ko alam kung kumapit na ba talaga sa 'kin ang kamalasan. Sa dami ba naman kasi ng pwede magkagusto sa 'kin e 'yong kamalasan pa talaga.

Ginger put down her fingers and speak. "The police consider the killings happening in the city as serial murder. Baka nga ma-interview ka kasi ikaw nga ang unang suspect. How come na nakapatay ka pa rin kung nakakulong ka na. They think you have an accomplice," she said nervously. But wait serial murder? Ibig sabihin may namatay na naman? Tsaka bakit iisipin nilang may accomplice ako? E hindi nga ako ang pumatay kay Dina.

"I don't understand. How it turned to serial murder?" I wonderingly ask.

"After the death of Dina Wei, nabalitaan na rin na may nawawalang lalaki na ka-schoolmate natin. Day after, he found dead. And then after that, another guy is missing, and later this morning, he found dead." Nanginginig pa ang daliri niya habang kinikwento sa akin ang serial murder na nangyayari sa labas. Pero bakit gano'n? Si Dina kaklase namin, yung lalaking unang namatay naman is schoolmate namin. Oh wait..

"Yung pangalawang lalaki schoolmate din ba natin?" I have assumptions kung sino-sino ang biktima niya. 

"Hindi raw. Sa ibang school siya nag-aral kaya hindi pa rin nila ma-identify ano 'yong pagkakapareho ng tatlo." So I was wrong. It's complicated. "They thought na baka lahat ng taga Lillesville ang puntirya ng killer pero noong dumating 'tong pangalawang lalaki na hindi naman taga Lillesville, ibig sabihin hindi lang mga taga school natin ang puntirya niya," she explained. My mind is in haywire.

Sino ba kasi 'tong killer na 'to and what is his/her intention? Ang babata pa ng mga pinapatay niya. Ano naman kaya naging atraso ng mga 'yon para patayin niya.

But I'm also wondering about something. "Paano pala nila na-consider na serial murder kung wala pang pagkakapareho?" 

She replied, "lagi silang gabi pinapatay at nawawala muna bago patayin. Ibig sabihin hindi sila pinapatay agad. Kinukuha muna sila ng killer and then the other day or some other day niya papatayin," she paused. I see her fingers shaking out of nervousness. So I held her hand and smiled. Then she continued. "Sa profile ay wala pang pagkakapareho ang mga biktima pero ichi-check pa raw ng mga pulis dahil meron at meron pagkakapareho raw ang tatlo niyan sa malamang."

I remember that night when I saw Dina's lifeless body. She got murdered that night, but I wasn't there to help her. Well actually, I am going to help her, but it was too late. "Yeah gabi nga sila pinapatay tapos wala ng tao sa paligid. Kaya ako pumasok sa abandoned house kasi nakarinig ako ng boses na humihingi ng tulong. Tapos pagdating ko, doon ko na natagpuang patay si Dina."

Both of us let out a sigh as if exhausted from what's happening. Silence filled the room. Other prisoners with visitors are silently talking to each other. The police' were looking after us. And here we are, speechless.

Grabe na kasi ang nangyayari. Kailangan din namin mag-isip at matukoy kung sino ba 'tong walang hiyang killer na 'to. Dahil kung may mamamatay na naman, serial murder nga talaga ang nangyayari. At hangga't hindi nahahanap ng mga pulis ang pagkakatulad ng mga biktima, hindi malalaman ng mga tao kung sino ang susunod na mabibiktima. Because you don't know if you are the next victim. 

Nadatnan naman kami ni Wade na malalim ang iniisip kaya pareho niya kaming ginulat ni Ginger. 

Okay, nararamdaman kong hindi maganda ang mangyayare nito. Mag-iingay na naman ang babaeng 'to kaya bago pa siya makapagsalita e tinakpan ko na ang bibig niya para hindi mag-ingay. Babangayan na naman niya si Wade, e. Ang lakas at ang tinis pa naman ng boses niya. Masakit sa eardrums.

"Hello." He gave me a genuine smile and bowed lightly. Then he turned his face to Ginger and gave her a bored look. Mortal enemies na ata ang dalawang 'to. Gusto ko na lang mapa-face palm.

I smile in return. "Sa susunod huwag mong aasarin ang babaeng 'to kasi kung wala ako baka nagdudugo na 'yang tenga mo," sambit ko kay Wade habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig ni Ginger.

"Gano'n ba. Sorry masyado kasi kayong seryoso kanina, e. Ano ba iniisip niyo at sobrang lalim ata."

"Mmmmmmmm!" Ginger mumbled. Hindi ko pa rin kasi tinatanggal ang kamay ko sa bibig niya.

"May serial murder daw sabi ni Ginger." Bigla naman siyang nagulat sa sinabi ko.

"Ah, alam niyo na pala. Ayan din sana ibabalita ko kay Alvin at sayo ngayon." Umupo siya sa tabi namin.

Nakakakaba naman 'to kahit na wala ako sa labas. Syempre nag-aalala din ako sa mga tao. Hindi nila alam paano sila mag-iingat dahil hindi naman nila alam ano 'yong ugat ng pagpatay ng killer na 'to. Sana matukoy agad sino gumawa nito at maghirap siya sa bilangguan!

"Pero ang totoo kaya ako nandito kasi may magandang balita ako sa 'yo though hindi naman siya gaanong maganda but at least may progress." Nabuhayan naman ako sa sinabi ni Wade. May progress sa kaso ko? Salamat naman.

"Siguraduhin mong maganda 'yang balita na 'yan, ha!" Natanggal ko na pala ang kamay ko sa bibig ng babaita. Ang init talaga ng ulo niya kay Wade kahit mabait naman 'yong tao. May topak din talaga 'tong pinsan ko.

"Yes madame," he answered. But Ginger just rolled her eyes.

Ngayon pa lang magtataka na ako paano nila maso-solve ang case namin ni Alvin na magkasama. Baka puro pagtatalo lang mangyari, e.

"Okay, dahil sa serial murder na nangyayari, pinagdududahan na ng mga pulis ang pagkakulong mo. They will start to investigate your case and get evidences. Syempre magtataka sila na nakakulong ka na nga pero bakit nagtuloy-tuloy ang pagpatay. But, there's a negative on that kasi iniisip din nila na baka may accomplice ka. And Ginger must be careful dahil kung iisipin nilang may accomplice ka, si Ginger ang pinakamalapit na pag-isipan nila dahil magkakilala kayo at magpinsan pa."

Kinabahan naman ako sa huling sinabi niya. Pwede nga mangyari 'yon. Hindi pwede madamay si Ginger dito dahil wala naman siyang kasalanan.

"What? Ako? My goodness! Papatayin ko talaga 'yang taong pumapatay na 'yan, e" At sinabi niya 'yon ng sobrang lakas, knowing na may pulis dito na nagbabantay sa amin. 

"Edi killer ka na rin no'n," sagot ni Wade sa kaniya.

Uh-oh, war again.

"Heeeep! Stop. Wag ka na magbunganga." Pinanlakihan ko na ng mata si Ginger at salamat naman sumunod siya.

"I will help to get evidences na hindi ikaw ang pumatay kay Dina. Ayon nga lang hindi ko pa alam gaano katagal. Si Alvin kasi malapit nang makalabas." 

Namangha naman ako sa sinabi niya. Ang galing. Nagawa niyang mapalabas si Alvin dito ng mag-isa! Sana ako rin. Sana hindi na ako magtagal dito dahil gusto ko na talaga makalabas.

"Don't worry. Magtutulungan kami ni Wade para mailabas ka rito." Nagulat ako sa pagdating ni Alvin. Sabay pa kaming napalingon ni Ginger. Bakit di ko man lang siya naramdaman? Kanina pa ba siya dyan?

"No kararating ko lang. Malakas lang talaga pandinig ko." Ayan na naman siya. Akala mo nababasa niya lagi isip ko. Baka nakakabasa talaga siya ng isip?

Natawa naman siya bigla. "I'm not a mind reader, Autumn. Obvious kasi sa mukha mo." Ayan na naman sa obvious sa mukha ko. Madali ba akong basahin? Grabe naman.

Anyway, masaya ako para sa kanya. "Congrats! Malapit ka na pala makalabas dito," bati ko sa kanya but at the back of my mind ay natatakot ako. Nang dahil lang naman sa kanya kaya medyo payapa ngayon ang buhay ko rito. Paano kapag wala na siya? Aapihin na naman ako nina Helen at ng mga alipores niya.

"At ikaw rin. I promise na makakahanap kami ng sapat na ebidensya para mapatunayan na wala kang kasalanan." I don't know but I feel assured of his words.

I can't utter a word but, "thank you." At ngumiti ako.

The moment was serious not until Ginger stood up to interfere with us. "Hoy Alvin, ayusin mo 'yang pangiti-ngiti at wording mo sa pinsan ko ha. Alam ko yan!" Her voice is like a threat. Ano na naman ba pinagsasabi nito. Wade chuckled and Alvin heard it so he gave him a threatening look.

What is happening here? Nagbabantaan sila ng tingin sa isa't isa. Ayos pa ba sila?

I crossed my arms to my chest and look at them boringly. "Kinakabahan na ako sa inyo ha. Baka mamaya nag-uusap pala kayo gamit ang isip tapos hindi ako kasama. Ang weird niyo." 

Ginger pointed her two fingers in her eyes then turns them in Alvin's direction. On the other hand, Wade let out an amused smile and chuckle again. Alvin is standing here beside me, looking at me awkwardly. 

"Care to share what's happening with you guys? Are you teasing him?" I look to Alvin, showing I am referring to him. 

Hindi na nakapagpigil ng tawa si Wade. Ito ang unang beses kong narinig siyang tumawa nang malakas.

"Nevermind mo na lang 'yon. Pinaglihi ka nga pala nila tita sa pagong," Ginger retort.

Sabi ko nga slow ako. Bahala na nga sila diyan. I rolled my eyes.

"So back to topic..." Nagsalita na uli si Alvin.

Pinag-usapan namin ang serial murder na nagaganap at ang case ni Alvin. Namamangha talaga ako sa kanilang dalawa kasi biruin mo, mag-isang sino-solve ni Wade ang kaso ni Alvin sa labas. Tapos kahit narito naman si Alvin sa kulungan, updated siya sa mga nangyayari at nakakatulong din siya sa sarili niyang case. Ang talino at ang galing nilang dalawa. Tandem na tandem.

Matapos ang ilang minuto umuwi na rin sina Ginger at Wade. Dadalaw na lang daw uli sa 'kin si Ginger. Susubukan din daw niya makipagtulungan kay Wade kahit labag sa kalooban niya. Kung para sa 'kin naman daw, e sige pipilitin niya.

Natawa pa nga ako noong sinabi niya 'yon kasi bigla niyang tinapakan sa paa si Wade at halatang nasaktan si Wade dahil dinig na dinig sa buong kulungan ang sigaw niya. Wala talagang awa si Ginger. Sana lang makatagal si Wade sa ugali ng babaeng 'yon. Ini-imagine ko pa lang na magkasama sila feeling ko mas mahaba ang oras ng bangayan nila kaysa paghahanap ng ebidensya.

Pero masaya ako kahit papaano kasi may posibilidad nang makalabas ako though mga 10% pa lang. Pero ayos na 'yon kaysa naman walang progress.

Dumating ang hapunan namin at kasama ko ulit si Alvin. Laking pasasalamat ko talaga sa kanya dahil hindi na ako sinasaktan nina Helen at ng mga alipores niya. Dapat may ipangalan ako sa kanila para maganda, e.

Kung 'Helen and the chipmunks' kaya?

O kaya 'Helen and the other dwarfs'

Maganda din 'yong 'Helen and friends'

Or pwede ring 'The old fat ladies'

"Ano iniisip mo?" Napatalon ako nang magsalita si Alvin. Peste, kasama ko nga pala siya nakalimutan ko.

"Ah wala." Ano ba 'yan nakakahiya 'yong mga pinag-iisip ko. " Gusto ko lang mag-thank you kasi simula noong pinagtanggol mo ako kay Helen, hindi na nila ako uli sinaktan at pinaharapan sa selda namin." Naalala ko na naman 'yong unang araw ko rito sa kulungan. Nakakainis talaga isipin na hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko.

Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "What? Sinaktan ka ni Helen?" Medyo galit 'yong boses niya.

"Ah.. Oo noong... Bago pa lang ako sa kulungan," kinakabahan kong sambit. Hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko sa kaniya o ano e. Natakot kasi ako sa boses niya ng slight. Anyway, nagulat lang naman siguro siya.

Hinarap ko naman siya at binigyan ng matamis na ngiti. "Thank you talaga."

"Walang problema 'yon sa akin. Naramdaman ko rin kasing kailangan kita ipagtanggol" 

"Huh?" Bakit niya naman naramdaman 'yon e hindi nya naman ako kilala no'n.

"Ewan. Feeling ko kasi ikaw 'yong taong hindi lumalaban."

Bilib na ako sa observation skills niya. Napaka-obvious nga siguro na mahina akong tao. E kasi naman kahit lumaban ako talo pa rin ako. So what's the sense of fighting back kung ganoon lang din naman.

"Not fighting back does not mean you're weak. And fighting back does not make you strong either. Being weak is giving up on what you fought for, and being strong is keeping the good fight, to proceed with what you have started, and to continue even it's hard to hold on."

My mouth left open to his retort. He's so sincere and nafi-feel kong naiintindihan niya ang nararamdaman ko.

I smiled at him as I felt a tickle in my stomach out of happiness. It feels so good to see that someone is cheering you and motivating you.

Mukhang nabasa na naman niya ako na ang tingin ko sa sarili ko ay mahina. Siguro nga mahina ako dahil hindi ko kaya lumaban para sa sarili ko. Pero malakas din siguro ako at some point dahil hanggang ngayon lumalaban pa rin ako sa buhay kahit nasa mabigat akong sitwasyon.

Tama siya. Malakas ako dahil hindi ako sumusuko kahit gaano kahirap ang buhay ko lalo na ngayon. Pero hindi ko rin masabi na mahina ang mga sumuko. Siguro napagod na lang talaga sila ng sobra kaya hindi na kayang lumaban at piniling sumuko na lang. Sa huli, naging malakas pa rin na tao sila dahil kahit anong nangyari, lumaban pa rin sila at sa tingin ko 'yon naman ang mahalaga.

"Salamat, Alvin." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at naging masaya naman ang pagkain namin.

Nakakatuwang isipin na pwede pa rin pala ako maging masaya.

Naniniwala akong may rason at dahilan kung bakit napunta ako sa sitwasyon na 'to. Sana lang ay magtagumpay ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status