Share

12: CHARLES SMUGGLER

If you want then you'll do anything to get it.

Author's Pov:

Nasa ikalawang palapag pa rin sina Yhurlo at Margou. Nanatili ang dalawa na nakaupo sa couch habang tahimik na pinagmamasdan ang paligid. Hindi nila alam kung ilang minuto na silang naghihintay at nag-aabang na makita ang presensya o ni anino man lang ni Charles Smuggler.

Inis na napabuga ng malalim na hininga si Margou pagkalipas ng ilang minuto bago nagsalita, "Wala naman tayong mapapala rito, e! Umuwi na lang tayo," asik niya tsaka iritang napakamot sa likod ng kanyang tainga.

Wala siyang natanggap na sagot galing kay Yhurlo. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan para sana umalis na nang bigla siyang pigilan ng binata.

Mabilis na hinawakan ni Yhurlo ang palapulsuhan ni Margou nang makita itong tumayo sa tabi niya tsaka hinila pabalik dahilan para mapaupo ulit ito sa kanina'y inuupuan nito. Salubong ang mga kilay at nanliliksik ang mga matang tinignan siya ni Margou matapos na padabog na
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status