Beranda / Romance / Dilaan Mo / Kabanata 1

Share

Kabanata 1

Penulis: nerdy_ugly
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-07 12:03:54

Habang nagdidilig nang halaman si Lily ay inayos niya ang mga paso para na man maganda itong tingnan. Pero laking-gulat na lamang n'ya nang may maramdaman siyang tubig sa kanyang binti. Hindi na siya nag-aksaya pang lingunin kung sino ang salarin niyon. Sino pa nga ba ang gagawa niyon sa kanya, kundi si Isaac.

Pinagpatuloy na lamang niya ang ginagawa. Pero mas nagulat siya nang itapat iyon ni Isaac sa mukha niya, sa inis niya'y nilingon niya ang binata at inis na ibinato niya rito ang walis.

"Bwesit ka talaga, Isaac!" sigaw niya. Humalakhak lang si Isaac sa tinuran niyang iyon at saka ito naghubad sa harapan niya. Here he goes again, showing his shiny sparkling abs! The heck this man!

"Do I look sexy?" tudyo ni Isaac sa kanya. Ngumisi ito na tila nakakaloko. Teasing her triumphantly.

"Ba't ba kase idadaan mo pa sa pang-aasar ha, aminin mo na kase na gusto mo ako kaya ka laging nang-iinis sa'kin," diretsang saad ni Lily sa tila gulat na binata. Pagdaka'y lumapit si Isaac sa kanya at sumayaw ng sexy dance. Ilang mura rin ang pinakawalan ni Lily sa kanyang isipan.

"What if I say, yes? May pag-asa ba ako sa isang tuko na, killjoy pa," nakangising sagot naman ni Isaac sa kanya.

Ramdam ni Lily ang tila mga paru-parong nagsiliparan sa kanyang tiyan. Shit! Kinikilig siya sa totoo lang, pero hindi siya pwedeng magpadala sa mga matatamis na salita ni Isaac.

"Tsunggo! Bwesit ka talaga!" sigaw ni Lily sa mukha nang nakangising si Isaac. At saka tinalikuran ang binata.

Sinundan naman ito ni Isaac. Hindi napapalis ang ngiti ng binata. Namumula na sa inis si Lily, kinuha nito ang walis at dustpan para walisan ang mga tuyong dahon.

"Sir, may naghahanap po sa inyo, si Febbie daw po siya, ang sabi'y gusto niya raw po kayong makita at makausap," ani ng isang kawaksi.

Kumunot ang noo ni Isaac nang marinig ang pangalan ng isa sa kanyang mga flings. "Sabihin ninyo wala ako," sagot niya, tumango lang ang kawaksi at saka tumalikod na.

"Yan kase, baka nabuntis mo 'yon kaya ka hinahanap," singit bigla ni Lily.

"I used protection," maagap na sagot ni Isaac.

Napansin ni Lily ang tila parang bad mood ang tsunggo, lihim siyang napangiti. Ang gwapo pala ng mokong na 'to kung mag-suplado. His perfect jaw really fits his handsome face. His aristocract nose suit him perfectly. Naalala ni Lily ang Greek god na si Zeus.

"Buti naman naisip mo 'yan, kung hindi baka maaga kang maging

daddy," ani ni Lily at inayos ang paglalagyan ng mga tuyong dahon.

"That won't happen," sagot ni Isaac sa kanya.

Naputol lamang ang kanilang pag-uusap nang biglang narinig nila ang tila nagwawalang babae. Napalingon sina Isaac at Lily sa boses na iyon sa unahan. Kasalukuyang pinipigilan ng isang guard ang isang magandang babae. Halos kalmutin na nito ang gwardiya. Napasulyap si Lily kay Isaac, paniguradong kilala nito ang naturang babae.

"Pigilan mo 'yon, naku naman, 'yan ang napapala sa mga lalaking katulad mo, huwag kasing babaero, baka buntis 'yan kaya ka kinukulit," palatak ni Lily at saka tinalikuran ang binata. Pero bago pa siya tuluyang umalis, nahagip na ni Isaac ang kanyang kanang braso, napasulyap siya sa seryosong mukha ng binata. 

"I need your help, kailangang magpanggap tayo na magkasintahan para tantanan na ako ng bwesit na babaeng 'yan," tugon ni Isaac kay Lily, biglang tumaas ang kilay ni Lily nang marinig iyon mula sa bibig ng binata.

"Aba't ako pa talaga ang gagamitin mo sa kalokohan mong iyan, Isaac? Come on, maawa ka naman sa'kin, paano kung sabunutan nalang ako bigla nang babaeng 'yan? Excuse me, no way! Hindi ako papayag na mapasama diyan sa mga kalokohan mo, maghanap ka nalang ng ibang babaeng magpapanggap na girlfriend mo," inis na turan ni Lily at sinubukang tanggalin ang kamay ng binata na mahigpit na nakahawak sa kanyang isang braso. Pero sadyang malakas si Isaac at hindi siya nagtagumpay na maalis iyon.

"I beg you, Lily. I need you to pretend this time. Please...," sumamo ng binata na tila halatang nagpapa-cute pa ang tsunggo. Lihim na naaliw si Lily sa reaksiyon na iyon ng binata.

Bago pa makasagot si Lily ay nakalapit na ang tila matapang at mataray na si Febbie. Tumaas agad ang kilay nito hanggang langit na tila gusto nang kumawala sa mukha nito at sinuyod nang tingin si Lily mula ulo hanggang paa. Taas-noo namang pinukol ito ni Lily ng isang mapanuring tingin. Aba't kong tarayan lang hindi siya magpapatalo dito. 

"And who's this girl, Isaac?" mataray na tanong ng babae sa binatang cool lang kung titingnan mo at mabilis na inakbayan si Lily. 

"She's Lily, my one and only girlfriend, right, Lily?" maagap na sagot ni Isaac sa babae. Masuyong ipinulupot ni Isaac ang isang braso sa maliit na bewang ni Lily, na lihim naman iyong naghatid nang nakakaengganyong kiliti sa kanyang kabuuan. Ramdam niya ang malakas na pagrigodon ng kanyang puso na tila ba may mga daga doong nag-uunahan sa pagtakbo. Gustuhin mang itama ni Lily ang sinasabi ni Isaac ay hindi niya magawa. Aba't hindi pa yata siya pumapayag sa hinihiling nito. Pero mas nagulat si Lily nang bihagin ng mga labi ni Isaac ang kanyang nakaawang na mga labi sa harapan ng babae. Tila nawalan ng lakas ang tuhod ni Lily sa hindi niya inaasahang gagawin ni Isaac. The heck this man! Naramdaman niya ang pagpisil ni Isaac sa kanyang bewang, wala siyang choice kundi tumugon sa halik nito. Sh-t! Ang first kiss niya kinuha na ng walangyang lalaking 'to. 

"You-you jerk!" inis na sigaw ni Febbie at walang sabing nilisan ang dalawang magkapareha na kasalukuyang naghahalikan.

Nang imulat ni Lily ang kanyang mga mata ay malakas na itinulak niya si Isaac. Sa inis niya at pagkagulat wala sa sariling nasampal niya ang kabilang pisngi ng binata.

"What the f-ck!" mura ni Isaac habang sapo ang kabilang pisngi. Siya man ay nagulat sa biglaang pagsampal sa kanya ni Lily.

"You deserved that idiot! Damn you, asshole!" Inis na sagot ni Lily kay Isaac. Mabilis ang kilos na nilisan ni Lily ang gulat na binata. 

Napangisi si Isaac. Damn it! Her lips were smooth and sweet. Naiiling na lamang siya sa sampal na natikman niya mula kay Lily. She's a challenge for him. Nasanay siyang hinahabol siya ng mga babae, pero sa lahat ng babae si Lily lang ang naiiba. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Mercy Villafuerte
Lily...ikaw na ang gf ni Isaac
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Dilaan Mo   Special Ending

    A month later.... "Congratulations, we're so happy for you, Lily." bati ni Rose sa kapatid. "Thank you, Rose," nakangiting tugon niya sa kapatid. Nagyakapan sila. Nakatunghay at nakangiti lang sa kanila ang kanilang ama, na ngayo'y nakaupo sa wheelchair nito habang karga ang apo nito na anak ni Rose. "Sana maging okay na rin kayo ni Zards, para wedding bells na din ang kasunod," tudyo ni Lily sa kapatid. Umikot lang ang eyeballs ni Rose. "As he wish, bahala siya. Mabuti pa pumunta ka na do'n hinanap ka na ng asawa mo, halatang excited sa honeymoon niyo," ganting tudyo ni Rose kay Lily. Nagpakawala lang ng tawa si Lily. She was three months pregnant. Pwede pa kaya? Nakakatawa lang isipin. Nagpaalam muna siya sa kanyang ama't kapatid at tinungo ang kinaroroonan ng asawang si Isaac, na ngayo'y busy sa pakikipag-usap sa mga kakilala nito. Nang makalapit na siya sa gawi ng asawa ay ikinulong agad siya nito sa matipuno nitong mga braso. Ramdam niya ang isang braso nito sa kanyang malii

  • Dilaan Mo   Kabanata 32

    Nasa balcony si Lily ng kanyang kwarto kung saan makikita ang malawak at kulay asul na dagat, na wari bang nang-aakit sa taglay nitong kagandahan. She could hear the crashing sounds of the waves. She was pregnant. Mahigit isang buwan na ring hindi nagpaparamdam sa kanya si Isaac. Kasabay niyon ay ang pagtulo ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Dumako ang kanyang paningin sa di-kalakihan niyang tiyan. He missed him already. Makakaya ba niyang tikisin ang sarili? She was hurt, big time.Ang simoy ng hangin mula sa karagatan ay naghatid ng kakaibang kaginhawaan sa kanya ng mga oras na iyon. Hindi pa siya handa para harapin ang binata. Kumusta na kaya ang anak nito kay Yvonne? Napukaw ang kanyang pagmumuni-muni nang marinig niya ang malakas na katok sa kanyang pintuan. Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong-hininga at tinungo ang kanyang pintuan para ito'y buksan."Lily, i-on mo ang TV." Mababakas sa mukha ng kanyang kaibigang si Micah na tila nagmamadali, hinahangos pa n

  • Dilaan Mo   Kabanata 31

    Ibinato ni Isaac ang kanyang cellphone dahil sa sobrang inis. Hindi niya makontak si Lily. Tinawagan niya ang kanyang tita Micah pero hindi naman ito sumasagot. Damn it!"Cupid really hit the playboy's heart," kantiyaw ni David sa kapatid."She's a teacher, baka busy lang Isaac. Hindi magka-pareho ang oras dito sa Guam at sa Pilipinas, the time here is already 1:38PM. Maybe in the Philippines, 11:38AM." Hindi pinansin ni Isaac ang kanyang dalawang kapatid na sina Israel at Mateo. Nagulat siya nang maramdaman ang tapik sa kanyang balikat. Nilingon niya ang kanyang ama. "The problem is already done, it's time for you to exit, son. I think, it's time for you to court the terror teacher of Montenegro University College. Sige na, umuwi ka na at bigyan mo na ako ng isa pang apo," si Mike. Naiiling na natatawa sina David at Israel. Their dad never change. Pilyo pa rin ito kahit kailan. Tumayo si Isaac at niyakap ang ama. "Thanks, Papa. What if kung may nakapag-report sa kanya regarding s

  • Dilaan Mo   Kabanata 30

    Akmang papalabas na si Lily sa malaking gate ng mansion ng mga Del Fuego, nang bigla siyang dumugin ng mga press at media. Sumenyas agad siya sa guard. Damn! Wala siyang choice kundi ang bumalik sa loob ng mansion. Paniguradong absent siya nito sa kanyang klase. Bwisit na mga media. Gusto niya tuloy kalbuhin si Yvonne sa mga maling paratang nito sa kanya, pasalamat ito at mabait siyang tao. Pero kung talagang uubusin nito ang kanyang pasensya, aba't pagbibigyan niya ang bruhang bobitang 'yon.Pumasok siya sa loob ng mansion at dumiretso sa living room. In-on niya ang flat screen TV. Eksaktong mukha ng bruhang si Yvonne ang nakita niya. Awtomatikong umusok ang ilong ni Lily nang makita ang makapal na mukha ng babae. Gusto niyang pasukin ang telebisyon para sabunutan at suntukin ang naturang babae, aaminin niyang nagtagumpay ito sa pang-aasar sa kanya. Feel niya, umusok ang ilong niya sa sobrang inis at ngitngit.May ipinakita itong mga latest photo na kasama ang binata, nasa isang conf

  • Dilaan Mo   Kabanata 29

    Kasalukuyan nasa patio si Lily ng mansion. She was busy with her lesson plan. Nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone, kasabay ng tila pag-talon ng kanyang puso sa pag-asang si Isaac ang tumatawag. One week na rin ang nagdaan ng hindi ito nakipag-video call sa kanya na labis niyang ikinalumbay. Muntik na niyang itapon ang kanyang cellphone ng pasahan siya ng isang video. Latest video iyon nina Isaac at Yvonne. Nasa isang bar, nagsasayawan at naghahalikan. Naikuyom ni Lily ang dalawang kamao, hindi na niya ipinagpatuloy pa ang panonood sa naturang video.Tumayo siya at tinungo ang veranda. Damn, pinaniwala niya ang sarili na hindi totoo ang kanyang nakikita. At saka sumiksik sa utak niya ang sinabi ni Isaac. Hindi lahat ng nakikita ay totoo.Damn it! Nagpakawala ng marahas na hininga si Lily. Humigpit ang pagkakahawak niya sa railings. She need to stay calm, hindi ba't nilinaw na ni Isaac sa kanya ang lahat ng mga consequences na kakaharapin nila sa kanilang sitwasyon? Paano kun

  • Dilaan Mo   Kabanata 28

    Mas pinili na lamang ni Lily na manatili sa kanyang silid. Ayaw niyang makitang umalis si Isaac at baka pigilan pa niya ito. Damn, ang o.a lang niya. Ibinaon niya ang sariling mukha sa kama kung saan magkasama pa silang natutulog. What the! Kasabay niyo'n ay ang pagtulo ng kanyang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.Naputol ang pagmumuni-muni niya ng makarinig siya ng katok sa kanyang silid. Panigurado si Micah iyon. "Pa-pasok," mahinang sigaw niya, sapat para marinig ni Micah, nakaawang naman kasi ang pintuan ng silid niyang iyon."Bruha, bumangon ka na. Fix yourself at aalis na tayo pauwi ng Cebu. Huwag kang feeling teenager Lily dahil hindi bagay sa'yo. Ready na rin ang mga bata," nakangiting tugon ni Micah at nilapitan ang nakadapa pa ring kaibigan. Hinimas niya ang likod nito. Hindi pa rin ito umiimik."Kung ganyan ka, paano na lang kaya kung may darating na mas higit pang problema sa pagitan ninyong dalawa, kung sa maliit lang na bagay ay umiiyak ka na, be brave, Lily."B

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status