LOGIN
Habang nagluluto sa kusina si Lily, hindi niya napansin ang papalapit na si Isaac. Mula sa kanyang likod ay pabirong sinundot nito ang kanyang tagiliran dahilan para mapahiyaw siya nang malakas at matapon ang mainit na sabaw sa muwebles na sahig.
"Shit! Ouch...," hiyaw ni Isaac nang mapaso ito sa sabaw na natapon. "Aahh... ang init!" ani ni Lily at nagmamadaling tumakbo sa may sink. Nagngingitngit siya sa galit dahil sa ginawang iyon ni Isaac. Pinukol niya ito ng matalim na tingin. Bwesit talaga ang lalaking 'to. Nag-peace sign lang ang mokong. "Baliw ka ba? 'Pag ako talagang hindi makapagpigil sa'yo sasapakin na talaga kita," nanggagalaiting saad ni Lily sa nakangising binata. Lumapit si Isaac sa inis na inis na dalaga, halos hindi na maipinta ang mukha nito. Kulang nalang ay umusok ang ilong nito sa inis. Ngumisi si Isaac at saka pinisil ang ilong ni Lily, na kung titingnan mo'y lumalaki na ang butas nito sa inis. Inis na pumiksi si Lily sa nakangising binata. "Damn you! Asshole!" sigaw niya rito at nilinis ang sahig. Napaigtad si Lily nang maramdaman ang mga kamay ni Isaac sa kanyang kamay na ngayo'y nakapatong sa mop na kanyang hawak. Muli'y inis na pumiksi siya rito at tinulak ang matipunong dibdib ng binata. Shit! Ang lapad. What the f-ck! "Come on, I'm sorry, hindi ko napansin 'yon Lily," hinging paumanhin ni Isaac sa nakasimangot na dalaga. Hindi pinansin ni Lily si Isaac at itinuon ang pansin sa paglilinis. Akmang kukunin ni Isaac ang mop sa kanyang kamay nang pukulin niya ito nang nakamamatay na tingin. Itinaas ni Isaac ang dalawang kamay, tanda nang pagsuko sa dalaga. Sa totoo lang nakonsensiya siya sa ginawa, hindi naman niya alam na mainit pala ang sabaw na iyon at bagong salang pa. Ang focus niya kanina'y gulatin lang si Lily. Ewan ba ni Isaac, but he was enjoying teasing Lily, hindi yata kompleto ang araw n'ya 'pag hindi niya ito napipikon at naiinis. Lily makes his day complete. Imbes na sa distillery siya dumiretso, sa bahay siya ng kanyang tita Micah dumiretso. Heto ngayon ang napala n'ya. Lily is pretty, mataray nga lang. Naisip n'ya tuloy kung may kaibigan ba ang babaeng ito? Kase, sa tingin niya'y ang tita Micah lang nito ang tangi nitong ka-close friends. Batid rin niyang may pagka-killjoy ang dalaga. Kanina pa naiinis si Lily kay Isaac at kanina pa rin bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Sino ba naman siya para pag-ukulan nito nang pansin? Isa lang naman siyang hamak na baby-sitter sa mga pinsan nitong sina Moises, Meriam, Mark, at Joshua. Sa ngayon dahil malaki na rin sina Moises at Meriam, sina Mark at Joshua na man ang inaalagaan niya ngayon. Kailangan niyang patayin ang nararamdaman. Pinagsabihan na siya ng kaibigang si Micah na likas na babaero si Isaac. Kaya 'wag daw siyang magpapaloko rito. Subukan lang nitong ibilang siya sa mga babae nito at matitikman nito ang maliit niyang kamao pero malakas kung humagupit. Naikuyom n'ya ang dalawang kamao. "Pwede ba, umalis ka nalang dito kung wala ka namang maitutulong sa ginagawa ko, hindi ito playground for your info!" asik n'ya sa binata at marahas na binangga n'ya ang balikat nito. Saka ito nilampasan para kuhanin ang kutsilyo. Ngumisi lang si Isaac at saka umupo sa upuan. Nakamasid sa ginagawa ng dalaga. Nagluluto si Lily nang hapunan para sa mga bata. Tinolang manok sana, kaya lang natapon iyon. Umirap si Lily sa nakade-kwatrong si Isaac. Hindi na lamang niya pinansin pa ang presensiya ng binata, ngunit ang totoo kanina pa siya hindi mapakali. Bwesit! Ba't ba siya nakaramdam ng ganito. Ang hot naman kase ni Isaac. Lalo na kung ngumiti ito, ngiti pa lang nito ay pamatay na kahit sinong babae'y mahahalina sa gwapo nitong mukha, matikas at matipuno ang binata. Manang-mana sa kapatid nitong si Lucas Montenegro. "Ganyan ka ba talaga, laging nakasimangot? Ang pangit mo na, oh, alam mo kung marunong ka lang sigurong ngumiti siguro ang ganda-ganda mo," basag ni Isaac sa awkward moment na iyon nila ni Lily. "Kung hilahin ko kaya 'yang dila mo at putulin nitong kutsilyong hawak ko?" sagot naman ni Lily, at inis na hiniwa ang luya at sibuyas. At dahil sa inis niya sa binata'y hindi sinasadyang pati daliri niya'y nahiwa n'ya rin. F-ck! Napahiyaw siya. "Aah.... aray!" daing niya, at namumutlang napatingin sa duguang daliri. Maagap namang napatayo si Isaac at mabilis siya nitong nilapitan. Nagulat si Lily nang mapagmasdan ang seryosong mukha ng binata. Akmang ilalayo niya sana ang kamay na nahiwa, ngunit hindi ito pumayag at marahas siya nitong hinila patungo sa sink. Binuksan nito ang gripo at saka itinapat doon ang dumudugo niyang sugat. "Sa-salamat," tanging nasabi ni Lily sa binata. "Alam mo tuko hindi ka naman mamamatay pa nito, e, pero sana next time mag-iingat ka, palagi ka kasing nakatingin sa gwapo kong mukha, e, alam ko namang gwapo ako, pwede ba next time 'wag ka namang obvious," birong tugon ni Isaac, saka naman siya hinampas nang malakas ni Lily sa braso dahil sa sobrang inis. Hindi akalain ni Lily na kaya pa nitong magpatawa sa gitna nang kanyang kalagayan. Ang hangin talaga ng tsunggo na 'to. Kulang nalang ay liparin siya sa kayabangang taglay nito. "Bwesit!" inis na saad niya sa binata, akmang aalisin niya sana ang kamay sa mga kamay ng binata pero mahigpit ang pagkakahawak ni Isaac sa kanyang isang kamay. "Let me help you, huwag ka nang mahiya alam ko namang hindi ka na mahihiya sa isang tulad kong gwapo na, macho pa," ani ni Isaac, at itinaas pa ang t-shirt sabay pakita ng abs nito. Tumaas lang ang kilay ni Lily at hinayaan na lamang ang binata sa gusto nitong gawin, total heto naman talaga ang dahilan kaya siya nasugatan. Kung hindi siya nito pinag-tripan malamang ay hindi siya masusugatan. "Ang kapal din talaga ng apog mo, e, ano?" sarkastikong saad ni Lily sa binata habang sinusuri nito ang hiwa sa kanyang isang daliri. Saka ito tumayo at kinuha ang medicine kit. "No, I'm just telling the truth, tuko! Masama bang maging honest? Mas masama pa rin ang magsinungaling, right?" tugon ni Isaac sa dalaga at inilapag ang medicine kit sa mesa. Nang matapos lagyan ni Isaac ng band-aid ang sugatang daliri ni Lily ay napangiti ito. Halos magwala ang puso ni Lily sa ngiti ng tsunggong nasa harapan niya ngayon. Pero aminin man niya o hindi sa sarili, kinikilig siya sa tuwing inaasar siya ni Isaac, idinadaan na nga lang n'ya kunwari sa galit-galitan effect para itago rito ang totoo niyang damdamin. Ipokrita siya kung hindi siya magkakagusto sa isang Montenegro. Pero kailangan niya paring rendahan ang sarili. Hindi ang tipo niya ang magugustuhan ni Isaac Montenegro. Baka sa bandang huli'y siya pa ang masaktan at maging luhaan.A month later.... "Congratulations, we're so happy for you, Lily." bati ni Rose sa kapatid. "Thank you, Rose," nakangiting tugon niya sa kapatid. Nagyakapan sila. Nakatunghay at nakangiti lang sa kanila ang kanilang ama, na ngayo'y nakaupo sa wheelchair nito habang karga ang apo nito na anak ni Rose. "Sana maging okay na rin kayo ni Zards, para wedding bells na din ang kasunod," tudyo ni Lily sa kapatid. Umikot lang ang eyeballs ni Rose. "As he wish, bahala siya. Mabuti pa pumunta ka na do'n hinanap ka na ng asawa mo, halatang excited sa honeymoon niyo," ganting tudyo ni Rose kay Lily. Nagpakawala lang ng tawa si Lily. She was three months pregnant. Pwede pa kaya? Nakakatawa lang isipin. Nagpaalam muna siya sa kanyang ama't kapatid at tinungo ang kinaroroonan ng asawang si Isaac, na ngayo'y busy sa pakikipag-usap sa mga kakilala nito. Nang makalapit na siya sa gawi ng asawa ay ikinulong agad siya nito sa matipuno nitong mga braso. Ramdam niya ang isang braso nito sa kanyang malii
Nasa balcony si Lily ng kanyang kwarto kung saan makikita ang malawak at kulay asul na dagat, na wari bang nang-aakit sa taglay nitong kagandahan. She could hear the crashing sounds of the waves. She was pregnant. Mahigit isang buwan na ring hindi nagpaparamdam sa kanya si Isaac. Kasabay niyon ay ang pagtulo ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Dumako ang kanyang paningin sa di-kalakihan niyang tiyan. He missed him already. Makakaya ba niyang tikisin ang sarili? She was hurt, big time.Ang simoy ng hangin mula sa karagatan ay naghatid ng kakaibang kaginhawaan sa kanya ng mga oras na iyon. Hindi pa siya handa para harapin ang binata. Kumusta na kaya ang anak nito kay Yvonne? Napukaw ang kanyang pagmumuni-muni nang marinig niya ang malakas na katok sa kanyang pintuan. Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong-hininga at tinungo ang kanyang pintuan para ito'y buksan."Lily, i-on mo ang TV." Mababakas sa mukha ng kanyang kaibigang si Micah na tila nagmamadali, hinahangos pa n
Ibinato ni Isaac ang kanyang cellphone dahil sa sobrang inis. Hindi niya makontak si Lily. Tinawagan niya ang kanyang tita Micah pero hindi naman ito sumasagot. Damn it!"Cupid really hit the playboy's heart," kantiyaw ni David sa kapatid."She's a teacher, baka busy lang Isaac. Hindi magka-pareho ang oras dito sa Guam at sa Pilipinas, the time here is already 1:38PM. Maybe in the Philippines, 11:38AM." Hindi pinansin ni Isaac ang kanyang dalawang kapatid na sina Israel at Mateo. Nagulat siya nang maramdaman ang tapik sa kanyang balikat. Nilingon niya ang kanyang ama. "The problem is already done, it's time for you to exit, son. I think, it's time for you to court the terror teacher of Montenegro University College. Sige na, umuwi ka na at bigyan mo na ako ng isa pang apo," si Mike. Naiiling na natatawa sina David at Israel. Their dad never change. Pilyo pa rin ito kahit kailan. Tumayo si Isaac at niyakap ang ama. "Thanks, Papa. What if kung may nakapag-report sa kanya regarding s
Akmang papalabas na si Lily sa malaking gate ng mansion ng mga Del Fuego, nang bigla siyang dumugin ng mga press at media. Sumenyas agad siya sa guard. Damn! Wala siyang choice kundi ang bumalik sa loob ng mansion. Paniguradong absent siya nito sa kanyang klase. Bwisit na mga media. Gusto niya tuloy kalbuhin si Yvonne sa mga maling paratang nito sa kanya, pasalamat ito at mabait siyang tao. Pero kung talagang uubusin nito ang kanyang pasensya, aba't pagbibigyan niya ang bruhang bobitang 'yon.Pumasok siya sa loob ng mansion at dumiretso sa living room. In-on niya ang flat screen TV. Eksaktong mukha ng bruhang si Yvonne ang nakita niya. Awtomatikong umusok ang ilong ni Lily nang makita ang makapal na mukha ng babae. Gusto niyang pasukin ang telebisyon para sabunutan at suntukin ang naturang babae, aaminin niyang nagtagumpay ito sa pang-aasar sa kanya. Feel niya, umusok ang ilong niya sa sobrang inis at ngitngit.May ipinakita itong mga latest photo na kasama ang binata, nasa isang conf
Kasalukuyan nasa patio si Lily ng mansion. She was busy with her lesson plan. Nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone, kasabay ng tila pag-talon ng kanyang puso sa pag-asang si Isaac ang tumatawag. One week na rin ang nagdaan ng hindi ito nakipag-video call sa kanya na labis niyang ikinalumbay. Muntik na niyang itapon ang kanyang cellphone ng pasahan siya ng isang video. Latest video iyon nina Isaac at Yvonne. Nasa isang bar, nagsasayawan at naghahalikan. Naikuyom ni Lily ang dalawang kamao, hindi na niya ipinagpatuloy pa ang panonood sa naturang video.Tumayo siya at tinungo ang veranda. Damn, pinaniwala niya ang sarili na hindi totoo ang kanyang nakikita. At saka sumiksik sa utak niya ang sinabi ni Isaac. Hindi lahat ng nakikita ay totoo.Damn it! Nagpakawala ng marahas na hininga si Lily. Humigpit ang pagkakahawak niya sa railings. She need to stay calm, hindi ba't nilinaw na ni Isaac sa kanya ang lahat ng mga consequences na kakaharapin nila sa kanilang sitwasyon? Paano kun
Mas pinili na lamang ni Lily na manatili sa kanyang silid. Ayaw niyang makitang umalis si Isaac at baka pigilan pa niya ito. Damn, ang o.a lang niya. Ibinaon niya ang sariling mukha sa kama kung saan magkasama pa silang natutulog. What the! Kasabay niyo'n ay ang pagtulo ng kanyang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.Naputol ang pagmumuni-muni niya ng makarinig siya ng katok sa kanyang silid. Panigurado si Micah iyon. "Pa-pasok," mahinang sigaw niya, sapat para marinig ni Micah, nakaawang naman kasi ang pintuan ng silid niyang iyon."Bruha, bumangon ka na. Fix yourself at aalis na tayo pauwi ng Cebu. Huwag kang feeling teenager Lily dahil hindi bagay sa'yo. Ready na rin ang mga bata," nakangiting tugon ni Micah at nilapitan ang nakadapa pa ring kaibigan. Hinimas niya ang likod nito. Hindi pa rin ito umiimik."Kung ganyan ka, paano na lang kaya kung may darating na mas higit pang problema sa pagitan ninyong dalawa, kung sa maliit lang na bagay ay umiiyak ka na, be brave, Lily."B







