MasukNagpabaling-baling sa higaan si Lily. Lagi niyang naaalala ang halikang nangyari kanina. Sh-t! Napasulyap siya sa orasan. It's already 11:30PM in the evening. Hindi siya dinadalaw nang antok.
Bumalikwas siya nang bangon mula sa kanyang malambot na kama. Hindi niya napigilan ang sariling mapangiti sa tuwing naaalala ang tagpo kanina. Hinaplos niya ang kanyang pang-ibabang labi. Ngunit ang ngiting iyon ay agad ring napalis. Ilang ulit na ba niyang naririnig kay Micah na palagi nalang napasok sa trouble si Isaac dahil sa babae? Paano nga ba kung biglang tumibok ang puso n'ya sa binata? May magagawa ba siya na ito'y pigilan? Sa tingin niya'y mahirap pigilan kung puso na ang kanyang kalaban. Pero kung gagamitin niya ang utak, baka maisalba pa niya ang sarili na huwag tuluyang magpadala sa damdaming unti-unting pinukaw ni Isaac. Ipinilig na lamang ni Lily ang ulo saka muling humiga sa kanyang kama. Kinuha niya ang throw pillow at niyakap ito. Hanggang sa hilahin na nga siya nang antok. "WALA KA bang planong ipagpatuloy ang pag-aaral mo?" tanong ni Micah kay Lily habang karga nito si Joshua, samantalang si Mark naman ay binihisan ni Lily. "Hindi ko alam, para kaseng nawalan na ako nang gana," tanging nasabi ni Lily sa kaibigan. "I suggest na ipagpatuloy mo, kung ang gastusin ang iniisip mo, I can handle all those things na kailangan mo," saad ni Micah sa nagulat na dalaga. Lihim na nahihiya si Lily sa kaibigan. Sobrang bait nito, ayaw niya sanang tanggapin pero kailangan rin niyang makatapos sa pag-aaral. Nag-aaral siya dati sa kursong BEED (Bachelor of Elementary Education Major in Preschool Education), dalawang taon na lang ang kulang ay graduated na sana si Lily, kung hindi lang sana namatay ang kanyang ina siguro'y nagtuturo na siya ngayon. Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga at napatitig sa nakangiting si Micah. "Alright, kakapalan ko na ang mukha ko, sige na nga tatanggapin ko," nakangiting sagot n'ya sa kaibigan. "Bukas na bukas ay sasabihin ko kay Isaac na ipasa ang mga requirements mo sa Montenegro University College. I'm sorry, Lily pero may lakad kase kami ng kuya Hugo mo at ng mga bata. Alam ko namang kaya mong i-handle ang pang-aasar sa'yo ni Isaac," medyo napangiwi si Micah, alam niyang aso't pusa sina Isaac at Lily, lihim niyang naalala ang kanyang Ate Levi at kuya Mike. "May magagawa pa ba ako? No problem, I can handle that man, basta 'pag sumobra ang pang-aasar niya pasensiyahan na lang kami," ani niya sa kaibigan. Ngumiti lang sa kanya ang kaibigan, hinawakan nito ang isang kamay ni Mark, habang karga naman nito si Joshua, may lakad kase ang mag-kapamilya. Maybe, family bonding. Tinungo ni Lily ang kanyang kwarto at inihanda ang mga dadalhin. Pangarap niyang maging isang guro noon pa man. Pero nawalan lang siya nang gana no'ng namatay ang kanyang pinakamamahal na ina. Since malayo pa ang buwan ng Hunyo hinikayat siya ni Micah na ibigay kay Isaac ang mga requirements niya para ipasa sa Montenegro University College. Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyang maihanda ang lahat ay lumabas na siya nang sariling kwarto at muling tinungo ang garden para suriin kong may uod na naman bang kumakain sa mga dahon ng kanyang mga inaalagaang halaman. Napasimangot si Lily nang mapuno na naman ng tuyong dahon ang malawak na hardin. Kumuha siya nang walis at dustpan. Pero bago 'yon, sinuri niya muna ang mga Imperial Garden plants. Lumukot ang mukha ni Lily, inis na inalis niya ang uod. Ngunit nang suriin na niya ang mga Arrowhead Butterfly Plants, napaiktad siya nang may biglang bumulong sa kanyang tenga. "What the!" inis na turan ni Lily at hinarap ang nakangising si Isaac. Damn it! Ang gwapo nito sa suot nitong gray suit with tie. Halatang pupunta ito nang opisina. Napamaang si Lily sa gwapong lalaki na nasa harapan niya ngayon. Kagalang-galang ang anyo nito. Halatang hindi si Isaac. His disheveled hair perfectly fits his features. His broad shoulders define perfectly. "Staring is rude," nakangising puna ni Isaac sa nakangangang si Lily. Lumapit siya sa dalaga at isinara ang bunganga nito. Namula ang pisngi ni Lily sa ginawang iyon ni Isaac. Para pagtakpan ang nakakahiyang sitwasyon, kunwa'y nag-galit-galitan siya sa harapan ng gwapong si Isaac. Umirap siya at saka muling ibinaling ang atensiyon sa mga halaman. "I'm here to pick you up, remember? Ipinakilala kitang girlfriend kay Febbie, tiyak kong susugod iyon sa distillery, to confirm, and I don't want that to happen," saad ni Isaac at ipinasok ang dalawang kamay sa magkabila nitong bulsa. Inis na napasulyap si Lily sa binata at saka tumayo para muli itong harapin. "At sino na man kase ang may sabing ipakilala mo akong girlfriend? Hindi ba't plano mo lang naman 'yon?" nakapameywang na sagot niya sa binatang halatang nag-eenjoy sa pagtataray n'ya. "But you'd agreed," simpleng sagot ni Isaac sa dalaga. "My answer is no, hinding-hindi ako sasama sa'yo, at 'wag mo na akong pilitin pa," taas-noong turan ni Lily sa nakangiting binata. Sh-t lang, ba't ba ang gwapo ng tukmol na 'to? Mabuti nalang matibay ang garter ng panty niya. "Really? What if kung papipiliin kita ngayon? Hahalikan kita o sasama ka sa'kin?" may panunudyong saad naman ni Isaac at dahan-dahang lumapit sa gulat na gulat na si Lily. Halos magrigodon sa kaba ang puso ni Lilly sa sinabing iyon ni Isaac. Bwesit talaga sa buhay niya ang lalaking 'to. Aba't tinatakot pa talaga siya, pero paano nga ba kung totohanin nga nito ang banta ng tukmol na ito? Aba, alas onse y medya na nga siya nakatulog kagabi dahil sa kaiisip sa halikang naganap no'ng isang araw at dadagdagan na naman nito ngayon? No way! Baka magmukha na siyang zombie. "Hoy lalaking tukmol na pinaglihi sa tsunggo, huwag na 'wag mo kong tatakutin at hindi ako natatakot sa mga pagbabanta mong 'yan!" matapang na sagot ni Lily, halos lumaki na nga ang butas ng kanyang ilong sa inis. "So, you mean, halik ang napili mo?" nakakalokong turan ni Isaac at dahan-dahan siyang lumapit kay Lily. Napaatras si Lily, ramdam niya ang mga paru-parong naglipana sa kanyang tiyan.A month later.... "Congratulations, we're so happy for you, Lily." bati ni Rose sa kapatid. "Thank you, Rose," nakangiting tugon niya sa kapatid. Nagyakapan sila. Nakatunghay at nakangiti lang sa kanila ang kanilang ama, na ngayo'y nakaupo sa wheelchair nito habang karga ang apo nito na anak ni Rose. "Sana maging okay na rin kayo ni Zards, para wedding bells na din ang kasunod," tudyo ni Lily sa kapatid. Umikot lang ang eyeballs ni Rose. "As he wish, bahala siya. Mabuti pa pumunta ka na do'n hinanap ka na ng asawa mo, halatang excited sa honeymoon niyo," ganting tudyo ni Rose kay Lily. Nagpakawala lang ng tawa si Lily. She was three months pregnant. Pwede pa kaya? Nakakatawa lang isipin. Nagpaalam muna siya sa kanyang ama't kapatid at tinungo ang kinaroroonan ng asawang si Isaac, na ngayo'y busy sa pakikipag-usap sa mga kakilala nito. Nang makalapit na siya sa gawi ng asawa ay ikinulong agad siya nito sa matipuno nitong mga braso. Ramdam niya ang isang braso nito sa kanyang malii
Nasa balcony si Lily ng kanyang kwarto kung saan makikita ang malawak at kulay asul na dagat, na wari bang nang-aakit sa taglay nitong kagandahan. She could hear the crashing sounds of the waves. She was pregnant. Mahigit isang buwan na ring hindi nagpaparamdam sa kanya si Isaac. Kasabay niyon ay ang pagtulo ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Dumako ang kanyang paningin sa di-kalakihan niyang tiyan. He missed him already. Makakaya ba niyang tikisin ang sarili? She was hurt, big time.Ang simoy ng hangin mula sa karagatan ay naghatid ng kakaibang kaginhawaan sa kanya ng mga oras na iyon. Hindi pa siya handa para harapin ang binata. Kumusta na kaya ang anak nito kay Yvonne? Napukaw ang kanyang pagmumuni-muni nang marinig niya ang malakas na katok sa kanyang pintuan. Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong-hininga at tinungo ang kanyang pintuan para ito'y buksan."Lily, i-on mo ang TV." Mababakas sa mukha ng kanyang kaibigang si Micah na tila nagmamadali, hinahangos pa n
Ibinato ni Isaac ang kanyang cellphone dahil sa sobrang inis. Hindi niya makontak si Lily. Tinawagan niya ang kanyang tita Micah pero hindi naman ito sumasagot. Damn it!"Cupid really hit the playboy's heart," kantiyaw ni David sa kapatid."She's a teacher, baka busy lang Isaac. Hindi magka-pareho ang oras dito sa Guam at sa Pilipinas, the time here is already 1:38PM. Maybe in the Philippines, 11:38AM." Hindi pinansin ni Isaac ang kanyang dalawang kapatid na sina Israel at Mateo. Nagulat siya nang maramdaman ang tapik sa kanyang balikat. Nilingon niya ang kanyang ama. "The problem is already done, it's time for you to exit, son. I think, it's time for you to court the terror teacher of Montenegro University College. Sige na, umuwi ka na at bigyan mo na ako ng isa pang apo," si Mike. Naiiling na natatawa sina David at Israel. Their dad never change. Pilyo pa rin ito kahit kailan. Tumayo si Isaac at niyakap ang ama. "Thanks, Papa. What if kung may nakapag-report sa kanya regarding s
Akmang papalabas na si Lily sa malaking gate ng mansion ng mga Del Fuego, nang bigla siyang dumugin ng mga press at media. Sumenyas agad siya sa guard. Damn! Wala siyang choice kundi ang bumalik sa loob ng mansion. Paniguradong absent siya nito sa kanyang klase. Bwisit na mga media. Gusto niya tuloy kalbuhin si Yvonne sa mga maling paratang nito sa kanya, pasalamat ito at mabait siyang tao. Pero kung talagang uubusin nito ang kanyang pasensya, aba't pagbibigyan niya ang bruhang bobitang 'yon.Pumasok siya sa loob ng mansion at dumiretso sa living room. In-on niya ang flat screen TV. Eksaktong mukha ng bruhang si Yvonne ang nakita niya. Awtomatikong umusok ang ilong ni Lily nang makita ang makapal na mukha ng babae. Gusto niyang pasukin ang telebisyon para sabunutan at suntukin ang naturang babae, aaminin niyang nagtagumpay ito sa pang-aasar sa kanya. Feel niya, umusok ang ilong niya sa sobrang inis at ngitngit.May ipinakita itong mga latest photo na kasama ang binata, nasa isang conf
Kasalukuyan nasa patio si Lily ng mansion. She was busy with her lesson plan. Nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone, kasabay ng tila pag-talon ng kanyang puso sa pag-asang si Isaac ang tumatawag. One week na rin ang nagdaan ng hindi ito nakipag-video call sa kanya na labis niyang ikinalumbay. Muntik na niyang itapon ang kanyang cellphone ng pasahan siya ng isang video. Latest video iyon nina Isaac at Yvonne. Nasa isang bar, nagsasayawan at naghahalikan. Naikuyom ni Lily ang dalawang kamao, hindi na niya ipinagpatuloy pa ang panonood sa naturang video.Tumayo siya at tinungo ang veranda. Damn, pinaniwala niya ang sarili na hindi totoo ang kanyang nakikita. At saka sumiksik sa utak niya ang sinabi ni Isaac. Hindi lahat ng nakikita ay totoo.Damn it! Nagpakawala ng marahas na hininga si Lily. Humigpit ang pagkakahawak niya sa railings. She need to stay calm, hindi ba't nilinaw na ni Isaac sa kanya ang lahat ng mga consequences na kakaharapin nila sa kanilang sitwasyon? Paano kun
Mas pinili na lamang ni Lily na manatili sa kanyang silid. Ayaw niyang makitang umalis si Isaac at baka pigilan pa niya ito. Damn, ang o.a lang niya. Ibinaon niya ang sariling mukha sa kama kung saan magkasama pa silang natutulog. What the! Kasabay niyo'n ay ang pagtulo ng kanyang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.Naputol ang pagmumuni-muni niya ng makarinig siya ng katok sa kanyang silid. Panigurado si Micah iyon. "Pa-pasok," mahinang sigaw niya, sapat para marinig ni Micah, nakaawang naman kasi ang pintuan ng silid niyang iyon."Bruha, bumangon ka na. Fix yourself at aalis na tayo pauwi ng Cebu. Huwag kang feeling teenager Lily dahil hindi bagay sa'yo. Ready na rin ang mga bata," nakangiting tugon ni Micah at nilapitan ang nakadapa pa ring kaibigan. Hinimas niya ang likod nito. Hindi pa rin ito umiimik."Kung ganyan ka, paano na lang kaya kung may darating na mas higit pang problema sa pagitan ninyong dalawa, kung sa maliit lang na bagay ay umiiyak ka na, be brave, Lily."B







