MasukHINDI pupunta si Ingrid.
Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili hanggang sa paggising niya. Hindi siya pupunta dahil wala naman siyang obligasyon at wala naman talaga siyang dahilan para paunlakan ang paanyaya ng isang Graeson Castillone. At higit sa lahat, hindi niya kailangang umupo sa isang cafe kasama ang boss para lang pag-usapan ang isang suite na malinaw namang ayaw pag-usapan ng lahat.
Simple, logical.
Kaya hindi rin maintindihan ni Ingrid ang sarili kung bakit siya naroon sa ika-labing limang palapag ng Hotel Castillone, doon sa loob ng isang private lounge na karaniwang ginagamit lamang ng VIP guests.
Okay, for the record, nandoon siya hindi para magkape kasama ito. Nandoon siya para sa impormasyon.
Nang dumating siya ay naghihintay na sa kanya hindi lang si Grae kundi ang umuusok na kape sa mesa. Black. No sugar. Exactly how she liked it. Napatingin siya sa tasa, at pagkatapos ay sa binata.
“In-order mo ‘to?”
“Oo.”
“Paano mo-”
“Sabi ko naman sa ‘yo, diba? I have all the means to know everything about anybody.”
Sumandal siya at huminga nang malalim. Dapat ba siyang matakot dito? Sa totoo lang, takot na siya rito noon pa man pero hindi dapat iyon malaman ng binata kaya bahagya siyang ngumiti.
“Anyway, thank you for coming,” marahan nitong sabi. “I knew you’d come.”
“Sabi n’yo kasi, sasabihin n’yo sa akin ang tungkol sa…Suite Six.”
“Oh.” Ito naman ang sumandal matapos humigop ng kape. Mataman siya nitong pinagmasdan. “Oo nga pala…gusto mong malaman ang tungkol do’n…pero bakit?”
Hindi siya nakasagot. Bakit nga ba? Kung tutuusin, wala na dapat siyang pakialam do’n at talaga namang wala na siyang planong alamin pa kung anuman ang kababalaghang nangyayari sa Suite Six. Pero…
“Kayo po ang nag-offer na magbibigay ng information, Sir.”
“Na p’wede mo namang tanggihan, diba?”
“O-opo pero-”
“Pero hindi mo tinanggihan kaya…here we are.” Muli itong humigop ng kape. Pagkababa nito ng tasa sa mesa ay bahagya itong lumapit sa kanya. “Come on, tell me the truth. Nandito ka ba para sa Suite Six o para…sa akin.”
“Tama pala ‘yung mga naririnig ko tungkol sa inyo.”
“Hmm…ano ang naririnig mo tungkol sa akin?” nakangiti nitong tanong.
“Na grabe po pala talaga ang self confidence n’yo, Sir.”
Sa halip na ma-offend ay natawa pa ito. Ilang sandali pa siya nitong pinagmasdan na para bang may kung ano itong hindi maintindihan sa kanya. “So, ano ang gusto mong malaman tungkol sa Suite Six?”
Salamat sa Diyos at iniba na nito ang usapan. Kaya naman sinamantala na niya iyon bago pa magbago ang isip nito.
“Kakaiba po kasi ang Suite Six kumpara sa ibang kwarto sa hotel. Laging may special requests, special cleaning…walang regular bookings…madalas din pong iniiwasan ng mga empleyado…at may mga taong lumalabas mula ro’n na para bang…ayaw nilang may makakita sa kanila.” Huminga siya nang malalim at naglakas ng loob na itanong ang bagay na walang nahangas itanong sa kanilang boss. “A-alam n’yo po ba ang nangyayari sa Suite Six?”
“Of course. In fact, no one gets that room without my approval.”
Napatitig siya rito. “Kahit po mga VIP guests?”
“Kahit mga VIP.”
“Kahit po hotel members?”
“Kahit sila.” Nanatili ang mga mata nito sa kanya. “Alam mo kung sino lang ang p’wedeng pumasok sa Suite Six?”
Umiling siya at napahigop ng kape.
“‘Yung mga tao na kailangan ng lugar kung saan walang magtatanong. Dahil minsan, nagpupunta ang mga tao sa hotel hindi lang para matulog kundi para magtago.”
Bahagya siyang nangilabot. “M-magtago?”
“Oo. From their husbands. Their wives. Their families…their business partners…their friends. At minsan, kahit sa sarili nila.”
Doon nag-iba ang eksepresyon ni Ingrid. “Sa madaling salita, it’s a room for…illicit affairs.”
“Minsan.”
“Minsan?”
“Well, it’s not just a room for affairs.” Bahagya itong lumapit at mas bumaba pa ang boses. “It’s a room for secrets.”
“Ano po ang pagkakaiba no’n?”
“Well, an affair is just one kind of secret. Marami pang iba.”
“At alam mo ang lahat?”
Marahan itong tumango. “Kung ang tanong mo ay kung alam ko kung sino ang pumapasok at lumalabas sa Suite Six, yes, alam ko.”
“Eh ‘yung mga ginagawa nila?”
Bahagya itong napangiti at marahang umiling. “Not always. But …I can find out.”
“Talaga?” hindi niya makapaniwalang tanong.
“Of course. Because it’s my hotel.”
My punto naman ang boss niya. Pero para kay Ingrid, parang may mali. Tiningnan niya ito nang mabuti para subukang pag-aralan ang ekspresyon ng mukha nito.
“So, may gusto ka pa bang malaman?” humalukipkip ito at pinanood siya habang umiinom ng kape.
Sa simula ay nagdalawang isip si Ingrid pero mabilis siyang umiling. Dahil iyon ang tamang gawin. Sabi nga ni Zeny, hindi na siya dapat makialam sa mga bagay na wala namang kinalaman sa kanya.
“Sigurado ka?”
“Sigurado po.”
“Hindi mo itatanong kung sinu-sino ang mga gumamit na ng Suite Six? O kung anu-ano ang mga nangyayari sa loob?”
“Hindi na, Sir.”
“Hindi ka curious? Wala kang balak na pumasok sa loob para masagot ang mga tanong mo?”
Umiling siya. “Bakit n’yo po ako tinatanong nang ganyan?”
“Dahil…” Ngumiti ito. “Gusto kong maging curious ka pa para mas magtanong ka pa.”
“Bakit po?”
“Well, the more questions you have, the more coffee dates we’ll have.”
Muntik na niyang maibuga ang kaiinom lang na kape. Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya kinilig sa narinig pero siyempre, hindi niya iyon p’wedeng ipahalata sa kaharap. “W-wow Sir, hindi talaga kayo basta-basta nagi-give up, ano?”
“That’s how I became a billionaire.” Kinuha nito ang kape pero hindi iyon ininom. “Hindi ako basta na lang sumusuko.”
“Paano po kung…mag-resign ako?”
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Grae. “Okay lang. Kung gusto mong mag-resign, wala naman akong magagawa.” Walang galit sa boses nito, walang pagbabanta, walang anumang senyales ng paggamit nito ng posisyon. “Pero mag-resign ka man, hindi mababago no’n na…I like you.”
HINDI pupunta si Ingrid.Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili hanggang sa paggising niya. Hindi siya pupunta dahil wala naman siyang obligasyon at wala naman talaga siyang dahilan para paunlakan ang paanyaya ng isang Graeson Castillone. At higit sa lahat, hindi niya kailangang umupo sa isang cafe kasama ang boss para lang pag-usapan ang isang suite na malinaw namang ayaw pag-usapan ng lahat.Simple, logical. Kaya hindi rin maintindihan ni Ingrid ang sarili kung bakit siya naroon sa ika-labing limang palapag ng Hotel Castillone, doon sa loob ng isang private lounge na karaniwang ginagamit lamang ng VIP guests. Okay, for the record, nandoon siya hindi para magkape kasama ito. Nandoon siya para sa impormasyon. Nang dumating siya ay naghihintay na sa kanya hindi lang si Grae kundi ang umuusok na kape sa mesa. Black. No sugar. Exactly how she liked it. Napatingin siya sa tasa, at pagkatapos ay sa binata.“In-order mo ‘to?”“Oo.”“Paano mo-”“Sabi ko naman sa ‘yo, diba? I have
“ANO ba ang ginagawa ko rito?”Iyon ang unang pumasok sa utak ni Ingrid. Alas-sais na no’n ng gabi, tapos na ang shift niya, nakapag-logout na, nakapagpalit na siya ng damit, at handa nang umuwi nang maalala niyang naiwan niya ang tumbler niya sa storage room ng executive floor.Kaya heto siya ngayon, naglalakad sa tahimik na hallway ng ikaanim na palapag. Hindi mawari ni Ingrid pero pakiramdam niya, kakaiba ang hotel nang gabing iyon. Mas mukhang misteryoso, mukhang tahimik. Dahan-dahan ang ginawa niyang paglakad na para bang may pinagtataguan. Ilang hakbang pa ay huminto siya nang marinig ang mahinang tunog ng pagbukas ng pinto - sa dulo ng hallway, sa Suite Number Six.Hindi niya alam kung bakit pero automatic na bumagal ang lakad niya habang palapit doon sa Suite Six. Hindi naman siya lalapit, hindi naman niya kailangang lumapit. Dadaan lang siya, iyon ang sabi niya sa sarili. Pero biglang bumukas ang pinto ito at napahinto siya nang may isang babaeng lumabas mula roon. Maganda, e
EKSAKTONG alas sais ng gabi ay nasa harap na ng opisina ni Grae si Ingrid, nasa tabi ang cart na naglalaman ng mga gamit panglinis. Tahimik ang buong palapag, lalo na sa pasilyong iyon. Makapal ang carpet at sa tingin niya ay sound proof ang mga kwarto doon lalo na ang executive office.Mula sa trolley ay umangat ang kanyang tingin sa pangalang nasa pinto - gawa sa ginto, kumikinang kapag natatamaan ng ilaw.Graeson Castillone. Owner/Chief Executive Officer“Okay,” bulong niya sa sarili. “Opisina lang ‘to, Ingrid. Normal na opisina lang. Maglilinis ka lang sa loob, tapos, aalis ka na.” Pilit niyang pinapakalma ang sarili kahit pa nanginginig ang mga daliri. Sa totoo lang, mas gusto pa niyang maglinis ng sampung banyo kaysa makipag-usap sa Graeson Castillone na iyon.Malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya bago kumatok doon.“Come in.” Mababa ang boses nito, relaxed, na parang walang problema sa mundo. Pagbukas niya ng pinto ay gusto agad niyang magsisi. Mula sa pagkakaupo ay
ISA sa mga ayaw na ayaw ni Grae ay ang maistorbo lalo na kapag ganoong abala siya sa pagpapaungol sa babaeng nakaupo sa ibabaw ng kanyang office table. Wala na itong pang-itaas at nakalilis na ang itim na palda nito…“Oh, Grae…”Nag-angat siya ng tingin at pinagmasdan ang nakapikit na dalaga. “Hmm? What is it, babe?”“L-lick me please…”“Your wish is my-”Hindi naituloy ni Grae ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Walang katok, walang babala. Natigilan siya at umayos ng tayo. Nanlaki naman ang mga mata ng babaeng nasa pinto ng kanyang opisina. Hindi ito gumalaw nang ilang segundo, at parang hindi ito humihinga. Nakasuot ito ng hotel housekeeping uniform - simple, malinis, naka-ipit ang buhok, at may malaking trash bag sa isang kamay. “Ay.” Matagal pa muna bago ito muling nagsalita. “May…tao pala.”“Oh my God, Grae, who is she?” may pagkamataray na tanong ng kasama niya sabay ayos sa damit nito. Mabilis itong bumaba sa mesa at pumunta sa likod niya para takpan ang
MAHIGPIT pa rin ang pagkakapulupot ng braso ng babae sa leeg ni Grae at nakapikit pa rin ang mga mata habang hinahalikan niya ang mga labi nito. Habang tumatagal ay lumalalim ang halik ni Grae at nagiging mas mapangahas ang kanyang mga kamay na gumagapang sa katawan ng dalaga. Itutulak sana siya nito palayo pero bigla niya itong isinalya sa dingding. “Hmm, you want it rough, right?” paungol niyang bulong. Tuloy lang siya sa paghalik sa leeg nito habang abala ang isa niyang kamay sa ilalim ng suot nitong maiksing bestida. “Hindi ba sabi ko, huwag ka nang magsuot nito kapag nagkita tayo dito?” Saglit siyang tumigil sa paghalik at tiningnan ito sa mga mata. “Hindi mo naman kailangan ‘to ngayon, baby dahil…ito lang naman ang gusto ko…” Ikinawit niya ang isang daliri sa suot nitong panty at mabilis na ipinasok iyon sa loob. “G-Grae!” Mariin nitong ipinikit ang mga mata at mas humigpit ang kapit nito sa leeg niya nang maramdaman ang pagmasahe niya sa pinakaiingatan nito“Tell me how much







