Share

CHAPTER 2: The Chambermaid

Author: Margaux Wilde
last update publish date: 2026-09-22 20:00:39

ISA sa mga ayaw na ayaw ni Grae ay ang maistorbo lalo na kapag ganoong abala siya sa pagpapaungol sa babaeng nakaupo sa ibabaw ng kanyang office table. Wala na itong pang-itaas at nakalilis na ang itim na palda nito…

“Oh, Grae…”

Nag-angat siya ng tingin at pinagmasdan ang nakapikit na dalaga. “Hmm? What is it, babe?”

“L-lick me please…”

“Your wish is my-”

Hindi naituloy ni Grae ang sasabihin nang biglang bumukas ang p***o ng opisina. Walang katok, walang babala. Natigilan siya at umayos ng tayo. Nanlaki naman ang mga mata ng babaeng nasa p***o ng kanyang opisina. Hindi ito gumalaw nang ilang segundo, at parang hindi ito humihinga. Nakasuot ito ng hotel housekeeping uniform - simple, malinis, naka-ipit ang buhok, at may malaking trash bag sa isang kamay.

“Ay.” Matagal pa muna bago ito muling nagsalita. “May…tao pala.”

“Oh my God, Grae, who is she?” may pagkamataray na tanong ng kasama niya sabay ayos sa damit nito. Mabilis itong bumaba sa mesa at pumunta sa likod niya para takpan ang sarili.

Tinitigan lang ni Grae ang babae sa p***o, na nakatitig lang din sa kanya “Ano ang ginagawa mo dito?”

Tumingin muna ito sa paligid na para bang sinisigurado kung tama ang napasukang kwarto. “Kukuha po sana ako ng basura, Sir.”

“Nang ganitong oras?” Muntik na siyang matawa sa walang kaemo-emosyong mukha ng kaharap.

“Ganitong oras naman po talaga ako kumuha ng basura, Sir.” Tumingin pa ito sa suot na relo bago muling tumingin sa kanya.

“Hindi ka ba tinuruang kumatok bago pumasok?”

“Akala ko kasi Sir, wala nang tao…alas otso na kasi, Sir. Dapat po, wala nang tao sa floor na ‘to.”

Hindi napigilan ni Grae na magtaas ng kilay. “Obviously, mali ka.”

“Obviously nga.” Mahina iyon pero dinig na dinig iyon ni Grae.

“Excuse me?”

Mula sa kanya ay bumaling ang tingin nito sa babae sa kanyang likuran. “Sorry, ma’am, ha. Pasensya na po sa istorbo.”

Mukha namang sincere ang paghingi nito ng paumanhin pero wala iyon sa itsura nito. Mas lalo tuloy siyang naguluhan dahil karamihan sa mga empleyado niya ay kinakabahan sa harap niya pero ang babaeng iyon? Mukhang inis na inis na para bang siya pa ang may kasalanan at nakaabala sa schedule nito. 

“Saang floor ka ba assigned?”

“Executive floor, Sir.”

“Ano ang pangalan mo?”

Sa halip na sumagot agad ay itinuro nito ang name pin sa dibdib. “Ingrid po.”

“Ingrid? Just Ingrid?”

“Guerrero, po. Ingrid Guerrero.”

Ingrid. Bagay nga ang pangalan nito sa itsura nito, naisip niya. Sharp, simple, unique. Dahil hindi ito tulad ng ibang babaeng nakilala niya - walang designer clothes, walang expensive makeup, walang glamorous styling, walang effort para makakuha ng atensyon. Pero sa hindi niya maintindihang dahilan, kuhang-kuha nito ang atensyon niya nang mga oras na iyon.

“Sir, kukunin ko na po sana ‘yung…basura n’yo sa ilalim ng mesa.”

“Hindi ka ba aware na nakakaistorbo ka ng private meeting?”

Kahit pilit pinigilan, nakita ni Grae ang simple nitong pagngiti. “Ah, meeting po pala,” komento nito sabay tingin sa babae sa likuran niya. 

Tinitigan niya ito nang masama pero hindi ito natinag. Kung ibang sitwasyon iyon, dapat ay kanina pa niya ito pinalayas pero sa totoo lang ay mas na-curious siya dito.

“Lagi ka bang pumapasok nang basta-basta sa mga executive office?”

“Lagi rin po ba kayong nagpapa-private meeting kahit tapos na ang office hours?”

Natahimik ang lahat, pati yata ang butiki sa kisame ay nahiyang mag-ingay. Pinulot na ng babae ang mga nakakalat na damit sa lapag at handa nang umalis. Samantala, dapat ay sinigawan na niya ang chambermaid pero natawa na lang siya na parang hindi makapaniwala. 

Nagpakunot naman iyon sa noo ni Ingrid dahil hindi nito iyon inaasahan. At ilang sandali pa ay nanatili lang itong nakatitig sa kanya at doon niya naalala ang ayos niya nang mga sandaling na iyon - tanggal ang mga butones ng kanyang polo, dahilan para makita ang kanyang pinaghirapang abs, at bukas na ang kanyang sinturon. Muli, napangiti siya dahil doon nakatuon ang mga mata ng dalaga.

“So…tatayo ka na lang ba d’yan…Ingrid?” mapanuya niyang tanong sabay hakbang palapit dito. “O…gusto mong manood ng ginagawa namin?”

“A-ano po, Sir?!”

“Hmm teka…baka naman gusto mong sumali?”

Doon nanlaki ang mga mata ni Ingrid pero maagap din itong ngumiti na parang walang narinig. “M-marami pa po akong gagawin, Sir.” Mabilis nitong kinuha ang basura sa ilalim ng mesa at dumiretso na sa p***o. “Pasensya na po uli sa abala, Ma’am, Sir.”

“Sa susunod, kumatok ka bago ka pumasok.”

“Noted po. Pero sana rin po, sa susunod, mag-lock kayo ng p***o lalo na’t may private meeting kayo.” At pagkatapos ay ngumiti ito bago tuluyang lumabas.

“Wow, ha. Ang tapang naman ng katulong na ‘yon!” narinig niyang sabi ng babae.

Pero hindi niya iyon pinansin. Kahit nakasara na ang p***o ay hindi maalis ni Grae ang mga mata doon. Dahil sa labas ng kanyang opisina ay naroon ang chambermaid na malamang ay abala sa pagtulak sa cart nito sa kahabaan ng hallway, na walang kaalam-alam sa nagawa nito sa kanya.

“Ingrid…”

“Wow, you actually remember her name?”

Yes, he does. Napangiti siya. Bakit nga ba? Samantalang simpleng empleyado lang naman ito. Isang chambermaid na matigas ang ulo at walang takot. Gano’n lang. But he couldn’t shake the fact that for the first time, someone has gotten under his skin. Dahil ngayon lang siya nakatagpo ng babaeng tila walang pakialam sa kung sino siya. 

~~

NANG mag-alas-dose ng tanghali ay halos patakbong nagtungo si Ingrid sa employee lounge ng Hotel Castillone kung saan agad niyang naamoy ang baong lutong instant noodles.

Sa isang hotel na puro luxury ang nakikita ng guests, may sariling mundo ang mga taong nagpapatakbo sa likod nito - mga basag ng plato, mga lumang upuan, vending machine na mas madalas sira kaysa napapakinabangan, at air-conditioning unit na parang display lang dahil tumatagaktak pa rin ang pawis nila habang nagtatrabaho lalo na kung tag-araw. Pero kay Ingrid, iyon ang paborito niyang lugar sa buong hotel. Hindi man ‘aesthetic’, doon lamang siya nakakahinga nang maluwag.

Thirty minutes lang ang lunchbreak niya, twenty-eight kung isasama ang oras ng paglalakad mula sa housekeeping floor. Kaya nang maupo siya sa dulo ng mahabang mesa, agad niyang sinimulang kumain ng pancit canton na binili niya sa maliit na stall sa tabi ng staff entrance.

“Ready ka na ba?”

Napatingin siya kay Zeny na nakaupo sa harap niya. “Ready saan?”

“Sa chika, saan pa ba?”

Napailing siya at natawa dahil gano’n naman palagi ang bungad sa kanya ng kaibigan tuwing nagkikita sila. Si Zeny ang tipo ng tao na kayang gawing parang meeting sa barangay hall kahit five-minute break. May opinyon ito sa lahat - sa guests, supervisors, sa uniporme nila, sa kape, sa temperature ng aircon, at higit sa lahat, kay Graeson Castillone.

“Ikaw ba, handa na?” balik niyang tanong.

“Aba, aba, aba! Kung sa ‘yo galing ang chismis, I’m all ears!”

“Hindi ‘to chismis, Zeny.”

“Ay, mas gusto ko ‘yan, true to life! Sige na, go!”

Luminga-linga muna si Ingrid sa paligid para siguruhing walang makakarinig. “May…nakita ako.”

“Ano ang nakita mo? Saan? Kailan?”

“Shh! Isa-isa lang ang tanong, p’wede ba?”

“Eh ituloy-tuloy mo na ang kwento, p’wede ba? Ilang minuto lang ang break natin!”

Huminga muna siya nang malalim. “So…kagabi. Diba, assigned ako sa executive floor…”

“Oh?”

“Pagbukas ko ng p***o ng opisina ni…Sir Grae…”

“O.M.G!”

“Zen, wala pa!”

“Ay sorry! Pinapa-excite mo naman kasi ako masyado!”

“Pagbukas ko…nando’n si Sir…may…kasamang babae.”

“Girl, Ingrid. Normal na lang kay Sir ‘yon. Ah, oo nga pala, bago ka pa lang kaya hindi mo pa siya masyadong kilala.”

“Zen, hindi ito normal na may kasamang babae lang sa opisina! M-may…ginagawa sila!”

“Hala! Anong ginagawa?”

“‘Yung…gano’n.”

Doon nanlaki ang mga mata ni Zeny. “Diyos ko po…as in…gano’n?”

Tumango si Ingrid pero umiling din. “Well…parang gano’n na din kasi…”

“Kasi ano? Ano ba talaga ang nakita mo?”

“Shh! Huwag kang maingay, baka may makarinig sa atin!” Nagbaba siya ng tingin at kunwaring abala sa pagkain. “Ano kasi, ‘yung babae…nakaupo sa mesa ni Sir…walang…damit sa taas tapos si Sir…”

“Ano si Sir? N*******d ba? Kita ba abs? Kita ba ‘yung ano? Malaki ba?”

“Zen!”

“Sorry, sorry! Curious lang!”

“Okay, for the record, hindi ko nakita ‘yon kasi, nakapantalon pa siya! Pero ‘yung abs, bhe, Diyos ko!”

“Ayyy!” 

Napatingin sa kanila ang ibang kasamahan dahil sa lakas ng tili ni Zeny. Agad niyang tinakpan ang bibig ng kaibigan at pinanlakihan ng mata. 

“Shh!”

“Sorry na, sige na, behave na po ako…ano pa ang nakita mo?”

Napailing na lang siya at napahawak sa noo. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin niya napo-proseso nang buo ang nasaksihang eksena kagabi. Dahil aminin man niya o hindi, naapektuhan siya sa nakita - maganda o masamang epekto? Hindi pa niya alam. Basta hindi siya nakatulog nang maayos kagabi dahil kahit nakapikit ay paulit-ulit niyang nakikita ang boss at ang ginagawa nito sa babaeng iyon.

At nang pumasok siya kaninang umaga, inisip na lang niya na tapusin ang trabaho nang maaga dahil wala siyang balak na makita uli ang boss na nakasubsob sa dibdib ng isang babae.

“Umarte lang akong walang pakialam pero Zen, na-trauma yata ako sa nakita ko. Hindi maalis sa isip ko ‘yung eksena…”

“Girl, kahit sino siguro, hindi maaalis sa isip ‘yung gano’ng eksena! Kung ako nga ikaw, baka pinagpantasyahan ko pa ‘yon.”

“Zen!”

“Aba, magpapaka-ipokrita pa ba tayo? Si Boss Grae ‘yon! Ngiti pa lang, ulam na! At titig pa lang, kaya ka nang dalhin sa langit!”

“Diyos ko, Zen, ano ba naman ‘yang mga sinasabi mo?”

“Oh, hindi ba totoo naman?”

“Well…” Pinamulahan ng mukha si Ingrid. Aaminin niya na unang kita pa lang niya sa Boss nila ay iba na ang epekto nito sa kanya, na katulad siguro ng epekto nito sa lahat ng babaeng nakakakita rito. Pero siyempre, hanggang do’n lang ‘yon at wala siyang balak na ipakita rito na apektado siya sa presensya nito.

“Pero alam mo bhe, hindi ‘yan ang unang pagkakataon na may kwentong ganyan tungkol kay Boss.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Marami nang ganyan. Iba-ibang babae, pero parehong pattern.”

“Pattern?”

“May dumadating na mga babae, tapos, nawawala.”

“N-nawawala?” Bigla siyang namutla.

“Hoy, hindi literal, bhe, grabe naman ‘yang reaksyon mo! Wala tayo sa murder documentary!”

Napairap siya. “Kasi naman ‘yang choice of words mo.”

“Ang ibig kong sabihin, dumarating sila sa hotel, minsan mag-isa, minsan kasama si Boss…madalas pumapasok sa opisina niya, minsan naman doon sa paborito niyang suite doon sa 6th floor. Tapos, pagkaraan ng ilang oras, wala na.”

“Walang nagtataka, walang nagtatanong?”

Umiling si Zeny. “Wala. Wala naman dapat pakialam ang staff sa kung ano man ang trip ni Boss.”

Sa labas ng employee lounge, maririnig ang kalansing ng trolley wheels sa hallway. May mga tumatawang housekeeping staff sa kabilang bahagi samantalang may nagkakagulo sa pagkuha ng additional towels sa isa pa. Normal lang ang lahat sa isang normal na hotel pero para kay Ingrid, biglang wala nang normal na pangyayari doon simula kagabi.

“Zen, ano ‘yung paboritong suite ni Boss na sinasabi mo? ‘Yun bang…Suite Six?”

“Bakit mo naitanong?” Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin na parang may nasabi siyang hindi dapat.

“Pansin mo ba na sa tuwing may weird na nangyayari lalo na sa 6th floor, nando’n din si Sir?”

“Anong…weird na nangyayari?”

“Hoy, huwag ka nga, Zen. Alam mo ang sinasabi ko, huwag ka nang magmaang-maangan d’yan. Kahit ilang buwan pa lang ako rito, ang dami ko nang naririnig tungkol sa Suite Six, ikaw pa kaya na ilang taon na dito?”

“Hay, baka coincidence lang ‘yon. O kaya, bilang Boss, siyempre, dapat talagang nando’n siya sa mga gano’ng sitwasyon, diba?”

P’wede pero hindi kumbinsido si Ingrid. Marami na siyang napasukang hotel para malaman na ang hotel na tulad ng Hotel Castillone ay may sariling panuntunan at may sikreto ang bawat bisita. 

“Hoy, Ingrid. Mangako ka nga sa akin.”

“Na ano?”

“Na kahit ano ang makita mo, huwag kang makikialam. Chambermaid lang tayo dito. Empleyado. Tagalinis ng naiwang dumi ng mga guests. Gano’n lang. Maglinis ka lang, magtrabaho, tapos, umuwi. Gano’n. Gets?”

“Gets naman.”

“Good.” Huminga ito nang malalim at iniligpit na ang tray ng pagkain. “Dahil mahirap madamay sa problema ng isang billionaire playboy tulad ni Boss.”

Hindi pa man sila nakakatayo ay bumukas agad ang pintuan at pumasok si Miss Galvez, ang kanilang supervisor. Matangkad ito, maganda ang ngiti, at makapal ang salamin sa mata. Sa totoo lang, mas mukha itong terror na librarian kaysa supervisor.

“Okay girls, sino ang available sa inyo mamayang three?”

Walang sumagot at alam niya kung bakit. Hindi dahil sa walang available kundi dahil ayaw nilang maging available. Biglang naging interesado ang lahat sa mga kinakain at ang iba ay nagsimulang mag-scroll sa kani-kaniyang cellphone. Napapailing na lang ang supervisor dahil sanay na ito sa ganoon.

“May special cleaning request lang, kayo naman. Para kayong hahatulan ng bitay, ah.”

Wala pa ring sumasagot, wala pa ring nagbo-volunteer.

“Three o’clock,” ulit nito. “Isang room lang.”

Isang babaeng nakaupo malapit sa bintana ang sa wakas ay nagtaas ng kamay. “A-anong room po?”

Tiningnan ng supervisor ang hawak na clipboard. “Suite Number Six.”

Lalong natahimik ang lahat. Dahan-dahang inilibot ni Ingrid ang paningin sa paligid at napansin niyang kahit ang mga abalang empleyado ay biglang natigilan.

Nagkatinginan sila ni Zeny at nagkaintindihan.

“Ano, wala bang libre sa inyo?” ulit ni Miss Galvez.

“Ma’am, sa regular floors na po ako, eh,” sabi ng isa.

“Ako rin, Ma’am. Assigned na ‘ko sa fifth floor.”

Tinitigan ni Miss Galvez ang mga ito. “Isang suite lang ang kailangang asikasuhin mamaya.”

Pero wala pa ring natitinag. Dahan-dahang inilapag ni Ingrid ang tinidor. “Ano po ba ang meron sa Suite Number Six, Ma’am? Bakit ayaw nila? Bakit parang umiiwas sila?” mahina niyang tanong, na nagpalaki ng mga mata ni Zeny, hindi makapaniwalang magtatanong siya nang ganoon.

Napatingin sa kanya ang supervisor. “Ayaw? Walang may ayaw. Nagkataon lang na may mga kani-kaniya na silang trabaho…teka, ikaw…” Lumapit ito at tiningnang mabuti ang kanyang name pin. “Ingrid, tama? Ingrid Guerrero?”

“Opo, ma’am.”

“Tamang-tama. Pagkatapos ng trabaho mo, bago ka umuwi, dumaan ka sa opisina ni Sir Grae.”

“Hala, bakit, ma’am?” kunut-noo niyang tanong, agad na bumilis ang tibok ng kanyang puso.

“Iyon ang bilin sa akin. Huwag ka raw pauuwin hangga’t hindi ka dumadaan sa kanya.”

“Bakit daw po?”

“Eh, walang sinabi. Basta dalhin mo ang service trolley at baka may ipapalinis.”

“Ah, baka may naiwang basura sa opisina,” bulong niya, nang muling maalala ang babaeng nakita niya sa ibabaw ng mesa nito kagabi.

“Ano ‘yon, Guerrero?”

“Ay, wala po ma’am. Sige po, magdadala ako ng trolley, ma’am.”

“Good. Huwag mong kalilimutan.” Tumalikod na ito at muling hinarap ang mga tauhan. “Oh, wala ba talagang gustong mag-volunteer?  Magpapalit lang ng linens, linis ng banyo, maglalagay ng bagong tuwalya…the usual. Iyon lang.”

Kung iyon lang, bakit walang gustong ma-assign sa Suite Number Six? Nilingon niya ang kaibigan na marahang umiiling. 

“Sige, ‘yung na-assign na lang last week, siya na lang uli para matapos na ‘to.”

Nang makaalis na si Miss Galvez ay nagpatuloy ang bulungan ng mga kasamahan.

“Diyos ko, parang gusto ko na lang yatang mag-resign,” sabi niya sa kaibigan habang nagliligpit ng pinagkainan. “Bakit ako pinapatawag ni Sir? Dahil ba do’n sa kagabi? Of course, dahil ‘yon sa kagabi, diba? Baka tatanggalin ako, uunahan ko na siya.”

Sa halip na maawa ay tinawanan lang siya nito. “Hay naku, ayan ka na naman sa pag-o-overthink mo. Malay mo naman, talagang may ipapalinis lang.”

“Sa dinami-dami, bakit ako ang nirequest niya, aber?”

“Eh kasi siguro…na-cute-an sa ‘yo.”

Siya naman ang natawa. “Na-cute-an? Naku, sinasabi ko sa ‘yo, sa mga nasabi ko sa kanya kagabi, malayong ma-cute-an sa akin ‘yon.”

“Bakit, tinarayan mo ba?”

“Zen, ano pa ba ang p’wede kong gawin? Alam mo namang defense mechanism ko ‘yon!”

“Paano kung na-cute-an siya sa pagtataray mo? Naku, Ingrid. Walang nagtataray do’n kay Boss. If ever, ikaw pa lang.”

Dahan-dahan niya itong nilingon. So, dapat na talaga akong mag-resign, ano?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dirty Deeds from Mr. Grae’s Suite Number Six   CHAPTER 4: Suite Number Six

    “ANO ba ang ginagawa ko rito?”Iyon ang unang pumasok sa utak ni Ingrid. Alas-sais na no’n ng gabi, tapos na ang shift niya, nakapag-logout na, nakapagpalit na siya ng damit, at handa nang umuwi nang maalala niyang naiwan niya ang tumbler niya sa storage room ng executive floor.Kaya heto siya ngayon, naglalakad sa tahimik na hallway ng ikaanim na palapag. Hindi mawari ni Ingrid pero pakiramdam niya, kakaiba ang hotel nang gabing iyon. Mas mukhang misteryoso, mukhang tahimik. Dahan-dahan ang ginawa niyang paglakad na para bang may pinagtataguan. Ilang hakbang pa ay huminto siya nang marinig ang mahinang tunog ng pagbukas ng pinto - sa dulo ng hallway, sa Suite Number Six.Hindi niya alam kung bakit pero automatic na bumagal ang lakad niya habang palapit doon sa Suite Six. Hindi naman siya lalapit, hindi naman niya kailangang lumapit. Dadaan lang siya, iyon ang sabi niya sa sarili. Pero biglang bumukas ang pinto ito at napahinto siya nang may isang babaeng lumabas mula roon. Maganda, e

  • Dirty Deeds from Mr. Grae’s Suite Number Six   CHAPTER 3: The Billionaire Meets the Chambermaid

    EKSAKTONG alas sais ng gabi ay nasa harap na ng opisina ni Grae si Ingrid, nasa tabi ang cart na naglalaman ng mga gamit panglinis. Tahimik ang buong palapag, lalo na sa pasilyong iyon. Makapal ang carpet at sa tingin niya ay sound proof ang mga kwarto doon lalo na ang executive office.Mula sa trolley ay umangat ang kanyang tingin sa pangalang nasa pinto - gawa sa ginto, kumikinang kapag natatamaan ng ilaw.Graeson Castillone. Owner/Chief Executive Officer“Okay,” bulong niya sa sarili. “Opisina lang ‘to, Ingrid. Normal na opisina lang. Maglilinis ka lang sa loob, tapos, aalis ka na.” Pilit niyang pinapakalma ang sarili kahit pa nanginginig ang mga daliri. Sa totoo lang, mas gusto pa niyang maglinis ng sampung banyo kaysa makipag-usap sa Graeson Castillone na iyon.Malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya bago kumatok doon.“Come in.” Mababa ang boses nito, relaxed, na parang walang problema sa mundo. Pagbukas niya ng pinto ay gusto agad niyang magsisi. Mula sa pagkakaupo ay

  • Dirty Deeds from Mr. Grae’s Suite Number Six   CHAPTER 2: The Chambermaid

    ISA sa mga ayaw na ayaw ni Grae ay ang maistorbo lalo na kapag ganoong abala siya sa pagpapaungol sa babaeng nakaupo sa ibabaw ng kanyang office table. Wala na itong pang-itaas at nakalilis na ang itim na palda nito…“Oh, Grae…”Nag-angat siya ng tingin at pinagmasdan ang nakapikit na dalaga. “Hmm? What is it, babe?”“L-lick me please…”“Your wish is my-”Hindi naituloy ni Grae ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Walang katok, walang babala. Natigilan siya at umayos ng tayo. Nanlaki naman ang mga mata ng babaeng nasa pinto ng kanyang opisina. Hindi ito gumalaw nang ilang segundo, at parang hindi ito humihinga. Nakasuot ito ng hotel housekeeping uniform - simple, malinis, naka-ipit ang buhok, at may malaking trash bag sa isang kamay. “Ay.” Matagal pa muna bago ito muling nagsalita. “May…tao pala.”“Oh my God, Grae, who is she?” may pagkamataray na tanong ng kasama niya sabay ayos sa damit nito. Mabilis itong bumaba sa mesa at pumunta sa likod niya para takpan ang

  • Dirty Deeds from Mr. Grae’s Suite Number Six   CHAPTER 1: The Womanizer from Suite Number Six

    MAHIGPIT pa rin ang pagkakapulupot ng braso ng babae sa leeg ni Grae at nakapikit pa rin ang mga mata habang hinahalikan niya ang mga labi nito. Habang tumatagal ay lumalalim ang halik ni Grae at nagiging mas mapangahas ang kanyang mga kamay na gumagapang sa katawan ng dalaga. Itutulak sana siya nito palayo pero bigla niya itong isinalya sa dingding. “Hmm, you want it rough, right?” paungol niyang bulong. Tuloy lang siya sa paghalik sa leeg nito habang abala ang isa niyang kamay sa ilalim ng suot nitong maiksing bestida. “Hindi ba sabi ko, huwag ka nang magsuot nito kapag nagkita tayo dito?” Saglit siyang tumigil sa paghalik at tiningnan ito sa mga mata. “Hindi mo naman kailangan ‘to ngayon, baby dahil…ito lang naman ang gusto ko…” Ikinawit niya ang isang daliri sa suot nitong panty at mabilis na ipinasok iyon sa loob. “G-Grae!” Mariin nitong ipinikit ang mga mata at mas humigpit ang kapit nito sa leeg niya nang maramdaman ang pagmasahe niya sa pinakaiingatan nito“Tell me how much

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status