로그인“ANO ba ang ginagawa ko rito?”
Iyon ang unang pumasok sa utak ni Ingrid. Alas-sais na no’n ng gabi, tapos na ang shift niya, nakapag-logout na, nakapagpalit na siya ng damit, at handa nang umuwi nang maalala niyang naiwan niya ang tumbler niya sa storage room ng executive floor.
Kaya heto siya ngayon, naglalakad sa tahimik na hallway ng ikaanim na palapag. Hindi mawari ni Ingrid pero pakiramdam niya, kakaiba ang hotel nang gabing iyon. Mas mukhang misteryoso, mukhang tahimik. Dahan-dahan ang ginawa niyang paglakad na para bang may pinagtataguan. Ilang hakbang pa ay huminto siya nang marinig ang mahinang tunog ng pagbukas ng p***o - sa dulo ng hallway, sa Suite Number Six.
Hindi niya alam kung bakit pero automatic na bumagal ang lakad niya habang palapit doon sa Suite Six. Hindi naman siya lalapit, hindi naman niya kailangang lumapit. Dadaan lang siya, iyon ang sabi niya sa sarili. Pero biglang bumukas ang p***o ito at napahinto siya nang may isang babaeng lumabas mula roon. Maganda, elegante. Mukhang galing sa isang expensive dinner - slim red dress, high heels, long hair. Hawak nito ang clutch sa isang kamay habang mabilis na inaayos ang strap ng damit nito gamit ang isa pa.
The lady looked composed. Almost. Pero may kakaiba sa mukha nito, na parang may iniisip, parang may inaalala.
At bago pa tuluyang maisara ng babae ang p***o, sumulyap muna ito sa loob. Hindi man lang siya napansin nito nang tuluyan itong lumayo. Pero may napansin si Ingrid pag-alis ng babae - hindi nakasarado nang mabuti ang p***o dahil may taong humawak niyon mula sa loob. May tao sa loob. May naiwang tao sa loob ng Suite Six.
Napatitig doon si Ingrid. Palaisipan pa rin sa kanya kung ano talaga ang meron sa Suite Six dahil lahat ng pinagtatanungan niya ay walang maisagot kundi - wala. Pero bakit may mga taong lumalabas doon na parang ayaw na may nakakakita sa kanila? At bakit parang parating may nangyayaring lihim sa lugar na iyon?
Hay naku, Ingrid. Tama ka na nga. Huwag ka nang makialam. Hindi mo trabaho ‘yan!
Pinindot na niya ang elevator at sumakay doon. Pasara na sana iyon nang may isang kamay na sumingit para muli iyong bumukas.
Grae was wearing a charcoal suit that night, nakabukas ang blazer, may hawak na cellphone ang isang kamay. Medyo magulo ang buhok nito na parang sinabunutan ng babae habang…
Napailing si Ingrid para tanggalin ang imaheng nabuo sa isip.
“Pauwi ka na?”
“Y-yes po, Sir.”
Nang sumarado ang elevator ay ramdam na agad ni Ingrid ang tensyon. Pinilit niyang tumingin lang nang diretso sa harap pero nakita niya sa repleksyon nila sa salamin na dingding na tinitingnan siya nito.
“May nakita ka?”
Napakagat-labi sya. “Sir?”
“Nakita mo ‘yung babaeng lumabas sa Suite Six.”
Pinili niyang tumahimik at alam niyang naghihintay si Grae sa kanyang sagot.
“Ingrid…nakita mo siya, diba?”
“O-opo.”
“And?”
“Wala po.”
“Hindi mo ba siya nakilala?”
Marahan siyang umiling. “Hindi po.”
“Hindi ka ba nagtataka kung bakit siya nando’n sa kwarto na ‘yon?”
Kumunot ang noo niya at binalingan ito ng tingin. “H-hindi ko naman po trabaho na malaman ang tungkol do’n.”
Saglit na nawala ang ngiti sa mukha ni Grae, hindi dahil sa na-offend ito sa sagot ni Ingrid kundi dahil sa hindi nito iyon inaasahan, na hindi siya magsasalita ng anupaman tungkol doon.
“Hindi iyon ang tanong ko.” Ibinalik ni Grae ang cellphone sa bulsa. “Ang tanong ko, kung nagtataka ka kung bakit nasa Suite Six ang babaeng ‘yon.”
Humigpit ang pagkakakapit niya sa hawak na tumbler. Wala namang dahilan para kabahan siya nang gano’n pero halos maghabol siya ng hininga habang nakatingin sa binata.
“Kahit sino po yata, magtataka, Sir, diba? Pero…wala naman akong balak makialam.”
“Hmm…” Dahan-dahan itong lumapit sa kanya. “So, you’re really thinking about that room…iniisip mo kung ano ang nangyayari sa loob…at iniisip mo kung may kinalaman ako…”
“H-hindi naman po krimen ang maging curious, Sir.”
“Maging curious sa…akin?”
“S-sir?” Pakiramdam ni Ingrid, biglang lumiit ang espasyo ng elevator at ramdam din niya ang pag-init ng kanyang leeg. Bakit gano’n na lang ang kaba niya sa tuwing tititigan siya nito? At ang mas malala, alam niyang alam nito na gano’n ang epekto nito sa kanya.
“Sabihin mo nga, Ingrid…hindi ka makatingin nang diretso sa akin?”
Hindi alam ni Ingrid kung matatawa, mahihiya o maiinis sa kaharap. “Anong ibig n’yong sabihin, Sir? Nakakatingin naman ako sa inyo nang-”
“Sige nga.”
Bago pa siya makapalag ay nakalapit na ito sa kanya. Inilagay nito ang isang kamay sa dingding, sa tabi ng kanyang ulo, at tinitigan siyang mabuti. Napasinghap siya hindi lang dahil sa sobrang lapit nito kundi dahil sa agad niyang naramdaman ang init na nagmumula sa katawan nito.
“Look at me, Ingrid.”
Sinubukan niyang sundin ang utos ng boss. Isang segundo, dalawa, tatlo. At sa panglimang segundo ay siya na rin ang sumuko at nagbaba ng tingin.
“See? Tama ako. Hindi mo ako kayang tingnan.”
“W-wala namang dahilan para tingnan ko kayo…at isa pa, boss ko po kayo…”
“Bakit ang ibang babae, ang staff ko, tulad mong housekeeping…” Sa wakas ay lumayo ito pero hindi iyon sapat para makahinga siya nang maluwag. “In fact, naghahanap lagi sila ng rason para pumunta sa opisina ko. They flirt with me in the lobby…they laugh at my jokes that aren’t even funny. Pero ikaw…”
“Hindi naman po ako nagtrabaho dito para lumandi, Sir.”
“Hmm, ayaw mong subukan?”
Nanlaki ang mga mata niya, na mas lalong nagpangiti kay Grae. “A-ano pong sinasabi n’yo?”
“Dahil…gusto mo rin naman ako, diba?”
Diretso, kaswal. Hindi alam ni Ingrid kung saan nakukuha ng binata ang lakas ng loob na magsalita ng gano’n. Ah, oo nga pala, ito nga lang pala ang may-ari ng hotel na iyon, at ng marami pa. Napailing siya. Sayang, naisip niya. Dahil unti-unting naglalaho ang paghanga niya rito.
“Sorry Sir ha pero nagkakamali kayo.”
“What do you mean, that you don’t like me?”
Umiling siya.
“Kahit kaunti?”
Muli siyang umiling at muli, tinitigan siya nito na para bang may hinahanap - a crack, a reaction, kahit na anong magpapatunay sa pinipilit nito. Pero hindi niya ito pagbibigyan nang gano’n-gano’n lang.
“You know, you’re a terrible liar. You are attracted to me and we both know it.”
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. “Bakit n’yo ba pinipilit ang isang bagay na hindi naman…totoo?”
“Dahil ayoko ng nagsisinungaling sa harap ko.” Humakbang ito palayo at humarap sa p***o ng elevator at doon siya nito tiningnan. “Sige nga. Bakit ka kinakabahan sa tuwing nilalapitan kita?”
“S-sino naman ang may sabi sa inyo na kinakabahan ako kapag-”
“Hindi na kailangang may magsabi sa akin dahil halatang-halata naman.” Muli siya nitong nilingon at inilapit ang katawan sa kanya. “Hindi ka makahinga nang maayos kapag katabi mo ‘ko, diba?”
Binuksan niya ang bibig para salungatin ang sinabi nito pero walang anumang lumabas mula roon.
“See? Ni hindi ka makapagsalita nang maayos.”
“Sir, ano ba ‘tong ginagawa n’yo?”
“Well, I’m testing you.”
“Testing?”
“Para malaman kung gaano ka tatagal bago ka umamin na gusto mo rin ako.”
Tuluy-tuloy lang ang elevator sa pagbaba, kasabay ng pagbaba ng tingin ni Grae mula sa kanyang mukha hanggang sa mga labi niya. At doon niya napatunayan na hindi lang siya nag-i-ilusyon. He was actually thinking about kissing her. At nang humakbang pa ito nang palapit ay napapikit siya. Hindi siya nito hinawakan, pero hindi na iyon kailangan para maramdaman ang presensya nito.
“Ingrid…would you say no if…” Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kanya nang hindi inaalis ang tingin sa kanyang mga mata.
“S-Sir-”
“Tell me to stop...”
Humakbang siya paatras hanggang sa maramdaman niya ang dingding sa kanyang likod. Mas lumakas ang tibok ng kanyang puso nang halos isang pulgada na lang ang layo ng mga labi nito sa labi niya.
“Ingrid…”
“Stop, S-sir!”
Iyon ang tila nagpabalik kay Grae sa realidad. Dahan-dahan itong lumayo at umiling. Pero ilang sandali lang ay napangiti ito. “Hmm, interesting. You actually stopped me. Sa totoo lang, ngayon lang may tumanggi sa akin.”
Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya roon. Dahil sa totoo lang, proud siya sa sarili na nakayanan niyang humindi sa gusto nito pero sa kabilang banda, may kaunti siyang panghihinayang dahil sa ginawa niyang pagtanggi.
Mabuti na lang at tumunog na ang elevator at bumukas ang p***o niyon dahil kung hindi, hindi niya alam kung ano ang posibleng mangyari.
“S-sige po, good evening,” paalam niya bago lumabas ng elevator. Makakahinga na sana siya nang maluwag pero natigilan siya ang lumabas rin si Grae at sinundan siya.
“Ingrid.”
“S-Sir?”
“Coffee.”
“Po?”
“Coffee, tomorrow. You. Me.”
Kumunot ang noo niya. “Bakit po?”
“Interesado ka sa Suite Six, diba?”
Doon napatigil si Ingrid. Sa totoo lang, nawala na sa isip niya ang tungkol sa Suite Number Six. Dapat ay umiling siya at magsinungaling na wala na siyang pakialam doon pero hindi niya nagawa dahil nangingibabaw ang kagustuhan niyang malaman ang totoo. Hindi siya kumibo, at alam niyang alam ni Grae ang ibig no’ng sabihin.
“So, coffee. Tomorrow,” ulit nito, na para bang wala siyang karapatang tumanggi.
“Sorry po pero hindi po p’wede kasi…”
“I’ll still wait for you anyway. Ime-message ko na lang sa ‘yo ang time and location, okay?”
Doon siya natawa. “Hindi n’yo naman alam ang number ko.”
“Oh, hindi mo pa ba talaga kilala ang kausap mo, ano, Ingrid? Well, let me remind you, I am Graeson Castillone, ang billionaire owner ng Hotel Castillone at iba pang businesses at properties. And I have all the means to know everything about anybody. As we speak, alam ko na ang cellphone number mo, landline, address, places you frequent…kaya huwag ka nang magulat kung bigla na lang akong lumitaw sa harap ng p***o ng apartment mo one of these days because I don’t take no for an answer, Ingrid. You are going to have coffee with me whether you like it or not.”
“ANO ba ang ginagawa ko rito?”Iyon ang unang pumasok sa utak ni Ingrid. Alas-sais na no’n ng gabi, tapos na ang shift niya, nakapag-logout na, nakapagpalit na siya ng damit, at handa nang umuwi nang maalala niyang naiwan niya ang tumbler niya sa storage room ng executive floor.Kaya heto siya ngayon, naglalakad sa tahimik na hallway ng ikaanim na palapag. Hindi mawari ni Ingrid pero pakiramdam niya, kakaiba ang hotel nang gabing iyon. Mas mukhang misteryoso, mukhang tahimik. Dahan-dahan ang ginawa niyang paglakad na para bang may pinagtataguan. Ilang hakbang pa ay huminto siya nang marinig ang mahinang tunog ng pagbukas ng pinto - sa dulo ng hallway, sa Suite Number Six.Hindi niya alam kung bakit pero automatic na bumagal ang lakad niya habang palapit doon sa Suite Six. Hindi naman siya lalapit, hindi naman niya kailangang lumapit. Dadaan lang siya, iyon ang sabi niya sa sarili. Pero biglang bumukas ang pinto ito at napahinto siya nang may isang babaeng lumabas mula roon. Maganda, e
EKSAKTONG alas sais ng gabi ay nasa harap na ng opisina ni Grae si Ingrid, nasa tabi ang cart na naglalaman ng mga gamit panglinis. Tahimik ang buong palapag, lalo na sa pasilyong iyon. Makapal ang carpet at sa tingin niya ay sound proof ang mga kwarto doon lalo na ang executive office.Mula sa trolley ay umangat ang kanyang tingin sa pangalang nasa pinto - gawa sa ginto, kumikinang kapag natatamaan ng ilaw.Graeson Castillone. Owner/Chief Executive Officer“Okay,” bulong niya sa sarili. “Opisina lang ‘to, Ingrid. Normal na opisina lang. Maglilinis ka lang sa loob, tapos, aalis ka na.” Pilit niyang pinapakalma ang sarili kahit pa nanginginig ang mga daliri. Sa totoo lang, mas gusto pa niyang maglinis ng sampung banyo kaysa makipag-usap sa Graeson Castillone na iyon.Malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya bago kumatok doon.“Come in.” Mababa ang boses nito, relaxed, na parang walang problema sa mundo. Pagbukas niya ng pinto ay gusto agad niyang magsisi. Mula sa pagkakaupo ay
ISA sa mga ayaw na ayaw ni Grae ay ang maistorbo lalo na kapag ganoong abala siya sa pagpapaungol sa babaeng nakaupo sa ibabaw ng kanyang office table. Wala na itong pang-itaas at nakalilis na ang itim na palda nito…“Oh, Grae…”Nag-angat siya ng tingin at pinagmasdan ang nakapikit na dalaga. “Hmm? What is it, babe?”“L-lick me please…”“Your wish is my-”Hindi naituloy ni Grae ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Walang katok, walang babala. Natigilan siya at umayos ng tayo. Nanlaki naman ang mga mata ng babaeng nasa pinto ng kanyang opisina. Hindi ito gumalaw nang ilang segundo, at parang hindi ito humihinga. Nakasuot ito ng hotel housekeeping uniform - simple, malinis, naka-ipit ang buhok, at may malaking trash bag sa isang kamay. “Ay.” Matagal pa muna bago ito muling nagsalita. “May…tao pala.”“Oh my God, Grae, who is she?” may pagkamataray na tanong ng kasama niya sabay ayos sa damit nito. Mabilis itong bumaba sa mesa at pumunta sa likod niya para takpan ang
MAHIGPIT pa rin ang pagkakapulupot ng braso ng babae sa leeg ni Grae at nakapikit pa rin ang mga mata habang hinahalikan niya ang mga labi nito. Habang tumatagal ay lumalalim ang halik ni Grae at nagiging mas mapangahas ang kanyang mga kamay na gumagapang sa katawan ng dalaga. Itutulak sana siya nito palayo pero bigla niya itong isinalya sa dingding. “Hmm, you want it rough, right?” paungol niyang bulong. Tuloy lang siya sa paghalik sa leeg nito habang abala ang isa niyang kamay sa ilalim ng suot nitong maiksing bestida. “Hindi ba sabi ko, huwag ka nang magsuot nito kapag nagkita tayo dito?” Saglit siyang tumigil sa paghalik at tiningnan ito sa mga mata. “Hindi mo naman kailangan ‘to ngayon, baby dahil…ito lang naman ang gusto ko…” Ikinawit niya ang isang daliri sa suot nitong panty at mabilis na ipinasok iyon sa loob. “G-Grae!” Mariin nitong ipinikit ang mga mata at mas humigpit ang kapit nito sa leeg niya nang maramdaman ang pagmasahe niya sa pinakaiingatan nito“Tell me how much







