Início / Romance / Dirty Rich Billionaire / Chapter 10: Weirdest Dream

Compartilhar

Chapter 10: Weirdest Dream

Autor: purplepink
last update Última atualização: 2025-11-05 23:09:28

Naalimpungatan ako sa malamig na bagay na dumadampi sa likuran ko. Napapangiwi na lang ako sa tuwing dinidiinan ang parte ng katawan kong iyon. Kasalukuyan akong nilalagyan ng cold compress kaya ramdam ko ang lamig ng yelo. Mukhang nagkapasa nga ako dahil sa ginawa ni Eva. Ang sakit talaga sa loob eh.

Ang duga ng babaeng iyon. Gumamit siya ng matigas na bagay para mapuruhan ako. Marumi pala siya makipag-away. Hindi na ako magtataka kung isang araw bigla na lang niya akong saksakin.

“Tsk. Akala ko pa naman ay pinaghahandaan mo ang pagbabalik ni Eva. Bakit ka nabugbog, tanga?” Natigilan ako sa mga sinabi ng taong kasama ko ngayon. Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko dahil sa inis. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay kilala ko kung sino siya.

Nakadapa ako ngayon dahil ang sakit sa likod kapag nakatihaya ako. Hindi ko na maalala kung paano ako napunta sa kama. Nawalan ako ng malay eh.

Ano kayang nangyari kina Eva? Anong ginawa ni Rico sa kanila?

“Eh, kung ikaw kaya ang nasa sitwasyon ko, aber? Tsaka, wala ka namang obligasyon sa akin.” Dahan-dahan akong bumangon at umupo paharap sa kaniya. Seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko tuloy maisip kung nag-alala ba talaga siya sa akin o nadismaya siya dahil buhay pa ako?

If I know, gusto niya lang ako mawala sa landas niya. Kaya ang tagal niyang dumating kanina.

“Obligasyon kita. Nasa puder kita. At kahit sinong naninirahan sa pamamahay kong ito ay obligasyon ko. Obligado akong pangalagaan kayo.” Inismiran ko na lang siya at tinalikuran. Aba, hindi ko nakakalimutan ang sinabi niya sa akin kanina at ang tinawag niya.

Ako? Tanga? Kung alam lang niya kung ano ang sinapit sa akin ng lalaking pinrito ko ng buhay. Baka gusto niyang gawin ko rin iyon sa kaniya?

“Kita mo. Hindi pa kita tapos kausapin pero tinalikuran mo na ako. Asal mahirap nga naman. Walang galang sa kausap.”

Alam kong napipikon na siya sa akin. Pero hindi ako nasasaktan sa sinabi niya. Bakit ko naman iyon didibdibin? Malaki naman ang hinaharap ko. Hindi naman ako mahirap gaya niya. Tsaka, hindi niya deserve ang paggalang ko sa kaniya. Gagalangin ko lang siya kung kagalang-galang na siya.

“Ay teka, may kausap ba ako? Akala ko multo,” sarkastikong sabi ko at pilit na bumaba ng kama, kahit na masakit pa ang likod ko.

Makaalis nga muna ng kuwarto. Nakakasakal sa loob. Hindi ako makahinga. Polluted na siguro ang bahay niya.

“At saan ka na naman pupunta? Gabi na,” medyo mahina pero may tono ng pagbabanta na saad niya. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

“Sa rooftop lang magpapahangin. Ubos na kasi ang fresh air dito sa kuwarto.”

“Kaya mo nakaaway si Eva ay dahil matabil din iyang dila mo. Sana sa susunod, makaganti na sa iyo si Eva ng maturuan ka ng leksyon.”

Humarap ako sa kaniya at nameywang. Hindi ko matatanggap ang sinabi niya. Bakit parang pabor na sa kaniya ang paghihiganti ni Eva sa akin? Natauhan na ba siya kaya niya kinakampihan ang babaitang iyon?

“Ayon! Lumabas din mismo sa bibig mo. Alam mo, unti-unti na akong naniniwala na gusto mo ‘yong Eva. In denial ka lang. Ayaw mong aminin pero gusto mo siya!” Bigla siyang tumayo at tinulak ako sa dingding. Napangiwi na lang ako sa paghampas ng likod ko sa pader.

P*tangina mo, Rico. Baldado na nga ang tao, dadagdagan mo pa. Baka hindi na ako makaalis ng normal dito. Magiging PWD na lang ako bigla.

“Wala akong gusto kay Eva. Naiintindihan mo ba?” giit niya. Parehong nakatukod ang mga kamay niya sa pader kaya napapagitnaan ako ng makikisig niyang mga bisig.

Kung katulad lang ako ng mga babaeng kinikilig kaagad kapag nakorner sila ng mga lalaki, baka mag-enjoy din ako. Pero ang pagkirot ng likod ko at ang kaba sa dibdib ko ay dumadagdag lang sa akin ng panic. Hindi ko alam kung ano pang gagawin ni Rico. Pero natatakot na ako. As if, isa akong gangster na pinapahirapan niya.

“Lumayo ka nga sa akin!” mahinang sigaw ko at sinipa ng mahina ang isa niyang tuhod. Pero walang talab sa kaniya.

Lalo lang akong naiinis sa kaniya. Akala ko pa naman okey na kami. Handa na sana akong maging kaibigan siya. Pero mukhang mauudlot.

“Mananatili ka sa silid na ito hanggang hindi gumagaling ang likod mo. Maliwanag?”

“At bakit naman ako makikinig sa iyo?” walang ganang tanong ko at napa-cross arms. Akala niya naman takot ako sa kaniya. Sinuway ko na nga si dad eh. Anong pang mas katatakutan ko?

“Dahil nasa puder kita. At kapag hindi ka pa nakinig, sasabihin ko sa dati mong nobyo na narito ka sa Compound.”

“Puwede ba huwag mong mabanggit-banggit ang tungkol doon. Tsaka hindi ko siya naging nobyo!” giit ko.

“Mabuti. Bumalik ka na sa higaan mo at magpahinga.”

Tsk. Umalis ka na rin sa kuwarto ko. Nagiging polluted dahil sa iyo.

Bumalik ako sa kama ko at sinubukang umakyat. Pero nawalan ako ng balanse. Akala ko babagsak na ako sa sahig. Napapikit ako sa sobrang takot. Pero lumipas ang limang minuto ay hindi ko pa rin nararamdaman ang malamig na semento. Bagkus ay isang mainit na kamay ang sumalubong sa akin.

“Tanga na nga, lampa pa,” rinig kong bulong niya. Sa inis ko ay napabangon ako. Saktong pagkamulat ng mga mata ko ay siya namang paglapat ng malambot na bagay sa labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko at natameme. Anak ng pating! This is not happening!

Magkabaliktad ang posisyon ng mukha namin. Ang upper lip ni Rico ay nakalapat sa lower lip ko and vice versa.

Sh*t, first kiss ko pa naman ‘to at siya pa?! Sana kainin na ako ng lupa!

“Ahh!” Napamulat ako ng mga mata at pinagpapawisan. Habol-habol ko ang hininga ko na akala mo’y galing sa pagtakbo.

Nilibot ko ng tingin ang buong kuwarto pero wala si Rico. Mag-isa lang ako. Pero bakit parang totoo ang nangyari?

“Panaginip lang kaya ang lahat?”

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 35: Childhood

    “Cassie. Clara. Saan kayo galing?” bungad na tanong sa amin ni Rico nang pumasok kami ng kusina. Mukhang kanina pa siya kumakain dahil nasa kalahati na ‘yong laman ng pinggan niya at may bawas na ang kape sa tasa. Tsk. Hindi manlang siya nagtaka kung bakit wala ako sa kusina kanina. Hindi manlang niya ako hinanap.Nagkatinginan kami ng kapatid niya at pinalakihan ng mga mata ang isa’t isa. Pagkatapos ay mabilis na ibinaling ang tingin kay Rico. Ngumiti ako ng hilaw sa kaniya at umupo sa tabi niya. Samantalang si Clara ay kumuha lang ng tinapay at umalis na.Bakit kaya ganito ang batas na pinatupad ni Rico sa bahay niya? Pamilya niya rin naman sila Clara. Pero bakit kailangan na wala siyang kasabay? At bakit kailangan siya ang mauna na kumain? Hindi naman siya royalty para magpakahari rito eh. “Saan ba kayo galing?” tanong niya ulit. Inabot ko ang tinapay pero mabilis niya itong kinuha at nilagay sa pinggan ko, kaya hinarap ko siya. “Nagpahangin lang sa labas,” sagot ko at kumuha ng

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 34: Reveal

    “Hindi ka ba nagugutom?” tanong ni Rico habang nilalaro ang buhok ko.Sa totoo lang ay nagugutom na talaga ako, pero ayokong umalis sa kama. Gusto ko nandoon lang kami buong magdamag. Ayokong umalis sa puwesto ko. Pero itong si Rico mukhang mas gutom na sa akin. Nakailang tanong na siya sa akin eh. “Ikaw, nagugutom ka na ba?” balik kong tanong sa kaniya at nilingon siya.Nahihiya siyang ngumiti at kinamot ang ulo. Kaya naman alam ko na kung ano ang sagot ni Rico. Nagugutom na rin siya. Nakakatuwa. Ang cute niya ngayon. Unti-unti ko na talagang nakikita ang soft side niya. Pero nakakalungkot lang. Baka hanap-hanapin ko ang side niyang ito. Hindi siya showy na tao eh. “Tara na nga sa kusina baka pagalitan ako ng nanay mo kasi pinapagutom kita.”Bumangon na ako sa puwesto ko at hinila siya para tumayo na. Pero hindi siya gumalaw. Sinasadya niya yatang mahirapan ako. Ano na namang trip nito? “Rico. Ano ba? Bumangon ka na!” pikon kong sabi at muli siyang hinila, pero lalo lang siyang na

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 33: Baby

    “Good morning.”Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at ang mukha ni Rico ang unang tumambad sa akin. Ang amo ng mukha niya ngayon, ibang-iba sa palagi kong nakikita sa kaniya. Umihip ba ang magandang hangin kaya mukhang good mood siya ngayon?Tapos, nagsalita pa siya ng ingles? Ito ang unang beses na nag-english siya. Hala… Baka may sumapi na mabuting espiritu sa kaniya kaya nawala ang bad boy na si Rico? O, ‘di kaya may matalinong kaluluwa ang naligaw sa katawan niya kaya nagsasalita na siya ng ingles. “Anong nangyari sa’yo?”Nilapat ko ang likod ng kamay ko sa noo niya at pinakiramdaman ang temperature sa katawan niya. Pero normal naman, wala siyang sakit.Bakit ganito? Natulog lang kami paggising ko nag-iba na si Rico! “Anong ginagawa mo?” nagtataka niyang tanong at napakunot ang noo. “Eh, kasi naman, hindi ka naman ganiyan kahapon ah. Anong nangyari sa bad boy ng Compound?” “Bad boy pala ang tingin mo sa akin?”Hala, ang bilis naman nitong magtampo. Nagdududa na talaga a

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 32: Sweet Night (SPG)

    Hindi ko na alam kung anong oras kami nakarating ng bahay. Hindi ko kasi suot ang smart watch ko kaya wala akong mapagtingnan. Wala namang wall clock sina Rico para matingnan ko ang oras. Ganito na siguro karamihan ngayon. Sapat na ang relos at mga gadgets para tingnan ang oras.Walang imik si Rico simula nang umuwi kami. Kahit nga ako ay wala ring imik. Ang awkward kasi ng nangyari. Bakit kasi nahantong pa sa ganoon? Wala kaming relasyon para gawin iyon, pero kung makaasta kami para kaming mag-asawa. Nakakahiya iyon kanina, sa totoo lang. Tapos, sinabi ko pang ipagpatuloy niya? Gosh, nagmumukha akong uhaw sa s*x.Hanggang sa makapasok kami sa kaniya-kaniyang kuwarto ay wala kaming kibuan. Hindi na ako nakapagsabi ng good night sa kaniya, kasi sino ba naman ako ‘di ba? Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ni Rico. Siguro nabigla lang siya kanina. Na-tempt lang siya na gawin iyon sa akin.Pero hindi ko maipagkakaila na nagustuhan ko ang ginawa namin. Hindi ko tuloy masabi kong

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 31: Joyride (SPG)

    “Ate Sandy!” tawag sa akin ni Clara habang patakbo itong lumapit sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Naramdaman ko ang saya niya nang makita ako. Kaya natutuwa ako dahil may isang tulad niya na may malasakit sa akin. “Sandy.” Nilingon ko si Mrs. Varela na sinalubong din ako ng masaya niyang ngiti. Kumalas ako sa yakapan namin ni Clara at humarap sa kaniya. Nangilid ang mga luha ko sa tuwa dahil hindi ko inakalang magkikita pa kaming muli.Oo, nasaktan ako sa mga sinabi niya kay Rico. Pero hindi ko naman siya masisisi. Napamahal din siya kay Ria. Kaya naiintindihan ko na ngayon. “Mrs. Varela,” tawag ko at niyakap siya nang mahigpit. Naramdaman ko rin ang mahigpit niyang yakap kaya lalo akong natuwa. “Masaya po akong makita ka uli.”“Mas masaya ako na makita kang muli, na ligtas at buo, anak,” ani Mrs. Varela. “Para namang hindi ninyo nakita si Sandy ng maraming taon. Huwag na kayong umiyak dahil makakasama pa natin siya nang matagal. ‘Di ba, Sandy?” singit ni Tonyo kay

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 30: Caught in His Arms

    “Sa tingin mo ba ay ibibigay ko sa iyo si Cassandra? Huwag kang mangarap, Varela. Dahil kahit kailan ay hind imo siya makukuha sa akin.”Matapos iyon sabihin ni Leo ay lumapit siya sa akin at kinalagan ako. Pero hindi niya kinuha ang tali na nakagapos sa mga kamay ko. Pagkatapos ay pinatayo niya ako at hinila papalapit sa kaniya. Inabot niya rin ang pera kay Vito na ngayon ay nagdidiwang na dahil nasa kamay na niya ang isang bilyon.Pilit kong tinanggal ang tali sa mga kamay ko pero hindi ito makalusot. Sa inis ko ay padabog kong binaba ang mga kamay ko at masamang tiningnan si Leo. Sinalubong niya ako ng ngiti na lalong nagpainis sa akin.“Don’t worry, wifey. Ilalayo na kita sa kanilang lahat at magsisimula tayong muli.”“Rico! Sasama ako sa iyo kung kukunin mo ako!” sigaw ko habang nakatingin kay Leo na unti-unting sumama ang timpla ng mukha.Dahil sa sinabi ko ay hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin. Pero hindi ako nagpatinag. Kahit saktan pa niya ako ay hindi ako sasama sa kan

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status