FAZER LOGIN“Sandy...anong ginawa mo?” tanong ni Tonyo na hindi makapaniwala sa nakikita. Natigil kasi ang pakikipagbasag niya ng bungo dahil sa hiyaw at sigaw ng lalaking natapunan ng kumukulong mantika. Feeling ko nagka-third degree burn siya sa ginawa ko. Serves him right.
Paika-ikang naglakad papalapit sa’kin si Tonyo. Ang kaninang sugat niya ay nadagdagan na. May black eye na siya sa kaliwang mata niya. Ang sugat niya kanina sa gilid ng labi ay nadagdagan. Napailing na lang ako sa estado niya ngayon. Hindi nga ako nagkamali. Mabubugbog siya ngayon.
“Tinapon ko sa kaniya ang mantika sa kawali. Hindi ko naman alam na kumukulo na pala iyon,” inosenteng sabi ko na may halo ng pagsisinungaling. Aware naman ako na kumukulo talaga iyon. Gusto ko lang siya turuan ng leksyon.
Nilapitan nila ang lalaki na hindi magkamayaw kung anong gagawin. Sinunggaban na niya ang mga palamig sa isang bangketa at binuhos sa sarili ang mga cube ice sa thermoches.
“Ang tanga mo pre. Babae lang nakaharap mo pero ikaw pa ang napuruhan. Matanong nga kita. Lalaki ka ba talaga?”
“LALAKI AKO!” galit na sigaw ng lalaki at tumingin sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya na parang sinapian siya ng masamang espiritu. Geez, kung alam ko lang na ganito ito nakakatakot magalit, hindi ko na sana tinuloy ang binabalak ko. “AT PAPATUNAYAN KO IYAN SA BABAENG ‘YAN!” nanggagalaiting sabi niya sabay turo sa akin.
Napaatras ako ng kaunti kaya bumunggo ako kay Tonyo na nasa tabi ko. Anak ng pating. Kailangan na naming tumakas. Baka maaga kaming sunduin ni San Pedro.
“Sandy, umalis ka na. Iligtas mo ang sarili mo. Hindi ko sila kaya ng mag-isa. Baka hindi kita maipagtanggol ngayon,” bulong ni Tonyo pero hinawakan ko nang mahigpit ang braso niya at tiningnan siya ng seryoso.
“Kung aalis ako, dapat kasama kita.”
Napabuntong hininga na lang si Tonyo sa sinabi ko. Seryoso naman talaga ako, eh. Kaibigan ko siya. Hindi ko siya iiwan sa kamay nila, kahit na mas malaki ang laban nila kumpara sa amin.
“Ang babagal niyo naman. Dalawa lang sila oh, hindi niyo pa makuha-kuha.”
Nilingon ko ang bagong dating at napataas na lang ang kilay nang makilala kung sino ito. It’s Eva, ang obsessed admirer ni Rico. Nagawa pa niya talaga kaming ipabugbog at ipapatay ako. Ang babaw talaga ng babaeng ito. Hello, si Rico lang ba ang lalaki sa mundo?
“Eva, bakit mo ito ginagawa? Alam mo kung paano magalit si Rico,” sabi ni Tonyo. Nakuha niya ang atensyon ni Eva kaya sa amin na siya nakatingin ngayon.
Ibang-iba siya sa Eva na nakilala ko noong unang araw ko pa lang sa Compound. Mas palaban ang Eva na kaharap ko ngayon. Mukhang maalam pa sa pakikipaglaban. Lugi yata ako sa lagay ko.
“Huwag kang mag-alala, Tonyo. Hindi kita gagalawin. Si Sandy lang ang pakay ko. Kaya huwag kang humarang sa daan ko,” sabi ni Eva at sumenyas sa mga kasama niya na kunin si Tonyo.
Nanlaban so Tonyo para hindi sila makalapit sa akin. Pero nakorner pa rin siya at inilayo sa akin. Ngayon, mag-isa na lang akong nakaharap kay Eva. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya. Gusto kong makita kung paano niya ako kalabanin.
“Scared now, Sandy?”
Nagulat ako sa bigla niyang pagsalita ng Ingles. Akala ko hindi siya marunong magsalita no’n. Pero anong akala niya sa akin? Hindi rin marunong? Hinahamon niya ba ako ng Ingles?
“If I were you, just run if you don’t want to get hurt. Leave the Compound. Leave this place for once.”
Tsk...gusto niya lang masolo si Rico kaya niya ako pinapaalis. Pero sorry siya, walang pagtingin sa kaniya ang lalaking pinapantasya niya.
“If I were you, I’d stop that delusion. Because no matter what, the man you like will never notice you. Rico will never love you...not ever,” sagot ko at pinagkrus ang mga braso, pagkatapos ay nginitian siya.
Pero bigla niya na lang ako sinugod at sinabunutan. Natumba kami sa ginawa niya kaya nasa ibabaw ko siya ngayon. Walang tigil siya sa pagsabunot sa akin at pinagsasampal ako. Pilit ko naman siyang pinipigilan pero napapatigil din ako dahil kinakalmot niya rin ako.
Anak ng pating! Kapag ako nakabangon dito, ipiprito ko rin siya gaya ng ginawa ko sa lalaking iyon. Ang sakit ng pagsabunot niya ha. Mahapdi na rin ang mga braso ko dahil sa mga kalmot na natamo ko.
“Hindi ikaw ang nababagay kay Rico! Hindi ako papayag na sa iyo siya mapupunta! Not you, b*tch!” nanggigigil niyang sabi.
“Mas lalong hindi ka nararapat sa kaniya! Hindi bagay kay Rico ang babaeng eskandalosa at baliw!” ganti ko ring sigaw at sinuntok siya sa tiyan. Natigil siya sa ginawa ko kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para itulak siya palayo sa akin.
“Sandy...tumakas ka na!” rinig kong sigaw ni Tonyo.
Kaagad akong bumangon para tumakas na sana, pero bigla na lang akong bumagsak. Sa pagkakataong ito, namilipit na ako sa sakit. Parang nahulog ako galing sa taas sa sobrang sakit ng likod ko.
“Sandy! P*tangina niyo! Huwag niyong gagalawin si Sandy! Eva, itigil mo na itong kahibangan mo!”
“Hindi, Tonyo. Nagsisimula pa lang kami. ‘Di ba, Sandy?” sabi ni Eva at sinipa ang tiyan ako.
Lalo akong namilipit sa sakit dahil dala-dalawa ang sakit na nararamdaman ko. Hinampas niya ako sa likuran ng matigas na bagay. Ngayon naman, sinipa niya ako sa tiyan. Natatakot ako baka magsuka na lang ako ng dugo. Ayoko pa mamatay.
“Ano na, Sandy? Nasaan na ang tapang mo? Tinakasan ka na ba ng tapang mo?” tanong niya at sinipa na naman ako pero sa mga paa ko na.
Rico...nasaan ka na? Sabi mo poprotektahan mo ako mula kay Eva. Kailangan kita ngayon...
Lumapit sa akin si Eva at hinawakan ako sa buhok ko. Hinila niya ako paupo kaya napangiwi ako sa sakit. ‘Wag naman sana ang buhok ko, ang sakit!
“Hindi ka na sana nakilala ni Rico pa. Mukhang mababalo siya nang maaga,” sabi niya at humalakhak na parang natutuwa sa sinapit ko.
Asa naman siyang papatulan siya ni Rico. Managinip siya hanggang gusto niya. Kahit kailan hindi siya mapapansin ni Rico.
“Sinong nagsabi na mababalo kaagad ako?” sabi ng baritonong boses na galing sa pamilyar na tao.
“Rico!” tawag ni Tonyo, na ngayon ay nakawala na sa mga kamay ng kasama ni Eva.
Lumayo si Eva sa akin na tila natakot sa biglang pagdating ni Rico. Pero hindi ko na siya pinansin at nilingon na lang si Rico na seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya o kung ano ang nararamdaman niya nang makita akong binubugbog. Pero sapat na sa akin na dumating siya. He saved me again.
“Rico...dumating ka.” Unti-unting nanlabo ang paningin ko, hanggang sa nawalan na ako ng malay. Pero bago ako mawalan ng ulirat narinig ko pa ang mga sinabi niya.
“Sino ang lapastangan na nanakit sa misis ko?”
“Cassie. Clara. Saan kayo galing?” bungad na tanong sa amin ni Rico nang pumasok kami ng kusina. Mukhang kanina pa siya kumakain dahil nasa kalahati na ‘yong laman ng pinggan niya at may bawas na ang kape sa tasa. Tsk. Hindi manlang siya nagtaka kung bakit wala ako sa kusina kanina. Hindi manlang niya ako hinanap.Nagkatinginan kami ng kapatid niya at pinalakihan ng mga mata ang isa’t isa. Pagkatapos ay mabilis na ibinaling ang tingin kay Rico. Ngumiti ako ng hilaw sa kaniya at umupo sa tabi niya. Samantalang si Clara ay kumuha lang ng tinapay at umalis na.Bakit kaya ganito ang batas na pinatupad ni Rico sa bahay niya? Pamilya niya rin naman sila Clara. Pero bakit kailangan na wala siyang kasabay? At bakit kailangan siya ang mauna na kumain? Hindi naman siya royalty para magpakahari rito eh. “Saan ba kayo galing?” tanong niya ulit. Inabot ko ang tinapay pero mabilis niya itong kinuha at nilagay sa pinggan ko, kaya hinarap ko siya. “Nagpahangin lang sa labas,” sagot ko at kumuha ng
“Hindi ka ba nagugutom?” tanong ni Rico habang nilalaro ang buhok ko.Sa totoo lang ay nagugutom na talaga ako, pero ayokong umalis sa kama. Gusto ko nandoon lang kami buong magdamag. Ayokong umalis sa puwesto ko. Pero itong si Rico mukhang mas gutom na sa akin. Nakailang tanong na siya sa akin eh. “Ikaw, nagugutom ka na ba?” balik kong tanong sa kaniya at nilingon siya.Nahihiya siyang ngumiti at kinamot ang ulo. Kaya naman alam ko na kung ano ang sagot ni Rico. Nagugutom na rin siya. Nakakatuwa. Ang cute niya ngayon. Unti-unti ko na talagang nakikita ang soft side niya. Pero nakakalungkot lang. Baka hanap-hanapin ko ang side niyang ito. Hindi siya showy na tao eh. “Tara na nga sa kusina baka pagalitan ako ng nanay mo kasi pinapagutom kita.”Bumangon na ako sa puwesto ko at hinila siya para tumayo na. Pero hindi siya gumalaw. Sinasadya niya yatang mahirapan ako. Ano na namang trip nito? “Rico. Ano ba? Bumangon ka na!” pikon kong sabi at muli siyang hinila, pero lalo lang siyang na
“Good morning.”Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at ang mukha ni Rico ang unang tumambad sa akin. Ang amo ng mukha niya ngayon, ibang-iba sa palagi kong nakikita sa kaniya. Umihip ba ang magandang hangin kaya mukhang good mood siya ngayon?Tapos, nagsalita pa siya ng ingles? Ito ang unang beses na nag-english siya. Hala… Baka may sumapi na mabuting espiritu sa kaniya kaya nawala ang bad boy na si Rico? O, ‘di kaya may matalinong kaluluwa ang naligaw sa katawan niya kaya nagsasalita na siya ng ingles. “Anong nangyari sa’yo?”Nilapat ko ang likod ng kamay ko sa noo niya at pinakiramdaman ang temperature sa katawan niya. Pero normal naman, wala siyang sakit.Bakit ganito? Natulog lang kami paggising ko nag-iba na si Rico! “Anong ginagawa mo?” nagtataka niyang tanong at napakunot ang noo. “Eh, kasi naman, hindi ka naman ganiyan kahapon ah. Anong nangyari sa bad boy ng Compound?” “Bad boy pala ang tingin mo sa akin?”Hala, ang bilis naman nitong magtampo. Nagdududa na talaga a
Hindi ko na alam kung anong oras kami nakarating ng bahay. Hindi ko kasi suot ang smart watch ko kaya wala akong mapagtingnan. Wala namang wall clock sina Rico para matingnan ko ang oras. Ganito na siguro karamihan ngayon. Sapat na ang relos at mga gadgets para tingnan ang oras.Walang imik si Rico simula nang umuwi kami. Kahit nga ako ay wala ring imik. Ang awkward kasi ng nangyari. Bakit kasi nahantong pa sa ganoon? Wala kaming relasyon para gawin iyon, pero kung makaasta kami para kaming mag-asawa. Nakakahiya iyon kanina, sa totoo lang. Tapos, sinabi ko pang ipagpatuloy niya? Gosh, nagmumukha akong uhaw sa s*x.Hanggang sa makapasok kami sa kaniya-kaniyang kuwarto ay wala kaming kibuan. Hindi na ako nakapagsabi ng good night sa kaniya, kasi sino ba naman ako ‘di ba? Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ni Rico. Siguro nabigla lang siya kanina. Na-tempt lang siya na gawin iyon sa akin.Pero hindi ko maipagkakaila na nagustuhan ko ang ginawa namin. Hindi ko tuloy masabi kong
“Ate Sandy!” tawag sa akin ni Clara habang patakbo itong lumapit sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Naramdaman ko ang saya niya nang makita ako. Kaya natutuwa ako dahil may isang tulad niya na may malasakit sa akin. “Sandy.” Nilingon ko si Mrs. Varela na sinalubong din ako ng masaya niyang ngiti. Kumalas ako sa yakapan namin ni Clara at humarap sa kaniya. Nangilid ang mga luha ko sa tuwa dahil hindi ko inakalang magkikita pa kaming muli.Oo, nasaktan ako sa mga sinabi niya kay Rico. Pero hindi ko naman siya masisisi. Napamahal din siya kay Ria. Kaya naiintindihan ko na ngayon. “Mrs. Varela,” tawag ko at niyakap siya nang mahigpit. Naramdaman ko rin ang mahigpit niyang yakap kaya lalo akong natuwa. “Masaya po akong makita ka uli.”“Mas masaya ako na makita kang muli, na ligtas at buo, anak,” ani Mrs. Varela. “Para namang hindi ninyo nakita si Sandy ng maraming taon. Huwag na kayong umiyak dahil makakasama pa natin siya nang matagal. ‘Di ba, Sandy?” singit ni Tonyo kay
“Sa tingin mo ba ay ibibigay ko sa iyo si Cassandra? Huwag kang mangarap, Varela. Dahil kahit kailan ay hind imo siya makukuha sa akin.”Matapos iyon sabihin ni Leo ay lumapit siya sa akin at kinalagan ako. Pero hindi niya kinuha ang tali na nakagapos sa mga kamay ko. Pagkatapos ay pinatayo niya ako at hinila papalapit sa kaniya. Inabot niya rin ang pera kay Vito na ngayon ay nagdidiwang na dahil nasa kamay na niya ang isang bilyon.Pilit kong tinanggal ang tali sa mga kamay ko pero hindi ito makalusot. Sa inis ko ay padabog kong binaba ang mga kamay ko at masamang tiningnan si Leo. Sinalubong niya ako ng ngiti na lalong nagpainis sa akin.“Don’t worry, wifey. Ilalayo na kita sa kanilang lahat at magsisimula tayong muli.”“Rico! Sasama ako sa iyo kung kukunin mo ako!” sigaw ko habang nakatingin kay Leo na unti-unting sumama ang timpla ng mukha.Dahil sa sinabi ko ay hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin. Pero hindi ako nagpatinag. Kahit saktan pa niya ako ay hindi ako sasama sa kan







