Home / Romance / Dirty Rich Billionaire / Chapter 11: Nilupak for Rico

Share

Chapter 11: Nilupak for Rico

Author: purplepink
last update Huling Na-update: 2025-11-06 12:00:42

“Sandy, gising ka na pala. Halika na rito sa mesa at mag-agahan.” Sumalubong sa akin ang mama ni Rico. Kumakain ito sa mesa kasama ang mga nakababatang kapatid niya.

Ang dami ng pagkain na nakahain sa mesa. Ang bongga naman ng breakfast nila. Dinaig pa nila ako na omelet lang ang agahan. Hindi sa wala kaming tagaluto. Mas gusto ko lang na kaunti ang kinakain sa umaga. Tapos dito kina Rico parang pyesta lang ang datingan. Magkano kaya ang budget nila sa isang buwan. Mukhang mataas ang sweldo ni Rico ah.

“Umupo ka na rito sa tabi ko Sandy at kumain na.” Alanganin akong ngumiti at lumapit sa tabi ni Mrs. Varela. Ito ang unang beses na makakasama ko siya na wala si Rico. Hindi ko ini-expect na magiging mabait siya sa akin. Kaya playing safe pa rin ang atake ko.

Tiningnan ko ang mga pagkain. Hindi naman ito mukhang mahahalin pero katakam-takam. Mukhang masarap. First time ko makakita ng ganoong pagkain.

“Siguro naman pamilyar ka sa mga pagkain na iyan, ano?” tanong sa akin ni Mrs. Varela.

Ah...eh...op...po, tita,” nahihiya kong sabi pero ang totoo ay kabado na ako. Dahil hindi ko talaga alam kung anong pagkain ang mga iyon. Kaya hindi ako sigurado kung ano ang papasa sa lasa ko. Ngayon ko lang kasi nakita na nilagay nila iyon sa mesa.

“Ate Sandy, try niyo po itong nilupak na saging. Masarap iyan. Gawa ni nanay,” sabi ng maliit na batang babae. Sa tantiya ko ay 5 years old pa lang ito. Pero lumilitaw na kaagad ang angking ganda na namana niya sa kanilang ina.

Hindi ako aware na magaganda pala ang lahi ni Rico. Maganda ang mama niya. Maganda rin si Clara, maging ang maliit na batang ito. Kaya siguro obsessed na obsessed si Eva kay Rico kasi maganda ang lahi.

Tinanggap ko ang pagkain na sinabi ng bata at tinikman ito. “Ang sarap nga!” Sinuri ko ang pagkain na nasa pinggan ko ngayon. Kulay dilaw ito na nakahulma ng pabilog. Ang sabi ng bata ay nilupak na saging ito.

Paano ito naging saging?

“Marunong ka rin ba niyan Ate Sandy?” hirit ng bata kaya napangiti ako ng hilaw. Mukhang hindi ko magugustuhan ang susunod na mangyayari. Pero ‘wag naman sana. Ayokong mapasubo.

“Ah...Bakit?”

“Puwede ka po gumawa nito? Kaunti na lang kasi baka hindi makatikim si Kuya Rico.”

Sh*t. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

“Please, po.”

Ah...eh...oo naman. Marunong ako niyan. Gusto ko ring matikman ni tita.” Anak ng pating, mapapasubo nga talaga ako sa batang ito.

“Talaga, Sandy?” paniniguro ni Mrs. Varela.

“Opo, tita.”

“Nay na lang. Manugang naman na kita eh,” sabi ni Mrs. Varela saka ngumiti nang matamis.

Wala na. Paniwalang-paniwala na talaga si Mrs. Varela na asawa ako ni Rico. Mabuti na lang at mabait siya. Hindi ako mahihirapan dito. Si Rico lang naman ang nagpapahirap sa akin eh. Tsk. Tsk.

“Opo nay.”

“Magandang umaga, Pamilya Varela.” Biglang dumating si Tonyo na preskong-presko. Umupo pa siya sa tabi ko at kumuha na ng pagkain.

Kita mo ang lalaking ito. Basta-basta na lang kumukuha ng pagkain. Parang siya ang may-ari ng bahay ah.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Tonyo?” tanong ko at pinigilan ang kamay niya sa pagkuha na naman ng pagkain. Hindi na siya nahiya kay Mrs. Varela.

“Kumukuha ng pagkain. Bakit mo tinatanong?” tanong niya na parang hindi nakuha ang ibig kong sabihin.

“Ang tanong pinayagan ka ba?” tanong ko rin at inagaw sa kaniya ang pagkain. Nanlalaki ang mga mata niya pati ang butas ng ilong. Nginisian ko na lang siya at binalik na ang atensiyon sa pagkain.

“Akala mo naman ikaw ang mag-ari ng bahay,” pagpaparinig niya at muling kumuha ng pagkain. Pero pinitik ko ang kamay niya kaya nabitawan niya ang isda na parang pinatuyo.

“Sandy, ano ba? Gutom na ‘yong tao oh.”

“Eh ‘di magluto ka.”

“Hindi mo ba alam? Kasama na ‘yong pagkain ko sa hinanda ni Nanay Tessa.” What the heck? Bakit hindi ko iyon alam? Hindi ko naman siya nakikitang kumakain dito ah.

“Weh? Bakit hindi kita nakikitang kumakain dito?”

“Malamang sa alamang, Sandy, palagi kayong nauuna ni Rico kumain. Duh?” sagot niya at tuluyan nang kumuha ng pagkain. Nilingon ko si Mrs. Varela pero nakangiti lang siya, maging ang mga bata.

Okay, kasama na siya sa pagkain dito. Aba malay kong ampon din siya ni Rico. Ang tanda-tanda na nakikikain pa sa ibang bahay.

Naunang natapos kumain sina Mrs. Varela at ang mga kapatid ni Rico. Kaya kami na lang dalawa ni Tonyo ang natitira sa kusina nila. Tiningnan ko si Tonyo na hindi pa tapos sa pagkain. Hindi pa pala ako nakapagpasalamat sa kaniya. Kung hindi ko siya kasama kahapon baka mas malala ang nangyari sa akin.

“Ah...Tonyo?”

“Hmm? Tanggap mo na bang dito talaga ako kumakain kina Rico?” Siraulo. Wala pa nga akong sinasabi eh.

“Hindi iyan.”

“Eh ano?”

“Marunong kang gumawa ng nilupak na saging?”

Ilang minuto kaming nagkatitigan kaya umiwas ako ng tingin. Bakit naman kasi ganito ‘to makatingin?

“Gagawa ka ng nilupak?”

“Oo eh,” nahihiya kong sabi. Pero hindi ko pa rin siya tinitingnan.

“Para kanino?”

“Para kay Rico.”

Pareho kaming natahimik. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Pero wala na akong pakialam doon. Ang kailangan ko lang ay kung paano ako makakagawa ng nilupak na saging.

“Bakit sa akin ka nagtatanong?”

“Malamang ikaw lang ang medyo close ko rito.”

“Medyo close lang? Ouch naman.”

“Ang OA mo ha. Tulungan mo na kasi ako. Paano ba iyon ginagawa?”

“Kumuha ka muna ng saging.” What? Saan ko naman hahagilapin ang saging? Wala naman yatang tanim dito sa Compound eh.

“Tapos? Ano ‘yong procedures?”

“Tapos...tanong mo na lang kay G****e.”

Sa sinabi niya ay nasampal ko siya sa mukha pero mahina lang. Narinig ko naman siyang tumawa kaya inagaw ko sa kaniya ang pinggan niya at itinakbo sa lababo.

“Teka, Sandy. Huwag mo itapon ‘yong pagkain. Sayang ‘yan!”

“Talaga?” sabi ko lang at unti-unting binaba ang pinggan.

5. . .

4. . .

Tutulungan mo ako o mababasa ng tubig ang pagkain mong ito.

3. . .

2. . .

Ayaw mo talaga akong tulungan ah.

“Teka, Sandy! Tutulungan na kita. Pero hindi talaga ako marunong gumawa. Tanong mo na lang kay G****e. Pero ako ang kukuha ng saging!”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 35: Childhood

    “Cassie. Clara. Saan kayo galing?” bungad na tanong sa amin ni Rico nang pumasok kami ng kusina. Mukhang kanina pa siya kumakain dahil nasa kalahati na ‘yong laman ng pinggan niya at may bawas na ang kape sa tasa. Tsk. Hindi manlang siya nagtaka kung bakit wala ako sa kusina kanina. Hindi manlang niya ako hinanap.Nagkatinginan kami ng kapatid niya at pinalakihan ng mga mata ang isa’t isa. Pagkatapos ay mabilis na ibinaling ang tingin kay Rico. Ngumiti ako ng hilaw sa kaniya at umupo sa tabi niya. Samantalang si Clara ay kumuha lang ng tinapay at umalis na.Bakit kaya ganito ang batas na pinatupad ni Rico sa bahay niya? Pamilya niya rin naman sila Clara. Pero bakit kailangan na wala siyang kasabay? At bakit kailangan siya ang mauna na kumain? Hindi naman siya royalty para magpakahari rito eh. “Saan ba kayo galing?” tanong niya ulit. Inabot ko ang tinapay pero mabilis niya itong kinuha at nilagay sa pinggan ko, kaya hinarap ko siya. “Nagpahangin lang sa labas,” sagot ko at kumuha ng

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 34: Reveal

    “Hindi ka ba nagugutom?” tanong ni Rico habang nilalaro ang buhok ko.Sa totoo lang ay nagugutom na talaga ako, pero ayokong umalis sa kama. Gusto ko nandoon lang kami buong magdamag. Ayokong umalis sa puwesto ko. Pero itong si Rico mukhang mas gutom na sa akin. Nakailang tanong na siya sa akin eh. “Ikaw, nagugutom ka na ba?” balik kong tanong sa kaniya at nilingon siya.Nahihiya siyang ngumiti at kinamot ang ulo. Kaya naman alam ko na kung ano ang sagot ni Rico. Nagugutom na rin siya. Nakakatuwa. Ang cute niya ngayon. Unti-unti ko na talagang nakikita ang soft side niya. Pero nakakalungkot lang. Baka hanap-hanapin ko ang side niyang ito. Hindi siya showy na tao eh. “Tara na nga sa kusina baka pagalitan ako ng nanay mo kasi pinapagutom kita.”Bumangon na ako sa puwesto ko at hinila siya para tumayo na. Pero hindi siya gumalaw. Sinasadya niya yatang mahirapan ako. Ano na namang trip nito? “Rico. Ano ba? Bumangon ka na!” pikon kong sabi at muli siyang hinila, pero lalo lang siyang na

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 33: Baby

    “Good morning.”Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at ang mukha ni Rico ang unang tumambad sa akin. Ang amo ng mukha niya ngayon, ibang-iba sa palagi kong nakikita sa kaniya. Umihip ba ang magandang hangin kaya mukhang good mood siya ngayon?Tapos, nagsalita pa siya ng ingles? Ito ang unang beses na nag-english siya. Hala… Baka may sumapi na mabuting espiritu sa kaniya kaya nawala ang bad boy na si Rico? O, ‘di kaya may matalinong kaluluwa ang naligaw sa katawan niya kaya nagsasalita na siya ng ingles. “Anong nangyari sa’yo?”Nilapat ko ang likod ng kamay ko sa noo niya at pinakiramdaman ang temperature sa katawan niya. Pero normal naman, wala siyang sakit.Bakit ganito? Natulog lang kami paggising ko nag-iba na si Rico! “Anong ginagawa mo?” nagtataka niyang tanong at napakunot ang noo. “Eh, kasi naman, hindi ka naman ganiyan kahapon ah. Anong nangyari sa bad boy ng Compound?” “Bad boy pala ang tingin mo sa akin?”Hala, ang bilis naman nitong magtampo. Nagdududa na talaga a

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 32: Sweet Night (SPG)

    Hindi ko na alam kung anong oras kami nakarating ng bahay. Hindi ko kasi suot ang smart watch ko kaya wala akong mapagtingnan. Wala namang wall clock sina Rico para matingnan ko ang oras. Ganito na siguro karamihan ngayon. Sapat na ang relos at mga gadgets para tingnan ang oras.Walang imik si Rico simula nang umuwi kami. Kahit nga ako ay wala ring imik. Ang awkward kasi ng nangyari. Bakit kasi nahantong pa sa ganoon? Wala kaming relasyon para gawin iyon, pero kung makaasta kami para kaming mag-asawa. Nakakahiya iyon kanina, sa totoo lang. Tapos, sinabi ko pang ipagpatuloy niya? Gosh, nagmumukha akong uhaw sa s*x.Hanggang sa makapasok kami sa kaniya-kaniyang kuwarto ay wala kaming kibuan. Hindi na ako nakapagsabi ng good night sa kaniya, kasi sino ba naman ako ‘di ba? Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ni Rico. Siguro nabigla lang siya kanina. Na-tempt lang siya na gawin iyon sa akin.Pero hindi ko maipagkakaila na nagustuhan ko ang ginawa namin. Hindi ko tuloy masabi kong

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 31: Joyride (SPG)

    “Ate Sandy!” tawag sa akin ni Clara habang patakbo itong lumapit sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Naramdaman ko ang saya niya nang makita ako. Kaya natutuwa ako dahil may isang tulad niya na may malasakit sa akin. “Sandy.” Nilingon ko si Mrs. Varela na sinalubong din ako ng masaya niyang ngiti. Kumalas ako sa yakapan namin ni Clara at humarap sa kaniya. Nangilid ang mga luha ko sa tuwa dahil hindi ko inakalang magkikita pa kaming muli.Oo, nasaktan ako sa mga sinabi niya kay Rico. Pero hindi ko naman siya masisisi. Napamahal din siya kay Ria. Kaya naiintindihan ko na ngayon. “Mrs. Varela,” tawag ko at niyakap siya nang mahigpit. Naramdaman ko rin ang mahigpit niyang yakap kaya lalo akong natuwa. “Masaya po akong makita ka uli.”“Mas masaya ako na makita kang muli, na ligtas at buo, anak,” ani Mrs. Varela. “Para namang hindi ninyo nakita si Sandy ng maraming taon. Huwag na kayong umiyak dahil makakasama pa natin siya nang matagal. ‘Di ba, Sandy?” singit ni Tonyo kay

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 30: Caught in His Arms

    “Sa tingin mo ba ay ibibigay ko sa iyo si Cassandra? Huwag kang mangarap, Varela. Dahil kahit kailan ay hind imo siya makukuha sa akin.”Matapos iyon sabihin ni Leo ay lumapit siya sa akin at kinalagan ako. Pero hindi niya kinuha ang tali na nakagapos sa mga kamay ko. Pagkatapos ay pinatayo niya ako at hinila papalapit sa kaniya. Inabot niya rin ang pera kay Vito na ngayon ay nagdidiwang na dahil nasa kamay na niya ang isang bilyon.Pilit kong tinanggal ang tali sa mga kamay ko pero hindi ito makalusot. Sa inis ko ay padabog kong binaba ang mga kamay ko at masamang tiningnan si Leo. Sinalubong niya ako ng ngiti na lalong nagpainis sa akin.“Don’t worry, wifey. Ilalayo na kita sa kanilang lahat at magsisimula tayong muli.”“Rico! Sasama ako sa iyo kung kukunin mo ako!” sigaw ko habang nakatingin kay Leo na unti-unting sumama ang timpla ng mukha.Dahil sa sinabi ko ay hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin. Pero hindi ako nagpatinag. Kahit saktan pa niya ako ay hindi ako sasama sa kan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status