LOGIN
“Cassandra! Don’t do this!” sigaw ng fiance ko na naka-black na tuxedo. Sa sobrang lakas ng pagkakasigaw niya ay mukhang umabot pa iyon sa kabilang kanto.
Pero wala akong pakialam kung marami pa ang makarinig. Nilingon ko siya habang tumatakbo. Kitang-kita ko sa mukha niya na galit siya sa ginawa kong pagtakas. Pero anong magagawa ko? Hindi ko naman ginusto na maikasal sa kaniya. Ipinagkasundo lang ako ni dad sa kaniya. Hindi ko siya mahal at kahit kailan hindi ko siya magugustuhan. Ang layo niya sa qualification na hinahanap ko. “Pero nagawa ko na!” ganti kong sigaw at tinapon sa gilid ang bouquet na gawa sa puting rosas. Sayang sana ang mga bulaklak pero hindi pa talaga ngayon ang araw na matatali ako sa isang tao. I just felt that the right person is somewhere out there. Waiting for me to come. “Kahit saan ka magpunta mahahanap at mahahanap kita!” sigaw na naman ni Leo. Tsk. Nagmumukha na siyang obsessed. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gano’n na lang ang naging desisyon ni dad. Bakit niya ako kailangan ipagkasundo sa iba? Sa anong dahilan? Hindi naman siguro anak ng mafia ‘tong si Leo. Bakit siya natatakot sa ungas na ‘yon? He’s too powerful para banggain siya ng kung sino-sino lang. Kilalang tycoon pero takot sa mga Corvera. “Hanapin mo ako kung kaya mo!” pasigaw ko ring sabi at hinubad ang heels at tinapon sa kung saan dahil kanina pa ito sumasagabal sa’kin sa pagtakbo. Bahala na kung masugatan ang paa ko. Ang mahalaga ay makatakas ako kay Leo. Sa ngayon ay ligtas pa ako sa men in black ni dad dahil hindi niya alam na tumakas ako. Nag-out of the country siya ngayon kaya paniguradong makakatakas talaga ako. “Kahit ang daga ay nahahanap pa rin ng pusa. Anong laban mo sa’kin?!” Anak ng pating. Hinigop niya yata lahat ng hangin, ang yabang! “Kahit ang pusa ay nauutakan din ng daga!” ganti ko at nilingon siya ulit. Kitang-kita kong nawawalan na siya ng pasensya sa’kin. Ang sama ng tingin niya, na akala mo’y ninakawan ng ari-arian. Kasunod naman niya ang mga butler niya na ang babagal tumakbo. Kahit yata isabak ang mga ‘to sa marathon, hindi makakarating ng finish line. Ilang minuto na kaming nagtatakbuhan pero hindi pa rin nila ako nilulubayan. Napapagod na rin ang mga paa ko at ramdam ko ang hapdi. Mukhang nasugatan pa ako. Kailangan ko nang makawala sa paningin nila para hindi na ako masundan pa. “I’ll call Mr. Morgan kung hindi ka titigil, Cassandra!” Sh*t. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko, na hihingi siya ng tulong kay dad. Kailangan ko na talagang makalayo dahil kapag hindi pa ako nakalayo paniguradong hindi ako magtatagumpay sa pagtakas ko. Mag-isip ka ng paraan, Cassandra. Hindi puwedeng pumalpak ang plano mong ‘to. Mapapahiya ka rin sa maraming tao dahil malalaman nilang naging runaway bride ka tapos nahuli lang din ng fiance. “Ayon!” sabi ko nang makita ang traffic light na naka green. Ilang segundo na lang ang natitira bago ito mag-switch ng color. Ahhh! Kailangan ko iyong mahabol! Cassandra, bilisan mo pa! Hindi ko na nilingon si Leo at dire-diretsong tumakbo sa pedestrial lane. 5… 4… 3… Sh*t. Hindi yata ako aabot. 2… Ayoko na! Masagasaan na lang sana ako ng sasakyan! 1… “Cassandra, NO!” Hindi ako nakinig kay Leo at pinilit pa rin na tumawid. “Whoa! Easy man!” angal ko at nag-stop sign. Mabuti na lang at hindi nagalit sa’kin ang driver. Pero muntik na akong mahagip ng kotse! Katakot! Nang makatawid ako ay napahawak na lang ako sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog nito, akala mo sasabog. Pero nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na ako naabutan nina Leo. Nasa kabilang side sila at hinihintay na tumigil ang mga sasakyan. Nginitian ko siya nang matamis at nag-wave pa, na lalo niyang ikinainis. “Finally, nakatakas din.” Naglakad lang ako habang binabantayan ang paligid dahil hindi pa ako puwedeng magpakampante. Maaari pa akong mahanap at maabutan ni Leo dito. Sa ngayon kailangan kong maghanap ng matataguan at ng damit na rin dahil hanggang ngayon naka-wedding dress pa ako. Pinagtitinginan din kasi ako ng mga tao. Siguro nasa isip nila na isa akong runaway bride which is true. “Saan nga dito ‘yong… ano nga ‘yon? Uk-Uk?” Mukhang wala naman akong mahanap na Uk-Uk dito sa paligid. Saan ko ba kasi mahahanap ‘yon? Nalilito rin ako sa lugar na ito dahil hindi ako pamilyar. Paano ba naman may limistayon ‘yong lugar na pinupuntahan ko palagi. Natatakot kasi si dad na baka makidnap ako. Eh, malaki na ako. Paano ako makikidnap? Bata lang naman ang kinukuha. “Ang sabi ni G****e mura ang mga paninda sa Uk-Uk. At well, magaganda. Pero saan nga ako makakahanap ng gano’n?” sabi ko sa sarili at inikot ang tingin. Bahagya akong napatitig sa mga lalaki na magkakasama, mukhang may hinahanap din. Dumako ang tingin nila sa’kin at tinuro ako ng isa sa kanila kaya nanlaki ang mga mata ko. That uniform! Nalintikan na. "Tauhan ni dad!” — “Miss Morgan! ‘Wag mo kaming takbuhan.” Geez. Saan na ako pupunta? Hindi ko na alam ang pasikot-sikot dito. Ayokong mahuli nila! Somebody help me! Tinaas ko ang laylayan ng wedding gown ko at binilisan pa ang pagtakbo. Unlike Leo’s butlers, mas mabilis at mas maliksi ang kay dad. Kaya puwedeng-puwede nila akong mahabol, na siyang kinatatakutan ko naman. Kapag nangyari ‘yon, wala na talaga akong kawala kay dad, lalo na kay Leo. “Hindi para sa’yo ang huling halakhak, Leo. Nasa akin pa rin.” Lumiko ako sa eskinita, at kahit natatakot ay tumakbo pa rin ako. At sa awa ng Diyos, nakalampas ako ng eskinita. Pero nadapa ako at muntik nang masubsob. Ang masaklap nga lang nagkasugat ako sa mga tuhod. Naman oh! Umiral pa ang pagiging lampa ko. Bakit ngayon pa? Masakit na nga ang paa ko, nadapa pa ako. Lumingon-lingon ako sa paligid at nahagip ang isang pares ng tsinelas. Medyo madumi nga lang. Pero kailangan ko pa rin kasi masyado nang mahapdi ang mga talampakan ko. Matapos ko itong suotin ay nagsimula na akong maglakad kahit paika-ika. Nang biglang dumaan ang isang motor. Dahilan kaya napaupo ako sa semento. Sino naman ang naka-motor na ‘yon? Hindi ba niya nakita na may dadaan? Bulag ba siya? Inis kong pinahid ang mga kamay ko sa suot ko at tatayo na sana nang bumungad sa’kin ang isang kamay. Malapad ang palad na parang sanay humawak ng manibela. Mahahaba ang mga daliri… Kitang-kita ang ugat sa ilalim ng balat… Mukhang sanay na sanay magtrabaho ng mabibigat. Pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang malilinis na kuko… Parang hindi napasukan ng dumi. Kamay pa ba ‘yon? “Tayo na diyan.” Natigil ang pagkahumaling ko sa kamay na iyon dahil sa sinabi ng lalaki. Kumunot ang noo ko sa paraan ng pagsalita niya. Para siyang boss na naiinip kakahintay sa empleyado niya. Aba’t… inuutusan niya ako? Siya kaya ‘tong muntik nang bumangga sa’kin. Sa inis ko ay masama ko siyang tiningnan. Pero natameme lang din sa nakita. Who is this man? “Ano pang tinutunganga mo diyan, miss? Bulag ka ba?” inip na niyang sabi, kaya lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Walang modo! Akala mo naman gentleman. Hindi ko pinansin ang kamay niya at tumayo nang mag-isa. Bakit ba? Hindi ko kailangan ang tulong niya. Hindi ko siya kilala kaya ayokong lumapit sa kaniya. Mukha pa naman siyang siga. ‘Yong typical na gangster sa kalsada pero may dating. “Thank you ha,” sarkastikong sabi ko at pinagpag ang sarili. Ang dumi na ng kasuotan ko. “Galing ka sa kasal? Nasaan ang mister mo?” “May nakikita ka bang mister sa tabi ko, kuya?” inis kong sabi at tinalikuran na lang siya. Hindi ko siya kailangang kausapin. Baka mamaya mapahamak pa ako. Muntik na nga niya akong masagasaan eh. “Kita mo ‘to. Siya na ngang tinutulungan, siya pa ‘tong galit,” rinig kong sabi niya kaya hinarap ko siya. Nakakainis din ang isang ‘to eh. Ang ganda na sana ng bungad niya sa’kin eh. Pero ang sama pala ng ugali. Ugaling squatter. “Bakit tinulungan mo ba ako? ‘Di ba hindi? Muntik mo pa akong patayin.” “Kung binalak ko nga iyon, hindi ka na dapat humihinga ngayon,” sagot niya kaya lalong uminit ang ulo ko. “Alam mo, wala kang kuwentang kausap. Diyan ka na nga,” pikon kong sabi at tinalikuran siya. Pero nanlaki ang mga mata ko nang makita sa hindi kalayuan ang tauhan ni dad at si Leo na patuloy akong hinahanap. Nalintikan na.Matapos naming maghapunan ay dumiretso agad ako ng kuwarto. Nauna nga kaming kumain ni Rico. Hindi ko alam kung bakit kami pinauna kumain kung puwede naman kaming sumabay lahat. Ang lapad kaya ng mesa nila. Kasya yata 15 na tao doon eh. Tinanong ko si Clara pagkatapos kung bakit. Ang sabi niya si Rico daw kasi ang provider sa bahay nila kaya ganoon. “Kumusta na kaya si dad? Hindi pa rin kaya siya tumitigil sa paghahanap sa’kin? Baka nga ni-report na niya sa mga pulis at may picture ko na nakadikit sa mga poste at wall."Pero kahit anong gawin niya hindi ako magpapakita. Unless, iurong niya ang agreement niya sa mga Corvera. “Dad kasi bakit mo ‘yon ginawa? Nagtatampo tuloy ako,” sabi ko at nagpakawala ng malalim na hininga. “Kung may mommy lang sana ako siguradong hindi iyon papayag na mangyari ito sa’kin.”Ilang minuto akong paiba-iba ng posisyon sa kama. Pero hindi ako makatulog. Hindi naman matigas ang binigay na kutchon sa’kin ni Rico. Malinis din ang kuwarto na pinahiram niya. H
Tama ba na gumawa ako ng kuwento at magsinungaling tungkol sa pagkatao ko? Pero kailangan kong magpanggap na mahirap para hindi ako mapahamak dito. Isa pa, tinulungan ko lang si Rico para suklian ang utang na loob ko sa kaniya. Mukhang hindi na siya guguluhin ng babaeng ‘yon. Na-brokenhearted dahil nalaman na taken na ang crush niya.Nasa bahay ako ngayon ni Rico. And guess what, hindi lang siya nag-iisa rito. Sa pagkakabilang ko, isang dosena ang nakatira rito. Syempre, plus ako. So, 13 na kaming lahat dito. Ang maganda sa bahay nila ay sobrang lawak kaya marami rin ang mga gamit. Mukhang maykaya naman ‘tong si Rico. Pero bakit nandito siya sa low class? “Ate Sandy, baka nagugutom ka na. Tara po sa kusina,” tawag sa’kin ng kapatid ni Rico. Siya si Clara at 3rd Year college na raw. Mabuti naman at nakakapag-aral siya.Sinundan ko si Clara sa kusina. Halos malula ako sa nakita ko. Ang daming gamit nila sa kusina. Marami ring stock ng grocery at higit sa lahat, tatlo ang ref nila. Hind
After ilang minutes na pakikipaghabulan sa mga pulis, nakatakas rin kami. Dumaan kasi kami sa masikip na eskinita kaya hindi na nakasunod ang mga pulis. Hindi ko nga alam kung anong lugar ‘tong napuntahan namin. Mukhang squatter sa dami ng nakakalat na kung ano-ano. Idagdag mo pa na ang dumi ng paligid at may naaamoy ako na medyo masangsang.Hindi niya naman siguro ako dinala sa abandonadong lugar ‘di ba? “Nasaan tayo?” medyo kinakabahan kong tanong. Wala kasi akong nakikitang tao rito bukod sa’ming dalawa. Mukha ngang abandonado na ang lugar na ito.Don’t tell me may gagawin siyang masama sa’kin? No, no, no. Hindi ko siya hahayaang pagsamantalahan ako. Mamamatay muna ako bago niya iyon magawa. “Nasa squatter.” Sh*t, tama nga ako!Teka, gangster ba siya?! Kung oo, anak ng pating, naisahan ako! “Anong gagawin mo sa’kin?” sabi ko sabay takip sa katawan. Kilala ko ang mga katulad niya. Alam na alam ko ang galawan nila, lalo na ‘pag may nakita silang magandang babae.Nanatiling nakati
May sa lahing pusa nga siguro ‘tong si Leo. Biruin mo nasundan pa rin ako rito. Ang lakas ng radar niya. Sana magamit niya iyon sa sarili niya para masagap niyang wala akong pagtingin sa kaniya. “May atraso ka ba sa kanila kaya ka nila hinahabol?” biglang tanong ng lalaki na nakatingin na pala ngayon sa gawi nina Leo.Kita mo itong lalaking ‘to? Kalalaking tao, tsismoso. “At bakit naman ako magkakaroon ng atraso sa kanila, aber?” “Sabihin na natin na nakadamit pangkasal ka at ‘yong lalaking ‘yon,” sagot niya sabay turo kay Leo na hindi pa rin kami napapansin, “ang magiging asawa mo pero tinakbuhan mo, tama?”Pusang gala, baka ituro pa niya ako kay Leo. Kailangan ko lumayo sa kanila dahil hindi ko matitiyak ang kalayaan ko ngayon.Dahan-dahan akong umatras palayo sa lalaki bago pa niya ako ituro sa baliw kong fiancé. Hindi pa niya nahahalata ang ginagawa ko, kaya tuloy-tuloy ako sa pag-atras. Sana nga hindi niya mahalata. I need to escape now. “At saan ka pupunta?” tanong ng barito
“Cassandra! Don’t do this!” sigaw ng fiance ko na naka-black na tuxedo. Sa sobrang lakas ng pagkakasigaw niya ay mukhang umabot pa iyon sa kabilang kanto.Pero wala akong pakialam kung marami pa ang makarinig. Nilingon ko siya habang tumatakbo. Kitang-kita ko sa mukha niya na galit siya sa ginawa kong pagtakas. Pero anong magagawa ko? Hindi ko naman ginusto na maikasal sa kaniya. Ipinagkasundo lang ako ni dad sa kaniya. Hindi ko siya mahal at kahit kailan hindi ko siya magugustuhan. Ang layo niya sa qualification na hinahanap ko. “Pero nagawa ko na!” ganti kong sigaw at tinapon sa gilid ang bouquet na gawa sa puting rosas. Sayang sana ang mga bulaklak pero hindi pa talaga ngayon ang araw na matatali ako sa isang tao. I just felt that the right person is somewhere out there. Waiting for me to come. “Kahit saan ka magpunta mahahanap at mahahanap kita!” sigaw na naman ni Leo. Tsk. Nagmumukha na siyang obsessed. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gano’n na lang ang naging desisyo







