ATASHIAPagkababa ko pa lang ng sasakyan, isang mahigpit na yakap ang isinalubong sa akin ni Lance. Lahat ng hinanakit ko kay nanay ay nawala nang hínalíkan n'ya ako sa labi. Sumubsob ako sa dibdib n'ya para umiyak. Iyon kasi ang alam kong magagawa ko lang sa ngayon. "Alam na ni Nanay ang tungkol sa atin. Sinaktan n'ya ako, hon. Ang tingin niya sa akin ay mas masama pa kaysa sa kaniya kahit na sinabi kong kasal na tayo," turan ko sa pagitan ng mga luha. "I'm sorry for what happened. I tried to keep you safe but I failed. Don't worry. I still believe that our parents will understand us anyway." Hinimas ni Lance ang likod ko para iparamdam sa akin na karamay ko siya sa lahat ng oras.Sobra talaga akong nalulungkot dahil buong akala ko ay magiging masaya ang birthday ni Nanay. First time kong sinorpresa siya pero punong-puno rin pala ng sorpresa ang araw na iyon, hindi lang para kay Nanay ngunit maging sa akin na rin pala. Ngayon, galit na galit na naman sa akin si Nanay pagkatapos niy
ATASHIASa halip na sa bahay, sa hospital kami tumuloy. Hindi umiimik si Lance at nakatayo lang siya sa pasilyo. Nakasandal ang likod niya sa malamig na pader at parang wala siyang nakikita. Kahit ako ay hindi n'ya man lang tingnan. Dumating ang daddy ni Lance at agad nitong hinanap ang asawa niya. Mababakas ang matinding pag-aalala sa mukha ni Mr. Henzon. Natakot ako. Hindi iyon ang pinangarap kong unang pagtatagpo namin ni Congressman ngayong asawa na ako ng anak niya. Kung pwede lang sumiksik ako sa pader na sinasandalan ko rin ay ginawa ko na. Gusto kong maging invisible dahil nangangatog ang tuhod ko at parang tinatambol ang dibdib ko. "Lance, what happened?" Parang hari si Congressman habang inuusig niya ang mister ko. "It was an accident, Dad. Paalis na kami sa grocery store pero nagwala si Mommy. Hinarangan niya ang sasakyan ko na dapat sana ay palabas ng parking lot. Since nasa blind spot siya, I wasn't able to notice her," paliwanag ni Lance. "Dämn it, Lance! You know ho
ATASHIA Hindi malaman ni Lance kung paano siyang hihingi ng pasensya sa mga nangyari sa akin habang siya ay nasa ospital. Umiyak siya sa harapan ko pero hindi man lang naantig ang lamang-loob ko. Gigil na gigil ako sa kaniya dahil sa pagiging insensitive niya at pagiging selfish. Mas inuna niyang intindihin ang damdamin niya kaysa sa akin. "Iiyak-iyak ka ngayon pagkatapos mong pairalin ang galit mo kay Jaspher Regalado without knowing na iyong taong isinusumpa mo ang siyang nagligtas sa akin. Lance, tigilan mo ako. Baka isauli na kita sa nanay mong artista," naiinis kong sabi habang nakaupo ako sa gilid ng kama. "Forgive me, please," he begged me. Wow, ang bait ni Lance Henzon sa harapan ko ngayon pagkatapos niyang ubusin ang lahat ng energy ko kagabi. "Alam mo, mukhang kailangan n'yo ng mommy mo ng professional help, mga baliw." "Hon, that's too much. I know you're mad, but please choose your words." "Bakit? Ano ang masama sa sinabi ko, Lance?" "Nothing. But I am not cr
ATASHIA "Lance, uwi ka na please," pakiusap ko sa picture ng asawa ko. It's been almost a week since his father took him away. Wala akong balita kung ano na ang nangyayari sa kaniya. Namamaga ang mga mata ko kaya hindi ako pumupunta sa grocery store. Besides, I am not in the mood to work. "Atashia, kumain ka na. Hindi pwedeng maabutan ka ni Lance na ganiyan. Magagalit iyon," wika ni Loida. Humagulgol ako. Miss na miss ko na ang asawa ko at nag-aalala na rin ako sa kaniya. I tried to report to the police pero pinagtawanan lang nila ako. They didn't believe me na ako ang asawa ng anak ni Congressman Henzon. Lalong hindi sila naniwala na kayang gawin ni Congressman ang mga sinabi ko. Kilala kasi siya ng lahat na mabait at ubod ng humble."Ang hirap maging tao sa mundo na hindi makatao." Sunod-sunod na pumatak ang luha mula sa aking mga mata. Niyakap ako ni Loida. Mabuti na lamang at sa condo namin ni Lance siya pumunta sa halip na sa grocery store. Limang araw ko na rin siyang kasam
LANCEMadalas akong walang malay dahil sa mga bugbog na tinamo ko. My father's men were ruthless. I wanted to give up my life, but Atashia's face kept running to my head. Her cries, sweet voice, and everything about her reminded me that I should fight for my life. Hindi pwedeng pabayaan ko ang aking asawa. I could no longer recognize my Dad. His behavior extremely changed in an instant. Hindi ko alam kung ano ang mga sinabi sa kaniya ni Mommy, but my father's drastic changes was questionable. Bigla kasing napalitan ng isang devil ang dating angel kong ama. Daddy locked me in my room. I was told to stay there until my flight came. They already planned my trip to LA para sundan doon si Belle. He and mom said my marriage with Atashia was null and void. I am not stupid enough to believe my Dad. Bago pa man kasi ako ikasal kay Atashia, I made sure that everything was base on a legal matter. I even asked the help of my acquaintance friend who is a lawyer to help me about the legality of
ATASHIAMakalipas ang isang linggo, lumabas sa balita na nawawala raw ang anak ni Congressman Henzon at walang ibang suspect kung hindi ako. Ang sarap magmura pero hindi ako lumaking ganoon kahit na anak ako ng isang babaeng mababa ang lipad. Sa tulong ng mga kaibigan ni Lance, nagpadala kami ng isang video sa kakilala nilang tv broadcaster para pabulaanan ang mga akusasyon sa akin ng mag-asawang Henzon. Hanggang sa tumahimik na ang kampo ng mga magulang ng mister ko and we had the chance to live peacefully sa bahay na binili ni Lance para sa amin. At first, maayos ang pamumuhay namin kahit na lahat ng bank accounts at maging credit cards ng asawa ko ay pina-block ng parents niya. Ibenebenta ni Lance ang private plane niya para magkaroon kami ng dagdag puhunan subalit walang gustong bumili noon. Nabalitaan ko mula kay Loida na nasunog ang bahay na tinitirahan ni Nanay. Alam kong sinadya iyon dahil maingat masyado si Nanay. Subalit wala akong magawa. Ayaw ko rin na magkaroon pa kam
ATASHIABelle Friol! Parang gumuho ang aking mundo nang nakita ko siya. Halata ang pagiging komportable nila ni Lance sa isa't isa. Nagagawa pa nga nilang magbiruan kahit nasa harapan na nila ako. Bigla kong naramdaman ang aking tamang lugar sa buhay ni Lance. Parang nawala ako sa eksena. "Hon, pasensya na kung hindi ko nasabi. Kanina pa pala si Belle dito. Siya ang bumili ng lechon manok. Siya rin ang nagbigay ng pambayad natin sa kuryente. Umalis lang siya saglit para ipag- grocery tayo. Hindi n'ya na ako isinama dahil baka hanapin mo ako," explained ni Lance. Tumango ako at pilit na ngumiti. Dahil nakasuot lang ako ng towel kaya nagpaalam ako sa kanila. Ilang minuto na ako sa silid ay hindi pa rin ako nakakapagbihis. Kinain ako ng matinding selos. "My God, may disaster yatang parating," bulong ko habang nakaupo sa gilid ng kama. Gusto kong lumabas para silipin ang asawa ko at ang babaeng gustong-gusto ng mga magulang niya para sa kaniya. Subalit wala akong lakas ng loob para ga
ATASHIA"Oh, my god! How dare you sampal may son!" Nagulat ako sa biglang pagsali ni Ma'am Olivia sa gulo sa loob ng bahay namin. Nakapasok siya ng gate dahil hindi ko ni-lock iyon nang dumating sina Nanay at Loida. Dinaluhog ni Ma'am Olivia si Nanay kaya napapikit na lang ako. Riot kung riot ang ganap sa loob ng bahay. Daig pa namin ang nasa war zone area. Gosh, parang wala nang katapusan ang gulo at paghihirap sa buhay ko. Ayaw ko namang iwan si Lance kahit na sinaktan niya rin ako emotionally dahil kay Belle. Napasabunot na lang ako sa aking buhok at dahan-dahan akong umupo sa silya. Pinabayaan kong magsampalan at sabunutan ang mga ina namin ni Lance. “Let’s go out,” yaya sa akin ni Lance. Hinawakan niya ako sa braso at pilit itinayo. “Saan naman tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya. “Anywhere. Ayaw ko lang marinig ang ingay nila.” Sumama ako kay Lance. Sumunod din si Loida. Habang nag-uusap kami ni Lance malapit sa gate ay panay ang balibagan ng mga magulang namin sa loob ng b