Share

CHAPTER 4

ATASHIA

Dahil sa gigil ko kay Sir Lance kaya hindi ko napigilan ang maiyak habang naglalakad ako sa bangketa. Bwisit na lalaking iyon, mukhang santo sa harapan ng matapobre niyang ina.

Wala akong trabaho, walang tirahan at walang pera! Bongga! Nasa akin na ang korona ng kawalan! 

Napakamalas ko talaga sa mundong ito. Subalit hindi ako papayag na maging isang basura sa paningin ng lahat. Patutunayan ko pa sa magaling kong ina na kaya kong magtagumpay sa malinis na paraan. 

 “Atashia!” Dinig kong sigaw ni Sir Lance. Lumingon ako at nakita kong namumula ang pisngi niya dahil sa init. 

Oh my… magpapakipot ba ako o ano? Teka, I have to think first. Subalit bago pa man ako makapag-isip ay nasa harapan ko na siya. 

“Why did you lie to my mom? Hindi mo ba alam na pwedeng mapahamak si Gemma dahil sa ginawa mo?” tanong niya sa akin.

“Wow, concern? Sir, kung sumunod ka sa akin para pagalitan ako, bumalik ka na roon kasi baka makakita ka ng mga stars sa katirikan ng araw.” 

“No. Don’t get me wrong. I am worried about you. Where are you going, Atashia?” 

Saan nga ba ako pupunta? Hindi ko alam! 

“Maghahanap ako ng karton at pwesto sa ilalim ng tulay para may matulugan po ako mamayang gabi,” sabi ko. Although hindi naman talaga iyon ang plano kong gawin, syempre kailangan kong magpaawa. Keber ko ba sa nanay niyang masungit. 

"No way. Come with me, Atashia."

Muli akong dinala ni Sir Lance sa condo niya. Dakilang pal o palamunin niya ako sa loob ng ilang araw. Binawalan din niya akong tawagin siyang sir kaya sumunod ako. Sa isip ko ay kakapit na lang ako sa kaniya para mabuhay ako. 

Samantala, panay ang tawag sa akin ni Loida pero hindi ko sinasabi sa kaniya kung nasaan ako. Mahirap na at baka malaman niyang palamunin ako ni Lance . Ayaw kong pagtawanan niya ako at lalong ayaw kong maikwento niya iyon kay nanay. 

Habang nakatira ako sa unit ni Lance, napansin ko ang ugali niya. Hindi siya kasing sungit ng akala ko sa kaniya. Inamin niya sa akin na kaya raw niya ako pinahihirapan noon ay dahil gusto niyang magpapansin sa akin. Masyado raw kasing malayo ang isip ko kaya kahit nagpapa-cute na siya ay hindi ko pa rin daw nakikita. 

Isang araw, inabot niya sa akin ang isang paper bag. Nagtataka na sinilip ko ang laman noon. Namula ang pisngi ko nang makita ko na puro mga panty ang nasa loob. Nahihiya na muli kong ibinalik iyon sa kaniya. Alam ko na kasi ang dahilan kaya ibinili niya ako noon. Bukod sa nasalo niya dati ang mga underwears ko, naabutan niyang nakasampay ang ilan noon sa cr. 

“Sir, alam kong tig-twenty-five lang ang mga panty ko at butas pa ang iba dahil kinagat iyon ng daga, pero hindi mo na ako kailangan pang bigyan niyan,” lakas-loob kong sabi. 

“I don’t want to embarrass you, Atashia. Gift ko talaga iyan sa iyo,” ani niya.   

I can't believe it. Sa dami ng mga pwedeng iregalo, panty pa talaga ang ibinigay niya. Well, probably he's just trying to be nice in the most seductive way to win my heart. 

Nahihiya na tinanggap ko na lang iyon para hindi na humaba pa ang usapan. Nang tingnan ko ang price, parang gusto kong ibenta iyon para may pera ako pero sinaway ko agad ang sarili ko. 

Makalipas ang isang linggo, niyaya ako ni Lance na lumabas. Namumutla na raw kasi ako sa loob ng condo. Sumama naman ako para makapag-relax. Mali pala, sumama ako para masabi ko na sa kaniya na gusto kong humiram ng pera para makapag-apply na ako ng ibang trabaho. Sapat na ang isang linggong pahinga. Ngunit hindi ako makapaniwala nang pagkatapos namin kumain ay dinala niya ako sa isang lugar. 

"This is for you, Atashia. It's not your birthday yet, but I want to give you this coz you deserve it." 

"Sa akin ba 'to?" Hindi ko makapaniwalang tanong kay Lance. 

Nakatayo kami sa harapan ng isang hindi kalakihan na grocery store, malapit lang din sa condo na tinitirahan ko, pero nasa kabilang bahagi ito kaya medyo malayo na sa restaurant na pagmamay-ari niya. 

"Yes, this is for you. Mas mabuti nang wala ka sa restaurant. Dito, sarili mo ang oras kasi ikaw ang boss," sabi ni Lance. 

Without hesitation, I ran towards him, and I embraced him so tight. Sa loob ng ilang linggo naming magkakilala ay walang araw na hindi n'ya ipinararamdam sa 'kin ang halaga ko bilang tao. Isang bagay na hindi ko naramdaman noong hindi ko pa siya kilala.

Ang saya-saya ko dahil sa wakas ay may sariling negosyo na ako. It was just a dream pero ngayon, heto, nasa harapan ko na ang nagsusumigaw na katotohanan na may bago na akong pagkakakitaan at regalo iyon sa akin ng lalaking unti-unti ko nang nagugustuhan. 

"Thank you. Sobra mo akong pinasaya. Akala ko talaga ay pababayaan mo na ako pagkatapos akong sisantehin ng mother earth mo," sabi ko. 

"I hope hindi ka magalit kay mommy. Gano'n lang talaga siya; but she's kind, very caring and loving," hiling niya naman. 

"Naiintindihan ko naman siya. Syempre, gumawa kami ng gulo. As the mother of the owner, iyon talaga ang magiging pasya n'ya to protect your business." 

Pinitik ni Lance ang ilong ko. Tinatawanan n'ya ako sa pagiging impulsive ko noong araw na iyon. Noong una ay pinagsabihan n'ya ako pero hanggang doon lang iyon. Aminado naman kasi akong may mali ako.

"Atashia, will you marry me?" 

Oh, my god! Halos malaglag ang puso ko sa tanong na iyon. Nasa labas pa kasi kami ng grocery store at nakaluhod sa harapan ko si Lance. 

Kung noong pinalayas ako ni nanay ay agresibo akong makasal kay Lance, ngayon ay nagdadalawang-isip ako. Hindi ko namalayan na pinagtitinginan na pala kami ng mga tao dahil matagal na siyang nakaluhod sa harapan ko. 

"Lance, what if hindi ako matanggap ng pamilya mo?" Wala sa loob na naitanong ko sa kan'ya. 

"I'm willing to give up everything, including my family, just to be with you," he answered. 

Bigla akong napa-yes nang marinig ko iyon. Bahala na kung ano ang mangyayari bukas. Basta ang alam ko, kailangan ko si Lance. Oo, may kaunti na akong nararamdaman sa kan'ya at alam kong pwedeng mas lumalim pa iyon. Pero sa ngayon, ang pera n'ya ang mahalaga para umangat ako at para magising si nanay sa bangungot nito. Gusto ko rin malaman ni nanay na may iba pang paraan para magkapera na hindi kailangan ng maraming lalaki. Isa lang, sapat na. 

Masayang-masaya kong ibinalita kay Loida ang tungkol sa nalalapit na kasal namin ni Lance pero hindi natuwa ang kaibigan ko. Bata pa lang kami ay sanggang-dikit na kami kaya I understand her opinion sa naging desisyon ko. 

"Sira-ulo ka talaga! Tinotoo mo nga, pinikot mo si sir," bintang sa akin ni Loida. 

"Hoy! Hindi ah! Siya kaya itong lumuhod sa harapan ko at nag-alok ng kasal," mayabang kong sabi. 

"Iyong matapobre n'yang nanay, kaya mo bang harapin? Tornado ang dadal’hin noong pahirap sa buhay mo kapag nagkataon," paalala ni Loida. 

"Basta nasa tabi ko si Lance, kakayanin ko lahat," sagot ko. 

Nagpalinga-linga si Loida sa loob ng Jollibee kung saan kami kumakain. Inilapit n'ya sa akin ang kan'yang mukha at saka bumulong siya ng, "Gaga. May babaeng pumunta sa restaurant noong isang araw. Sa tingin ko ay malapit sila ni sir sa isa't-isa. Maganda siya at sexy. Kilala mo siya."

"Sino?" mahina kong tanong. 

"Si Belle Friol. Ang sikat na model ng isang kilalang kumpanya ng mga sasakyan," sagot ni Loida. 

Nawalan ako ng ganang kumain. Kahit paborito ko pa ang luto ng chicken na nasa harapan ko ay hindi ko na iyon malasahan. Para akong lumulutang habang naglalakad pabalik sa condo. Doon na ako tutuloy kasi pakiramdam ko ay hindi ko na kayang magtrabaho pa sa grocery store. 

Kusang pumatak ang mga luha ko nang makapasok na ako sa silid ko. Pabagsak na humiga ako sa kama at saka ko dinukot ang cellphone na nasa bulsa ng pantalon na suot ko. Ilang segundo ko munang tinitigan ang screen nito bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na tawagan si Lance. 

"Hon, napatawag ka," masayang sabi ni Lance. 

Pigil na pigil akong mapasinghot. Ayaw kong mahalata ni Lance na umiiyak ako. 

"Gusto kasi kitang makausap, Lance. May itatanong ako. Busy ka ba?" 

"Nope. I'm just sitting here, staring at the wall, and thinking of you." 

Kinilig ako sa sagot n'ya pero hindi iyon umabot sa puso ko. Nasasaktan ako at gusto kong alamin kung totoo ba ang mga salitang iyon o hindi. 

"Lance, kailan mo pa ako minahal? I mean, kailan mo nasabi sa sarili mo na mahal mo ako?" 

"Wait. Is it an interview before the wedding?" he asked.

"Sagutin mo na lang ako, Lance. Ano'ng nagustuhan mo sa akin. Kailan mo nasabi sa sarili mo na ako na nga?" 

"Okay. Dahil next month na ang kasal natin kaya sige, sasagutin ko ang mga tanong mo mamaya." 

"Gusto kong makuha ang sagot mo, ngayon na," pamimilit ko. 

"Wait. Are you crying? Where are you?" magkasunod n'yang tanong. 

Nang sinabi ko sa kan'yang nasa condo na ako ay wala pang thirty minutes nasa harapan ko na siya. Kahit anong pigil ko sa mga luha ko ay hindi iyon maampat. Insecurity ang nararamdaman ko at valid iyon. Walang-wala naman kasi talaga ako kumpara sa isang sikat na modelo.

"Why are you acting like that? Did someone hurt you?" 

I shook my head. Pinilit ko siyang sagutin ang mga tanong ko kanina sa phone. I want peace of mind kaya gusto kong marinig ang mga sagot n'ya. 

"I told you already, 'di ba? Unang kita ko pa lang sa 'yo, alam ko agad na gusto kita. I want you, Atashia. Please believe me, Hon." 

"Sino si Belle Friol sa buhay mo?" Hindi ko napigilan na usig ko sa kan'ya.

Kumunot ang noo niya.

"Oh, someone reported to you about Belle," bulalas n'ya. 

"Hindi mo tatanggalin sa trabaho si Loida, kun'di wala ng kasal na magaganap next month," matatag kong sabi. 

"Okay. Look, you don't have to interrogate me. Let's talk about it maturely. Belle is a friend of mine. She visited me kasi kagagaling n'ya lang sa ibang bansa and we haven't seen each other for so long." 

Habang nagsasalita si Lance ay napapaisip ako. Napahaplos ako sa aking batok. Kung may masteral degree si Lance sa business management, ako ay master na rin sa pagtatago ng feeling lalo na pagdating sa nanay ko. Vocational lang ang tinapos ko kahit valedictorian ako ng batch namin, pero magaling ako sa maraming bagay. Hindi ako basta-basta sumusuko kagaya nang pinilit ko noon si nanay na pag-aralin ako ng college pero kulang na lang ay isumpa n'ya ako. 

"Hey, don't get mad. Kilala ang mga friends ko sa society dahil noon, si mommy ang namimili kung sino ang pwede kong maging kaibigan. I assure you, mababait sila." 

"Ha? Pati kaibigan, mommy mo ang namimili para sa 'yo? Kaibigan mo lang ba talaga si Belle Friol o katulad ng alam ko sa mayayaman, baka naman siya ang nakatakda mong maging asawa?" 

"Actually, yes. Ngunit magkapatid lang ang turingan namin ni Belle. There is no problem with her kung ikakasal na tayo next month." 

"Nakakatakot magpakasal sa 'yo," bulalas ko. 

Kasal, malapit na iyon. Subalit, heto ako, nasasaktan at naguguluhan. Hindi mapuknat ang aking mga mata sa gwapong mukha ng lalaking nasa harapan ko. Tinatanong ko ang aking sarili kung ang pagpapakasal ba sa kan'ya ang makabubuti para sa akin or baka mas lalo lang masira ang buhay ko. Worth it ba na isugal ko ang aking kalayaan para lang may mapatunayan ako sa aking nanay? 

"Hon, nagdududa ka ba sa akin? Do you want to postpone our wedding?" tanong ni Lance. 

Humugot ako ng malalim na hininga. Napatayo ako at nagpalakad-lakad sa harapan ng lalaking next month ay magiging asawa ko na. Hindi ko kasi talaga sigurado kung handa ba akong magpakasal dahil alam kong ang susuungin ko ay isang mahirap na sitwasyon. 

"Ready na ang lahat para sa kasal, honey," sabi ni Lance. 

"I'm sorry. Lance, ginagamit mo lang ba ako para makawala ka sa kasunduan ng mga magulang mo at ng pamilya ni Belle? Hindi mo ako totoong mahal, 'di ba?" 

Napayuko si Lance. Nabasa ko sa mga kilos n'ya ang sagot sa mga tanong ko. Nag-unahan tumulo ang mga luha ko. Kaya pala sobrang bilis ng mga pangyayari. Ako at si Lance, pareho lang namin balak gamitin ang isa't-isa. 

"Hindi mo na kailangan pang sagutin ang mga tanong ko. Alam ko na ang sagot," sabi ko. "Lahat nang ginawa at sinabi mo noon ay dahil sa isang plano. Gagamitin mo lang pala ako para makawala ka sa monster mong mommy."

Gusto kong magalit at magwala pero wala akong karapatan. Masakit malaman na balak n'ya lang pala akong gamitin pero pareho lang naman kami, pareho lang kaming naggagamitan. 

"Atashia, I am so sorry kung hindi ako naging tapat sa simula pa lang. But honestly, I'm already starting to like you na," pagkuwan ay sabi ni Lance. "Totoo na ito. Sigurado akong hindi ko kailangan si mommy sa pagpili ngayon ng babae na makakasama ko sa buhay." 

Napalingon ako sa lalaking nakatayo na sa likuran ko. Nakakunot ang aking mga noo habang binabasa ko ang expression ng mukha n'ya. Napahawak ako ulit sa aking batok. Lance's brown eyes are staring at me, telling me to believe in him. 

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko. Pakiramdam ko kasi ay kailangan ko pa ng expounded explanation. 

"Ituloy natin ang kasal. Hindi na ito dahil gusto kong makatakas sa poder ni mommy kun'di dahil hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko," sabi ni Lance. 

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Gusto ko na rin naman ang lalaking nasa harapan ko. Subalit handa ba akong suungin ang mala-impyernong buhay na naghihintay sa akin kung si Mrs. Olivia Henzon ang magiging mother-in-law ko?

"Binalak ko lang na gamitin ka. But along the way, I found myself falling in love with you," patuloy ni Lance. "Please, Atashia, ituloy natin ang kasal."

Oh, Lord, ako rin. Alam ko sa aking sarili na gusto ko na si Lance. Subalit natatakot ako. Ang agwat namin sa buhay ay napakalayo. Ang mommy n'ya ay daig pa ang terror kong teacher noong elementary. Ano ngayon ang gagawin ko?

    

Mga Comments (16)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
Atashia kht magpakasal ka kay Lance ,magtira ka pa rin para sa sarili mo gnyang nagkaaminan na kau pareho ng mga saloobin nyo ..at sympre wag papatalo pg inaapi ah....keribels mo yan Atashia...thanks Ms.A
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
naku kung ako sususbukan ko good catch naman kayo pareho hahs
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
go Atashia pakasalan mo SI Lance
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status