ATASHIA
Instead na sa hotel na sinabi niya kanina, sa isang condo ako dinala ni Sir Lance. Hindi ito kalayuan mula sa Henzon Group of Companies. Lutang ako kaya kahit siguro sa impyerno n'ya ako dalhin ay sasama ako. Ang sama ng loob ko sa nanay ko. Kahit kailan talaga ay wala siyang pakialam sa akin.
"Take a rest. Mag-o-order muna ako ng food natin. Don't overthink. You have me," sabi ni Sir Lance.
Pinapasok niya ako sa isang napakalinis na silid. Amoy na amoy ko ang napakalinis na kurtina at bedsheets. Umiiyak na humiga ako sa kama. Hindi ko na tinanggal ang sapatos ko at hindi na rin muna ako nagpalit ng uniform. Wala akong pakialam kung nasaan ako o kung ano man ang suot ko. Ang gusto ko lang ay umiyak at ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa mundo, lalo na sa nanay ko.
Pumasok si Sir Lance sa silid kung nasaan ako. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Madalas ay casual lang kami kung mag-usap kaya hindi ko expected na magtatapat siya sa akin kanina. Dahil sa kasungitan niya sa akin nitong mga nakaraang buwan, naglagay na ako ng pader sa pagitan naming dalawa. Inakit ko siya ng palihim pero kinumbinsi ko ang aking sarili na hindi ako pwedeng magkagusto sa kaniya.
"Sir Lance, twenty-six ka na, 'di ba? tanong ko sa kan'ya. Walang ka-ngiti-ngiti sa labi ko.
"Yes. Why?"
"Twenty-five na ako. Meaning, hindi natin kailangan ng approval ng parents kung sakaling magpapakasal na tayo," prangka kong sabi. “Let's get married.”
"Kasal?" he asked anxiously.
"Yes. Wala ng ligaw-ligaw, kasal na agad," hamon ko kay Sir Lance. "Ayaw ko kasing tumira sa isang bahay kasama ang isang lalaki na hindi naman kami kasal. Ayaw kong gumaya sa nanay ko."
"Look, Atashia," Lance said, "gusto kita at feeling ko nga ay mahal kita. Ngunit hindi pwedeng pabigla-bigla ka dahil lang sa galit ka mo sa mother mo. I am willing to marry you, but the question is…"
"Am I ready to be your wife?" Dugtong ko sa sasabihin sana ni sir. "My answer is yes."
Napaupo si Sir Lance sa gilid ng kama. Alam kong pinag-iisipan n'yang mabuti ang sinabi ko. Kita ko sa guwapo niyang mukha na problemado siya. Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga mahal si sir, hindi pa. Sa pagkakakilala ko sa kan'ya, kahit masungit siya ay may itinatago siyang bait. Responsable rin siya kaya alam kong matututunan ko rin siyang mahalin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay mapabilang sa mayamang angkan nila para ipamukha sa nanay ko ang kamalian n'ya. Gusto ko rin gamitin si sir para mahanap ko ang tatay kong nang-iwan sa akin sa poder ng nanay ko.
Bumangon at tumayo ako sa kama. Lumapit ako kay Sir Lance. Lumuhod ako sa harapan n'ya. Ngumiti ako ng buong tamis. Iyong ngiti na kayang baliwin ang kahit sinong lalaki. Pa-simple kong ginagamit kay sir ang aking mahika, ang aking ganda. Alam kong taglay ko iyon kahit morena ako at nasa five-two feet lang ang taas. Ang aking buhok ay kumikintab dahil sa itim na itim ito. My eyes are beautiful and I have a very seductive lips. Ako ang tipo ng babaeng hindi pwedeng iwasan ng kahit sinong lalaki.
Hinimas ko ang hita ni Sir Lance. Nakita ko dating ginawa iyon ni nanay sa isa sa mga lalaki n'ya. Napaungol si sir at hinawakan ang kamay ko.
"Stop. You're teasing me," sabi niya habang nakapikit.
"Pakakasalan mo ba ako o hindi?" tanong ko sa kan'ya. "Kung hindi, aalis na lang ako rito."
"Saan ka pupunta?" tanong n'ya.
"Maghahanap na lang ako ng bedspace na mauupahan," sagot ko sabay tayo.
Lance grabbed my hand and pulled me down. Napaupo ako sa hita n'ya. Hinapit n'ya ako sa baywang at saka tiningnan sa mata.
"You should think twice before entering into married life. Hindi ako titira sa condo na ito kaya pwede ka munang tumira rito. Kung magpapakasal man tayo, dapat mahal mo na ako. I do really like you but I don't want to take advantage of your situation. I hope you understand," paliwanag ni Lance.
After hearing those words ay para akong binuhusan ng mainit na tubig. Nagising ako sa katangahan ko. Napaiyak na lang ako habang nasa kandungan ni Sir Lance.
Nang mga sumunod na araw ay naging maayos ang buhay ko. Ilang kanto lang ang layo ng condo sa lugar kung saan ako nagtratrabaho kaya hindi ako nahihirapan. Wala akong ibang pinagsabihan ng mga naganap sa buhay ko kun'di ang kaibigan kong si Loida.
"Ano'ng plano mo ngayon?" tanong n'ya sa akin.
"Balak ko nang asawahin si sir," sagot ko.
"Ano? Baliw ka ba?" Exaggerated na tanong sa akin ni Loida. "Oo, guwapo at maputi si Sir Lance. Matangkad din siya dahil nasa five-eight feet yata ang height n'ya pero mag-isip ka naman, Atashia. Seryoso ka ba talaga sa plano mo?"
"Totoo nga. Kaya lang pakipot siya," natatawa kong sabi.
"It's because I want you to clear your mind first. I'm not pakipot. Actually, I am very much willing to marry you sa kahit saan pang simbahan," sabad ni Lance sa usapan namin. Nasa likuran ko pala siya at hindi ko alam. Lunch time kasi namin at sabay kami ni Loida dahil nasa restaurant kami ni Sir Lance. Kinilig ako sa sinabi niya. Ang pogi kong amo ay masyadong showy kaya naman parang nahuhulog na ako paunti-unti sa patibong n'ya.
One day, pumunta ang mommy ni Sir Lance sa restaurant. Ang Olivia's House ay unti-unti na rin nakilala dahil sa masarap nitong pagkain. Ang recipe kasi nito ay ipinamana pa ng lola ni Sir Lance sa kaniya.
"Good morning, ma'am," bati naming lahat kay Ma’am Olivia.
Instead na sumagot ay tumaas lang ang kilay ng mommy ni Sir Lance. Grabe ang sungit pala ni Ma’am Olivia. Tingin niya pa lang ay nakakatakot na. Ang mga salita niya rin ay parang kidlat na humahagupit. My gosh, empleyado n'ya pa nga lang ako, nanginginig na ang tuhod ko. What if maging mother-in-law ko pa siya? She's a beautiful monster sa paningin ko.
"Where is my son?" tanong n'ya sa akin.
Napatingin ako sa mga kasama ko, lalo na sa manager ng restaurant. I have no idea where Sir Lance is kaya kailangan ko ng rescue. Lintik, kararating ko lang din galing sa labas kaya paano ko malalaman kung nasaan si sir.
"Good morning, Ma'am Olivia," sabi ng manager namin. "Nasa opisina n'ya po ang anak n'yo."
"Okay. Mayroon ba kayong nababalitaan na nililigawan ni Lance?" tanong niya.
Parang may karera ang kilay ni Ma'am Olivia. Habang nagtatanong kasi siya ay nag-uunahan ang mga ito sa pagpapataasan.
"W-wa-la po, ma'am," pagsisinungaling ni Loida.
"That's good news. If you have seen my son courting a non-socialite impakta, you should report it to me, and I'll double your salary," maarteng sabi ng mommy ni sir.
Kinilabutan ako at tumingin sa mga kasama ko. Sobrang nangatog ang tuhod ko. Everyone needs money, including me.
“Magsabi na kaya ako sa mommy ni Sir Lance na nililigawan ako ng anak n'ya. Baka sakaling bigyan ako ng pera nito,” mga katagang naglalaro sa isip ko.
Napangiti ako sa pumasok sa kokote ko. Feeling ko ay sobrang desperado na ako na pati sarili ko ay gusto ko nang ilaglag. Pera, pera ang dahilan kung bakit naging ganoon ang nanay ko. Pera ang dahilan kaya nasira ang relasyon naming mag-ina. Teka, pera nga ba talaga o tawag ng laman?
"Mukhang lulusot ka sa butas ng karayom para lang magustuhan ng hilaw mong biyenan," bulong sa akin ni Loida.
"Ang gusto kong malaman ay kung sino sa atin ang may lakas ng loob na mag-traydor kay Sir Lance ng dahil lang sa pera," parinig ko sa mga kasama ko.
"Huwag kang gan'yan, Atashia!" sigaw ni Gemma. Isa siya sa mga waitress na mainit ang dugo sa akin.
"Bakit ka nag-react agad?" inosente kong tanong sa kaniya.
Ngunit hindi ko inaasahan na susugurin at sasampalin niya ako. Aba! Syempre hindi ako papayag na maging punching bag lang ng kung sino kaya lumaban ako. Pinilit kaming awatin ng mga kasama namin pero walang gustong magpatalo sa aming dalawa.
"What the hell is happening here?" Malakas na sigaw ng mommy ni Sir Lance.
Mabilis kaming naghiwalay ni Gemma at hinarap ang nanlilisik sa galit na mommy ni Sir Lance. Natatakot ako pero hindi ko iyon ipinahalata. Wala akong pakialam kung pati si sir ay magalit sa akin. Alam ko kasing hindi ako ang nagsimula ng gulo.
"Ma'am, nananakit po kasi si Atashia kaya lumaban ako," sumbong ni Gemma.
"Sira-ulo talagang babaeng ito," tanging nasabi ko. Ang tingin ko kina Ma'am Olivia at Gemma ay mga taong may pakpak at sungay. Iisa ang kanilang itsura, maganda ang panlabas na anyo ngunit demonyo naman sa loob.
"Oh, ikaw pala ang nagpasimula ng gulo," baling sa akin ni Ma'am Olivia. "You're fired!"
Napatingin ako kay Sir Lance. I am waiting for him to speak up. Isa, dalawa, tatlo… Wala talaga siyang sinabi. Tinigasan ko ang aking leeg, itinaas ko ang aking kilay at ngumisi ako ng buong pang-iinsulto. Lumapit ako kay Sir Lance at halos i*****k ko sa dibdib niya ang hawak kong mga folder.
“You’re fired!” matapang kong sabi.
“What?” Halos atakihin sa puso ang mommy ni sir dahil sa sinabi ko.
“Iyong anak n’yo po, lumalandi. Nililigawan niya po si Gemma kaya selos na selos sa akin ang babaeng iyan,” pagsisinungaling ko.
Sinugod agad ni Ma’am Olivia si Gemma at pinagsasampal ito. Lumakad ako palabas ng restaurant na may nakaguhit na ngiting tagumpay sa aking mga labi.
“Well, ganti-ganti lang iyan,” bulong ko habang naririnig ko pang nagkakagulo sila sa likuran ko.
Nobody can effortlessly put me down.
ATASHIA Makalipas ang tatlong taon, naghahanda ako sa isa na namang okasyon. Birthday ng inaanak namin ni Lance at ang restaurant ko ang magse-serve ng pagkain doon. Excited na ako para sa okasyon na iyon lalo na at matagal kong hindi nakita si Loida. "Wenna, tapos na ba tayo? Gemma okay na ba lahat?" tanong ko sa dalawa. "Okay na po, 'Wag na pong ma-pressure," sagot naman sa akin ni Gemma na ngayon ay nakakalakad na. "Naku, sobrang praning na praning na naman si Atashia," wika ni Wenna. "Kami na ang bahala rito. Umuwi ka na para makapag-prepare ka na rin. Aba, hindi ka pwedeng pumunta roon na haggard na haggard ka." "Kung sabagay, matagal ko rin na iniwan sa inyo ang restaurant at napatakbo ninyo ito ng maayos. Ano ba naman ang isang birthday party, 'di ba?" tanong ko sa kanila. "Easy," sabay na sagot ng dalawa. Nagkatawanan kaming tatlo. Pagkatapos kong ma-check ang ilan pang detalye, umuwi na rin ako kaagad. Sa bahay ay naabutan kong nanonood ng TV si Lance. Kinansela niy
LANCEMy heart is beating so fast. Dalawang taong minamahal ko ang kritikal ngayon sa ospital. Kapwa sila sa dibdib ang tama. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko habang pinapanood ko sila na kapwa lumalaban para mabuhay. Tita Olivia. Parang napakahirap tawaging tita ang taong buong buhay ko ay tinawag kong mommy. Sa paglabas ng katotohanan, my heart is aching. I keep denying that everything I have heard is true. Hindi ko alam kung dapat ko rin bang sisihin si Daddy sa mga naganap. Sa ngayon ay nasa presinto rin siya dahil sa ginawa niyang pagbaril kay mommy, Tita Olivia pala. Hindi! Mas gusto ko siyang tawagin na Mommy Olivia. Samantala, iniimbestigahan ng mga pulis si Mark na kaagad nahuli pagkatapos niyang paputukan sa dibdib si Mommy Olivia. Dumating din sa hospital ang mga Regalado. Matindi ang takot na nararamdaman ko. Wala akong masabi sa kanila kung hindi ang pasensya. "It's not your fault. Matapang ang kapatid ko kaya sigurado akong lalaban siya para sa inyo ni C
OLIVIAI am so mad. Nakatakas silang lahat at wala akong nagawa. Wala kasing silbi ang mga tauhan ko. Wala talaga akong ideya kung ano ang nangyari. Nagising na lang ako isang madaling-araw na nagkakagulo na ang mga tauhan ko. Wala na ang mga bihag namin. Gosh, I am so irritated. I make paypay to myself kasi sobra akong nababanas. Lahat kasi ay nawala na sa akin; my husband, my son, everything. And it is because of Atashia. Para siyang leech na hindi maalis-alis sa sistema ko. I'm so galit na talaga. Habang naghahanap kami sa mga nakatakas na bihag, biglang dumating ang napakaraming alagad ng batas. Hindi ko alam kung sino ang nagsumbong sa kanila o tumawag sa kanila, ngunit naiinis ako dahil pakialamero sila. I want to welcome them naman. Unfortunately, hindi pagtanggap sa isang simpleng bisita lang ang gagawin ko sa kanila, kung hindi with a blast na. That's awesome, right? Dahil nilulusob na kami ng mga alagad ng batas, we decided na pumunta na muna sa kakahuyan. Instead na ako
ATASHIAParang donya na pumasok si Ma'am Olivia sa silid na kinaroroonan namin ni Misis Friol. Agad kong itinago sa aking likuran ang basa pa rin na mga kamay ko. Iniiwasan ko kasi na magtanong siya ng kung anu-ano dahil hindi pa naman ako sanay magsinungaling. “Have you seen Belle?" tanong ni Ma'am Olivia sa aming dalawa ng kasama ko. Nangatal ang mga labi ko dahil sa sobrang nerbyos. "We are not lost and found section,” biglang sagot ni Mrs. Friol. "You are so taray, huh?" Palaban na sabi ni Ma'am Olivia sa ginang na kasama ko.Hinawakan ko ang kamay ni Misis Friol para patahimikin siya. Iyon lang kasi ang paraan para mapigilan si Ma'am Olivia sa pwede niyang gawin. Hanggang sa lumabas nga siya ng silid namin. Saktong pagpasok naman ni Liza hindi sa galing sa ibang direksyon. *Bakit nandito ka?" tanong ko kay Liza. "Magmadali kayo. Tatakas na tayo," sagot ni Liza. "Agad-agad? Ngayon na?" tanong ko para makasigurado. “Bakit biglaan?”"Oo. Inutusan ako ni Sir Lance na puntahan
ATASHIAPanay ang iyak ko habang inaasikaso ko si Mrs. Friol. Mabuti na lamang at nakumbinsi ko siyang kailangan naming makaalis ng La Aurora at dapat pareho kaming buhay kapag nangyari iyon. Nilinis ko ang mga sugat niya sa katawan. Pinakain ko rin siya ng iniwang pagkain ng mga tauhan ni Ma’am Olivia. Dahil puno ng pagkain ang lamesa sa silid ko, marami siyang pagpipilian. Isang rason kung bakit hindi iyon nagagalaw ay dahil natatakot ako na baka matulad ako kay Lance. Kung may kemikal man na nilagay doon ang mga tauhan ni Ma’am Olivia, malalaman ko sa pamamagitan ni Mrs. Friol.Habang nakahiga siya sa kama na hinihigaan ko, unti-unti ko siyang tinatanong tungkol kay Belle. “We adopted her from a children foundation na tinutulungan namin dati ng aking asawa,” kwento ni Mrs. Friol. “We have no idea who her parents were. Why are you asking me these questions now?” “May nagsabi po kasi sa akin na ang tunay na ina ni Belle ay si Ma'am Olivia,” saad ko.Kahit labis ang panghihina ay p
ATASHIA Kinabukasan, parang bomba na ibinandera ni Belle sa harapan ko ang mga larawan nila ni Lance. Parang sasabog ang dibdib ko sa mga nakita ko. The bed is familiar. Kahit ilang beses lang akong natulog doon ay kabisado ko ang silid kung saan kinuha ang mga litrato. Hindi ako kaagad nakapagsalita. Nanginginig ang mga kamay na dinampot ko isa-isa ang mga larawan. Nangingilid din ang luha sa aking mga mata. "Hindi totoo ito," usal ko. Ngumiti si Belle na para bang tuwang-tuwa siya sa reaksyon ko. Kitang-kita ko rin ang pagtaas ng kanyang kilay habang parang awang-awa siya sa akin. "Don't be so stupid. Atashia, nasa harapan mo na ang katotohanan. Kakampi talaga namin si Lance. Pinaiikot ka lang ng nobyo ko. Lahat ng mga nangyayari ngayon ay alam niya. Nandito siya sa La Aurora hindi para iligtas ka kung hindi para tulungan kami na patayin ka. Hindi ako kasing sama nila ng mommy niya. Although karelasyon ko ang asawa mo, napipilitan lang talaga akong gawin ang mali dahil hawak