ATASHIA
Wedding day!
Hindi ko masasabi kung kasal ba talaga o lamay ng patay ang pupuntahan namin ni Lance. Ang mayor lang naman ng siyudad ang magkakasal sa amin pero matindi ang kabog ng dibdib ko. Napakaraming tanong sa isip ko.
What if… what if… what if…
Hindi talaga maubos-ubos.
Ready na si Lance at maging ako. Puting americana suit ang suot niya. Hindi nakakasawang tingnan ang mukha ng aking future husband. Umangat kasi lalo ang kagwapuhan niya hindi lang dahil sa suot niya kung hindi dahil din sa gupit niyang sobrang simple pero ang linis.
Nakasuot naman ako ng isang white lace wedding gown. Hapit iyon sa akin kaya kitang-kita ang contours ng aking katawan. Very classic din ang sweetheart neckline at cap sleeves nito. Sobrang detalyado rin ang sheer draped ng gown kaya kitang-kita ang hourglass figure ko na bihirang-bihira sa mga babae. Ang mahabang tela sa likuran ay lumilikha rin ng illusions na lalong nagpalutang ng natatangi kong ganda.
Nang nakita ako ni Lance, bigla na lang siyang tumigil sa paglakad. His lips were parted apart and his eyes were wide open. Napangiti na lang ako kahit mas lalo akong ni-nerbyos sa reaksyon niya.
“Tutuloy pa ba tayo sa munisipyo o pagmamasdan mo na lang ako?” tanong ko para lang mayroon kaming pag-usapan ni Lance. Ang awkward kasi ng situation naming dalawa. Feeling ko ay hinúhúbaran niya na ako sa mga tingin niyang iyon sa akin.
“Of course!” malakas niyang sabi. “Can I kiss my beautiful bride?”
“K-kiss?” Nautal pa ako dahil hindi ko napaghandaan ang tanong niyang iyon. Simula kasi nang magkakilala kami ay never niya akong hinalikan. Although paminsan-minsan ay niyayakap niya ako pero sandali lang iyon. Wala kaming physical contact dahil madalas ay umiiwas ako to protect myself. Iba kasi ako sa nanay ko.
“After the wedding na nga lang,” wika niya.
Hinawakan ni Lance ang kamay ko at saka niya ako inalalayan palabas ng condo unit. Sa elevator ay napansin ko ang mga nakaw niyang tingin sa akin na lalong nagpakaba ng aking dibdib. Maging sa sasakyan ay panay din ang sulyap ni Lance sa akin. HIndi na ako nakatiis kaya sumimangot na ako. Feeling ko kasi ay nababastos na ako.
Mukhang nakuha naman ni Lance ang nararamdaman ko kaya nag-focus na lang siya sa pagmamaneho.
Nang dumating kami ng city hall ay pinagtinginan kami ng mga tao. Hiyang-hiya ako dahil hindi ako sanay na nakukuha ang atensyon ng kahit sinuman.
“Kayo lang? Where is your family?” tanong ng mayor.
“We have decided to have a secret wedding, Mayor. We are in a legal age kaya kahit wala na ang parents namin ay okay lang,” sagot ni Lance.
“Where are your witnesses? I can’t officiate your wedding without a witness,” sabi ulit ni Mayor.
Napahiya ako sa sarili ko. Feeling ko ay isa lang akong babaeng pang-kuwarto at hindi pwedeng ibandera. Iyon lang ang halaga ko. Ipiniling ko ang aking ulo. Hindi ako pwedeng mag-self-pity o mag-drama. Kailangan ko ang pera ni Lance to build my own reputations. Kasal muna then mag-aaral ako. Bubuuin ko ang aking sarili kahit winasak ito ng aking mga magulang.
Biglang pumasok ang isang janitor sa loob ng hall kung saan gaganapin ang kasal namin. Nilapitan siya ni Lance at kinausap.
“Mayor, we have our witness now,” sabi ng magiging asawa ko.
"What? Janitor ang ninong namin ni Lance?" exaggerated na tanong ng isip ko. Tatanggi pa sana ako pero…
“I need more witnesses,” sabi ng mayor. “Lumabas ka nga roon, Berting, at tumawag ka ng kahit tatlo pang tao. Dalawang babae at isa pang lalaki,” utos ni Mayor sa witness na nakuha ni Lance.
Agad sumunod ang janitor sa utos ng mayor. Ilang minuto lang ay bumalik siya kasama ang tatlo pang mga tagalinis ng munisipyo.
“Pasensya na kayo, Sir at Ma’am. Nahihiya ako kaya puro mga tagalinis din ang niyaya ko,” sabi ni Mang Berting.
Pilit akong ngumiti. Kunwari ay hindi ako apektado pero nanliliit ako. Mamahalin ang suot ko at maging ni Lance pero ang mga ninong at ninang namin… Hay! Iba pa rin pala ang kasal ng mga taong tanggap ng pamilya nila. Hindi ko mahanap kasi ang saya sa puso ko na tulad nang naramdaman ng mga bride na napanood kong lumakad patungo sa groom nila.
Nagsimula si Mayor na gawin ang seremonya. Wala akong naiintindihan sa sinasabi niya. Blangko kasi ang utak ko.
“It seems your bride doesn’t want to marry you, Sir,” sabi ni Mayor.
“Ho? Hindi totoo iyan!” malakas kong sabi.
“Give me your hand.” Nakangiti pero mukhang nenenerbyos na sabi ni Lance.
Nanlalamig ang mga kamay ko nang iabot ko iyon sa lalaking makakasama ko na habang buhay. Naisuot namin ni Lance ang singsing sa daliri ng isa’t isa nang hindi ko alam kung nasa lupa pa ba ako. Ang layo na kasi nang narating ng isip ko.
Nang sinabi ni Mayor ang, “Kiss the bride,” parang biglang nawalan ng buto ang legs ko. Napakapit pa ako kay Lance dahil bigla akong na-out balance.
Diyos ko po! Never been touched and never been kissed ako. Virgin na virgin pa ang labi ko kaya ‘di ko alam kung ano ang pakiramdam ng hinahalikan. Hanggang sa maramdaman ko ang labi ni Lance sa noo ko. Oh my… para akong lola na hinalikan ng apo ko sa noo.
Am I disappointed? Yeah, sort of.
Sa isang fine dine-in restaurant kami dumiretso pagkagaling namin sa munisipyo. Kami, as in kaming dalawa lang ni Lance. Ang mga ninong at ninang kasi namin ay hindi na sumama pagkatapos silang abutan ng tig-sa-sampung libo ng lalaking ngayon ay asawa ko na. Kahit nakakatakam ang pagkain sa mesa ay hindi ko iyon magawang tikman. Nakatitig ako sa singsing na nasa daliri ko.
“Magkano kaya kung ibebenta ko ito?” tanong ng isip ko.
Hindi! Niloloko ko lang ang sarili ko. Ang totoo ay iniisip ko talaga kung hanggang saan ako dadalhin ng singsing na iyon.
“Do you regret marrying me?” tanong sa akin ni Lance. Hindi ko namalayan na kanina pa pala siya nakatitig sa akin.
“No,” maikli kong tugon. Bakit ako magsisisi kung pwedeng maging maayos naman ang buhay ko dahil sa kaniya?
“Akala ko balak mo na akong takbuhan,” biro niya.
“Pwede. Tutal wala tayong prenup agreement,” ganti ko.
Biglang naibagsak ni Lance ang hawak niyang kubyertos. Hindi ko napigilan ang matawa dahil sa reaksyon niya.
“Hindi ako masamang tao, Lance Henzon,” seryoso kong sabi.
“I know,” sabi niya sabay kindat.
Pagkatapos naming kumain ay agad akong niyaya ni Lance na umuwi na ng condo. May meeting daw siya ng alas-dos ng hapon kaya kailangan niyang bumalik sa Henzon Group of Companies. Napakamot na lang ako sa aking noo. Hindi ako makapaniwala na trabaho ang magiging priority ni Lance sa araw ng kasal namin.
Pagdating sa condo, hindi na siya pumasok pa sa loob ng unit. Hinalikan niya ako sa pisngi at agad na rin siyang umalis. Iiling-iling na binuksan ko ang pintuan. Sumalampak ako ng upo sa sahig habang nakatitig sa kawalan.
Ilang saglit pa ay tumawag si Loida. Wala itong alam na kasal na ako sa boss niya. Niyaya ko siyang uminom sa labas. Gusto ko kasing malasing sa araw ng kasal ko. I just want to celebrate the new beginning of my life.
Sakto, broken hearted ang gaga at ‘di pumasok sa trabaho kaya ang bilis pumayag. Gusto niyang sa condo ni Lance kami uminom pero feeling ko ay nakakasakal doon kaya sabi ko ay sa iba na lang. Nang sinabi niyang sa bar ay agad akong tumanggi. Ayaw na ayaw kong pumasok sa bar.
“Check-in na lang tayo sa isang hotel,” suggestion ko. May sapat akong pera para gawin iyon dahil sa kita ng grocery store. May card din na binigay si Lance na pwede kong gamitin kung sakaling maubusan ako ng cash. Debit card iyon kaya maghahanap lang ako ng ATM machine at bongga, may pera na ako.
“Staycation for twenty-four hours,” sabi ko sa receptionist nang nasa lobby na kami ng isang kilalang hotel.
“Taray! Saan ka kumuha ng pera, ha?” pabulong na tanong ni Loida sabay hawak sa braso ko.
“Huwag mo nang problemahin pa iyon. Ang mahalaga ay makakapag-bonding tayo,” sagot ko.
“Bakit ang lakas ng loob mong magyaya ng inuman. May problema ka ba, Atashia?”
“Wala. Masaya lang ako dahil sa wakas, napikot ko na ang boss mo.”
Isang mahinang tawa ang pinakawalan ko. Nasa loob kami ng elevator at paakyat na sa twentieth floor. Pagpasok namin sa silid ay namangha ako. Overlooking iyon sa pool area at malawak na garden ng hotel. May dalawang single beds na magkatabi. Kumpleto rin sa mga gamit ang silid.
Habang pinagmamasdan ko ang kabuoan ng kuwarto ay umupo si Loida sa isang kama. Nakatingin siya sa akin. Alam kong pinagmamasdan niya lang ako pero, dedma ang drama ko. Nagulat pa ako nang bigla na lang niya akong sinugod. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinalat niya ang wedding ring namin ni Lance.
“Atashia, ano ito?” tanong niya sa malakas na tinig.
“Wedding ring,” tugon ko.
“We-, ano? Ikinasal ka na? Kanino?”
“Sa boss mo,” seryoso kong sabi.
“Hindi ka ba nagbibiro, Atashia? Kaya ba marami kang pera?”
Nagkibit-balikat ako. Pilit kong ipinakita kay Loida na kinikilig ako kahit ang totoo ay parang yelo na sa lamig ang puso ko.
“Nasisiraan ka na talaga ng ulo, Atashia. Hindi mo alam kung anong klaseng gulo ang pinasok mo. Iyong nanay mo, wala na ngang pakialam sa iyo, naghanap ka pa ng biyenan na mukhang puro ampalaya ang kinakain.”
“Huwag mo na akong problemahin, Loida. Kayang-kaya ko ang aking sarili. Isa pa, nangako si Lance na hindi niya ako pababayaan.”
Muling umupo si Loida sa kama. Binuksan ko naman ang pintuan dahil dumating na ang inorder naming mga pagkain at alak.
“Seryoso ka? Iinom ka? Hindi ka naman lasenggera, ah,” sita sa akin ni Loida.
“Ngayon lang,” sabi ko naman.
“Akala ko talaga nagbibiro ka lang kanina noong niyaya mo akong uminom. Seryoso ka pala, Atashia.”
“‘Di ba matagal mo na akong niyayaya na uminom. Pinagbigyan lang kita to celebrate the big changes in my life.”
“Spokening dollar ka na rin. Aba, matindi, Atashia.”
Walang alam ang kaibigan ko na sinasanay ko na ang aking sarili para makasabay ako sa pamilya ni Lance. Mukha kasing nagsisimula na ang aking kalbaryo dahil sa pangarap ko.
Nakakailang tungga pa lang kami ni Loida nang tumunog ang cellphone ko. Alas kwatro na ng hapon kaya siguro nagawa nang tumawag ni Lance. Siguro tapos na ang meeting nito. Habang tinutungga ko ang bote ng alak ay tiningnan ko lang ang gadget na nasa tabi ko. Wala akong balak na sagutin ang asawa ko.
“Hindi mo ba sasagutin iyan? May LQ na ba kayo agad sa unang araw pa lang ninyo bilang mag-asawa?" mga tanong ni Loida sa akin. "Alam mo, Atashia, dapat siya ang kasama mo ngayon at hindi ako.”
“Okay kami, Loida. Iba lang ang set-up namin ni Lance kumpara sa ibang mag-asawa. Wala akong pakialam doon. Ang mahalaga sa akin ay makapagtapos ako ng pag-aaral at umasenso nang hindi ko kailangan ng maraming lalaki.”
“Sana tama ang desisyon mong iyan, Atashia.”
Sana nga! Tumigil din sa wakas si Lance sa pag-contact sa akin.
Ngunit bago mag-ala siyete ng gabi ay nakatanggap ako ulit ng tawag mula sa kaniya. Lasing na ako at tulog na rin si Loida. Tinatamad na in-accept ko ang tawag.
“Atashia, where are you? I have been looking for you since I arrived home,” sabi ni Lance.
“Atashia, where are you? I have been looking for you since I arrived home,” ulit ko sa sinabi niya. Humagikhik pa ako dahil sa epekto ng alak sa katawan ko.
“Are you drunk? Where are you, Atashia.”
“Find me.” Hamon ko sa kaniya.
Naririnig ko pa si Lance sa kabilang linya pero hinihila na ako ng matinding antok. Makalipas ang ilang oras, nagising na lang ako sa bisig ng asawa ko. Nakasakay na rin kami sa elevator, pababa ng hotel kung saan kami pumunta ni Loida. Dama ko ang matipuno niyang dibdib, amoy ko ang ginamit niyang pabango, at kita ko ang nakakatakot niyang mga mata.
Kinikilig na idinikit ko ang aking tainga sa tapat ng puso niya at pinakinggan ko ang tibok noon. My God, feeling ko ay nasa langit na ako lalo na at titig na titig sa akin ang mga mata niyang nangungusap.
"I love you," usal ko habang nakapikit.
It was too late nang ma-realize kong I was carried away by Lance's charismatic personality. Dalang-dala rin ako sa ka-sweet-an niya. Dahil doon kaya pinilit kong makalayo sa kan'ya. I succeeded. Ibinaba niya nga ako.
Subalit hindi ko inaasahan nang hawakan niya ako sa baywang. Lalong hindi ko napaghandaan ang paglapat ng pangahas niyang labi sa vírgín ko pang lips. It happened so fast. Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo hindi lang dahil sa effect ng alak kung hindi dahil sa kiss na ubod tamis. Hanggang sa muli akong buhatin ni Lance. Wala akong nagawa. Nagpatangay na lang ako sa bugso ng aking damdamin.
Ngunit nang bumukas ang elevator, biglang napako sa kinatatayuan niya si Lance. Sa labas ay hindi rin nakakilos ang isang sexy at magandang babae— si Belle Friol.
"Who is she?" tanong ni Belle.
"My wife," tugon ni Lance.
Sinampal ko ang aking pisngi. Naramdaman ko ang sakit na likha noon kaya batid kong hindi ako nananaginip. Totoo nga! Ipinakilala akong asawa ng isang Lance Henzon. Parang hihimatayin ako sa sobrang kilig.
ATASHIA Hindi maitago sa magandang mukha ni Belle ang matinding pagkagulat nang sinabi ni Lance na asawa niya ako. Kinilig man pero parang gusto kong itago sa bulsa ko ang aking asawa. I hate the way Belled looked at him. Ako lang dapat ang may karapatan na tumingin sa mister ko ng ganon. Dala ng matinding selos, umungol ako ng bahagya. Nagmamadali na lumakad si Lance palabas ng hotel habang ang mukha ko ay nakasubsob sa malapad niyang dibdib. Nang ibaba ako ni Lance sa loob ng sasakyan, hindi ko napigilan ang mapasuka. Halo-halo na ang amoy ng mamahalin niyang kotse at kaniyang pawis, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit bumaliktad ang sikmura ko. Ang totoo ay hindi talaga kasi sanay malapatan ng alak ang sikmura ko. “What the héck, Atashia? I had no idea that marriage could be so difficult. You're giving me a headache on our first night together as husband and wife,” reklamo ni Lance. Napahagikhik ako. Hinaplos ng hintuturo ko ang kaniyang mukha. Grabe sa kinis iyon na para
ATASHIA Habang nakasakay kami ni Lance sa private plane ay wala pa rin akong kibo. My eyes were closed pero nakikiramdam ako sa bawat galaw ng katabi ko. Sa dami kasi ng upuan ng eroplano, pinili niya pa talagang makisiksik sa tabi ko. Simula nang umalis kami ng condo ay wala na talagaakong imik. Hindi ako galit kasi nasarapan naman talaga ako sa kíss na ginawa ni Lance, kaya lang parang may mga nagtatakbuhang hayop sa sikmura ko. Nahihilo ako, naiihi, basta ang dami kong nararamdaman. Parang nakadikit pa rin sa bibig ko ang lasa ng labi ng asawa ko at para iyong bubble gum sa sarap. Dama ko pa rin ang lambot noon na parang cotton candy. Napangiti ako sa mga iniisip ko. "You're so gorgeous, hon," bulong niya sa akin. "Thank you," sakay ko naman sa sinabi niya. Matagal ko na kasing alam na maganda ako. "What are you thinking? Why are you smiling?" Bigla akong napamulagat sa mga tanong na iyon. Subalit mabilis din akong napapikit. My husband's face is just an inch away from m
ATASHIASeven days, seven days na akong trinatrato ni Lance na parang reyna. Mula paggising hanggang matulog, kulang na lang ay sambahin niya ako. For the very first time in my life, I felt how valuable I am. Hindi ko na pala kailangan malungkot dahil pilit pinupunan ni Lance ang kakulangan ni nanay. Each day na lumilipas ay lalo akong nahuhulog sa CEO kong asawa. Hindi n'ya kasi ipinararamdam sa akin ang layo ng agwat namin sa buhay. Sa halip ay ipinapakita niya sa akin how I deserve all the love and attention na hindi ibinigay sa akin ng sarili kong ina. "Hon, let's ride a Kayak," sabi niya sa akin isang umaga. Nasa Lancenta Hotel pa rin kami at nakababad ako sa pool. First time kong maligo roon dahil katatapos lang ng period ko. "Ano iyon?" Inosente kong tanong sa kaniya. "It is a boat commonly used in sports. It needs physical strength which is why I have to paddle for us to get into the deep part of the sea," paliwanag ni Lance. "Walang makina pala iyan. Huwag na. Nakakatako
ATASHIAI didn't confront Lance in front of Wenna. Hindi pwede. Bawal. Wala pa dapat makaalam kung sino ako sa buhay ng isang Lance Henzon. But I couldn't keep my mouth shut. Hindi kasi ako ang tipo ng tao na basta na lang papayag na maagawan. I must do my part to keep the marriage last for a lifetime katulad ng sumpaan namin ni Lance. Muli akong bumalik sa silid kung saan kami tumutuloy ni Lance. Hindi ko ginalaw ang mga pagkain kasi wala akong gana. Feeling ko ay busog na busog ako. Ang puso ko ay parang pinipiga dahil sa matinding paninibugho. As time passed by, lalo akong nanggigigil kay Lance. Ang dami kong naiisip na maaaring ginagawa nila ni Wenna. Hanggang sa dumating na ang mister ko. Kung kanina ay ready na ako to scold him, ngayon ay parang naputol ang dila ko. Na-blangko kasi ang utak ko kaya walang kahit na ano ang lumalabas sa bibig ko. Bigla akong naduwag na komprontahin siya. "Hi, hon. Oh, why did you not eat your breakfast?" tanong niya. Naks! Ang lambing niya. Pa
ATASHIA Lapu-Lapu, Magellan, Heneral Luna…Lahat na yata ng magigiting na taong nakilala ko sa history ay naisip ko habang ipinagtatanggol ako ni Lance laban kay Gemma. Pero hindi ko mapigilan ang mapabungisngis ng maalala ko si Gagamboy. Panay kasi ang kumpas ni Lance habang inuutusan niya ang mga guards na huwag na huwag palalapitin sa akin si Gemma. Para siyang ang pinoy hero na napanood ko. "Iyong asawa mo, may plus three sa akin," bulong ni Loida. "Grabe pala siyang magalit. First time kong nakita siyang gan'yan. Sa restaurant kasi, kahit nagkakamali kami ay hindi naman siya nagagalit. Ikaw lang pala ang may kakayahan na palabasin ang demonyo sa katawan niya.""Tumigil ka nga. Ang daldal mo," bulong ko kay Loida. Bahagyang lumayo sa akin ang kaibigan ko nang makita niyang lumalakad si Lance palapit sa 'kin."Are you hurt?" tanong ni Lance sa akin sabay tingin n'ya sa pisngi kong dinapuan ng palad ni Gemma. "Nakakainis ka. Hindi mo man lang ako hinayaan na gumanti," sagot ko.
LANCEAtashia's mother slapped me across the face, not once or twice. I couldn't even remember how many there were. I stood like a tree trunk protecting my wife. I accepted all the insults and remained silent. I am not a saint, but I did everything I could to avoid further conflict. She is, after all, my wife's parent. I must respect her despite her bad attitude."Nanay, tama na." My wife begged her mother. She was terrified and trembling. "Lance, okay ka lang ba?" I nodded kahit nahihilo na ako dahil sa mga sampal na tinamo ko. It was my first time being beaten. I, Lance Henzon, was always treated like a prince. But for my wife, I am willing to be a sacrificial lamb. "Sino ba iyang lalaking iyan, ha? Bakit kung makasigaw para patigilin ako ay akala mo kung sinong anak ng hari?" My mother-in-law asked Atashia. "He is the son of Congressman Henzon, ma'am," singit ng abogado ko. "Pwede ba, huwag kang pa-Inglis-Inglis? Pinoy tayo, Pinoy!" Atashia's mother emphasized. "Sir, would yo
ATASHIABiglang nabura ang mga ngiti sa labi nina Lance at Belle. Maging ang excited kong mukha ay napalitan ng lungkot. What the fuck! Maniniwala na sana akong mahal ako ni Lance pero nagsusumigaw ang katotohanan na isa lamang akong spare tire. I am the legal wife pero wala sa 'kin ang puso ng asawa ko. Ang pagtago niya sa akin ng mga ginagawa nila ni Belle ay isa lamang patunay na hindi ko pa nga lubos na kilala ang mister ko. “Atashia, ito ang kabayaran ng mga pangarap mo.” I told myself to boast my self-confidence. Dama ko kasing bibigay na ako dahil sa matinding selos. Bigla akong tumayo sa kinauupuan ko. Nasa office ako at inutusan ko si Loida na dalhan ng hygiene supplies ang asawa ko dahil sabi niya noong nasa condo kami ay paubos na raw ang stocks n’ya sa office. It was supposedly a surprise for him kaya nga binilinan ko si Loida na i-video call ako kapag nasa restaurant na siya para makita ko ang reaction ni Lance. Hindi ko akalain na ako pala ang masu-surprise. “Huwag ka
ATASHIALumipas ang tatlong buwan, natatawa na lang ako sa tuwing naaalala ko ang incident sa grocery store. Buong akala ko kasi noon ay giyera ang haharapin ko, iyon pala ay mamimili lang si Ma'am Olivia kasama ang isang batalyon n'yang mga alalay. Hanggang ngayon ay isa siya sa mga regular customers namin. Subalit madalas ay nagpapa-home delivery na lamang siya kaya hindi kami nagkikita. Marahil nakalimutan niya na rin kung sino ako at wala na rin siyang pakialam sa akin. Sa tuwing o-order sila ng mga kailangan nila sa mansion ay si Loida ang nakakausap ng personal assistant niya kaya hanggang ngayon ay ligtas pa rin ang sikreto namin ni Lance. Ang asawa ko naman ay madalas pa rin akong biruin dahil sa paglalayas ko ng biglaan dahil sa sobrang kapraningan ko noong araw na pumunta siya sa penthouse niya. Muntik pa silang mag-ina na magpang-abot noong sinundo ako ni Lance sa grocery store. Mabuti na lang talaga at very attentive si Loida. Agad niyang tinawagan ang mister ko bago p