Mag-log inIsinara nito nang malakas ang pinto at ni-lock mula sa labas. Namula ang mga mata ni Bella sa takot. Wala sa kanya ang phone niya, at nasa hotel lang ang mga bata. Paano kung may mangyaring masama sa kanila?
“Palabasin niyo ako! Illegal house arrest ‘to! Palabasin niyo ako ngayon din!” Pero kahit anong sigaw niya, walang nakikinig sa kanya. Nagmamadaling umuwi si Sebastian. Hindi na siya nag-abala pang maghubad ng sapatos at dumeretso agad sa kwarto ng anak sa second floor. “Anong nangyari?!” tanong niya sa matandang butler. “Maayos naman po ang Young Master kanina, pero biglang dumating si Miss Astrid kaninang hapon. May dala siyang mga regalo at pinuntahan ang bata sa taas. Hindi namin alam kung anong sinabi niya, pero biglang nagwala ang Young Master at nasaktan pa si Miss Astrid.” Nagdilim ang paningin ni Sebastian. “Nasaktan ba niya ang sarili niya?” “Hindi pa po namin alam. Ayaw niyang magpapalapit.” “Bang!” “Clatter!” Pagdating ni Sebastian sa pinto, narinig niya ang mga nababasag na gamit sa loob. Pumasok siya at agad na may lumipad na vase sa direksyon niya. Buti na lang at mabilis siyang nakailag. Ang vase ay tumama sa railing at bumagsak sa first floor, durog-durog. Nasanay na si Sebastian sa ganito. Dahan-dahan siyang lumapit sa galit na galit niyang anak. “River, bakit ka na naman malungkot?” Nanggagalaiti si River. Ang galit sa mukha niya at ang awtoridad na dala niya ay carbon copy ni Sebastian. Talagang anak niya ito. Gusto sana siyang yakapin ni Sebastian pero umiwas ang bata at tumayo nang malayo. “Magpapakasal ka na?” tanong ni River. Natigilan si Sebastian. “Sino’ng nagsabi sa ‘yo niyan?” Hindi sumasagot ang bata pero matalim ang tingin. Naisip ni Sebastian si Astrid. “Si Astrid ba?” Dahil sa pananahimik ng bata, nakuha na ni Sebastian ang sagot. “Huwag kang maniniwala sa kung ano-anong sinasabi niya. Wala akong balak kumuha ng stepmother mo. Alam mo naman na hanggang ngayon, hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap sa biological mother mo.” “Hindi ka magpapakasal sa kanya?” “Hindi!” “Sure ka?” “Oo!” Doon lang medyo kumalma ang bata. “Ayaw ko sa kanya.” “Ayaw ko rin sa kanya,” sagot ni Sebastian. Napayuko si River. “May balita na ba kay Mommy?” “Wala pa, pero wag kang mag-alala. Ikaw ang unang makakaalam kapag nahanap ko na siya.” Aminado si Sebastian na may love-hate relationship siya sa babaeng iyon. Malaki ang pasasalamat niya rito dahil ito ang nagligtas sa buhay niya noon kahit na hindi nito alam. At dahil tradisyunal siyang lalaki, naniniwala siya na kapag may nangyari na sa kanila, ito na ang dapat niyang makasama habang buhay. Pero minsan, nagagalit din siya. Bakit ito umalis? Bakit ito nang-iwan? Kung hindi lang nahanap ni Astrid si River noon, baka namatay na ang bata sa tapat ng bahay nila! Napakasama niya para iwan ang sarili nilang anak. Yumuko si Sebastian at hinawakan ang pisngi ng anak. “River, gustong-gusto ko rin siyang mahanap gaya mo. Sana nga lumitaw na lang siya sa harap natin ngayon, pero… hindi natin pwedeng ipilit ang mga bagay-bagay.” Nakakalungkot isipin na ang dalawang pinakamakapangyarihang lalaki sa lungsod ay parehong iniwan ng iisang babae. “Bakit kaya ayaw sa ‘yo ni Mommy, at bakit pati ako ayaw niya?” tanong ni River. “Dahil ba hindi ka magaling na asawa, o dahil hindi ako mabuting anak?” Umiling si Sebastian. “Kakasilang mo pa lang nung umalis siya, kaya hindi mo kasalanan ‘yon. Napakabuti mong bata.” “Ibig sabihin, dahil ‘yon sa ‘yo. Binu-bully mo siguro siya kaya siya umalis.” “I don’t…” Hindi makasagot si Sebastian dahil nakakaramdam siya ng guilt. Kahit may dahilan ang nangyari noon ay alam niyang nagkasala pa rin siya rito. Gusto niyang bumawi at pagsilbihan ito habang buhay. “…River, nagkaroon lang kami ng hindi pagkakaintindihan noon. Pero pangako, hahanapin natin siya.” Tumitig si River sa Daddy niya, pagkatapos ay tumalikod at naupo sa bintana habang nakatingin sa gate ng villa. Doon siya palaging naghihintay, umaasa na balang araw, dadaan ang Mommy niya at makikita niya ito agad. Napasakit para kay Sebastian na makita ang anak na ganoon kalungkot. Napaisip na naman siya. Nasaan ka na ba? Ang anak mo, may sakit na sa sobrang pangungulila sa ‘yo, pero hindi ka pa rin nagpapakita. Wala ka ba talagang puso? “River…” “Go out, I want to be alone.” Wala nang nagawa si Sebastian kundi lumabas muna ng kwarto. Pagkalabas na pagkalabas niya ay agad na nagbago ang timpla ng mukha niya. Itatanong sana niya kung nasaan na si Astrid nang bigla itong sumulpot sa living room sa baba habang namumula ang mga mata. Nang makita siyang lumabas mula sa kwarto ni River, agad siyang sinalubong ni Astrid na tila alalang-alala. “Sebby, kumusta na si River?” Malamig ang pakikitungo ni Sebastian, pero hindi siya nagwala. Tutal ay si Astrid naman ang nakasagip kay River noon. Siya ang nakakita sa bata sa labas ng pinto kaya ito naligtas. Minsan na rin siyang nagtaka kung bakit napaka-coincidence na si Astrid ang nakahanap sa bata. Naisip pa nga niya noon kung itinago ba nito ang totoong nanay ni River para mapalapit sa kanya, tapos ay nagpanggap na iniligtas si River para maging utang na loob niya ang buhay ng anak niya. Pero nung seryoso niya itong pina-imbestigahan ay lumabas na aksidente lang talaga ang pagkahanap ni Astrid sa bata. Walang kinalaman ang babaeng ito sa pagkawala ng nanay ni River. Kaya naman, kahit hindi niya gusto si Astrid, nanatili siyang civil dito sa loob ng maraming taon. Hinayaan pa nga niya itong bumisita para kahit paano ay maramdaman ni River ang maternal love, kaya tuloy ang akala ng mga tao sa labas ay mahal niya ito. May mga tsismis pa nga na si Astrid ang biological mother. Pero ang mga malalapit lang sa kanya ang nakakaalam ng totoo. Ang puso niya ay para lang sa nanay ni River at kailanman ay hindi siya nagbigay ng pag-asa kay Astrid. Gaya ng sinabi niya sa anak, hindi niya ito mahal. Bumaba si Sebastian sa hagdan. Nang makita ang benda sa braso ni Astrid ay nagsalita siya. “Pasensya na at nasaktan ka ni River.” Agad na sumagot ang babae, “Okay lang ako. Nag-aalala lang talaga ako sa kanya. Bakit ba siya nagkakaganyan? Nagagalit siya agad pagkakita sa akin. Dahil ba matagal akong nawala para mag-taping kaya naging distant na siya?” Nagpanggap na concern si Astrid, kunwari ay walang alam. Alam naman ni Sebastian na nag-umpisa ang sumpong ni River dahil sa pagsasabi nito na magpapakasal sila. Malamig na sagot ni Sebastian, “Hindi, nangungulila lang siya sa biological mother niya.” Napakuyom ng palad si Astrid sa narinig. Galit na galit siya sa selos dahil alam niyang parehong baliw na baliw ang mag-ama sa iisang babae na iyon! Noong nahanap niya si River, akala niya ay ito na ang chance niya para mapakasalan si Sebastian. Sabi niya pa noon, masama sa mental health ng bata ang walang nanay kaya dapat silang magpakasal kahit sa papel lang. Pero diretso siyang binalaan ni Sebastian na kasal pa ito sa papel at hindi pa nadedesisyunan ang divorce. Kapag nagpakasal sila, magiging bigamy iyon. Kaya hanggang ngayon, compensation lang ang kaya nitong ibigay, hindi ang titulong asawa. Galit na galit si Astrid—hindi na nga niya makuha ang puso ng lalaki, hindi pa niya makuha ang apelyido nito. Ang tatlong taong pinaka-kinamumuhian niya sa mundo ay ang biological mother ni River, ang asawa ni Sebastian, at si River mismo! Araw-araw ay iniisip niya kung paano silang tatlo mawawala. Pero sa harap ni Sebastian, nagmuka siyang punong-puno ng pagsisisi. “Kasalanan ko ‘to. Siguro hindi sapat ang pag-aalaga ko kaya hinahanap-hanap niya ang totoong nanay niya.” “Hindi mo problema ‘yon. Normal lang sa bata ang maghanap ng nanay. Hindi ka niya biological mother, kaya kahit anong gawin mo, hindi mo maibibigay ang maternal love na gusto niya.” Tagos sa puso ang pagiging prangka ni Sebastian, kaya wasak na naman ang ego ni Astrid. Dagdag pa ni Sebastian. “Masyadong masama ang condition ni River ngayon. Mula ngayon, wag ka munang pupunta dito sa bahay unless urgent. At kung kailangan mo talagang pumunta, tumawag ka muna sa akin.” Nanlaki ang mata ni Astrid. “What?!” Dahil lang sa isang sumpong, bawal na siyang pumasok nang basta-basta? Anong pinagkaiba niya sa ibang babae sa labas na naghahabol kay Sebastian? “Sebby…” “Para sa ikabubuti ito ni River.” Pagtatapos ni Sebastian sa usapan. Parusa niya ito sa pagsasabi ng kung ano-ano sa bata. Sinabi na niyang hindi siya magpapakasal pero nagmamarunong pa rin ang babae. Umalis si Astrid na punong-puno ng sama ng loob."Bilis, sabihin niyo, hindi ba ang ganda ni godmother?" Sabay-sabay na sumigaw ang tatlong bata. "Maganda!" "Hahaha, sabihin niyo naman, hindi ba ang cute ni godmother?” "Cute!" "Dyosa ba si godmother?" "Dyosa si godmother!" "Hahahaha." Halos mabuhat na ang bubong sa lakas ng tawa ni Mica. Hindi naman mapigilang mapatawa ni Bella. Ngayong araw, nung malaman nito na nanganak pala sya at mag-isang pinalaki ang mga bata sa loob ng limang taon ay iyak nang iyak si Mica. Kahit dalaga pa si Mica, alam niyang hindi biro ang magpalaki ng anak lalo na para sa isang single mother. Naawa si Mica sa kanya. At habang naaawa ay hindi din nito mapigilang sobrang ma-in love sa mga bata. Kaya nung makatanggap siya ng tawag mula kay Theodore kanina habang kausap ito ay nagpaalam si Mica kung pwedeng itong dumiretso sa tinutuluyan nila para makita ang mga bata. Binuksan ni Bella ang pinto at pumasok sa kwarto. Pagkakita pa lang sa kanya ng tatlong bata ay agad silang tu
Samantala, wala namang pakialam si Bella sa iniisip nito. Ang mahalaga ay naibalik niya ang pera at gumaan ang loob niya. Sinulyapan niya si River na nakahiga sa hospital bed at iniabot ang kamay nito. Agad na hinawakan ni Sebastian ang pulso niya at nanggagalaiting nagtanong. "Anong ginagawa mo?!" Nagulat si Bella sa bagsik ng boses nito. "Gusto ko lang... gusto ko lang kunin ang pulso niya." Tiningnan siya ni Sebastian nang may madilim na mukha at puno ng galit. Bahagyang umubo si Doctor Bentley para pagaanin ang tensyon. "Maraming salamat sa pag-aalala, Miss Bella." Matagal siyang tinitigan ni Sebastian bago binitawan ang kamay niya. Inis na inis si Bella. Kung hindi lang dahil sa pag-aalala sa bata, hindi na siya mag-aabala! Para itong asong nangangagat sa nagpakain sakanya—hindi marunong kumilala ng mabuting loob! Nagmuramura si Bella sa loob-loob niya, pero maingat pa rin niyang kinuha ang pulso ni River. "Maayos na ang lagay niya sa ngayon. Kapag nagising siy
“Nag-iimbestiga na ang mga tao natin pero wala pa ring mahanap. Nabalitaan ko na kahit si Young Master Sebastian ay wala ring mahanap na impormasyon. Magaling ang kalaban natin.” sabi ng tauhan nya. Bumuntong-hininga si Theodore nang may madilim na mukha. “Siyempre magaling ‘yan. Kung hindi siya magaling, maglalakas-loob ba siyang hamunin si Sebastian?” Sandaling nag-isip si Theodore. “Pumunta ka sa dark web at kontakin ang Princess Belle Number One Backer. Kahit anong presyo ang hingin niya, ibigay niyo, basta matulungan niya akong malaman kung sino ang taong iyon.” Nag-aalala ang kanyang tauhan. “Pero mahirap po itong kontakin. Mailap siya at walang pakialam sa pera. Tumatanggap lang siya ng trabaho base sa mood niya.” Ang Princess Belle Number One Backer ay isang top figure sa mundo ng mga hackers. Dalawang taon na ang nakararaan, bigla itong sumulpot at pinasok ang isang foreign military hangar sa loob lang ng isang minuto, kaya naging tanyag ito agad. Noong subukan siy
“Ganoon pa rin,” sagot ni Sebastian. “Ang dami na nating kinonsultang experts, wala pa rin bang improvement?” “Wala.” “Wala? Si River ang tanging tagapagmana ng pamilyang Zobel. Hindi pwedeng magpatuloy ang ganito.” Bumulong naman ang panganay na anak na babae. “Eksakto! Hindi talaga pwedeng magpatuloy ‘to. Si River ang tanging lalaki sa henerasyon niya. Logically, siya ang rightful heir ng pamilyang Zobel. Pero kung magpapatuloy siya sa ganyang lagay, paano niya mamanahin ang Zobel Group? Ibibigay ba natin ang Zobel Group sa isang sakiting tao? Tsaka, aabot pa ba siya sa…” Bago pa matapos ng panganay ang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Sebastian. Pinanlakihan din siya ng mata ni Theodore kaya tumahimik na lang ito kahit bumubuka pa ang bibig. Inip na tinitigan ni Sebastian si Theodore. “Wala kayong pakialam sa mga bagay na tungkol kay River . Limitado lang ang pasensya ko. Sabihin nyo na kung ano ang pinupunto nyo. Stop wasting my time.” Napakunot-noo ulit si Theod
Para makatipid ay sobrang tipid ng pamumuhay nito. Madalas ay tinapay at tubig lang ang kinakain nito, minsan ay may kaunting gulay. Maging ang itlog ay itinuturing na nitong luxury—minsan, isang beses lang itong kumakain sa loob ng isang araw. Bukod doon, kailangan pa nitong tiisin ang pangungutya at tsismis ng mga tao sa paligid nito. Hanggang sa isang araw, noong malapit na itong manganak, bigla na lang itong nawalan ng malay habang pauwi galing sa trabaho. Actually, sinubukan na ring paimbestigahan ni Sebastian ang mga ito noong mga nakaraang araw pero wala silang nahanap. Hindi dahil sa mahina ang mga tauhan niya, kundi dahil pagkatapos bumaba ni Bella sa bundok kasama ang mga anak niya ay itinagong kanyang tagapagligtas ang kanyang nakaraan sa takot na makaapekto ito sa kasalukuyan niyang buhay. Binigyan din siya nito ng bagong identity. Kaya naman ang ibang nag-imbestiga sa kanya ay nalaman lang na isa siyang ordinaryong biyuda na nakatira sa bundok kasama ang kanyang anak
Hindi nagtagal ay natanggap ni Sebastian ang mensahe. Nakatayo siya sa smoking area sa dulo ng corridor at hindi mapakali. “Sinong nagsabi sa kanyang nasa Manila pa ako?” Agad sumagot si Dominic. “Hindi rin niya sinabi, ang sabi lang niya, kapag hindi ka nakipag-divorce ay kukulitin ka raw niya nang kukulitin. Sabi niya rin na divorce lang ang gusto niya at wala siyang kukunin sa inyo kahit ano. Pagkatapos daw nun ay hindi na niya kayo guguluhin.” Nabwisit si Sebastian. “Binabantaan ba niya ako?” Hindi nakasagot si Dominic, tumigil sandali bago nagtanong. “…Anong gagawin natin ngayon? Kapag hindi ka nakipag-divorce, baka mamaya kukulitin ka nga niya? O baka isipin niya na may feelings ka sa kanya kaya ayaw mong makipaghiwalay?” Lalong nainis si Sebastian. “Sabihin mo, pabalik na ako!” Pagdating ni Bella sa Zavier Manor ay sinalubong siya ng bagong katulong doon. Bago na ang lahat ng mga tauhan sa bahay. Yung mga dating nag-aalaga sa kanya noon ay napalitan na. Hin







