Meanwhile, nakabalik na si Archer kay Bella. Walang kaalam-alam si Bella sa mga kaganapan sa airport, lalong hindi niya alam na nakagawa ng malaking gulo ang kanyang anak. Nag-aalala niyang tinignan ang bata na halatang nagmamadali sa pagbalik. “Archer, saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap.” Ramdam ni Archer sa boses ng mommy niya na wala itong kaide-ideya sa nangyari. Napangiti na lang siya. “Mommy, don’t worry. Na-curious lang po ako kasi first time natin dito kaya tumakbo ako sandali para mag-ikot. Mommy, ang ganda at ang laki dito!” “Siyempre! Isa ‘to sa pinakasikat na city sa bansa! Pero dahil maraming tao, ‘wag na ‘wag kang tatakbo kung saan-saan. Paano na lang kung makidnap ka? Anong gagawin namin nina Hunter at Ryder?” Tinapik ni Archer ang dibdib niya bago mayabang na nagsalita. “Huwag kang mag-alala, Mommy. Kapag nakita ako ng kidnappers, sila pa ang dapat mong alalahanin! Matalino ako, paano ako madudukot?” “Ang kulit mo talaga,” naiiling
Last Updated : 2026-04-19 Read more