Share

Chapter Five

Author: Hanni
last update publish date: 2026-04-19 01:58:18

Anong nangyayari? Kamukhang-kamukha niya talaga sina Hunter at Archer, mga 80% na hawig. Pero sabi nito ay hindi niya raw kilala si Bella, at mukhang hindi naman ito nagsisinungaling. Tsaka magkaiba rin yung boses niya dun sa lalaki noon.

Tinitigan ni Bella si Sebastian. Pinigilan niyang sumabog—naisip niya na baka magkamukha lang talaga sila, total marami naman talagang magkakahawig sa mundo. Inayos niya yung sarili niya at nag-focus sa problema.

“Kung hindi mo ako kilala, bakit mo ako ipinahuli? Illegal yung ginagawa niyo!”

Nagdilim ang mukha ni Sebastian. Sumingit si Dominic para paalalahanan siya, “Sinabi na ni Boss, yung anak mo kasi ang sumira sa sasakyan niya.”

“Ano?” Hindi makapaniwala si Bella. “Baka nagkakamali kayo? Ngayon lang kami nakarating dito sa Manila. Paano naman magagawa ng anak ko ‘yun? Kami…”

“Ipakita sa kanya yung CCTV!” iritableng putol ni Sebastian.

Agad na lumabas sa malaking screen yung video sa airport. Kahit naka-mask si Archer sa video, kilalang-kilala siya ni Bella. Hindi man niya alam kung paano nasira yung mga gulong, pero yung mga gasgas sa kotse, sure siyang gawa ‘yun ni Archer!

“Ito… I… I’m sorry, hindi ko alam ‘to… Anak ko nga yung nasa video, pero mabait na bata ‘yun. Hindi niya gagawin ‘yan nang walang dahilan.”

Pinagmamasdan lang ni Sebastian yung reaction niya. Mukha namang hindi nagsisinungaling yung babae, kaya nagtanong siya, “Alam mo ba na naglalaro ng explosives yung anak mo?”

“Explosives? Imposible, bata pa siya para humawak ng ganun kadelikadong bagay!”

“Pero yung apat na gulong, sinira niya gamit ang precision explosives.”

Nanlaki ang mata ni Bella, pero bigla siyang natauhan at nag-explain agad, “Alam ko na! May misunderstanding lang. Hindi explosives ‘yun. Maliit na fireworks lang ‘yun. Mahilig gumawa ng fireworks yung anak ko kasama yung lolo niya, kaya binigyan siya nung papunta kami dito. Sorry talaga, hindi ko alam na ganun pala kalakas ‘yun. Kung alam ko lang, hindi ko na sana pinadala sa kanya.”

Seryoso si Bella sa pag-hingi ng paumanhin. Tinitigan siya ni Sebastian at naniwala naman ito. Pareho lang naman ang principle ng fireworks at explosives, at marami talagang magagaling na artisan sa probinsya. Tsaka chineck na ni Dominic, ordinaryong pamilya lang sila kaya mukhang wala naman silang balak na masama sa kanya.

Akala ni Sebastian ay nag-ooverthink lang siya, kaya nawalan na siya ng gana kay Bella.

Mabilis syang bumaling kay Dominic. “Ikaw na bahala dyan.”

Pagkatapos ay nag-cellphone na lang siya at hindi na pinansin si Bella.

Inilabas ni Dominic yung agreement para sa pambayad. “Ms. , dahil umamin ka naman na anak mo ‘yun at may ebidensya kami, bayaran mo na lang.”

Kahit nakakaawa na mag-isang nagpapalaki ng anak si Bella, hindi ‘yun sapat na dahilan para palampasin ‘to. Hindi charity ang business ni Sebastian para hayaan lang na masira yung sasakyang worth tens of millions. Kasalanan ng magulang kapag hindi naturuan nang maayos ang anak.

Problemado si Bella. Kahit alam niyang may dahilan si Archer, mali pa rin yung manira ng gamit ng iba.

Nahihiyang nagtanong si Bella, “Magkano po ba yung kailangang bayaran?”

“Fifty million.”

“Ano?!?!” Halos mapatili si Bella sa gulat. “Fifty million?! Bakit hindi niyo na lang kaya kami holdapin?!”

Dominic: “?!”

Si Sebastian na nagre-reply sa message ay natameme sa narinig. “…”

“Kung ayaw mong ayusin ‘to nang pribado, tatawag na lang kami ng pulis,” inis na sabi ni Sebastian.

Agad na sumagot si Bella, “Huwag! Huwag kayong tatawag ng pulis!”

Malinaw ang ebidensya at dehado si Archer. Kapag nakialam ang pulis, siguradong siya ang huhulihin bilang guardian. Kung makukulong siya, paano na yung mga anak niya?

“Totoo ba… worth fifty million talaga yung kotse na ‘yun?”

“Oo, ‘yan ang market value niyan ngayon.”

Tinignan ni Bella yung resibo na binigay ni Dominic, nanginginig yung labi niya.

“Hindi… hindi naman sa ayaw kong magbayad, pero… wala talaga akong ganung kalaking pera. Pwedeng bawasan?”

Hindi makapag-decide si Dominic kaya tumingin siya kay Sebastian.

Tinitigan ni Sebastian si Bella at malamig na nagtanong, “Magkano ba ang kaya mong ibayad?”

Utal-utal na sumagot si Bella, “5… 5,000, okay na ba ‘yun?”

Sebastian: “…”

Dominic: “…”

Fifty million tapos five thousand lang? Tinanggalan lang ng apat na zero.

“I-report na ‘yan sa pulis! Sila na pagawin niyo ng paraan!” sabi ni Sebastian habang tumatayo para umalis. Ayaw na niyang mag-aksaya ng oras.

Nag-panic si Bella at hinabol siya ng tawag, “Sandali!”

Hindi tumigil si Sebastian sa paglakad.

Hinarap sya ni Bella at buong tapang na sinabing, “Gusto mong magbayad ako? Sige, maghubad ka muna!”

Hindi naintindihan ni Sebastian yung narinig niya. Huminto siya, lumingon, at nagtanong, “Ano?”

“Maghubad ka! Hubarin mo yung coat at shirt mo, lahat!”

Sebastian: “…”

Ang dami nang babaeng nagtangkang akitin sya, pero ito lang ang naglakas-loob na utusan itong maghubad agad! At sa harap pa ng ibang tao. Ang tapang ng babaeng ‘to!

Nanggagalaiti si Sebastian, sobrang dilim ng mukha niya. Tinitigan niya si Bella at dahan-dahang nagtanong, “Alam mo ba yung sinasabi mo?”

Napalunok si Bella, natatakot sa talim ng tingin nito, pero pinilit niyang maging matapang. “Sabi ko, gusto mo ng pera? Sige, maghubad ka muna.”

Kahit patayin siya, hindi siya makakahanap ng fifty million, pero hindi rin siya pwedeng makulong.

Kaya gusto lang niyang i-confirm kung ito ba talaga yung lalaki noon!

Kung siya nga ‘yun, gagamitin niya yung nangyari noon para pambayad sa fifty million!

Nangako ito dati na gagawin siyang pinaka-masayang babae. Hindi na niya kailangan ng happiness. Ang kailangan lang niyang maayos ang gulo na ‘to!

Tungkol naman sa mga bata… hindi naman nito alam na may mga anak sila, kaya hindi muna sila pag-aawayan sa ngayon.

Kapag natapos na yung divorce nila ni Sebastian, kukunin niya agad yung mga bata at lalayo sila sa Manila para hindi na sila mahanap nito.

Mali ang naging interpretasyon ni Sebastian. Akala niya ay inaakit siya ni Bella sa harap ng maraming tao.

“Shameless! Unreasonable!

Nanlaki ang mata ni Bella. Napansin niyang iba ang iniisip ng lalaki kaya agad siyang nagpaliwanag. “Mali ang iniisip mo! Gusto ko lang makita kung may bakas ba ng kagat sa balikat mo…”

Noon kasing gabing iyon, sa sobrang sakit ay nagising siya mula sa pagkakahimatay. Hindi na niya kinaya kaya kinagat niya nang sobrang diin ang balikat ng lalaki at ayaw niyang bumitaw. Ang ganoon kalalim na kagat ay siguradong mag-iiwan ng pilat sa isang normal na tao.

Kung may marka ng kagat sa balikat nito, iyon ang magpapatunay na siya nga ang walanghiyang lalaki na iyon!

Pero bago pa siya matapos magsalita, tumunog ang phone ni Sebastian.

Sinagot niya ito nang pasigaw. “Speak!”

Hindi alam ni Bella kung anong sinabi ng nasa kabilang linya pero biglang nagbago ang itsura ni Sebastian. “Pabalik na ako agad.”

Pagkababa ng phone, dali-daling lumabas si Sebastian. Wala na ang pagiging kalmado niya at bakas sa mga mata niya ang matinding kaba.

Alam ni Dominic na may nangyari na naman sa Young Master. Sa mundong ito, dalawang tao lang ang kayang magpa-panic sa boss niya: ang kanyang anak, at ang babaeng hindi nila mahanap-hanap mula pa anim na taon ang nakalipas.

Ang Young Master ay ang biological son ni Sebastian. At ang babaeng iyon, siyempre, ay ang nanay ng bata.

“Boss, paano si Miss?” habol ni Dominic.

Hindi man lang lumingon si Sebastian. “Ibigay niyo siya sa pulis!”

Natakot si Bella. Hindi na niya inintindi ang pag-verify sa identity nito at agad siyang humabol.

“Hindi niyo ako pwedeng ipakulong! May tatlo akong anak na naghihintay sa akin at wala silang tatay. Kung makukulong ako, walang mag-aalaga sa kanila. Inamin ko nang mali ang anak ko sa paggasgas ng kotse mo. I’m sorry, humihingi ako ng paumanhin! Pero limang taong gulang pa lang sila, hindi nila kayang wala ang mommy nila.”

Tumingin si Sebastian kay Bella. Alam niya higit sa kanino man kung gaano kahirap ang batang walang ina—parang ang anak niyang si River. Nakaramdam siya ng kaunting awa, pero hindi niya ito basta-basta pakakawalan.

“I-lock niyo muna siya rito. Mamaya na natin siya asikasuhin!”

Nag-panic si Bella. “Hindi niyo rin ako pwedeng ikulong dito! Naghihintay ang mga anak ko sa hotel! Ako—”

“Bang!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Twenty Four

    "Bilis, sabihin niyo, hindi ba ang ganda ni godmother?"   Sabay-sabay na sumigaw ang tatlong bata. "Maganda!"   "Hahaha, sabihin niyo naman, hindi ba ang cute ni godmother?”   "Cute!"   "Dyosa ba si godmother?"   "Dyosa si godmother!"   "Hahahaha." Halos mabuhat na ang bubong sa lakas ng tawa ni Mica.   Hindi naman mapigilang mapatawa ni Bella. Ngayong araw, nung malaman nito na nanganak pala sya at mag-isang pinalaki ang mga bata sa loob ng limang taon ay iyak nang iyak si Mica.   Kahit dalaga pa si Mica, alam niyang hindi biro ang magpalaki ng anak lalo na para sa isang single mother.   Naawa si Mica sa kanya. At habang naaawa ay hindi din nito mapigilang sobrang ma-in love sa mga bata. Kaya nung makatanggap siya ng tawag mula kay Theodore kanina habang kausap ito ay nagpaalam si Mica kung pwedeng itong dumiretso sa tinutuluyan nila para makita ang mga bata.   Binuksan ni Bella ang pinto at pumasok sa kwarto. Pagkakita pa lang sa kanya ng tatlong bata ay agad silang tu

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Twenty Three

    Samantala, wala namang pakialam si Bella sa iniisip nito. Ang mahalaga ay naibalik niya ang pera at gumaan ang loob niya. Sinulyapan niya si River na nakahiga sa hospital bed at iniabot ang kamay nito. Agad na hinawakan ni Sebastian ang pulso niya at nanggagalaiting nagtanong. "Anong ginagawa mo?!" Nagulat si Bella sa bagsik ng boses nito. "Gusto ko lang... gusto ko lang kunin ang pulso niya." Tiningnan siya ni Sebastian nang may madilim na mukha at puno ng galit. Bahagyang umubo si Doctor Bentley para pagaanin ang tensyon. "Maraming salamat sa pag-aalala, Miss Bella." Matagal siyang tinitigan ni Sebastian bago binitawan ang kamay niya. Inis na inis si Bella. Kung hindi lang dahil sa pag-aalala sa bata, hindi na siya mag-aabala! Para itong asong nangangagat sa nagpakain sakanya—hindi marunong kumilala ng mabuting loob! Nagmuramura si Bella sa loob-loob niya, pero maingat pa rin niyang kinuha ang pulso ni River. "Maayos na ang lagay niya sa ngayon. Kapag nagising siy

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Twenty Two

    “Nag-iimbestiga na ang mga tao natin pero wala pa ring mahanap. Nabalitaan ko na kahit si Young Master Sebastian ay wala ring mahanap na impormasyon. Magaling ang kalaban natin.” sabi ng tauhan nya. Bumuntong-hininga si Theodore nang may madilim na mukha. “Siyempre magaling ‘yan. Kung hindi siya magaling, maglalakas-loob ba siyang hamunin si Sebastian?” Sandaling nag-isip si Theodore. “Pumunta ka sa dark web at kontakin ang Princess Belle Number One Backer. Kahit anong presyo ang hingin niya, ibigay niyo, basta matulungan niya akong malaman kung sino ang taong iyon.” Nag-aalala ang kanyang tauhan. “Pero mahirap po itong kontakin. Mailap siya at walang pakialam sa pera. Tumatanggap lang siya ng trabaho base sa mood niya.” Ang Princess Belle Number One Backer ay isang top figure sa mundo ng mga hackers. Dalawang taon na ang nakararaan, bigla itong sumulpot at pinasok ang isang foreign military hangar sa loob lang ng isang minuto, kaya naging tanyag ito agad. Noong subukan siy

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Twenty One

    “Ganoon pa rin,” sagot ni Sebastian. “Ang dami na nating kinonsultang experts, wala pa rin bang improvement?” “Wala.” “Wala? Si River ang tanging tagapagmana ng pamilyang Zobel. Hindi pwedeng magpatuloy ang ganito.” Bumulong naman ang panganay na anak na babae. “Eksakto! Hindi talaga pwedeng magpatuloy ‘to. Si River ang tanging lalaki sa henerasyon niya. Logically, siya ang rightful heir ng pamilyang Zobel. Pero kung magpapatuloy siya sa ganyang lagay, paano niya mamanahin ang Zobel Group? Ibibigay ba natin ang Zobel Group sa isang sakiting tao? Tsaka, aabot pa ba siya sa…” Bago pa matapos ng panganay ang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Sebastian. Pinanlakihan din siya ng mata ni Theodore kaya tumahimik na lang ito kahit bumubuka pa ang bibig. Inip na tinitigan ni Sebastian si Theodore. “Wala kayong pakialam sa mga bagay na tungkol kay River . Limitado lang ang pasensya ko. Sabihin nyo na kung ano ang pinupunto nyo. Stop wasting my time.” Napakunot-noo ulit si Theod

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Twenty

    Para makatipid ay sobrang tipid ng pamumuhay nito. Madalas ay tinapay at tubig lang ang kinakain nito, minsan ay may kaunting gulay. Maging ang itlog ay itinuturing na nitong luxury—minsan, isang beses lang itong kumakain sa loob ng isang araw. Bukod doon, kailangan pa nitong tiisin ang pangungutya at tsismis ng mga tao sa paligid nito. Hanggang sa isang araw, noong malapit na itong manganak, bigla na lang itong nawalan ng malay habang pauwi galing sa trabaho. Actually, sinubukan na ring paimbestigahan ni Sebastian ang mga ito noong mga nakaraang araw pero wala silang nahanap. Hindi dahil sa mahina ang mga tauhan niya, kundi dahil pagkatapos bumaba ni Bella sa bundok kasama ang mga anak niya ay itinagong kanyang tagapagligtas ang kanyang nakaraan sa takot na makaapekto ito sa kasalukuyan niyang buhay. Binigyan din siya nito ng bagong identity. Kaya naman ang ibang nag-imbestiga sa kanya ay nalaman lang na isa siyang ordinaryong biyuda na nakatira sa bundok kasama ang kanyang anak

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Nineteen

    Hindi nagtagal ay natanggap ni Sebastian ang mensahe. Nakatayo siya sa smoking area sa dulo ng corridor at hindi mapakali. “Sinong nagsabi sa kanyang nasa Manila pa ako?” Agad sumagot si Dominic. “Hindi rin niya sinabi, ang sabi lang niya, kapag hindi ka nakipag-divorce ay kukulitin ka raw niya nang kukulitin. Sabi niya rin na divorce lang ang gusto niya at wala siyang kukunin sa inyo kahit ano. Pagkatapos daw nun ay hindi na niya kayo guguluhin.” Nabwisit si Sebastian. “Binabantaan ba niya ako?” Hindi nakasagot si Dominic, tumigil sandali bago nagtanong. “…Anong gagawin natin ngayon? Kapag hindi ka nakipag-divorce, baka mamaya kukulitin ka nga niya? O baka isipin niya na may feelings ka sa kanya kaya ayaw mong makipaghiwalay?” Lalong nainis si Sebastian. “Sabihin mo, pabalik na ako!” Pagdating ni Bella sa Zavier Manor ay sinalubong siya ng bagong katulong doon. Bago na ang lahat ng mga tauhan sa bahay. Yung mga dating nag-aalaga sa kanya noon ay napalitan na. Hin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status