LOGINPagkaalis niya ay agad sinabihan ni Sebastian ang housekeeper. “Pag bumalik siya, wag niyo siyang papapasukin. Tawagan niyo muna ako.”
Maya-maya ay dumating ang kaibigan niyang doktor na si Bentley. Pinag-usapan nila ang kalagayan ni River. “Base sa kilos ni River ngayon, parang lumalala ang bipolar disorder niya. Hindi ito magandang sign,” sabi ni Bentley. “Regular naman siyang uminom ng gamot.” “Hindi lang ito sa gamot. Psychological ang problema ni River. Masyadong malalim ang obsession niya sa mommy niya. Kung mahahanap lang natin ang nanay niya para makasama niya ay siguradong gagaling siya.” Nag-sindi ng sigarilyo si Sebastian, halatang iritado. Kung mahahanap lang sana niya, di sana tapos ang problema. Sinubukan na nga niyang kumuha ng fake mother noon pero agad iyong nahalata ni River kaya mas lalong nagwala ang bata. Buntong-hininga ni Bentley. “Kung wala na talagang choice, kumuha ka ng child psychologist. Dapat yung expert na pwede ring maging caregiver para matutukan si River long-term. Basta hindi siya i-reject ni River at makaka-communicate siya dito, baka matulungan siyang mag-heal.” Tumango si Sebastian. “May mairerekomenda ka ba?” “Wala pa sa ngayon, pero kung okay lang sa ‘yo na may ibang babaeng titira sa bahay mo araw-araw, maghahanap ako.” “Wag mo na akong isipin. Ang mahalaga ay si River.” “Sige, pagbalik ko sa clinic, maghahanap ako.” Biglang tumunog ang phone ni Sebastian. “Sir, may masamang balita! Nakatakas si Miss !” “Nakatakas?!” “Opo, biglang tumunog ang fire alarm sa building. Nagkagulo ang mga tao kaya sinamantala niya ang pagkakataon para tumakas.” “Isang babae lang hindi niyo pa mabantayan, wala kayong kwenta!” mura ni Sebastian. Lalong uminit ang ulo nya. “Bakit tumunog ang alarm? Anong cause?” “May nag-iwan po ng smoke bomb sa basement. Hindi namin mahanap kung sino kasi pati ang mga security camera ay na-sabotage.” Doon ay kumislap ang mata ni Sebastian. Ang paglalagay ng smoke bomb para mailigtas ito at ang pag-sabotage sa camera ay ibig sabihin lang na may malakas na tao sa likod ng babaeng iyon. Akala niya ay ordinaryo lang si Bella, pero mukhang nagkamali siya. “Hanapin niyo siya at ibalik dito ngayon din!” utos niya. Samantala, naibalik na si Bella ng tatlo niyang anak sa bago nilang tinutuluyan. Kani-kanina lang, pagkatapos mag-asikaso ng tatlong bata ay laking gulat nila na wala na ang Mommy nila at nakabukas pa ang pinto, kaya sobrang nag-alala sila. Chineck ni Hunter ang security footage at nang malaman na na-kidnap ang mommy nila, agad silang kumilos para iligtas ito. Walang kaalam-alam si Bella na ang tatlo niyang anak ang nagligtas sa kanya. Noong marinig niya ang alarm, kumaripas siya ng takbo palabas at doon niya nakita ang mga anak niya sa baba. Agad silang nag-taxi pauwi. Nang kumalma na si Bella ay agad nyang tinanong ang mga ito. “Paano kayo biglang napunta doon?” Sabi ni Hunter, “Napansin po naming wala kayo sa bahay, tapos sabi nung receptionist sa baba ay may kumuha daw sa inyo, kaya hinanap namin kayo base sa location niyo sa smartwatch. Tamang-tama naman na bumaba kayo pagdating namin. Mommy, anong nangyari?” Hindi na masyadong nag-isip si Bella at hinarap si Archer nang seryoso. “Archer, sabihin mo sa akin ang totoo, bakit mo ginasgasan ang kotse ng ibang tao?” Kumurap-kurap si Archer. “Na-kidnap ba kayo nung scumbag couple na ’yon?” “Anong scumbag couple?” Galit na sabi ni Archer, “Kung alam ko lang na gagawa sila ng gulo, sana hindi ko na sila tinigilan sa airport kanina! Napaka-troublesome nila, deserve nilang mabugbog! Mommy, wag niyo na ’tong isipin, ako ang maghihiganti para sa inyo!” Napakuyom ang bata sa kanyang maliit na kamao at akmang lalabas na. Pinigilan siya ni Bella at pinaupo sa upuan nang seryoso. “Anong nangyari sa airport?” Dahil hindi na makapagtago, ikinuwento ni Archer ang lahat. Nanlaki ang mata ni Bella sa gulat. Hindi niya alam ang tungkol sa pananakit sa kanyang mga anak. Niyakap ni Bella si Ryder at chineck ang mga sugat nito. Nang makita ang mga pasa na halata pa rin sa katawan nito ay parang dinurog ang puso niya. “Ryder, masakit ba?” tanong niya habang pinipigilan ang luha. Dahil napakabait na bata, si Ryder pa ang nag-comfort sa kanya. “Hindi na po masakit, Mommy! Look, kaya ko na pong tumalon!” Tumalon-talon pa ang bata para patunayan na okay na siya. Niyakap ni Bella ang bunsong anak. Sa tatlo niyang anak, si Ryder ang pinaka-espesyal ang sitwasyon kaya doble ang pag-aalaga at awa niya rito. “Sorry, Ryder, kasalanan ni Mommy dahil hindi kita nabantayan nang maayos.” Pagkatapos gamutin ang mga pasa ay pinangaralan niya si Archer. Pinuri niya ang pagtatanggol nito sa kapatid pero pinagsabihan niya ito tungkol sa paggawa ng gulo at lalong-lalo na sa paglalaro ng fireworks. Hindi niya alam na hindi lang basta paputok iyon kundi maliliit na bomba na gawa mismo ni Archer. Tungkol naman sa paglipat nila ng tinutuluyan ay agad gumawa ng rason si Hunter na agad namang pinaniwalaan ni Bella. Pagkaalis ni Bella para mag-banyo ay nagpulong agad ang tatlong bata sa kwarto. “Hindi lang simple ang nangyari gaya ng sabi ni Mommy,” sabi ni Hunter. “Hindi pa ’to tapos, kung hindi, hindi nila ikukulong si Mommy.” Napakuyom si Archer. “Akala nila tapos na? Hah! Hindi ko hahayaang ma-bully nila ang precious Mommy natin! Kuya, kayo na muna ang bahala rito, reresbakan ko lang sila!” “Wag ka nang pumunta,” pigil ni Hunter. “Ako na ang bahala rito.” “Kaya mo ba? May mga bodyguards ang mga ’yon,” hirit ni Archer. Tumingin si Hunter sa kanyang tablet. Seryoso ang kanyang mga mata. “Sabi ni Mommy, nasa maayos tayong lipunan. Dapat sumunod tayo sa batas. Gagamit tayo ng legal na paraan para maghiganti para kay Mommy.” Hindi alam ni Bella na tinatarget na naman ng mga anak niya si Sebastian. Hindi siya makatulog nang gabing iyon dahil sa 50 million na utang at dahil sa itsura ng lalaking ’yon—kamukhang-kamukha nina Hunter at Archer. Ibig sabihin, malaki ang chance na siya ang lalaki nung gabing ’yon! Gusto sana niya itong sakalin, pero hindi pa siya 100% sure. Kinabukasan, nakaisip na siya ng plano. Kailangan niyang makipag-divorce kay Sebastian agad para makalayo sa Manila bago pa nito malaman ang tungkol sa mga bata. Nag-iwan siya ng note at dumeretso sa mansyon ni Sebastian. Samantala, gulo-gulo ang sitwasyon ni Sebastian. Umagang-umaga ay nabalitaan niyang ang building na balak niyang bilhin ay naunahan na siya ng iba. Pati ang mga lupa at contracts na kukunin niya, na-intercept overnight! Bilyon-bilyon ang lugi ng Zobel Group. Pero mas ikinagagalit niya ang katotohanang may sadyang nagtatarget sa kanya. At ang pinakamagaling niyang hacker ay hindi man lang mahanap kung sino ito. Nadadamay ang buong opisina sa init ng ulo niya. Biglang nag-crash ang lahat ng computer sa Zobel Group. “Ano, puro incompetent ba ang mga tao sa tech department?!” sigaw ni Sebastian. Nang sa wakas ay bumukas ang mga computer ay natigilan ang lahat. May lumitaw na malaking text sa screen. 【Today’s events are merely a warning. If you dare to bully a young girl again, I will come after you! Mr. Zobel, you’d better watch yourself.】 Lahat ng empleyado ay napanganga na lang. “???!!!” Nakatitig lang sila sa screen, litong-lito at tila nakalimutan na kung nasaan sila. Agad na nagsimula ang bulungan sa opisina. “Gosh, sinadya talaga ‘yung pag-crash ng system? Sino ang may kakayahang i-hack ang system natin?” “At binalaan pa talaga si CEO Zobel na mag-ingat!” “Sabi pa rito… binu-bully daw ni Boss ang isang babae!” “…” Sa loob ng CEO’s office, nakatitig nang matalim si Sebastian sa kanyang monitor. Magkadikit ang kanyang manipis na labi at sobrang dilim ng kanyang mukha. Pakiramdam ni Dominic ay anumang oras ay sasabog na ang silid sa sobrang tensyon. Pinilit ni Dominic na pakalmahin ang boss. “Boss, kalma ka lang. ‘Yung sinasabing binu-bully mo ay gawa-gawa lang ‘yon, ‘di ba? Alam naman namin ang ugali mo, hindi mo gagawin—” “Nasaan na ‘yung babae kahapon?!” putol ni Sebastian sa kanya. Natigilan si Dominic bago narealize na si Bella ang tinutukoy nito. “Hindi pa po namin siya nahahanap, Sir.” “Useless!” Halos mayanig ang buong gusali sa sigaw ni Sebastian. Nanginig sa takot si Dominic, at ramdam niya ang malamig na pawis sa kanyang likod. Mahirap talagang magsilbi sa isang taong parang tigre kung magalit. Tutok na tutok si Sebastian sa screen. Pakiramdam niya, ang babae na tinutukoy sa message ay walang iba kundi si Bella.Samantala, wala namang pakialam si Bella sa iniisip nito. Ang mahalaga ay naibalik niya ang pera at gumaan ang loob niya. Sinulyapan niya si River na nakahiga sa hospital bed at iniabot ang kamay nito. Agad na hinawakan ni Sebastian ang pulso niya at nanggagalaiting nagtanong. "Anong ginagawa mo?!" Nagulat si Bella sa bagsik ng boses nito. "Gusto ko lang... gusto ko lang kunin ang pulso niya." Tiningnan siya ni Sebastian nang may madilim na mukha at puno ng galit. Bahagyang umubo si Doctor Bentley para pagaanin ang tensyon. "Maraming salamat sa pag-aalala, Miss Bella." Matagal siyang tinitigan ni Sebastian bago binitawan ang kamay niya. Inis na inis si Bella. Kung hindi lang dahil sa pag-aalala sa bata, hindi na siya mag-aabala! Para itong asong nangangagat sa nagpakain sakanya—hindi marunong kumilala ng mabuting loob! Nagmuramura si Bella sa loob-loob niya, pero maingat pa rin niyang kinuha ang pulso ni River. "Maayos na ang lagay niya sa ngayon. Kapag nagising siy
“Nag-iimbestiga na ang mga tao natin pero wala pa ring mahanap. Nabalitaan ko na kahit si Young Master Sebastian ay wala ring mahanap na impormasyon. Magaling ang kalaban natin.” sabi ng tauhan nya. Bumuntong-hininga si Theodore nang may madilim na mukha. “Siyempre magaling ‘yan. Kung hindi siya magaling, maglalakas-loob ba siyang hamunin si Sebastian?” Sandaling nag-isip si Theodore. “Pumunta ka sa dark web at kontakin ang Princess Belle Number One Backer. Kahit anong presyo ang hingin niya, ibigay niyo, basta matulungan niya akong malaman kung sino ang taong iyon.” Nag-aalala ang kanyang tauhan. “Pero mahirap po itong kontakin. Mailap siya at walang pakialam sa pera. Tumatanggap lang siya ng trabaho base sa mood niya.” Ang Princess Belle Number One Backer ay isang top figure sa mundo ng mga hackers. Dalawang taon na ang nakararaan, bigla itong sumulpot at pinasok ang isang foreign military hangar sa loob lang ng isang minuto, kaya naging tanyag ito agad. Noong subukan siy
“Ganoon pa rin,” sagot ni Sebastian. “Ang dami na nating kinonsultang experts, wala pa rin bang improvement?” “Wala.” “Wala? Si River ang tanging tagapagmana ng pamilyang Zobel. Hindi pwedeng magpatuloy ang ganito.” Bumulong naman ang panganay na anak na babae. “Eksakto! Hindi talaga pwedeng magpatuloy ‘to. Si River ang tanging lalaki sa henerasyon niya. Logically, siya ang rightful heir ng pamilyang Zobel. Pero kung magpapatuloy siya sa ganyang lagay, paano niya mamanahin ang Zobel Group? Ibibigay ba natin ang Zobel Group sa isang sakiting tao? Tsaka, aabot pa ba siya sa…” Bago pa matapos ng panganay ang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Sebastian. Pinanlakihan din siya ng mata ni Theodore kaya tumahimik na lang ito kahit bumubuka pa ang bibig. Inip na tinitigan ni Sebastian si Theodore. “Wala kayong pakialam sa mga bagay na tungkol kay River . Limitado lang ang pasensya ko. Sabihin nyo na kung ano ang pinupunto nyo. Stop wasting my time.” Napakunot-noo ulit si Theod
Para makatipid ay sobrang tipid ng pamumuhay nito. Madalas ay tinapay at tubig lang ang kinakain nito, minsan ay may kaunting gulay. Maging ang itlog ay itinuturing na nitong luxury—minsan, isang beses lang itong kumakain sa loob ng isang araw. Bukod doon, kailangan pa nitong tiisin ang pangungutya at tsismis ng mga tao sa paligid nito. Hanggang sa isang araw, noong malapit na itong manganak, bigla na lang itong nawalan ng malay habang pauwi galing sa trabaho. Actually, sinubukan na ring paimbestigahan ni Sebastian ang mga ito noong mga nakaraang araw pero wala silang nahanap. Hindi dahil sa mahina ang mga tauhan niya, kundi dahil pagkatapos bumaba ni Bella sa bundok kasama ang mga anak niya ay itinagong kanyang tagapagligtas ang kanyang nakaraan sa takot na makaapekto ito sa kasalukuyan niyang buhay. Binigyan din siya nito ng bagong identity. Kaya naman ang ibang nag-imbestiga sa kanya ay nalaman lang na isa siyang ordinaryong biyuda na nakatira sa bundok kasama ang kanyang anak
Hindi nagtagal ay natanggap ni Sebastian ang mensahe. Nakatayo siya sa smoking area sa dulo ng corridor at hindi mapakali. “Sinong nagsabi sa kanyang nasa Manila pa ako?” Agad sumagot si Dominic. “Hindi rin niya sinabi, ang sabi lang niya, kapag hindi ka nakipag-divorce ay kukulitin ka raw niya nang kukulitin. Sabi niya rin na divorce lang ang gusto niya at wala siyang kukunin sa inyo kahit ano. Pagkatapos daw nun ay hindi na niya kayo guguluhin.” Nabwisit si Sebastian. “Binabantaan ba niya ako?” Hindi nakasagot si Dominic, tumigil sandali bago nagtanong. “…Anong gagawin natin ngayon? Kapag hindi ka nakipag-divorce, baka mamaya kukulitin ka nga niya? O baka isipin niya na may feelings ka sa kanya kaya ayaw mong makipaghiwalay?” Lalong nainis si Sebastian. “Sabihin mo, pabalik na ako!” Pagdating ni Bella sa Zavier Manor ay sinalubong siya ng bagong katulong doon. Bago na ang lahat ng mga tauhan sa bahay. Yung mga dating nag-aalaga sa kanya noon ay napalitan na. Hin
“May obsession ang batang ito sa Mommy niya, at dahil ‘yun sa sobrang pangungulila.” Nagtaka si Bella. “Sobrang pangungulila sa Mommy niya? Nasaan ba ang nanay niya?” Nagkibit-balikat lang si Doctor Bentley at sumulyap muna kay Sebastian bago sumagot. “Wala siya rito.” Agad na nag-assume si Bella na pumanaw na ito. “Kailan pa namatay ang nanay niya?” Bago pa makasagot si Bentley ay biglang bumanat nang galit si Sebastian. “Sinong nagsabing patay na ang nanay niya? Buhay na buhay ang Mommy niya! Mas malakas pa sa kahit kanino!” Nagulat si Bella sa biglang pagsabog ni Sebastian. Tinitigan niya ito nang masama, gusto sana niyang lumaban pero pinigilan niya ang sarili. Napansin din ni Sebastian na nawalan na naman siya ng pasensya. Bumuka ang bibig niya pero walang lumabas na salita. Marahil dahil hindi niya alam ang sasabihin, tumingin na lang siya sa natutulog na si River. Agad na sumingit si Doctor Bentley para ayusin ang sitwasyon. “Hindi siya namatay, nawala lang siya p







