ALAM ni Ilana na wala nang patutunguhan pa ang nararamdaman niya para kay Gray at kailangan niya na itong ibaon sa limot. She has been in a one-sided love for three years, and it's tiring.
“Konti nalang iisipin ko nang imahinasyon lang kita. Hello? May kasama ba talaga ako? Nakakaloka ha! Para akong nagshoshopping mag-isa.” Nabalik sa realidad si Ilana dahil sa pagpitik ng daliri ni Lovella kasabay ng pagsasalita. Nakasimangot ang matalik niyang kaibigan habang nakatingin sa kaniya. “Sorry,” mahina niyang bulong. Umikot ang mga mata ni Lovella. “Iyong si Gray na naman ba?” Ngumiti si Ilana at umiling. “Wala ‘to. ‘Wag mo ‘kong pansinin.” “Anong ‘wag? Hindi pwede! Tara sa coffee shop at pag-usapan iyang problema mo. Tatlong taon na tayong magkaibigan, Ilana. Kabisado ko na ang ugali mo. Alam kong ayaw mong magshare pero hindi ako papayag kasi iba na ang nakikita ko sa mukha mo. Your eyes aren't shining anymore.” Bumuntong-hininga si Ilana at tumingin sa labas ng glass wall habang nasa isang coffee shop. Isang couple ang dumaan, masayang magkahawak naglalakad habang magkahawak ang kamay. Kitang-kita sa kislap ng mga mata ng babae ang kaligayahan. Bagay na hindi niya kailanman naranasan sa tatlong taong kasal nila ni Gray. Maaaring maayos ang pagsasama nila pero hindi iyon sapat dahil hindi siya naging masaya. “So, tell me about it. Lahat, Ilana. Wala kang itatago.” Yumuko si Ilana at bahagyang kinagat ang pang-ibabang labi. Hinawakan niya ang cup ng kape saka nag-angat ng tingin sa kaibigan. “I signed the divorce papers.” “You what?!” “Wala na rin namang patutunguhan. Nakuha na niya ang mana niya.” “Pero hindi pa nagigising ang papa mo.” “Alam niya iyon at imbes na hati kami sa properties bilang mag-asawa ay hiniling ko na ituloy nalang niya ang pagsuporta sa papa ko.” Sumandal sa upuan habang nakahalukipkip. “At labag sa loob mo ang pagpirma kaya ka ganiyan?” Yumuko muli si Ilana. “Wala naman akong choice. Iyon ang usapan namin. Malinaw iyon. Pumayag ako dahil kailangan ko at hindi ko nakakalimutan ang pinag-usapan namin. Mas mabuti na rin ito.” “Natatakot ka na hingin niya ang pirma mo kaya inunahan mo na, ganoon ba ang nangyari, Ilana?” Mabigat ang paghinga na tumango si Ilana, ayaw na niyang itago sa kaibigan ang tunay na dinaramdam niya dahil masyado na itong mabigat. Pakiramdam niya ay sasabog na iyon sa kaniyang dibdib. “Anong sinabi niya?” Umiling siya. “Hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos. Masakit ang ulo niya kagabi kaya hindi niya napirmahan.” Nangunot ang noo ng kaibigan niya. “Ilana, what if ayaw na ni Gray na pakawalan ka pa?” Tinambol ng kaba ang dibdib ni Ilana at lumulunok na umiling. “I-Imposible iyon.” “What if nga, diba? There are instances. Nagbabago ang nararamdaman ng mga tao. Oo, nagsimula kayo sa agreement pero kung nafall ka sa loob ng tatlong taon na pagsasama niyo, posible na ganoon rin siya.” Napakurap-kurap si Ilana. Sinalakay ng pagsisisi ang kaniyang puso at pakiramdam niya ay biglang bumigat ang kaniyang dibdib. Paano nga kaya kung… “Ilana, hindi ko sinasabing umasa ka para lang masaktan sa huli. Pero paano kung dahil sa takot mo ay nagkamali ka?” Lumunok si Ilana at pilit na iwinaksi ang pag-asang nabubuo sa kaniyang puso. “Wala naman siyang sinabi.” “Kasi nga wala kayong komunikasyon. Kailan kayo nag-usap tungkol sa sarili niyo? Tungkol sa pagsasama niyo? Did you even sleep together? Kulang kayo sa komunikasyon, Ilana, kaya wala kayong ideya sa nararamdaman ng isa’t-isa.” Mariing pumikit si Ilana. “A-Anong gagawin ko, Lovella?” Bumuntong-hininga ito. “Kausapin mo siya. Komprontahin mo kung talaga bang matatapos kayo sa ganito. ‘Wag kang basta nalang sumuko, Ilana. Hindi ka pa lumalaban.” Nagkaroon ng pag-asa si Ilana matapos ang pag-uusap nila ng kaibigan. Nang umuwi siya kinagabihan ay sabik siyang makita ang asawa. Nagluto siya ng paborito nitong bulalo at naupo sa pagdalawang dining table habang naghihintay sa asawa. Tulad kagabi ay malakas ang pintig ng kaniyang puso pero hindi na iyon dahil sa takot kundi sa pagkasabik. Umayos ng upo si Ilana at napalunok na tinitigan ang nakahain na bulalo sa mesa. Isang oras na ang nakalipas. Alas sais ang madalas na uwi ni Gray at kung gagabihin man ito ng husto ay tumatawag ito. Ngayon…wala. Kaba ang pumalit sa pagkasabik na nararamdaman niya kanina. Kinuha niya ang cellphone at tinitigan ang pangalan ni Gray sa screen. Sa huli ay napagpasyahan niyang hintayin na lamang ito. Lumipat siya sa sofa at doon naupo ngunit lumipas muli ang isang oras na hindi pa rin ito dumadating. Sa takot na baka napahamak na ang asawa ay dali-daling lumabas si Ilana. Bitbit ang bag at jacket ay sumakay siya ng taxi para puntahan ito sa opisina nito. Sikreto ang kasal nila pero kilala siya sa kompanya bilang kaibigan ng pamilya kaya naman pinapasok siya ng guwardiya. Ngunit nahulog ang puso ni Ilana sa pagkabigo nang madatnan ang nangyayari sa opisina. Magkatabing nakaupo si Gray at ang babaeng kilalang-kilala niya. Halos walang espasyo sa pagitan ng dalawa at mahina ang boses na nag-uusap habang nakatingin sa mata ng isa’t-isa. Kitang-kita ni Ilana ang lambot sa mga mata ng asawa at unti-unti nitong dinudurog ang kaniyang puso. Bumalik sa kaniyang alaala ang pinag-usapan nila ng kaibigan. Hindi. Nagkamali si Lovella. Walang nararamdaman sa kaniya si Gray dahil hanggang ngayon ay si Michelle pa rin ang nasa puso nito. “Ilana?” Doon natauhan si Ilana. Nakatayo na si Gray at nakatingin sa kaniya mula sa bukas na pinto. Alanganin siyang ngumiti. “N-Nag-alala ako kasi hindi ka pa umuuwi.” Umawang ang labi nito. “I’m sorry. I forgot to text you—” “Sino iyan, love?” Biglang lumabas mula sa likuran ni Gray si Michelle. Kumirot ang puso ni Ilana at pakiramdam niya ay namanhid ang buong katawan niya. Michelle's hand on Gray's arm felt torturous. Ayaw niyang makita iyon kaya inangat niya ang tingin sa mukha nito. “Michelle…” Magkakilala sila ng babae. Alam nito ang kasunduan nila ni Gray at pumayag ito dahil sa komplikadong alitan sa pagitan ng dalawang pamilya. Pumayag ito sa kondisyong maghihiwalay sila matapos makuha ni Gray ang mana. “Ilana? Is that you?” Ngumiti ang babae pero alam ni Ilana na hindi iyon tunay. Pinilit ni Ilana na ngumiti. “N-Nakabalik ka na pala.” Mahinang natawa ang babae at marahang hinaplos ang dibdib ni Gray. “Oo. Binalikan ko na si Gray. Kumusta ka na?” “Ayos naman,” sagot ni Ilana at nilingon si Gray. Nakatitig ito sa kaniya at hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito at ang kislap ng emosyon sa mga mata. “Ikaw?” “I’m fine. Happy. Oh! I was just asking Gray about the divorce. Dumating ka kaya hindi siya nakasagot.” Tumikhim si Ilana at itinutok nalang ang buong atensyon sa babae. “Napirmahan ko na. Wala kang dapat ipag-alala, Michelle.” Kumislap ang kaligayahan sa mga mata ng babae saka sumulyap kay Gray. “Really? Thank you, Ilana. Though I’m not really bothered because I know you’ll not break your promise.” Alam ni Ilana na iba ang tinutukoy ni Michelle pero hindi na niya binigyang pansin iyon. Lumunok siya at pilit na kinalma ang sarili. Ngumiti siya at saglit na sinulyapan si Gray na tahimik lamang na nagmamasid sa kaniya. “Uuwi na ako. Akala ko lang kasi napano ka na kaya…” “Why don't you join us?” Si Michelle na nakangiti pa rin. “We’re going on a late night dinner. Have you eaten?” Umiling si Ilana. “Ayos lang ako. Nakakain na ako.” Bahagyang ngumuso si Michelle. “That's a waste. But it's okay. We can still spend time. By the way, I want you to be our wedding planner. I trust your talent, that's why. So…you don't mind, right?”GENTLE and wet kisses. Warm touch. Soft moans. Hunger and thirst.Ilana could feel the growing explosion in her belly again. Pang-ilang beses na ba ito? Hindi na niya nabilang. Matagal silang hindi nagsiping at talagang sinusulit naman ng kaniyang asawa.Pawis na pawis si Ilana habang taas-baba siya sa kandungan ni Gray. Mahigpit ang hawak nito sa kaniyang hita at baywang habang mainit na nakatitig sa kaniya ang mga mata nitong nagliliyab sa pagnanasa.“Fck! Fck!” Gray was muttering curses while clenching his jaws.Ilana could feel herself nearing, and she pressed her palms against his hard chest to support her own body. She picked up the pace. Mas lalong nagpabaliw iyon kay Gray.Kapwa sila hinihingal at nalulunod sa masarap na sensasyong ibinibigay nila sa isa’t-isa. Walang pagsidlan ang kaligayahan. Walang paglagyan ng kilig. Kung may bagay man silang natutunan sa lahat ng kanilang pinagdaanan, iyon ay ang magsisi sa anumang nagawang kasalanan, magpatawad, gawing inspirasyon ang na
KASAL. Isang sagradong pag-iisa ng dalawang taong nangako ng panghabangbuhay na pagsasama. Noong unang beses na nagpakasal si Ilana, hindi niya inisip ang sariling kaligayahan. Ang tanging gusto niya ay maisalba ang ama. Hindi siya lumakad sa mahabang red carpet. Hindi siya nagsuot ng magarang traje de boda. Hindi siya humawak ng magaganda at fresh na bulaklak. Walang mga camera. Walang mga palakpakan at pasimpleng hiyaw. Sinong mag-aakala na mauulit ang kasal ni Ilana? Parehong groom at bride pero maraming nag-iba. May mahabang red carpet na nilalakaran niya. May mga taong pumapalakpak. May mga camera sa paligid. May dala siyang mabango, fresh, at magagandang bulaklak. May suot siyang magarang traje de boda na talagang pinaghandaan dahil nasa gitna na siya, ang dulo nito ay nasa entrance pa ng simbahan. Nangingilid ang luha ni Ilana pero pinipigilan niya ang maiyak. Lalo na’t sa altar ay nag-aabang ang parehong lalaki na pinakasalan niya rin noon. Ang kaibahan, umiiyak ito nga
MAGKAHARAP sa isang mesa sina Gray at Tres. Kalmado silang pareho pero kakikitaan ng galit ang mga mata ni Tres. “Pagkatapos ng pinsan mo last week, ikaw naman ngayon. Anong balak niyo, linggo linggo akong suyuin?” Kunot ang noong tanong ni Tres. “Bakit dinaan mo sa dahas? Muntik mong mapatay ang anak ko.” Natawa si Tres. “Sana inisip iyan ng lola mo nang daanin niya sa dahas ang nanay ko.” Bumuntong-hininga si Gray. “Wala tayong magagawa kay grandma dahil ganoon talaga siya. Pero alam kong pinagsisihan niya ang ginawa niya.” “You think so?” Tumaas ang kilay ni Tres. “Itinaboy niya rin ako noon. Nasaan ang pagsisisi?” “I can't justify her actions—” “Sure you can’t.” Sumandal si Tres. “At wala ring kapatawaran.” “Ilana forgave you.” Nangunot ang noo ni Tres. “Iyan ang mahirap sa mababait, mga tanga.” Nagtagis ang bagang ni Gray. “Tanga ang tingin mo sa nagpapatawad? Kaya ba hanggang ngayon puno ka ng galit? Tristan, you hate our grandmother for doing that, but you're also doin
HALOS hindi humihinga si Ilana habang nakatitig si Gray sa kaniya. Kapwa mabilis ang pintig ng kanilang puso at walang patid ang pagtawag ng kanilang damdamin sa isa’t-isa. Ilana could feel it. The sincerity. The overflowing happiness. She knows that this is where her heart and fate is leading her to. Back to the arms of the man she loved so much. “Gray…” Ibinulong ni Ilana sa hangin ang pangalan ng lalaki. Kasabay ng pagtalon ng kaniyang puso sa epekto ng taong ito sa kaniya. He caressed her cheek, staring deeply into her eyes. “Alam kong malabo pa sa tubig kanal ang posibilidad na makalimutan mo ang ginawa ko…” Mahinang natawa si Ilana. “Bakit naman tubig kanal?” Kinagat ni Gray ang pang-ibabang labi. “Ang baho ng past mo sakin e.” Napailing si Ilana at hinawakan ang kamay ng lalaki. “We hurt each other, but we can't only focus on the pain and struggles. Nagkakasundo tayo noon. We share the same thoughts, ideas. You give me surprises, you give me contentment. Masyado lan
PAREHAS na nakatulala sa kisame sina Gray at Brian. Kapwa sila hindi makatulog. Hindi dahil hindi sila komportable kundi dahil iniisip nila ang iisang babae. “Bakit hindi mo siya niligawan noong highschool? Ikaw ang unang nakakita sa kaniya,” tanong ni Gray na siyang bumasag sa nakabibinging katahimikan. “I was a delinquent,” malamig na tugon ni Brian. “Marami akong kaaway. Marami akong binangga na gang. Ayokong madawit siya sa gulo at masira ko ang tahimik niyang buhay.” Bumuntong-hininga si Gray. “You graduated as a valedictorian. Madali ka niyang mapapansin kung nagpakilala ka lang. And about being a delinquent, I don't believe you can't protect her.” Nilingon ni Brian si Gray. Madilim ang paligid pero mula sa liwanag ng buwan na nanggagaling sa labas ay nakikita nila ang isa't-isa. “I planned to pursue her in college. Baka sakaling maayos na ang buhay ko noon…” “Dumating si Grant…” mahinang sambit ni Gray. “Hindi kaagad naging sila pero magaling bumakod ang pinsan mo
“HAPPY birthday to you! Happy birthday to you!Nakangiti si Ilana habang sumasabay sa kanta para sa anak. Nakatayo silang dalawa ni Nayi sa dambuhalang cake. Kailangan pa nilang tumuntong sa unang bahagdan para kahit papaano ay maabot nila ang kandila.Birthday ni Nayi ang pinaghandaan ni Ilana dahil para sa kaniya ay mas higit pa sa birthday gift ang pagdating ng kaniyang anak pero hindi niya alam na may ibang plano pala si Gray at ang kanilang pamilya.They made a surprise not only for Nayi’s birthday but also for her birthday. Alam ni Ilana na hindi nakalimutan ng mga Montemayor ang birthday niya lalo na’t kasabay ito ng birthday ng kaniyang anak pero hindi niya inaasahan ang bonggang surpresa ng pamilya.“Happy birthday…” Nakangiti si Gray nang iabot nito sa kaniya ang isang malaking gift box. Nag-abot rin ito ng para kay Nayi.“Salamat.” Ilana smiled sweetly.Who would’ve thought that after everything, sa pamilya pa rin ni Gray ang balik niya. Nagkasakitan sila noon pero malinaw n