HALOS manginig ang kalamnan ni Ilana. Nagbuhol ang kaniyang hininga at hindi siya makapagsalita. Planning her ex-husband’s wedding? That would be more than torturous. That would be a nightmare.
“So, Ilana? Are you still a wedding planner or have you changed your line of work?” Ilana suddenly felt so uneasy. Pakiramdam niya ay bibigay ang tuhod niya sa nararamdamang sakit, panghihinayang, at sama ng loob. “H-Hindi ko alam, Michelle. Medyo…marami kasing client. Kailan niyo ba…balak magpakasal?” Sinulyapan ni Ilana si Gray. Nakita niya ang bahagyang pag-iiba ng ekspresyon nito pero agad ring naging blanko. “As soon as possible sana. I want it secret because you know about our family's situation. I wanna invite some close friends and of course you. And I can only trust you since you're a friend.” A friend. Kaibigan nga ba? Ayaw niya. Ayaw ni Ilana na maging kaibigan ng dalawa. “Sige,” napipilitan siyang tumango at ngumiti. “Sabihin mo lang kung kailan.” Sa bigat na nararamdaman ni Ilana ay hindi na niya nagawang magpaalam sa dalawa. Tumalikod siya at umalis na walang imik. Dire-diretso siya at nang makasakay sa taxi ay namilibis ang luha sa kaniyang pisngi. Naninikip ang kaniyang dibdib. Hindi naman dapat siya masaktan ng ganito. Una palang ay alam na niya ang lugar niya pero sinindihan ni Lovella ang pag-asa sa kaniyang puso kanina. Ngayon tuloy ay nagdudusa siya. Bakit nga ba siya umasa? Dahil hindi kaagad pinirmahan ni Gray ang divorce papers? Dahil mabait ito sa kaniya? Dahil maalaga ito? Dahil ni isang beses ay hindi siya pinagtaasan ng boses? Dahil hindi ito pumalya sa pag-uwi sa kaniya tuwing gabi at pag-alala sa kaarawan niya sa nakalipas na tatlong taon? How ridiculous! How stupid! Those are just normal responsibilities of a husband. Nang makauwi ay niligpit ni Ilana ang niluto. Itinapon niya ang lahat dahil sa sakit at sama ng loob saka pumasok sa silid at matutulog na sana nang narinig niya ang pag beep ng pinto tanda na may nagpapasok ng passcode. Tumambad sa kaniya si Gray nang bumukas ang pinto. Hindi makapaniwala si Ilana na sumunod ito sa kaniya pauwi gayong malinaw na sinabi ni Michelle na magdidinner pa ang dalawa. “Si Michelle?” Tanong niya na hindi na napigilan. Niluwagan ni Gray ang suot na tie at umiling. “Home.” “Akala ko may dinner kayo?” Tinitigan niya ang asawa. Pumasok na naman sa kaniyang isipan ang mga sinabi ni Lovella. Shit! Bakit ba nagpapakatanga pa siya? Malinaw na ang nasaksihan niya. Kinukuha pa nga siyang wedding planner e. “I’m tired. I sent her home and now I’m here.” Napalunok si Ilana. Itinapon niya ang niluto niya. Bigla tuloy siyang nanghinayang. “Kumain ka na?” Tanong niya. Halos napaatras siya nang nag-angat ito ng tingin at nagtama ang kanilang paningin. Gumalaw ang panga nito. “I’m not hungry. Are you?” Umiling si Ilana. “Busog ako. Kumain ako sa labas kanina.” Tumango si Gray at nilagpasan siya. Pumasok ito sa kusina at nakatulala lamang si Ilana sa sahig. Ganito palagi sila. Hindi nag-aaway. Normal na nag-uusap. Pero ang pakiramdam ay hindi normal. Naalala niya ang divorce agreement. Agad niyang sinundan ang asawa sa kusina. Umiinom ito ng malamig na tubig. “Pumirma ka na ba?” Halos hindi iyon lumabas sa kaniyang mga labi. Tumingin ito sa kaniya habang umiinom bago ibinaba ng bahagya ang baso na may kaonti pang laman. “Not yet.” Tumango si Ilan. “Kukunin ko. Pirmahan mo na ngayon—” Natigilan si Ilana at nanlaki ang mga mata nang makarinig ng nabasag. Natuon ang kaniyang paningin sa matutulis na piraso ng bubog sa kamay ni Gray habang walang tigil sa pagtulo ang dugo mula sa kamay nito. Binalot ng pag-aalala si Ilana at mabilis na tumakbo palapit sa asawa. Ibinuka niya ang palad nito at ramdam niya ang pamumutla niya nang makita ang malaking piraso na nakatusok sa palad nito. “Gray!” Hindi niya napigilang bulyaw habang malakas ang pintig ng puso sa nerbyos. Nagtagis ang bagang ng lalaki. “I can't sign now. I'm injured.” Hindi pinansin ni Ilana ang sinabi nito. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang bubog at akmang huhugutin sa palad nito nang ilayo nito ang kamay saka ito na mismo ang bumunot ng bubog. Mabilis na umiwas ng tingin si Ilana at kita niya sa gilid ng kaniyang mata ang paglapit nito sa sink para hugasan ang kamay. Matapos nitong patayin ang gripo ay kumuha ito ng panyo at akmang ibabalot sa nasugatang palad nang pigilan niya ito. Hinawakan niya ang pulso nito sa kabilang kamay at hinila papasok sa common bathroom. Binuksan niya ang cabinet at kinuha ang first aid kit. “Ano bang iniisip mo at nabasag mo ang baso?” Hindi niya napigilang tanong habang ginagamot ang sugat nito. Tahimik lamang si Gray. Nang nag-angat siya ng tingin ay nahuli niya ang titig nito. May kakaibang kislap sa mga mata nito at unti-unting lumilinaw ang emosyon na iyon. Galit. At hindi niya maintindihan kung para saan. Muling nag-igting panga ng lalaki. “Grant is back in the country.” Saglit na natigilan si Ilana. Grant Montemayor is Gray's cousin and her ex-boyfriend. Hindi niya alam na magpinsan ang dalawa. Nalaman nalang niya nang ikasal siya kay Gray. Anim na buwan niyang boyfriend si Grant at hiniwalayan niya ito nang maaksidente ang kaniyang ama. Ayaw niyang madamay ito sa paghihirap niya at gusto niya ring magfocus sa kaniyang ama. “You knew?” May bagsik ang boses ni Gray at ito ang unang pagkakataon na narinig ni Ilana ang tono na iyon kaya naman gulat siyang napatitig sa lalaki. Madilim ang tingin sa kaniya ng asawa habang paulit-ulit na nagtatagis ang bagang. “You knew. Was that why you signed the divorce papers without a second thought? Did he promise you a relationship after our divorce?” Suminghap si Ilana. “Gray, wala kaming komunikasyon—” “Bullshit!” Tinabig ni Gray ang first aid kit at napatalon nalang si Ilana sa gulat. Hindi niya maintindihan ang ikinagagalit nito. Tinitigan siya ng asawa at halos nag-aapoy sa galit ang mga mata nito. Napaatras si Ilana nang humakbang ito dahilan para mapasandal siya sa malamig na pader habang sinasalubong ang nagliliyab na mga mata ng asawa. “Gray…” Halos hangin nalang ang lumabas sa kaniyang bibig dahil sa gulat habang nakatingin sa asawa. This was the first time. “Not my cousin, Ilana. I will not allow you to date my cousin,” mabagal na umiiling pa si Gray habang sinasabi iyon at ramdam ni Ilana ang galit nito. Nang umalis si Gray ay naiwan si Ilana na tulala sa banyo. Hindi niya alam ang mararamdaman. Mabilis ang pintig ng kaniyang puso dahil sa sigaw at galit ni Gray at hindi niya alam kung ano ang kasalanan niya. Kung bakit tila nandidiri si Gray sa ideya na magiging sila muli ng pinsan nito na minsan nang dumaan sa buhay niya at minahal niya.GENTLE and wet kisses. Warm touch. Soft moans. Hunger and thirst.Ilana could feel the growing explosion in her belly again. Pang-ilang beses na ba ito? Hindi na niya nabilang. Matagal silang hindi nagsiping at talagang sinusulit naman ng kaniyang asawa.Pawis na pawis si Ilana habang taas-baba siya sa kandungan ni Gray. Mahigpit ang hawak nito sa kaniyang hita at baywang habang mainit na nakatitig sa kaniya ang mga mata nitong nagliliyab sa pagnanasa.“Fck! Fck!” Gray was muttering curses while clenching his jaws.Ilana could feel herself nearing, and she pressed her palms against his hard chest to support her own body. She picked up the pace. Mas lalong nagpabaliw iyon kay Gray.Kapwa sila hinihingal at nalulunod sa masarap na sensasyong ibinibigay nila sa isa’t-isa. Walang pagsidlan ang kaligayahan. Walang paglagyan ng kilig. Kung may bagay man silang natutunan sa lahat ng kanilang pinagdaanan, iyon ay ang magsisi sa anumang nagawang kasalanan, magpatawad, gawing inspirasyon ang na
KASAL. Isang sagradong pag-iisa ng dalawang taong nangako ng panghabangbuhay na pagsasama. Noong unang beses na nagpakasal si Ilana, hindi niya inisip ang sariling kaligayahan. Ang tanging gusto niya ay maisalba ang ama. Hindi siya lumakad sa mahabang red carpet. Hindi siya nagsuot ng magarang traje de boda. Hindi siya humawak ng magaganda at fresh na bulaklak. Walang mga camera. Walang mga palakpakan at pasimpleng hiyaw. Sinong mag-aakala na mauulit ang kasal ni Ilana? Parehong groom at bride pero maraming nag-iba. May mahabang red carpet na nilalakaran niya. May mga taong pumapalakpak. May mga camera sa paligid. May dala siyang mabango, fresh, at magagandang bulaklak. May suot siyang magarang traje de boda na talagang pinaghandaan dahil nasa gitna na siya, ang dulo nito ay nasa entrance pa ng simbahan. Nangingilid ang luha ni Ilana pero pinipigilan niya ang maiyak. Lalo na’t sa altar ay nag-aabang ang parehong lalaki na pinakasalan niya rin noon. Ang kaibahan, umiiyak ito nga
MAGKAHARAP sa isang mesa sina Gray at Tres. Kalmado silang pareho pero kakikitaan ng galit ang mga mata ni Tres. “Pagkatapos ng pinsan mo last week, ikaw naman ngayon. Anong balak niyo, linggo linggo akong suyuin?” Kunot ang noong tanong ni Tres. “Bakit dinaan mo sa dahas? Muntik mong mapatay ang anak ko.” Natawa si Tres. “Sana inisip iyan ng lola mo nang daanin niya sa dahas ang nanay ko.” Bumuntong-hininga si Gray. “Wala tayong magagawa kay grandma dahil ganoon talaga siya. Pero alam kong pinagsisihan niya ang ginawa niya.” “You think so?” Tumaas ang kilay ni Tres. “Itinaboy niya rin ako noon. Nasaan ang pagsisisi?” “I can't justify her actions—” “Sure you can’t.” Sumandal si Tres. “At wala ring kapatawaran.” “Ilana forgave you.” Nangunot ang noo ni Tres. “Iyan ang mahirap sa mababait, mga tanga.” Nagtagis ang bagang ni Gray. “Tanga ang tingin mo sa nagpapatawad? Kaya ba hanggang ngayon puno ka ng galit? Tristan, you hate our grandmother for doing that, but you're also doin
HALOS hindi humihinga si Ilana habang nakatitig si Gray sa kaniya. Kapwa mabilis ang pintig ng kanilang puso at walang patid ang pagtawag ng kanilang damdamin sa isa’t-isa. Ilana could feel it. The sincerity. The overflowing happiness. She knows that this is where her heart and fate is leading her to. Back to the arms of the man she loved so much. “Gray…” Ibinulong ni Ilana sa hangin ang pangalan ng lalaki. Kasabay ng pagtalon ng kaniyang puso sa epekto ng taong ito sa kaniya. He caressed her cheek, staring deeply into her eyes. “Alam kong malabo pa sa tubig kanal ang posibilidad na makalimutan mo ang ginawa ko…” Mahinang natawa si Ilana. “Bakit naman tubig kanal?” Kinagat ni Gray ang pang-ibabang labi. “Ang baho ng past mo sakin e.” Napailing si Ilana at hinawakan ang kamay ng lalaki. “We hurt each other, but we can't only focus on the pain and struggles. Nagkakasundo tayo noon. We share the same thoughts, ideas. You give me surprises, you give me contentment. Masyado lan
PAREHAS na nakatulala sa kisame sina Gray at Brian. Kapwa sila hindi makatulog. Hindi dahil hindi sila komportable kundi dahil iniisip nila ang iisang babae. “Bakit hindi mo siya niligawan noong highschool? Ikaw ang unang nakakita sa kaniya,” tanong ni Gray na siyang bumasag sa nakabibinging katahimikan. “I was a delinquent,” malamig na tugon ni Brian. “Marami akong kaaway. Marami akong binangga na gang. Ayokong madawit siya sa gulo at masira ko ang tahimik niyang buhay.” Bumuntong-hininga si Gray. “You graduated as a valedictorian. Madali ka niyang mapapansin kung nagpakilala ka lang. And about being a delinquent, I don't believe you can't protect her.” Nilingon ni Brian si Gray. Madilim ang paligid pero mula sa liwanag ng buwan na nanggagaling sa labas ay nakikita nila ang isa't-isa. “I planned to pursue her in college. Baka sakaling maayos na ang buhay ko noon…” “Dumating si Grant…” mahinang sambit ni Gray. “Hindi kaagad naging sila pero magaling bumakod ang pinsan mo
“HAPPY birthday to you! Happy birthday to you!Nakangiti si Ilana habang sumasabay sa kanta para sa anak. Nakatayo silang dalawa ni Nayi sa dambuhalang cake. Kailangan pa nilang tumuntong sa unang bahagdan para kahit papaano ay maabot nila ang kandila.Birthday ni Nayi ang pinaghandaan ni Ilana dahil para sa kaniya ay mas higit pa sa birthday gift ang pagdating ng kaniyang anak pero hindi niya alam na may ibang plano pala si Gray at ang kanilang pamilya.They made a surprise not only for Nayi’s birthday but also for her birthday. Alam ni Ilana na hindi nakalimutan ng mga Montemayor ang birthday niya lalo na’t kasabay ito ng birthday ng kaniyang anak pero hindi niya inaasahan ang bonggang surpresa ng pamilya.“Happy birthday…” Nakangiti si Gray nang iabot nito sa kaniya ang isang malaking gift box. Nag-abot rin ito ng para kay Nayi.“Salamat.” Ilana smiled sweetly.Who would’ve thought that after everything, sa pamilya pa rin ni Gray ang balik niya. Nagkasakitan sila noon pero malinaw n